Nagulat talaga siya nang makita ang amo sa kanilang bahay. Agad siyang tinungo ang kinaroroonan ng mga ito. "Sir, ano pong ginagawa niyo rito?" Ang bulalas na wika. Natatawa pa si Kiel sa reaksyon ni Aryanna. Gulat na gulat ito ng makita siya. "Oh relax ka lang, masama bang puntahan ka?" Kampanteng tugon pa nito habang siya naman ay tense na tense. Ano na lamang ang sasabihin ng mga magulang niya. "Oh anak, kumusta naman ang check-up ng nanay mo?" Agaw ng ama ng makitang tila inaaway niya ang bagong dating na lalaki. "Mabuti naman po tatay," aniya saka nagmano rito. "Medyo maayos-ayos na po ang lagay niya." Dagdag pa. "Mabuti kung ganoon. Maghanda ka na muna ng ipapakain natin sa bisita mo. Nakakahiya naman sa boss mo," saad ng ama. "Naku! Okay lang po ako," awat rito. "Ay hindi.