Chapter 6:

1495 Words
Agad niyang binuhat si Aryanna. "Aryanna," mahinang tapik rito ngunit hindi ito nakibo.  May pulso ito pero mahina. Agad niyang binuhat at sinakay sa kaniyang sasakyan. Nang maiayos ito sa sasakyan ay muli niyang sinubukan. "Aryanna," yugyog niya ngunit walang reaksyon rito. Mabilis na niyang pinasibad ang sasakyan. Tutal malapit naman doon ang destino ng kapatid. Mula bumalik kasi ito sa Maynila ay mas pinili pa rin nitong pagtrabaho sa pampublikong ospital kahit may offer siya mula St. Luke. Nang makarating sa emergency agad silang inistema ng mga nurse. Nakita pang naroroon din ang attending doktor. "Nandiyan ba si Doctor Jake Montecalvo?" Tanong sa doktor. "Oo dalawa kaming doktor rito pero may kadarating na bata. Kaya inaasikaso niya ngayon," napatitig ito sa kaniya. Nakita nito siguro ang pagkahawig sa nakakatandang kapatid.  "Oh, kapatid ka ba niya?" Bawi ng doktor. "Opo at siya?" Aniya kay Aryanna na ngayon ay kasalukuyang kinukuhanan ng vital signs. "Dok," agaw ng nurse. Tumingin ang doktor sa nurse. "Okay naman po ang vital signs niya, medyo mahina ang pulso gawa po siguro ng pagod. Kukunan po naman siya ng dugo?" Tanong nito. Tumango ang doktor. Matapos noon ay humarap ulit sa kaniya.  "She's fine. I will just give her a shots para makapagpahinga ng maayos. Kukunan din namin siya ng dugo para masuri. If everything is okay ay pwede mo na siyang mailabas bukas ng hapon," ani ng doktor. Naiwan siya sa waiting area ng tuluyang ipasok ito sa silid. Napasilip pa siya. Sinusuri na ng doktor si Aryanna na wala pa ring malay. Naptingin siya sa relo. Mag-aalas sais na ng gabi. Naisip niya kung pauwi na ang kapatid. Ihahakbang na sana ang mga paa upang hanapin ang quarter ng kapatid ng lapitan siya ng nurse. "Hi sir, kayo po ba ang asawa ng pasyente?" Tanong ng nurse. "Ako, asawa?" Maang na tanong rito. "Ah! Opo hindi po ba kayo ang kasama ng pasyente?" Alanganing wika ng nurse. "Oh yah—sorry Miss. May masama bang nangyari?" Agad na tanong. "Wala naman po. Pinapasabi lang po ni Dok na pwede niyo na po siyang puntahan sa kaniyang silid. Doon po siya namin inilipat sa room 102," anito sabay turo. Agad niya namang pinuntahan ang silid na sinabi nito. Pagpasok ay nakitang naka-hospital gown na si Aryanna at maayos na nakahiga sa kama. May nakatusok na dextrose sa kanang kamay nito. Payapa ang mukha nito. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nitong malamig. Kahit namumutla ito ay maganda pa rin. Hinawi niya ang mahabang buhok nito. Napakaganda nito kahit walang bahid ng make-up sa mukha. Matagal bago siya tumayo sa kinauupuan. Lumipat siya sa katabing sofa bed at napaupo roon. Sinapo ang ulo saka muling tumitig kay Aryanna. Mataman siyang nakatitig sa magandang mukha nito ng bulabugin siya ng tunog ng kaniyang cellphone. Agad na nakita ang naka-register na pangalan ni Franco. "Hello." "Hello! Oh, bakit mukhang ginahasa ka ng sampung babae sa tinig mo?" Bungad nito saka tumawa. Natahimik siya at mukhang nakiramdam naman ito. "What's up dude! Nasaan ka?" "Nasa ospital."  "Ha?" Gulat na turan. "Hey what's happen?" Alalang turan nito. Kahit naman pilyo at palabiro ang mga kaibigan ay maaasahan sa oras ng pangangailangan. "Okay lang ako dude. Sinugod ko lang sa ospital si Aryanna," turan. "Aryanna?" Anito na tila inaalala kung may kakilala silang Aryanna. "Sino si Aryanna?" Maang na sambit nito. Magsasalita sana siya ng biglang nagsalita ito. "Dude tell me siya iyong chikababe na binili natin sa beerhouse?" Anito. Muli siyang natahimik. "Sinasabi ko na nga ba? Naku dude! Don't tell me hindi ka naka-move on doon," nang-aasar pang wika. Wala siyang balak patulan ito. "Bakit ka napatawag dude?" Agad na tanong bago pa kung saan mapunta ang usapan nila. Wala siyang lakas para makipag-asaran rito. Mukhang nakuha naman niya agad ang nais. Kaya tumahimik ito at sumeryoso. "I just call you para magpaalam." "Magpaalam? Saan ka naman pupunta?" Agad na tanong rito. For sure na naman, may susundan na namang babae. Saang bansa na naman kaya. "Uuwi muna ako ng Ilocos, pinapauwi kasi ako ng aking magulang," saad nito. Ramdam niyang tila may mabigat na dahilan ang pagpapauwi rito. "Akala ko ba ayaw mo sa inyo?" Ang tanong rito. "Oo kasi nandito na sa Maynila ang buhay ko pero hindi mo naman maiaalis na Ilokano talaga ako lalo pa at nasa politika ang aming pamilya," malungkot na saad nito. "Dude sabagay pamilya mo sila, lalo pa at ikaw ang nag-iisang lalaki. Bakit, magreretiro na ba si tito at ikaw na ang napiling ipanlaban," biro niya ngunit kung kanina siya ang wala sa mood tila bumaliktad na. Mukhang tama kasi ang hula niya. "Oo, okay lang naman sa akin ang sumunod sa kaniya pero ang ipagkasundo ako sa anak ng kalaban niya sa politika para walang babangga sa amin ay hindi ko yata kakayanin," anito. "What? So, you mean pinagkasundo ka nila?" Gulat na saad nito. Ngunit natampal ang bibig ng maalala ang nagpapahingang si Aryanna. "Yes dude, hindi ko yata kakayanin. Kung hindi lang nakiusap si mama na umuwi ako ay hindi talaga ako uuwi. Hindi ko kayang maikasal sa isang dambuhala," anito na nagpatawa sa kaniya. Iniisip pa lang niya. Ang tipo ng kaibigan ay sexy, maganda, matalino, sopistikada tapos babagsak sa dambuhala. Natawa siya ng bahagya. "Paano mo namang nasabing dambuhala." "I knew it! Kaklase ko siya from elementary hanggang high school. Mula noon hanggang magtapos kami ng high school, dambuhala na kaya I doubt it kung nagawa niyang i-burn lahat ng fats noon sa katawan," eksaheradong wika ng kaibigan. "Dude, don't judge malay mo pala eh na-burn niya baka ikaw na ngayon ang humabol-habol sa kaniya," natatawang saad sa kaibigan. "Hell no! Bukod sa pagiging dambuhala nito, ang dami pang pimples. Pwede nang maglaro ng connect the dots." "Dude, don't say that. Baka lamunin mo lahat. How long na hindi kayo nagkita. It's been 8 or 9 years marami rin iyon. Malay mo kaibig-ibig na siya." Ani ni Kiel. "Oh siya. I have to call Darren too. Message me kapag may update na sa pagbabantay mo kay Aryanna." Natatawang wika nito. "Loko. Sige na bye na," aniya saka pinatayan ito.  Matapos ibaba ay napangiti siya. Akalain ba niyang ang malokong si Franco Fariñas ay magpapakasal sa isang dambuhalang political rival nila. Napainat siya sa kinauupuan ng makaramdam ng gutom. Sakto namang may kumatok sa pintuhan at sumungaw mula roon ang isang nurse. "Good evening po sir. Check ko lang po ang vital signs ni Ma'am," magalang na wika nito. "Sure, sorry I just wanna ask kung may canteen ba rito sa ospital?" Tanong rito. "Wala po sir pero sa labas may karendirya pero—" Anito saka tumingin sa relo. "Sarado na po. Mag-aalas dose na po kasi. Kung gusto niyo po may gotohan sa gilid,"!saad nito. "Ganoon ba? Okay—lalabas lang ako. If okay lang, pakibantay saglit ang—asawa ko babalik din agad ako." Aniya sabay napangiti sa sinabi sa nurse. Feel niya lang sabihing asawa niya ito. "Okay lang sir, tutal ay tapos na akong mag-round at si ma'am ang huli." Magalang na wika ng nurse. "Salamat. No worries, I won't be long," aniya saka mabilis na tinungo ang sinabi nitong gotohan. Nang makabili ay agad na bumalik at muling nagpasalamat sa nurse. Nilapag niya sa maliit na side table ang binili saka muling nilapitan si Aryanna. Tulog pa rin ito, marahil ay gawa ng itinurok ditong gamot. Muling umupo at sinimulang kainin ang biniling goto. Infairness ay nasarapan siya roon at nang matapos ay kinailangan niyang magpahinga saglit bago iwan ang babae. Nagpadala muna siya ng mensahe sa kaniyang sekretarya upang humalili sa kaniya. Bibigyan na lang niya ito ng off at extra fee para bantayan si Aryanna. Sa gagawing pag-abala rito. Kailangan niya kasing umalis ng alas kuwatro para makapagpahinga dahil ay appointment siya ng alas otso. Saktong alas kuwatro ng dumating ang kaniyang sekretarya. Mukhang antok pa ito at nahikab ng dumating. Humingi siya ng pasensiya pero ngumiti lang ito sa kaniya.  "Okay lang sir. Mbayad naman," anito saka ngumiti. Kaya nagpasya siyang lisanin ang ospital. Matapos titigan ang mukha ni Aryanna ay hinagkan niya ito sa noo saka umalis. Binilinan na lang ang sekretarya na tawagan siya if ever na may kailangan ito. Paalis na siya ng makasalubong ang dalawang nurse na nag-uusap. Napatigil siya dahil sa naulinigang usapan ng mga ito.  "Mukhang hindi maka-move on si Dok Jake. Grabe pala ang napagdaanan niya. Narinig ko kanina, nananaginip yata. Sambit-sambit ang pangalan ng dating jowa," turan ng isa. "Ikaw talaga, pati iyon alam mo. Chismosa ka talaga," turan naman ng isa. "Alam mo namang crush na crush ko siya noon pang bagong dating siya rito. Dapat alamin pati background niya," kilig na wika ng isa. "Suplado kaya ni sir. Ang tahimik masyado," sabad pa rin ng isa. "Kung pwede ko lang siya yakapin ay ginawa ko na. Iyon, nakatulog sa upuan. Bilib nga ako sa kaniya. Nakakatulog ng nakaupo," ani ng isa. 'Naririto pa si kuya,' aniya sa isip kaya naisipan niyang daanan na muna ito. Pagkatok doon ay walang nasagot kaya binuksan iyon at nakitang tulog nga ang kapatid sa upuan nito. Pinagmasdan ang tulog na kapatid. Napapailing iling siya. Mas gugustuhin pa nitong ganito ang buhay niya kesa magtrabaho sa kompaniya nila. "Sheena mahal na mahal kita. Sheena! Sheennaaa!" Tawag nito saka biglang nagising. Gulat na gulat ito ng makita siya na animo'y nakakita ng multo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD