CHAPTER FIVE- STRANGER FEELINGS “S-Sandali ano ‘to?!” Napahawak siya sa sliding door ng salon. “Akala ko ba gagawa tayo ng project?” Matapos kasing kumain ay umalis na kaagad sila. Akala niya ay sa napili ng mga itong lugar sila pupunta para magsimula gumawa ng project pero sa isang salon sa bayan siya dinala ng mga ito. “Make-over.” Simpleng tugon ni Mark na tinanggal ang kapit tukong kamay niya sa pintuan. “Pero bakit?” Reklamo niya habang pilit siya nitong pinapa-upo sa swivel chair. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. Hindi niya alam kung anong trip ng dalawa at kailangan pa niyang magpa salon. Hindi naman kasi buhaghag ang buhok niya. “Can’t you understand what make over means?” Nang-aasar na sabi ni Irvin na prenteng nakaupo sa upuan sa gilid. “Kailangan mong ayu