Nakabalik na si Kiel sa main office nila ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ang babaeng nag-apply kanina. Hindi niya maiwasang mapangiti habang naaalala ang mukha nito. Kung papaaano ang maamo nitong mukha ay naging mabangis na tila lion.
"Aaaahhhheeeemmmm! Ahhhhheeeemmmmm!” Eksaheradong tikhim buhat sa kaniyang pintuhan. Agad siyang nagtaas ng tingin at nakita ang kaibigang si Franco. "Mukhang hindi mapuknat-puknat ang ngiti natin ah?" Puna nito.
Ang ngiti ay napalitan ng tawa.
Napailing ang kaibigan. "Mukhang malala na iyan bro,” anito. "Baka pwede mong ishare at maka matawa naman ako,” gatong nito.
"Akala ko ba masaya ka sa mga babae mo. Akin na lang ito bro. Anyways, bakit ka naririto?" Maang na tanong rito.
Doon ay tuluyan itong tumawa. "Damot naman!" Anito sabay hagalpak at saktong pasok naman ni Darren.
"Hey! Hey! Hey! Mukhang nagkakasiyahan na kayong dalawa ah?” Sabad naman nito.
"Ito kasing si Kiel dude. Biruin mong ngiting-ngiti mag-isa. Mapagkakalan mo pa ngang may saltik sa isip sa todo ngisi nito,” eksaheradang kuwento ni Franco.
"What’s new man?” Agad ba usisa ni Darren sabay lapit.
Ngunit sinagot niya rin ng pag-uusisa kung bakit naroroon ang mga ito.
“Wait? Bakit kayo naririto, aber?" Gagad dito.
Nagtinginan ang dalawang bagong dating. "Malala ka na bro. It’s your birthday kaya nandito kami," ani ng mga ito.
Napakunot noo siya at agad na napatingin sa journal calendar niya. Oh yeah, his 27th birthday.
Napailing na lamang ang mga kaibigan. Pati birthday niya ay nakalimutan niya kaya pala panay ang paalala ng mama niyang umuwi sa bahay nila mamayang dinner.
"Ano bro, inagahan namin ang pagpunta rito para mabati ka tapos hindi mo alam na birthday mo?” Tawang wika ni Franco sabay sapo sa noo nito.
"I got so busy,” aniya ng agad na sumabad si Darren.
"Masyado kang nagpapayaman bro kaya nakakalimutan mo ang mga dapat ay importante. Gaya ng girlfriend, bro tagal na noong last na gf mo. Wala ka pa bang planong palitan I mean maghanap,” ngisi ni Darren.
"Nagtataka na talaga ako kung bakit ko kayo naging kaibigan lagi niyo akong inaalaska. Akala niyo naman ang titino ng mga relasyon ninyo?” Aniya sa mga ito.
Muling nagtawanan ang dalawa. "At least kami magulo man, may karelasyon. Ikaw bro? Wala!" Anito ng mga ito sabay iling pa.
"Okay. Let’s go!" Aniya sabay tayo.
"Saan?" Tanong ng mga ito.
"Ano pa! ‘Di ililibre ko kayo,” aniya.
Agad na napatingin si Darren sa relo. Aga bro, wala pang bukas na bar ngayon," anito.
"Hindi ako pwede mamaya. Mom keep sending message reminding me to be home for dinner." Wika sa mga ito.
"Okay, tara!" Ani ng mga ito.
Wala naman silang pupuntahan sa ganoong oras kundi sa hide out nila. Sa isang shooting range. Isa iyon sa favorite nilang puntahan kasi nawiwili sila sa target shooting. Atl east doon ay nagagawa rin nilang magsaya.
"Mata mo bro!" Sikmat niya kay Franco. Nanlalaki na naman kasi ang mata habang nakatingin sa ilang kababaehang nasa kabilang panig.
"Tingin ka forty-five degrees left,” bulong nito.
Agad naman siyang tumingin. Umiling siya.
"What?” Gilalas nito. "Bro, perfect ang katawan. Ang pwet bro, nakakagigil,” anito na napakagat labi pa.
"Bro, ibang baril ang pinapagana mo,” pabulong na wika ni Darren. Saka sila nagtawanang tatlo.
"Ito na lang, fifteen degree right side,” ani ulit ni Franco.
Abala siya sa pg-asinta saka muling nagpaputok. "Bilis na bro, alam ko magugustuhan mo ito." Pilit nito.
"Bro, pass ako diyan,” wika.
"Bro, pagtumingin ka ‘di ka magsisisi,” pangungulit ni Franco.
"Well—not bad,” tinig ni Darren. Na-curious siya kaya napatingin siya.
Maganda nga ang babae. Mukhang galing sa alta-sosyal ding pamilya. Nakitang tuwang tuwa ito sa ginagawa. She look a bit familiar sa kaniya pero hindi maaalala.
"Ano, maganda ‘di ba?" Wika ni Franco.
"Yeah pero ‘di ko type,” aniya saka binalik sa pag-asinta sa hawak na baril.
"Whaaaaaaatttt?” Muling gilalas ng kaibigan
"Bro, huwag mo nang ipilit. Baka isa sa atin ang tipo nitong si Kiel,” biro na ni Darren saka naghaglpakan ang dalawa.
Tumawa siya dahilan para matigilan ang dalawang kaibigan.
"Well, tama kayo. Gustong-gusto ko kayong pag-untugin. I find someone and I think I like her,” aniya saka inimagine ang mukha ng babaeng nakaharap noong isang araw.
"Naks! Baka naman pwedeng makilala ang malas na babaeng nakasilo sa mailap na puso ng aming kaibigan,” biro ni Franco.
"Huwag muna ngayon. Kilala kita baka siraan mo pa ako!" Balik birong wika.
"Sakit noon ah!" Anito saka sila nagtawanang tatlo.
"Bakla! Kanina ka pa hinahanap ng masugid mong kustomer,” tinig ng kaibigang si Melai sa kaniyang likuran.
"Shhhhh! Bakla huwag kang maingay. Pinagtataguan ko nga ‘di ba?" Aniya rito.
"Ano ka ba? ‘Di ba siya lang ang kustomer mo na medyo malaki magbayad?" Giit nito.
"Malaki nga pero baklaaaaa—”
"Anoooo?”
"Nakakasuka na! Hindi na lang hipo, may kasama nang himas. Grrrrr!” Aniya saka tila nanginginig pa. "Amoy lupa na bakla,” aniya dahil nasa sixties na kasi ito.
Tumawa ang kaibigan. "At least may asim pa bakla,” biro nito.
"Ngek! Anong may asim pa. Pero okay na rin dahil hanggang himas na lang siya. Naku kapag natayo pa ang manoy—” Putol na wika ng marinig ang mala-serenang boses ng tiyahin.
"Aryanna, nasaan ka na namang bata ka? Bakit mo pinaghihintay si Mr. Wang. Malaki pa namang magbayad ang suki mong iyon. Tumayo ka na riyan at puntahan mo,” ratrat ng tiyahin.
"Pero tiyang.”
"Ay walang pero-pero. Pera na magiging bato pa. Alalahanin mo kailangan ng kapatid mo ng pang-aral at ang nanay mo may sakit. Kaya halla! Magtrabaho ka,” litanya nito.
Wala siyang nagawa kundi ay tumayo upang puntahan si Mr. Wang.
Naaalibadbaran man siya sa mga hipo at himas nito ay wala siyang nagawa pero mapilit ang matandang ilabas daw siya. Gusto siyang isama sa labas upang kumain daw pero iba ang kutob niya.
"Aba! Ayaw naman ng pamangkin mo Delia?" Anito sa tiyahin.
"Tiyang ayaw ko po,” iling niya.
"Ay ang arte mo talagang bata ka. Kakain lang naman sa labas. Mag-eenjoy ka na, busog ka pa at may pera. Ah, magkano ba ang ibabayad mo kapag sumama itong si Aryanna sa iyong kumain sa labas?” Anito na mas interesado pa sa pera.
"Tiyang?” Pigil niya rito.
"Ay tumigil ka!" Sikmat naman nito.
"Mga dalawang libo,” ani ng matanda.
Nanlaki ang mata ng tiyahin. "Dali na at sumama ka na. Habang maaga pa. Alas otso pa lang naman. Pag nakakain na kayo ay pwede ka nang magpahinga." Wika nito.
Wala na siyang nagawa ng ipagtulakan na siya ng tiyahin.
Napamura si Kiel ng magulantang siya ng makita ang ilang misscall ng mama niya. Late na pala. Kailangan na niyang makauwi.
Short cut na siya para hindi abutin ng trapiko. Napapalo pa ang kamay niya sa manebila ng biglang mag red light ang traffic sign.
“Kung minamalas nga naman,” inis na wika niya.
Muli ay tumunog ang cellphone niya at nakitang ang kuya Liam niya iyon. "Hello.”
"Where are you?" Bungad nito.
"On my way,” aniya ng maagaw ang pansin niya sa babaeng hawak-hawak ang sandalyas nito habang tumatakbo patawid at sa likod nito ang may katandaan ng lalaki.
Napakunot noo siya. Nakilala niya ang babae. Ito iyong nag-apply sa kaniya.
"Hello Kiel! Hello—hellloo." Tinig ng kapatid sa kabilang linya pero hindi na niya pinansin iyon.
Busina ng mga sasakyan sa likuran niya ang sunod-sunod na narinig. Agad siyang lumiko sa intersection at pinarada ang sasakyan sa isang service roon saka tumakbo patungo sa direksyon ng babae.
Nakitang tila inaaway nito ang matandang lalaki.
"Binayaran kita kaya pwede ba huwag ka nang mag-inarte? Ang katulad mo pera lang ang katapat!" Wika ng lalaki.
"Neknek mo! Sabi mo kakain lang sa labas at hindi mo ako binayaran. Gusto mo balikan mo sa tiyahin ko ang pera mo? Bakit hindi ang tiyahin ko ang kaladkarin mo sa motel tutal naman magkapareho kayo,” sigaw naman pabalik nito.
“Letse! Ang arte mong babae ka. Sa dami ng lalaking nakahimas sa’yo!” Wika ng matanda.
“Letse ka rin! Kung ganoon pala eh bakit ka nagtitiyaga sa akin. Gago!” Banas sa lalaki.
Nakitang nagngalit ang panga nito.
Muling hahawakan siya ng lalaki.
"Aray! Ano ba bitawan mo ako?”
Nang makita ni Kiel na mukhang walang plano ang matanda na bitawan ang babae ay agad na siyang sumabad.
"Bitawan mo siya!" Agap niya sabay labas sa kinaroroonan.
"Sino ka naman?” Kunot noong tanong ng matanda.
"Boyfriend niya. Kaya bitawan mo siya o gusto mo pang tumawag ako ng pulis at sabihin kong ginagahasa mo ang kasintahan ko,” aniya. Bakas sa mukha ng matanda ang takot. Agad nitong binitawan ang babae saka umalis.
Nakitang napayakap ang babae sa sarili dahil sa kakarampot nitong damit. Agad na hinubad ang leather jacket at inabot iyon sa babae.
"Ito, isuot mo bago pa pagpiyestahan ng mga tao ang katawan mo?” Aniya sa babaeng tila basang sisiw.
Tumingin si Aryanna sa lalaki saka unti-unting inabot ang jacket nito.
"Sala—”
Agad na tumalikod si Kiel pabalik sa sasakyan niya.
"Salamat!" Malakas na lamang sigaw ni Aryanna upang magpasalamat sa lalaki. Hindi man masyadong kita ang mukha dahil malayo ang poste ng ilaw sa kinaroroonan nila.
“Salamat talaga,” sigaw pa nito.
Napangiti na lamang siya saka muling nilingon ang babae. Napailing siya.
Suot na nito ang jacket niya habang hawak nito ang sandalyas na kinakaway pa nito.