bc

Montecalvo Sibling: KIEL The Banker

book_age16+
24.4K
FOLLOW
134.8K
READ
opposites attract
confident
boss
drama
bxg
humorous
witty
city
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Aryanna, babaeng hahamakin ang lahat makalaya lamang sa pagiging GRO. Maging janitress ay papasukin. Paano kung ang boss na mag-i-interview ay kasing guwapo ni Kiel Montecalvo?

“Makatingin ang lalaking ito para akong huhubaran. Purke ba sa GRO sa club hindi na pwedeng umiba ng linya?”

“Paano ba naman kasi girl, sa iksi ng palda mo kita na pati singit mo!”

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"Wazzap men! Congrats sa ating hot and handsome friend. "Akalain mo iyon, nagkamal na naman ng milyon kahit paupo-upo lang,” gagad ni Franco. "Ulol! Dapat kasi mag-invest ka rin. Hindi lang babae ka nag-iinvest,” balik dito. "Well, ano Franco, babae ka lang daw nag-iinvest oh?” sabad naman ni Darren. "Atleast mamamatay akong nasasarapan,” katwa naman nito na kinatawa nilang tatlo. Saka bumaling sa kaniya. "Ikaw bro, napapasaya ka ba ng milyon mo?" Tanong nito. Natahimik siya at pasimpleng napatanong sa sarili. 'Masaya nga ba ako,' aniya sa sarili. Hinawakan niya ang baso saka tinungga. "Tignan mo bro, kaya mas mabuti ng sa babae kesa maging lonely ng aking kaibigan,” natatawang wika ni Franco. "Kaya bro, kailangan mo ng babaeng magpapainit sa gabi mo. Saglit lang at maghahanap ako,” anito saka tumayo. Napailing na lamang siya sa kaibigan. "Mukhang seryoso si Franco na hanapan ka ng magpapainit sa gabi mo bro. Humanda ka at mapapalaban ka, iba pa naman mamili ng babae iyang si Franco,” pang-gagatong pa ni Darren sabay tawa. Wala na siyang nagawa kundi ang sakyan ang mga kaibigan. Mukhang kailangan niya nga ng babae ngayon. Hindi nga sila nagkamali dahil pagbalik ni Franco ay may kasama na itong babae at mukha ngang palaban. Sa laki ng dibdib at pwet ang talagang kahali-halina. "Hi,” malambing na ngiti nito sa kaniya. Ngumiti rin siya rito. Hanggang sa ibuyo siya ng mga kaibigan at umalis na. Alam na niya kung saan niya dadalhin ang babae na halatang tipo rin siya. Wala pang bente minutos ay nasa loob na sila ng isang hotel. Pinagsasaluhan ang isang mainit na gabi. Nanabik din siya lalo pa at naging mapang-ubaya ang babae. Adventurous sa kama kaya mas lalong uminit ang gabi niya. Samantala, inis na inis si Aryanna dahil habang tumatagal siya sa trabaho niya ay hindi na niya naiiwasan ang mga panghihipo ng mga lalaki. Halos masuka pa nga siya kung hawakan siya ng mga ito. Mas malaki daw kasi ang kita kung magpapahipo siya. "Hoy! Bakit mukhang Biyernes santo na naman ang mukha mo." Turan ng kaibigang si Melai. "Naiinis na ako sa trabahong ito. Buti sana kung guwapo at mapera ang mga customer. Girl, mukhang mga taxi driver lang naman itong customer natin. Nakakasuka pa minsan ang pagmumukha." Busangot niya. "Wala tayong magagawa, dito tayo madaling kumita. Ako, nag-apply na akong maging casher sa mall. Hinanapan ako ng diploma eh wala naman ako noon?” Turan nito. "Kaya tiis-tiis muna. Para sa ekonomiya,” ani ng kaibigan. "Ano pa nga ba?" Aniya saka bumalik sa loob ng pipitsuging night club na iyon bago pa siya ratratin ng sermon ng tiyahin. Kinabukasan ay maaga siyang nagising kahit antok na antok pa siya. Plano niya kasing mag-ikot para humanap ng ibang mapapasukan kahit tagahugas ng kantina lamang o mangatulong siya. Sukang-suka na siya sa night club na iyon. "Oh! Ang aga-aga mo yatang gumising?" Sita ng tiyahin. "Hahanap po ng ibang mapapasukan tiyang,” tinatamad na wika. "Ano kamo? Mapapasukan? Aba akala mo siguro madali ang humanap ng trabaho ngayon? Kahit taga linis nga sa mall hinahanapan ng diploma. Ikaw may diploma ka nga ng high school, boba ka naman." Anito na nilalait siya. "Grabe ka naman tiyang,” angal niya. "Tama naman ‘di ba? Hay naku, naawa lang sa'yo ang mga titser mo kaya ka pinasa na sa high school,” dagdag pa nito. "Tulungan mo na lang ako rito para may maitulong ka. Iyong kinita mo kagabi ay nilagay ko doon sa lamesa," anito. Agad siyang napngiti. Ngunit agad na napalis ng makitang dalawang daan lang iyon. "Tiyang,” aniya. "Ano? Aangal ka na naman, ni ayaw mo ngang magpahipo. Kung gusto mo ng malaki-laking kita aba! Dapat ay karinyohin mo ang mga kostumer mo. Marami na nang nagrereklamo dahil sa kaartehan mo." Malakas nitong wika. Napabuntong hininga na lamang siya. Wala na talaga siyang magagawa. Kailangan na niyang humanap ng trabaho. Maya-maya ay nag-ring ang luma niyang cellphone. Iyon nga lang ang masasabi niyang kayamanan niya. Kahit walang wala siya ay pinilit makabili upang may koneksyon niya sa pamilya sa probensya. "Hello?” "Ahhhh! Bakla, may chika ako sa'yo. May hiring daw,” tili ng boses ng kaibigang si Melai. Agad siyang naging interesado sa sinabi nito. "Saan?" Agad na tanong. "Alam mo sa bayan. Doon sa may kanto katabi ng Jollibee?" Tanong nito. "Oo, anong meron doon?" Tanong niya. "’Di ba may bangko doon?" Tanong naman ng kaibigan. "Gossssh bakla! Huwag mong sabihing hu-hold-up-in natin ang bangko?" Gagad na tanong niya. "Ay grabe siya! Hold-up agad. ‘Di ba pwedeng mag-aapply lang?” "Ano naman aapply-an natin doon? Nagpapatawa ka ba?" Aniya na nawala ang excitement kanina. "Hindi naman kasi teller bakla. Hiring sila ng janitress parang waitress lang ‘di ba? Tiyak pasok tayo doon bakla,” excited na wika nito. "Janitresss?" Ulit niya. "Oo bakla. ‘Di ba sosyal. Sabi dito, high school diploma lang daw ay pwede na kaya pasok tayo dito baklaaaaa,” tili nito. "Talaga? Sige. Mag-aayos na ako at pupunta na tayo,” aniya rito. "Sure! Isuot mo ang pinakamaganda mong damit para makuha natin ang janitress na iyan,” ani ni Melai saka nawala sa linya. Agad siyang nag-imis upang katagpuin ang kaibigan. Gustong-gusto na niyang makahanap ng ibang trabaho. Agad naman itong nakita sa kanilang tagpuan. "Ay bongga iyang suot mo bakla. Taray!" Komento nito sa suot niyang miniskirt at isang plunging top niya. "Ikaw din naman bakla. Ang sexy mo diyan sa suot mo. Papasa na kaya tayo bilang janitress nito,” aniya na may pag-asang makakuha na ng bagong trabaho. Pagdating nila sa aapply-an ay may pila na. Agad siyang napatingin sa hawak ng mga ito. "Ate, ano po iyang hawak ninyo? Tanong nilang dalawa?" Napatingin sa kanila ang babae mula ulo hanggang paa. "Namali yata kayo ng pinilahan ineng,” anito. "’Di po ba dito iyong applyan?" Sabad naman ng kaibigang si Melai. "Iyong sa janitress daw?" Anito. "O—o,” alanganing turan ng ginang. "Mag-aapply din ba kayo?" Muling tanong. Sabayan silang tumango. "Kailangan niyo ng ganito. Bio data para ipasa mamaya." "Saan po kami makakabili niyan?" Agad niyang tanong. Agad naman nitong tinuro ang hindi kalayuang tindahan. Hinayaan niyang si Melai ang pumila sa pila nila at sumugod naman siya upang bumili ng bio data. Nang bumalik ay agad nilang sinulatan iyon. Madali lang naman lahat pero noong nasa skills na sila ay nagtinginan silang magkaibigan. "Manang, ano po iyong skills?" Naguguluhang tanong. "Ah iyon ba. Kung ano ang kaya mong gawin?” Turan nito. Mabuti na lamaang at mabait ang ginang. “Ahhhhh.” Sabayan pa nilang turan na magkaibigan. "Work,” basa sa susunod na nakalagay doon. Agad niyang sinulat ang kaniyang trabaho. "Yes! Tapos na,” sabayan nilang wikang magkaibigan. Tanghali na nang makarating si Kiel sa huling branch ng kanilang bangko. Iyon ang monthly routine niya. Ang tignan ang lahat ng financial stability ng lahat ng bangko nila sa buong lungsod. Pagpasok niya sa bangko nila ay nasilip ang linya ng ilang kababaihan sa gilid ng bangko sa labas. "Manong anong meron doon?" Tanong sa security nila. "Ah, pila po ng maglilinis ng buong vicinity sir." Ani ng guard nila. Tumango siya at tuluyang pumasok. Bumati ang lahat ng teller nila. May ilang nagpapa-cute pa. Muli ay napalingon siya sa labas. Glass mirror kasi iyon kaya nakita ang nangyayari sa labas. Nakitang mahaba ang pila ay tila nahihirapan na ang ilang nakapila hanggang maagaw ang pansin siya sa dalawang babaeng nakapila at ginawa nang pamaypay ang hawak na bio data. Napatigil siya at napatitig sa mga ito. Gusto niyang matawa dahil tila hindi naman pagiging janitress o cleaner ang a-apply-an ng mga ito dahil dinaig pa ang mga dancer sa club. "Sir, pasensiya na po. Nataon kasi na ngayon din ang apply-an. Mag-isa lang kasi si Mrs. Madrid dahil nagkasakit si Mrs. Tolentino." Wika ng isang teller dahil napansin nitong nakatingin siya sa labas. "Okay,” aniya. "Just give all the financial report of the bank,” aniya rito. Matapos iyong kunin ay agad siyang umikot at nakitang abalang-abala si Mrs. Madrid. "Hi,” bati. "Hi Sir,” agad naman nitong wika. "Want some help? I can help you,” aniya rito. Grabe ang inis ni Aryanna, mukhang hihimatayin na siya sa sobrang init lalo pa at hindi pa siya nag-agahan dahil sa kamamadali kanina. Nang maya-maya ay napansin na medyo dumaloy na linya. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Halos mapalundag siya nang matapos ang sinundan. "Number 115." Tawag ng guard. "Ikaw na bakla. Good luck!" Ang tili ng kaibigang si Melai. Nahuli pa kasi ito. Pagbungad niya sa isang cubicle ay nakita ang gwapong lalaki. Bigla siyang kinabahan. "Good morning sir," aniya rito. "Good morning too,” ang seryoso nitong wika. "Ah—sorry,” aniya sabay abot sa bio data niya. Grabe kabadong-kabado siya. Hindi niya alam kung papaaano niya papayapain ang sarili. Lalo na ang sobrang bilis ng kabog ng dibdib. Napapailing na lamang si Kiel nang makitang tila napapatulala pa ang babaeng nasa harap. Maganda naman ito kahit tila walang alam sa nais pasukin ito. Nang iabot nito ang bio data nitong nalukot na sa kapapaypay nito ay muli siyang napatingin sa babae. Napailing siya. High school graduate at galing sa probensiya ng Tarlac. Mas nakunot ang noo niya ng makita ang trabaho nitong nakalagay doon. Mas lalong kinabahan si Aryanna ng makitang binabasa ng lalaki ang bio data niya. Nagtaas ito ng tingin sa kaniya. "Sa tingin mo ay papasa kang janitress?" Deretsahang wika nito. "Oo naman, masipag naman ako at mabilis matuto,” aniya sa lalaki. "Isa kang G.R.O ‘di ba? Bakit gusto mo nang umiba ng linya?" Ani ni Kiel na medyo napapataas ng tinig. Nagkatinginan ang mga taong naroroon. "Hindi ba pwedeng umiba ng linya ang mga katulad ko?” Bulong niya dahil nahihiya na siya. "Depende,” ani ni Kiel at natutuwa siya sa nakikitang tila paggiging palaban ng babae. "Grabe ka sir. Kung hindi ako tanggap ‘di hindi. Wala kang karapatang maliitin at laitin ako,” inis na hablot ni Aryanna sa kaniyang bio data. "Hindi kita nilalait. Para sa akin hindi ka bagay sa pagiging janitress,” giit ni Kiel pero mukhang sarado ang isip ng babae. "Ganoon ba! Purke ba GRO lang ako,” aniya saka mabilis na tumalikod. "Hey miss—heyyyy." Habol pa niya. "Hey hey-in mo mukha mo! Kakainis, purke GRO ‘di na pwede umiba ng linya. Kakainis,” aniya palabas. Agad siyang hinarang ng kaibigan. "Ano bakla? Tanggap ka ba?" Agad na tanong nito. Umiling siya. "Tara na at tiyak hindi ka rin papasa. Bawal ang GRO dito,” aniya sa inis saka nagmartsa paalis. Napailing na lamang si Kiel. Buti na lamang at nasaulo niya ang pangalan at address ng babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Third Castillion

read
103.5K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K
bc

More Than Just A Lap Dance

read
93.8K
bc

Mr. Childish

read
203.5K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook