Nang marinig ang pagsara ng pinto at napatingin siya doon. Wala na roon ang lalaki pero sa mesang katabi ay naroroon ang isang tseke.
Nanginginig ang kamay na inabot iyon. Nanlaki ang mata ng makita ang nakasulat roon. Singkuwenta mil. Pinahid ang nga luha saka tumingin sa pintuhang pinasukan ng lalaki. Ilalapag na niyang muli ang tseke ng mahagip ang larawan nitong nakapatong roon.
Napatigil siya at tumitig sa larawan ng lalaki. Sa kabila ng pag-iyak ay lumitaw ang munting ngiti sa labi niya. Guwapo ang lalaking nasa larawan.
Tuluyang nilapag ang tseke pabalik sa mesa saka tumalikod na at tutunguhin na ang pintuhan paalis roon ng muling mapatigil. Nag-isip. Saka bumalik sa mesa at dinampot ang isang bagay. Matapos noon ay mabilis siyang tinungo ang pintuhan at nilisan ang lugar ng lalaki.
Pagpasok ni Kiel sa silid ay hindi niya mapigilang malamukos ang mukha sa sobrang pagsisisi sa nagawa. Gigil na gigil sa sarili. "Naman," turan sa prustrasyon.
Agad siyang napupo sa kama at sapo ang ulo. Nakiramdam sa babaeng iniwan sa sala. Tagal bago nakarinig ng anung kaluskos batid na niyang umalis na ito dahil tunog lang ng pintuhan ang narinig niya.
Agad din siyang tumayo at bumalik sa sala. Napatigil siya ng makita pa rin doon ang tseke. Hindi iyon kinuha ng babae kaya mabilis siyang tinungo ang pintuhan upang habulin ito ngunit wala na.
Nanlulumo siyang bumalik sa loob ng kaniyang condo. Muli ay nainis sa sarili sa nagawang kapangahasan dito. Buti na lamang at nagawa pa niyang kontrolin ang kaniyang libido. "Buwisit!" Inis niya saka pinilas pilas ang hawak na papel.
Naiiyak si Aryanna ngunit mapilis na pinalis ang luha ng may makasabay ito sa elevator. Iiwan na niya ang lugar na iyon. Nang nasa third floor na ang elevator ay bumakas iyon at lumabas ang kasama sa elevator. Muli siyang napag-isa.
Dahil bakat na ang mumurahing maskara sa mukha ay napayuko siya ng ganap na marating ang ground floor ng building na iyon. Paghakbang papalabas sa elevator ay may nakabungguan siya. Agad siyang napaangat ng mukha at bigla ay kinilabutan siya ng makita ang mukha nito. Guwapo sana pero may malaking hiwa sa mukha nito.
Napatigil siya. May pagkahawig ito sa lalaking iniwan. Maganda ang pangangatawan nito pero sunog ang ibang parte ng mukha nito idagdag pang paika-ika itong maglakad.
Napatingin din ito sa kaniya at nang makitang natakot siya at agad itong pumasok sa elevator.
Katok sa pintuhan ang bumulabog sa tahimik na si Kiel. Agad siyang napatayo, baka kasi bumalik ang babae. Mabilis na tumayo at tinungo ang pintuhan, hindi na sinilip kung sino ang nasa pintuhan.
Pagbukas niya ay nabigla siya ng makita roon ang kapatid.
"Kuya Lance!" Gulat na turan.
"Ganoon na ba ako kapangit na parang nakakita ka ng multo?" Turan nito.
Agad namang nakabawi si Kiel. "Hindi naman kuya, nabigla lang ako. Anong ginagawa mo rito?"
"Hindi mo ba ako papapasukin?" Anang ng kapatid sabay hakbang papasok sa unit niya. Agad nitong napansin ang napilas-pilas na tseke at tumingin sa kaniya.
"Lilinisan ko pa lang kuya. Upo ka muna. Bakit ka nga pala nadalaw?" Tanong rito habang tinungo ang mini-kitchen upang kunin ang walis.
"Hindi ako nadalaw. Dito na muna ako, sa bahay kasi si mama tila tinuturing akong bata." Banas na wika nito.
Doon ay naptawa si Kiel ng malakas. "Alam mo naman si mama. Kung binibigyan niyo na kasi ng apo para 'di kayo ang asikasuhin," turan habang winawalis ang mga piraso ng papel.
Nabaling sa ginagawa ang pansin ng kapatid. "Bakit naman tila nagpilas ka yata ng kayamanan mo," sarkastikong wika.
"Wala ito. So dito ka muna kuya?" Pang-iiba sa pansin nito.
"Oo, maliban na kung may babae kang dinadala rito?" Panghuhuling wika nito.
"Wala ah," agad namang salag ni Lance.
"Wala daw," mapanuring tingin sa bunso nila. Oo binata na ito at marunong nang magtago. Batid niyang doon nanggaling ang babaeng nakabunggo kanina sa elevator. Napansin kasi niyang hawak nito ang isang frame ng kapatid. "Akala ko kasi dito nanggaling iyong nakabunggo ko kanina sa elevator," turan pa dahilan upang tuluyang makuha ang pansin ng bunsong kapatid.
"May nakabunggo ka?" Gulat na tanong nito.
"Ohhh, tignan mo!" Turo nito sa mukha niya sabay tawa ng kuya Lance niya.
"Baka mamaya, unahan mo pa kaming tatlo," anito saka tapik sa balikat nito.
Napailing na lamang si Kiel habang dinadakot ang inipong pilas na papel. Nakitang nagpunta sa kusina niya ang kuya Lance niya. Tila naghahanap ng makakain nito at nang walang makita ay hinablot na lang ang bread at kumuha ng piraso noon at kinain.
"She's pretty tho," dagdag na turan nito.
"Huh!"
"The girl. She's cute," ngising wika nito na halatang inaasar siya.
"Nothing happen kuya. Kaya huwag mo akong asarin," aniya.
"Wala akong sinabi," sabad nito.
Wala siyang nagawa kundi ang umiling-iling na lamang.
Kinabukasan ng gabi ay naroroon ulit si Kiel. Hindi na niya sinabihan sina Darren at Franco. Batid niyang abala rin ang mga ito. Kaya lang mag-iisang oras na siyang naroroon ngunit wala pa rin ang pakay na babae. Kaya hindi na niya maiwasang magtanong.
"Ah si Aryanna po ba sir. Naku, hindi po pumasok ngayon," turan ng waiter. Nanlumo siya kaya umuwi na siya.
Nang sumunod na gabi ay naroroon ulit siya ngunit gaya ng mga nagdaang gabi ay walang Aryanna hanggang sa naisipan niyang i-table ang isang dancer doon upang makakuha ang impormasyon kung nasaan ang babae.
"Hi," isang malambing na tinig.
"Hi, have a seat," turan sa babae.
"Thanks, ako nga pala si Melai." Maarteng wika nito.
"Good to meet you Melai. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa—" putol na wika.
"Si Aryanna ba?" Sabad naman agad nito.
"Yeah. Alam mo ba kung saan ko siya pwedeng makita?" Tanong rito.
Napakamot ulo ito. "Kasi, aheeemmmm. Hmmm—sir, sorry pero ayaw kasi ng beshy ko na ipagsabi ko nasaan siya lalo na sa'yo?" Alanganing turan ng babae sa kaniya.
Naphigpit ang hawak sa bote ng beer. "Tatlong libo," aniya rito. "Saan ko siya mahahanap?" Tanong dito.
Nanlaki ang mata nito. Solve na kasi ang gabi nito kahit hindi na magpa-table pa.
"Sir, hindi po talaga. Papatayin ako noon eh," anito.
"Limang libo," tawad pa niya.
"No deal sir, sorry baka itakwil akong maging kaibigan siya." Giit nito.
Nauubos na rin ang pasensiya sa kausap kaya tinudo na niya. "Okay. Sampung libo. Take it or leave it. Just tell me where I can see her? You have the money. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman siya sasakyan." Giit niya.
Napatigil ito. Nag-isip. Ilang minuto rin iyon saka tumingin sa kaniya.
"Okay, basta huwag na huwag mong sasaktan ang best friend ko dahil kapag ginawa mo iyon. Sinasabi ko sa'yo. Kukuyugin ka ng buong barangay namin," anito.
"Yes, promise," turan.
"Kasi naman eh. Okay, ayaw na niyang magtrabaho sa dito. Matagal na, napilitan lang dahil wala siyang mahanap na trabaho dahil nag-aaral ang kapatid at may sakit ang inay niya. Mula ng gabing pinasama sa'yo ng tiyahin niya ay hindi na siya bumalik sa poder ng tiyahin niya. Umuupa siya ng maliit na silid sa palengke at nagtitinda sa may isdahan," turan ng babae.
"Isdahan?" Ulit niya.
"Yes. Fish. Isda—sa palengke." Sunod-sunod na saad nito.
"Okay thank," aniya saka nilabas ang wallet at binilang ang sampung lilibuhin.
"Naku sir, huwag na po. Mukha kasing tipo mo ang beshy ko. Kaya sinabi ko na sa'yo. Halos gabi-gabi na kitang nakikita rito," ani pa nito ngunit pilit na binigay ang pera. Sa katatanggi nito sa huli ay kinuha rin iyon at nagpasalamat sa kaniya.
Tagaktak na pawis ang mukha ni Aryanna. Hirap na hirap siyang hilain ang banyera ng isdang ilalako sa palengke.
"Miss, tulungan na kita." Wika ng lalaking kargador na mukhang may tama sa kaniya. Wala kasing araw mula ng magsimula siyang magtinda na naroroon ito at tinutulungan siya.
Tumayo siya at napamaywang saka ngumiti rito. "Salamat ulit," aniya saka hinayaan na itong buhatin iyon.
"Bakit ka ba kasi naririto? Hindi bagay sa'yo ang magtinda sa palengke. Sa ganda mong iyan," turan nito habang naglalakad sila.
"Hay naku! Hindi lang din sapat ang ganda lang para magtrabaho sa mall. Naghahanap sila ng diploma at wala ako noon," aniya.
Mabilis na binunot ang bente sa suot na apron na may malaking bulsa at binigay rito. Hindi iyon kinuha ng lalaki.
"Huwag na. Basta kailangan mo ng tulog nandito lang ako," ani ng lalaki.
"Ano ka ba? Ito ang trabaho mo kaya kunin mo na ito?" Giit sabay hawak sa kamay ng lalaki.
Tumanggi rin naman ang lalaki saka kumindat lang ito sa kaniya.
Pinunas niya ng bimpo ang mukha saka nagsimula na siyang magsalansan ng isda sa kaniyang pwesto.
Maingay ang palengke at hindi siya nagkamali. Naroroon nga ang kaniyang pakay. Nakitang may kasama itong lalaki. Nag-usap sila. Nagngitian. Kinuha ng lalaki ang hila nitong palanggana ng isda saka naglakad. Muling nag-usap. Nagngitian. Tila may inaabot pa ang babae rito.
Matamang nakatingin lamang si Kiel kay Aryanna. Naaawa siya rito pero mas nanaig ang paghanga sa ginagawa ng babae. Habang naroroon ay hindi malaman kung lalapitan ba ito o hindi.
Matapos nitong isalansan ang mga isdang paninda ay nagsimula na itong magtawag ng mamimili. Bakas sa maganda nitong mukha ang pagod. Sa init ng panahon. Halos tatlong oras na siyang nakatanaw sa kinapupuwestuhan ng babae. Nakitang hindi man lang kumain o nagmeryenda ito. Maaaring inuubos pa nito ang tindang isda. Kapag hapon na kasi ay matumal na ang mamimili.
"Ale! Ale!" Tawag sa aleng nadaan sa harap.
"Yes sir," anito.
Nagbigay siya ng dalawang daan. "Gusto mo ba ng isdang ulam? Heto po, bumili kayo doon sa babaeng iyon," sabay turo kay Aryanna.
Nagtataka ang mukhang binigay ng ale. "Basta doon kayo sa babaeng iyon bumili. Okay na po iyan," aniya.
Nagtataka man ay nagpasalamat na lamang ito.
Nang may dumaan muli ay tinawag ito. Muling binigyan ng dalawang daan. Hanggang sa nagbigay na nagtig lilimang daan para mabilis maubos ang tinda nito.
Nakitang wala pang isang oras mula nang magsimula siyang magbigay ng pera ay naubos na ang tinda ni Aryanna.
Natuwa si Aryanna dahil naubos niya lahat ang paninda niya. Tuwang-tuwa siya at malaki ang nakita dahil hindi siya masyadong binarat ng ilang mamimili. Makakapagpadala na rin siya sa wakas sa probensiya matapos hindi makapagpadala ng isang linggo.
Nang nagliligpit ay hindi niya maiwasang mapatingin sa sasakyang nasa di kalayuan. Kanina pa niya iyon napapansin pero hindi alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya roon. Tila kasi may mga matang nagmamatyag sa kaniya.
Nang matapos iligpit ang pwesto ay naglakad na siya mauwi sa inuupahan. Nang mapansing sinusundan siya ng sasakyang tinitignan kanina.
Napatigil siya saka agad na nagtago. Maya-maya ay huminto ito. Ganoon na lamang ang gulat niya ng mapagsino ang lalaking bumaba buhat roon.
Tila hinahanap siya nito at nang nakatalikod ito ay agad siyang lumabas.
"Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong.
Agad na lumingon si Kiel sa pinanggalingan ng tinig.
"Umuwi ka na. Hindi ka nababagay rito," malamig na wika saka muling naglakad.
"Sandali lang," habol ni Kiel sabay hawak sa kamay ng babae.
Agad na piniksi ni Aryanna ang kamay nito. "Huwag mo akong hawakan." Pigil sa lalaki. "Amoy isda ako. Malansa. Umuwi ka na," turan ulit dito.
"Aryanna," tawag sa pangalan ng babae.
Tumingin ulit siya sa lalaki. Mas gago pala ito sa personal kesa sa larawang hawak niya na halos gabi-gabing tinititigan.
"Let me help you," anito sabay kuha sa banyerang hawag niya.
"No!" Pigil niya dahilan para tila nag-aagawan sila sa banyera.
"Akin na," giit dito.
"Let me," giit naman niya. Nang maya-maya ay makabitaw si Aryanana dahilan para mapaupo siya.
Agad na pinuntahan ni Kiel. Nakitang namumutla pa ang babae.
"Okay ka lang?" Alalang tanong rito.
Tumango pa si Aryanna pero nakaramdam siya ng pagkahilo. Agad na sinapo ang ulo.
"Okay ka lang?" Ulit ni Kiel ng tila nawalan ng malay ang babae ay agad niya na itong binuhat.