Habang abala ang ama at si Kiel sa labas ng bahay ay pasilip silip siya sa mga ito. Nakitang nasayang nag-uusap ang mga ito at talagang nakuha na nito ang loob ng ama. Minsan ay nahuhuli rin siya nitong tumitingin sa kanila. Kapag ganoon ay nagbaba siya ng tingin. Kahit papaano ay marami ang nalalaman si Kiel tungkol kay Aryanna. Nalaman niya kasi kay Mang Armando kung bakit hindi man lang ito nakatapos ng high school. Pasaway daw ito at laging umaabsent sa eskuwela para tulungan ang mga ito sa bukid. Kahit ilang beses nilang papasukin ito ay mas gusto raw nitong tumulong sa kanilang paghahanap buhay. Mabuti na lang daw at napapayag itong mag-take ng ALS or alternative Learning System at nakatapos din ng high school. Pinayagan lang daw nila itong pumunta ng Maynila dahil nagpumilit ito s