Chapter 4:

1705 Words
"Nakita mo ba iyon Bro?" Baling na tanong sa kaniya ni Franco.  "Ohhhhoooohoooo!" dagdag pa nang mag-split ang babae saka mabilis na tumayo habang umiindayog ang balakang nito. "Mata mo bro, luluwa na!" Umbag niya rito. Bumaling pa kay Darren na tila aliw na aliw sa pinapanood. "Perfect," usal pa ni Franco.  "Perfect ang alin. Ang sayaw?" Tanong ni Darren. "Ang puwet dude at ang dibdib. Panalooo,"  masayang turan pa ni Franco. "Puro kamanyakan na naman tumatakbo sa utak mo," salag dito.  "Don't tell me hindi mo napansin iyon? Pare 'pag hinubaran ko iyan tiyak tatayo lahat ng tatayo sa katawan mo," anito sabay tawa. Kilala niya ang kaibigan, malibog lang magsalita pero kapag kaharap na ang babae ay tumitino naman. Low class ang beerhouse na iyon. Mukhang mga taxi driver at ilang kalalakihan lang ang parokyano roon. Maingay ang mga lalaking nasa harap. Halatang ang ilan ay nakainom na. "Pero infairness pare maganda iyong bebot!" Seryoso nang turan ni Darren. "Huwag mo nang pangarapin bro, mukhang alam ko na kung bakit tayo hinila dito nitong kaibigan natin—ohhhh—ohh! Baka akala mo hindii ko napapapansin. Kanina ka pa," maya-maya ay usisa na ni Franco. Hindi lang ito maingay magaling din pala itong mag-obserba. Napailing na lang siya ng bigla siyang ilagay sa hot seat nito.  "Ano umamin ka na bro?"  Saad nito saka akbay sa kaniya. "Since ngayon ka pang ulit nagkagusto sa babae ay pagbibigyan ka naman." "Waiter!" Sigaw ni Darren. Agad na lumapit ang isang nakaputing lalaki. "Ano pong order niyo sir?" Magalang na wika nito. "Bigyan mo kami ng tig-isang beer saka may papel at ballpen ka ba?" Ani ni Franco. Agad naman bumunot ng lalaki sa bulsa nito. Agad na nagsulat si Franco sa papel saka binigay sa waiter. "Pakibigay sa mamasang ninyo," sambit sa waiter. Nakitang nanlaki pa ang mata nito ng makita ang nakasulat sa papel. "Hintayin natin ang order at tiyak mapapalaban ang ating kaibigan," pausal na wika ni Franco. Tumawa si Darren. "Mukhang mapapalaban itong si Kiel ah?" Malakas na tawa ng dalawang kaibigan. "Hoy kayo, tigil-tigilan niyo ako ah," sawata sa mga ito ngunit mas lalo pang nang-asar. Halos hindi na tapusin ni Aryanna ang number niya iyon. Sa 'di kalayuan kasi ah may tatlong lalaki at tutuk na tutok sa kaniya. Maayos pa siya ngunit pagharap niya sa mga tao ay isang partikular na lalaki ang nakita at hindi siya nagkakamali. Siya iyon. Naghiyawan ang mga kalalakihan pero ang tatlo ay matamang nanunood sa bawat galaw kasabay ng bawat pag-untag sa isa't isa. Bawat segundo na yata ay wala siyang hiling kundi ang sana ay matapos na ang number na iyon.  Tumatawa ang dalawang lalaki at tila inaasar ang lalaking iyon. Ang lalaking nanghiya at nanghamak dahil sa pagiging GRO niya. 'Buwisit! Nananadya ba siya?' Inis sa isipan. Muling tumingin siya rito. Matiim na nanunood ito hanggang sa tawagin ng kasama nito ang waiter. Patapos na rin ang number niya kaya mabilis siyang tinuon ang pansin sa pagsasayaw. Nang matapos ay agad na dinampot ang damit na tinanggal kanina saka pumasok sa backstage. "Ano girl, kita mo ba?" Agad na tanong ni Melai sa kaniya. "Iyon ba? Hay naku! Iyong isa doon—iyong isa doon. Iyon—iyon iyong nag-interview sa akin. Na hindi raw bagay sa akin maging janitress dahil kesyo GRO lang ako. Nakakabuwisit! Umaakyat ang dugo sa ulo." Aniya saka pumasok sa silid kung saan sila nagpapalit. Hindi pa siya nakakabihis pero naroroon na ang tiyahin at tila serena ng bombero ang bunganga sa lakas. "Aryanna! Aryannna." "Tiyang—ano pong nangyayari?" Gulat na tanong palabas ng silid. "Bilisan mong magbihis," anito na nahingal pa. "Bakit po tiyang. Ano pong nangyari. May nangyari ba kina inay?" Sunod-sunod na tanong. "Ano namang pinagsasabi mong bata ka? Walang masamang nangyari. Mabuting mangyayari kamo. Heto," anito sabay abot ng papel. "Bente mil isang gabi sa piling ng kaibigan namin. Miss Belly Girl." Basa sa nakasulat. "Bente mil," turan ni Melai. Saka tumingin sa kaniya. Nagtinginan silang dalawa.  "Sige tiyang magbibihis lang ako," aniya para iwan siya muna nito. Hindi niya alam kung papatusin na iyon para makaalis sa trabahong iyon. "Ano girl kukunin mo ba?" Tanong agad ni Melai ng makapasok muli sila sa silid. "Hindi ko alam. Kasi kung kukunin ko parang kinain ko na rin ang nga salitang binitawan ko." Aniya rito. "At saka handa na ba akong isuko ang p********e ko sa bente mil?" "Malay mo pag nasarapan doblehin," anito. "Gaga!" Aniya sabay batok rito. "Grave siya oh—nagbibiro lang beshy pero isipin mo. Kapag kinuha mo maaaring ito na ang huli mo dito sa club. Pwede mong mamuhunan sa palengke o di kaya ay konting pagkakakitaan," ani ni Melai. Napaisip din siya. Tama ito. Isang gabi kapalit noon ay makakaalis na siya doon. Nagtatalo ang isipan kung tatanggapin ba o hindi. Nakabihis na siya. Isang simpleng fitted tshirt at tinernuhan niya ng maong na palda hanggang kalahati ng hita niya. Nabili niya iyon sa ukay-ukay. Kahit papaano ay nagmumukha naman siyang sosyal kahit sa ukay-ukay lang. "Ano? Deal or no deal?" Tanong ni Melai. Katok sa pintuhan ang pumutol sa kanilang usapan. Alam na niya kung sino iyon. Ang kaniyang tiyahin. "Ano na? Lalabas ka ba diyan Aryanna. Naghihintay ang kustomer," anito. "Okay po lalabas na tiyang," turan. "Ano sa tingin mo bro, kukunin ba ang offer mo? Mukhang kalahating oras na wala pa rin," ani ni Darren. Nakaka-tig-tatlong bote na sila ng beer at wala pa ring lumalapit sa kanila. Tahimik lang si Kiel habang tumutungga. "Bro, huwag mo masyadong dibdibin," pang-aasar pa ni Franco. Ngunit biglang nag-iba ang tinig nito. "Woooohoohoo. She's coming," bulong nito sa kaniya. Napatigil siya.  "Hi," malambing na tinig buhat sa likuran. Sina Franco at Darren tila napipilan dahil hindi makapagsalita kaya lumingon na siya. "Oh hi—have a seat," agad na bawi ni Darren.  "Salamat pero hindi ako nagpapa-table dito baka kasi sabihin ng ibang customer namimili ako ng customer." Turan niya. Grabe ang kaba niya lalo pa at matamang nakatitig sa kaniya ito. Ang dalawang lalaking kasama nito ay okay lang hindi siya ganoon kakaba. "Ohhhh sure, sure!" Awat na turan ni Franco. "Hintayin ka na lang namin sa labas." "Okay good. Kukunin ko lang ang gamit ko." Aniya saka ngumiti at sumenyas. Hindi na niya nilingon ito at mabilis na tumalikod. "Oh hohooooo, kaya pala iba ang tama ng kaibigan natin. Anghel pala ang mukha bro. Ang ganda," gagad ni Franco. "Ang ingay mo baka marinig ka,@  aniya rito. "'Pag tinamaan nga naman," pang-aasar pa ni Darren.  "Let's go," yakag nito papalabas. Paglabas nila ay nagpaalam na ang dalawang kaibigan. Binayaran na rin ni Franco ang lahat ng bills. "Enjoy!" Bulong pa nito sa kaniya. "Aalis na kami bro. Enjoy your night, balitaan mo kami kung ilang round." Tawang-tawang wika saka sumaludo pa sa kaniya bago pumasok sa kani-kanilang sasakyan ang dalawa. Mag-isa na lang siya roon nang lumabas ang babae. "Hi," siya na ang unang bumati rito. "Oh hi," aniya saka hinanap ang dalawang kasama nito. "Umalis na sila," aniya.  Doon ay kinabahan na naman si Aryanna. So, ito pala ang makakasama sa isang gabi. Gusto na niyang mag-backout. "Saan tayo?" Tanong sa lalaki. "Where do you want to go?" Tanong nito. "Kahit saan." "Okay sure," ani ni Kiel saka naglakad patungo sa kinaroroonan ng sasakyan. Agad na pinagbuksan ang babae ng pintuan sa kaniyang tabi. Pumasok ito.  Iba ang kabang umaalipin kay Aryanna. Pagpasok pa lang sa magara nitong sasakyan. Hindi niya alam kung papaano siya gagalaw. "Are you okay?"  "Yeah, okay lang ako."   Napatunganga siya ng ipasok nito ang sasakyan sa front entrance ng isang magarang hotel sa Makati. Grabe, first time niya iyon. Pagbaba nila ng sasakyan ay agad na kinuha ng ilang tauhan ng hotel ang sasakyan nito at ngumiti sa kaniya. Napatigil siya. "Follow me," ani ni Kiel sa nag-aalangang babae. "Dito tayo?" Tanong rito. "Yes. Kakain lang tayo," ani ni Kiel.  Sosyal ang lugar at hindi alam kung tugma ba ang suot sa ganoong kasosyal na lugar. Nang makitang nag-aalangan ang babae ay walang anu-anong hinawakan ito sa palad at magkaholding hands silang naglakad patungo sa restaurant ng hotel. Walang nagawa si Aryanna kundi ang pagpatianod sa gusto ng lalaki. Sosyal din ang pagkain at hindi alam kung ano ang oorderin. Nakailang tingin siya rito. Umorder na si Kiel ngunit hindi pa rin siya makapili.  "Kayo po ma'am ano po order niyo?" Tanong ng babae. "Ahmmmm. Dito na lang sa tenderloin steak with asparagus on the side," turan niya. "Salamat," saka yumukod pa sa babae sabay ngiti. "Do you want some wine?" Tanong ni Kiel sa babae. "No thanks. Hindi po ako umiinom," turan dito. Napangiti si Kiel. First time na may mag-po sa kaniyang babae. "Okay, good for you." Nangingiting wika. Matapos ng isang enggranding dinner ay muli silang nasa loob ng kotse ng lalaki. Hindi alam ni Kiel kung ihahatid na ba ito o dadalhin sa kaniyang condo. Pasimple siyang sumulyap dito. Tahimik lamang ito. Napatitig siya sa legs nito at napalunok. Hindi niya alam kung bakit iba ang tinatakbo ng isip niya ng sandaling iyon. Agad na pinasok ang sasakyan sa basement parking ng building nila.  Nangatog ang tuhod ni Aryanna nang makarating sa isang building. Inipon ang lahat ng lakas at pinakalma ang sarili.  "Ito na ang huli, at least sa gwapo mo isusuko ang pagkabirhen mo." Pangungonsola sa sarili. Nasa elevator na sila pero nagtatalo pa rin ang isip ni Kiel. Habang tahimik silang dalawa, nakikita niya ang repleksyon nilang dalawa sa dingding ng elevator. Parang deni-demonyo ang utak kapag nakikita ito. 'Kiel, pagbigyan mo ang sarili mo. Isang gabi lang naman. Titikman niya lang ito kagaya ng ibang mga lalaking nakakuha na dito.' Aniya sa isipan. Pinauna niyang pinapasok ang babae sa kaniyang unit at pagkapasok nito ay agad na ini-lock ang pinto. Saka siya nanglakad patungo sa kinatatayuan ng babae. Nabigla si Aryanna sa paghawak sa kaniya ng lalaki. Kaya napapiksi siya. Napailing si Kiel. Mukhang lumalaban pa ang babae pero batid naman niyang sa trabaho nito ay maraming lalaki na ang nakakuha rito. Mabilis na hinawakan ang dalawang kamay nito saka hinila at hinalikan sa labi nito. Malambot ang labi nito. Matamis ang bawat halik rito. Gumagala ang mga halik niya sa pisngi nito nang malasahan ang maalat na likido doon. Napatigil siya. Nakitang lumuluha ito kaya tila natigilan siya. Naalala ang kaniyang mama. Mabilis niya itong binitiwan. Saka naglakad patungo sa kaniyang sofa. Pabagsak na umupo roon habang nakatingin sa babaeng lumuluha. Tinanggal niya ang sapatos. Saka huminga pahilata sa sofa. Ilang minuto silang nasa ganoon. Tumayo si Kiel at nilabas sa isang drawer ang check book niya. Pinirmahan iyon at sinulat ang halagang singkuwenta mil. Nilapag sa mesa malapit sa babaeng impit na umiiyak.  Saka muling tinignan ito. Nakayuko ito at batid niyang umiiyak. Saka tumalikod at pumasok sa silid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD