Chapter 3:

1454 Words
Hindi pa man siya nakakabalik sa sasakyan ay muli na namang tumunog ang cellphone niya at sa pagkakataong iyon ay ang kapatid na si Jake naman iyon. "Hello kuya?" Agad na sagot. "Where are you? Gutom na gutom na kami. Nasaan ka na ba?" Gigil nitong wika. "Okay give me five minutes,” aniya saka pinatayan at mabilis na pinasibad ang sasakyan. Naiintindihan niya naman ito batid niyang galing pa ito sa duty nito sa ospital at malamang ay may gig pa ito kaya nagmamadali. Agad na bumaba at patakbo papasok sa kanilang bahay. Agad na tinungo ang kanilang komedor at doon ay nakitang naroroon na ang lahat. Ngunit nanlaki ang mata niya ng makita roon ang kuya Lance niya.  "Kuya Lance, kailan ka pa umuwi?" Agad na bungad. Masaya siya at nakita ulit ito matapos ipadala ng magulang sa Amerika upang doon sumailalim sa mga operasyon. "Saan ka ba galing? Kanina  pa kami dito ah?” Sabad ng panganay na si Liam na mukhang masama ang timpla. "Kuya naman, niyaya kasi ako nina Franco at Darren. Hindi ko mahindian at pabalik naman na ako talaga kanina kaya lang—” tigil niya nang maalala ang babaeng tinulungan. Pilit pang inalala sa isip kung ano ang pangalan nito. "Ah oo Aryanna nga pala,” bulong niya. "Anong sinabi mo?" Gagad naman ng kuya niya. "Wala kuya. Sabi ko happy birthday to me. Birthday ko naman bakit mukhang galit yata kayo sa akin?” aniya saka humalik sa ina. "Oh siya maupo ka na anak at makakain na tayo. Ngayon lang ulit tayo nagkakasama-sama eh ganito pa. Sige na, since birthday mo at late ka. Ikaw ang mag-lead ng prayer,” utos ng ina. "'Ma?” Angil niya saka siko sa kuya Jake niya.  "Ikaw daw mag-lead. Birthday mo eh,” tudyo nito. Isa iyon sa ayaw niya kapag may gathering siya. Purke siya ang bunso ay laging siya ang nagli-lead ng prayer nila. Hindi naman makakain ang mama nila ng walang dasal. Kumbaga, dasal muna bago lamon. "In the name of the father—” pangunguna niya.  Nakitang nakapikit ang mama habang ang tatlong nakakatandang kapatid naman ay nakaabang sa kaniyang salitang bibigkasin. Muling siniko si Jake na nasa tabi niya. Ngumuso ito. Nagdilat ang kanilang ina. "Ganoon lang ba? Halla, Kiel sige na tapusin mo na ang dasal mo at makakain na tayo,” wika saka muling pinagsilahop ang palad at pumikit. "Lord, thanks for the food that we're about to eat. Amen,” aniya ng mabilisan. "Amen,” sabayang bigkas ng tatlong nakakatandang kapatid saka nagsimulang magsandok na.  "Hep hep! Ikaw Kiel, ayusin mo pagdadasal mo. Hindi ka man lang nagpasalamat dahil nagkaroon ka pa ng isa na namang pagkakataong i-celebrate ang birthday mo?" Gagad ng ina. Nagsibitawan ang mga kapatid sa nga kutsarang hawak. Muli ay nagsimula silang magdasal. "Lord, we thanks you for all the blessing that you give to us. Thanks for the opportunity to be unite despite of our busy schedules. Thanks also for this important day of my life, do hope you may continue to bless us as a family as well as an individual. Give the happiness we want and a good health to all of us.” Mahabang dasal ni Kiel nang bundulin siya ng paa ng kapatid ni Jake na tila sinasabing tapusin na niya ang dasal niya.  "Lord, make this food as a source of our strength to do what you plan for us. Amen." "Amen!" Sabayang bigkas nilang lahat. Saka na sila nagsimulang kumain. Abala silang kumakain lahat nang magtanong ang kaniyang mama. "Aba! Malalaki na kayo, twenty seven na itong si Kiel pero ni isang apo wala pa ako?" Turan ng ina. Lahat sila ay napatingin sa panganay nilang si Liam. "Oh,bakit kayo nakatingin sa akin? Bata pa ako?" Giit nito. "Thirty-five bata pa ba?" Sarkastikong wika ng ina na alam nilang nagbibiro lamang. "Ma, malay mo iyang si Lance o kaya itong si Jake may tinatago." Turo sa mga kapatid. "Kuya, mag-asawa na kasi at bigyan mo agad ng apat si mama,” tawa ni Kiel.  "Mauna ka na kaya,” anito na tila bad trip nga talaga. Maya-maya ay tumunog ang cellphone nito pero ilang ulit na nitong kinakansel. "Oyyy pikon itong si kuya,” aniya. Muling tumunog ngunit muli nitong kinansel. "Sino ba iyan kuya?” Hindi mapigilang tanong rito. "Kulit!" Inis na wika nito na tuluyang pinatay ang cellphone. "Pinipilit kasi akong kunin ang isang pelikula. Eh ayaw ko nga, paulit-ulit!" Banas na wika. "Aba! Bakit naman ayaw mo? ‘Di ba trabaho iyan?" Maang na wika ng ina. "Ayaw ko sa bida,” aniya rito. "Ayaw ko sa script!" Dagdag pa. "Bakit? Sino bang bida?" Sabad naman ni Jake. "Iyong sikat na loveteam ngayon,” aniya ng walang buhay. "Ah—si Dani pa iyon at sino na iyong loveteam noon?" Ani ni Kiel. "Oh as in, si Danielle Santibañez ba?" Sabad naman ni Lance. "Kilala mo?" Sabayang tanong ng lahat. "Yeah—few years ago. Meet here through Bruce sister,” anito saka muling nalungkot ng maalala ang kaibigan nito. "She's pretty tho,” dagdag pa. "So, bakit ayaw mo aa kanila?" Naiintrigang turan ni Jake.  Natahimik ang panganay nila. Tahimik silang lahat ng bulabuhin sila ng malutong na tawa ni Kiel.  "Aha! Don't tell me kuya kaya ayaw mong kunin dahil may—something ka kay Dani at ayaw mong makitang—” putol na wika ni Kiel nang bundulin ito ni Jake. "Sige asarin mo pa, galit na iniinis mo pa?” Bulong nito dahil tahimik na at matiim na nakatingin ang panganay sa kaniya. Napatigil tuloy siya. "Oh siya. Akala mo naman kaya ka hindi nakauwi agad dahil sa babae,” bawi ng panganay nila. Natigilan si Kiel. "Paano mo nalaman?" Aniya. Ito naman ang tumawa ng malutong. "Hinuhuli lang kita. Kita mo! Tama ako, may padahilan-dahilan ka pang kaibigan. Nambabae ka lang,” anito. "Ay tama na iyan. Bueno, ngayong naririto kayong lahat ay gusto kung pag-usapan natin ang kompanya. May kaniya-kaniya kayong career at ayaw niyo namang hawakan. Ang tito Fred niyo naman ay tumatanda na mas mabuting pag-usapan natin ang gagawin natin. Alam kung may sarili na kayong trabaho, may mga sariling trust fund galing sa inyong ama." Wika ng ina. Lahat sila ay muling tumingin kay Kiel. Kaya nga ito nag-aral ng business major in financing para ito ang hahawak sa kanilang kompanya. "Bakit kayo nakatingin lahat sa akin. I have my own work too,” aniya. "Pero ikaw ang nasa ganoong linya, dapat ikaw ang humawak. Ayaw mo noon, hindi ka na empleyado. Ikaw na ang boss,” giit ng tatlo. Wala siyang nagawa. "Okay fine pero paano naman ang posisyon ko." Giit niya.  "You're just a manager pero sa company nating ikaw ang CEO." Giit ni Liam. "Okay fine! Pag-iisipan ko,” aniya. "No. Ikaw talaga ang mamamahala noon,” giit ni Liam. "Pero kuya ‘di ba dapat ikaw. Ikaw ang panganay,” giit niya. "Wala doon ang forte ko,” sabad nito. "Anak! Ikaw ang bunso at naroroon ang propesyon mo. Ikaw naman talaga ang magmamana noon kaya please anak," awat ng ina. Ano pa nga bang magagawa niya. Gaya ng dati siya naman ang sasalo. Siya ang taga dasal, siya utusan, siya at siya. Siya na lahat. "Ahhhhh! Bakla!" Tili ng kaibigang si Melai. "Hoy! Bakit ka nagtititili diyan." Sikmat rito. "Bakla, natupad na rin ang matagal kong dasal." Anito habang abala siyang nagpapalit ng damit para sa susunod na sayaw nila. "Talaga? Ano? Nanalo ka ng lotto? Balato naman baklaaa," excited na turan. "Gaga! Hindi iyon bakla. Hindi ako tumataya ng lotto noh—bakla, natupad na ang dasal kong may maligaw na guwapo rito sa ating beer house. Graveness! May natanaw akong tatlong fafa kanina. Bata at guwapo—ahhhhhhh!” Nakakabinging tili nito. "Hoy bakla! Masisira eardrum ko sa'yo. Akala ko kung ano na." Aniya rito. "Dali na at baka sermunan na naman ako ni Tiyang. Ako na ang sasalang,” aniya. Saka nagmamadaling patungo sa entablado. "Bakla galingan mong gumiling para maibigan ka ng guwapong mama, kahit isa lang sa kanila.” Pahabol pa nito. Paglabas niya sa maliit na entablado ay kinabahan siya. Matagal na niyang ginagawa iyon ngunit ngayon lang siya kinabahan. Nagsimulang umailinlang ang malamyos na tugtog. "Bro! Ano bang ginagawa natin rito?" Gagad nina Franco at Darren sa pinasukan nila. Halos lasing na ilang kalalakihan doon.  "Oh yeah,” biglang saad ni Franco nang makita ang babaeng bubuka-bukaka sa entablado. “Infairness dude, kailan ka pa nawiling pumasok sa ganitong lugar?” Tawa ni Franco pero abala ang mata sa pagmasid sa mga naroroon. Bawat babae ay tinitignan. “Hoy Kiel,” untag pa sa kaniya. “Ha?” Hindi napigilang turan. Tumawa ang dalawa dahil mukha siyang lutang. Napailing na lamang ang mga ito at naglumikot din ang mga mata sa paligid. Habang si Kiel naman ay alisto ang mata hinahanap ang isang partikular na mukha. Matapos ng isang babaeng sumayaw ay nag-order na muna si Darren ng maiinom nila. Nang maya-maya ay dumilim ang buong paligid hanggang sa unti-unting nagliwanag at kasabay noon ay ang tugtug ng malamyos na musika. Nasumpungan sa entablado ang babaeng nakatalikod ngunit malamyos na sumasayaw. Mukhang belly dancer ito ayon sa indayog ng balakang at suot nito. "Nice!" Wika ni Franco na nawiwili sa pinapanood hanggang sa sumigla ang tugtog at humarap na ang babae.  "Wow!" Sabayang turan pa nina Darren at Franco habang siya ay nakatanaw lamang. Ito ang babaeng pakay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD