Chapter 5 - Vague Truth

1579 Words
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Jho. Hindi niya inakalang magtatagpo pa muli ang landas nila ng babaeng ito. She promised herself years ago that she'll never associate herself with this woman ever again. Apart from Matthew, she is the last person on earth that she wants to cross paths with.  "What a pleasant surprise." Nakangising wika ng misteryosong babae. Salitan silang pinukulan ng tingin nito bago bahagyang humalakhak. Sa kabila ng malakas na musika'y tila bumaon sa kanyang tenga ang sarkastikong tawa nito. "Unbelievable. So, you two actually ended up together?" "Do I know you?" Kumunot ang noo ni Matthew sa kakaibang inasal ng estranghera. His sharp gaze sent a clear message of displeasure. "Grabe. Nakaka-hurt naman, Matthew Kiyone." Naka-ngusong bulalas nito at bumaling muli sa direksyon ni Josephine. "Bakit hindi mo 'ko ipakilala, Jho? Looking at how pale you are, I'm sure you still remember me, right?" Nanigas ang kalamnan niya nang magtagpo ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya'y kumukulo ang dugo na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Kinuyom niya nang mahigpit ang kanyang palad at buong timping pinipigilan ang anumang mapapait na salitang gustong kumawala sa matabil niyang dila. She can't blow her cover here, not in this dangerous place. "I don't think I remember. But you do look familiar." May panunuyang sagot niya dito. Muling humalakhak ito at umiling. "Well, understandable. Sino nga naman ako kumpara sa inyong dalawa? You two left an astounding legacy in our campus, I bet everyone still talks  about that scandalous event." "Wait, Xy. You know them?" Biglaang sabad ni Hansel na tila namangha rin sa tensyon na namamagitan sa kanilang tatlo. "And scandalous event? What was that about?" "You know what, Hansel? Sa tingin ko pamilyar ka rin sa pangyayaring 'yon." Malakas na wika ng babae, kaya't napukaw din ang atensyon ng ibang nasa paligid nila.  "Xynelle.." Mariin na bulong ng dalaga rito.  She felt defeated. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? Alam niya kung gaano ka-eskandalosa ang babaeng ito. She'll do anything just to trigger her. Napatingin sa kanya si Matthew ngunit hindi na niya nagawa pang bigyan ito ng pansin.  "Oh, so now you finally remembered me!"  Nagbuntong-hininga na lamang si Jho. Kailangan niyang pakalmahin ang sitwasyon. She's here to work, not to be reminded of her ugly past.  "Okay, sure. Just cut this out."  Saglit na tumahimik si Xynelle. Nanatili itong nakatitig sa kanya na tila ba may malalim na iniisip. Sa galaw at ikot ng mga mata nito'y nakakasigurado siyang naka-tira ito ng kung anong droga sapagkat tila wala ito sa katinuan. Umaalingasaw din ang amoy ng alak mula sa hininga nito. "Pa'no kung  ayoko?" Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Xynelle. "Pa-suspense naman kayo masyado. Spill it out already." Angal ni Hansel at humikab. Sinipat-sipat nito ang relo habang lumilinga sa paligid. "This is getting too dramatic and boring." "Do you remember the gossip about how the mighty  Matthew Kiyone got someone pregnant?" Pagpapatuloy nito at humakbang papalapit kay Jho. "This is the lucky girl. Ang babaeng naging dahilan ng pagbagsak ng Kiyone Holdings. You should thank her, Hansel." She wants to rip her apart. Kung maaari lamang ay kanina niya pa kinaladkad palabas ang babaeng ito at sinampolan. Ngunit bukod sa naka-undercover siya, hindi niya magawang umaksyon sa harapan ni Matthew. It was more of an insult to him than her, she knows that now after what Hansel said earlier. "Tapos ka na?" Inis na bulalas ng dilag kasabay ng pagtaas ng kanyang kilay. Nagawa niyang magtimpi kahit na nangangati na ang kanyang kamay na sabunutan ito. "Hindi ka pa rin nakaka-move on, no? Baka gusto mo pa ng autograph ko?" Bahagyang napawi ang ngisi sa mukha ni Xynelle bunga ng kanyang sinabi. "Hah! This is not about you, nutcase." Napawi ang bakas ng yabang sa mukha nito at napalitan ng inis. Kasabay nito'y kaagad luminga si Xynelle sa direksyon ni Matthew. "Ikaw, Matthew? Naka-move on ka na ba? Did you forget how this girl ruined your happily ever after?" Lumingon si Jho upang tignan ang reaksyon ng binata. Katulad ng inaasahan, wala siyang mabasa sa mukha nito. He remained unfazed amidst this woman's provocation. "I don't think that's any of your concern, I don't even remember who you are." Walang atubiling pag-sagot nito. He seemed indifferent, miski si Jho ay nagtataka sa inasal nito. There's no way he doesn't know Xynelle, she's Rose's closest confidant before.  "Well, of course." Tumatawang wika ni Hansel at inakbayan si Xynelle nang matameme ito. "Look at her. Worth it naman bumagsak ang kompanya ng pamilya mo kung ganyan kaganda ang makakatabi mo sa kama araw-araw 'di ba?" Ang mga katagang iyon ay hindi na naghatid ng gulat o galit sa dilag. At the very least, she expected Hansel to go that low. He's a piece of trash, anyway. This perverted man only sees women as a source of entertainment and pleasure. Ang inaalala niya ngayo'y hindi ang kanyang ego bilang babae, kung hindi ang tensyon na namumuo sa mga mata ng binatang katabi. Kung nakamamatay ang talim ng tingin nito'y malamang kanina pa nakabulagta sa harapan nila ang manyak na lalaking ito.  "Hey." Mahinang bulong niya upang kunin ang atensyon ng binata. "Hold it in, okay? Hindi tayo puwedeng mag-eskandalo rito, undercover tayo." "Why, Matthew? Aren't you a bit curious, too?" Muling sabad ni Xynelle nang makabawi sa pagkapahiya kanina at tinapunan ng matalim na tingin si Jho. "Why did she do it? May personal na galit ba siya sayo? O baka naman sumusunod lang siya sa utos ng iba?" "Stop it, Xynelle." Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses. Napakagat siya ng labi at saglit na humugot ng hininga. "Can't you let it go already? Walong taon na ang lumipas - " "Of course, I'm curious. After all, everything went downhill from there." Mahinahon ngunit may pahiwatig na saad ni Matthew na nagpatigil sa kanyang pagsasalita. "Pero hindi ikaw ang dapat sumagot ng mga katanungan ko. Wala kang karapatan manghimasok dahil hindi naman kita kilala." Nang ulitin nito ang mga katagang iyon, may kung anong pagpupunyagi ang umapaw sa dibdib ng dalaga. Lalo na nang makita niya ang inis na mukha ng kausap nito. "What a jerk." Gigil na sigaw ni Xynelle. Dumampot ito ng bote ng alak sa kabilang lamesa at akmang ibabato sa direksyon nila ng binata. "Xy!" Gulat na saad ni Hansel at mabilis na inagaw ang boteng iyon sa kamay nito.  "Ano ba? Stop killing the vibe. Mamaya umalis pa ang mga customer sa ginagawa mo." "Shut up." Tinulak nito palayo si Hansel at dinuro si Jho. "You know what f**k it. I'm spilling it out. That woman did it for money. Tons of money to save her family's ass!" Umalingawngaw ang mga katagang iyon sa tenga niya. Lahat na siguro ng dasal ay naidasal na niya huwag lamang mangyari ang pagkakataong ito. But here they are, the cat is out of the bag. Hindi na niya maaaring itanggi pa aang sinabi nito. "You heard me, Matthew Kiyone? Nasira ang relasyon ninyo ni Rose dahil lang sa mukhang perang babae na 'yan. How unfortunate, right?"  Hindi man siya nakatingin kay Matthew ay nadarama niya na nakatuon ang mga mata nito sa kanyang direksyon. It was as if he's waiting for her to confirm what she said. Ngunit wala siyang lakas ng loob na harapin ito ngayon.  "Woah!" Napapalakpak si Hansel at walang sabi-sabing hinawakan mga kamay niya. Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan bunga ng tinuran nito kaya't bahagyang tinulak niya ito. "Fiesty. What a sly little snake, I like this one." Nakangising bulalas nito kasabay ng paghagit nito sa bewang niya. "Looks like my family prospered because of you, you should get a reward." "Anong pinagsasabi mo? Bitawan mo 'kong manyak ka." Before she can even resist, the next thing  she saw was a fist raging towards Hansel's face. Dahil dito'y bumagsak ito sa sahig, habang si Matthew naman ay aamba pa muli ng suntok. Nakahanda nang umawat ang dilag nang may mga sigawang umalingawngaw mula sa entrada ng elevator. Nang bumukas ang pintuan ay tumambad dito ang mga armadong pulis. "Taas ang mga kamay." Sigaw ng mga ito na sinunod naman kaagad ng ibang naroroon. Naging magulo ang paligid. Karamihan ay kumaripas sa mga sulok upang maghanap ng ibang daanan palabas ng lugar. Huli na bago niya mapagtantong wala na sa kanilang harapan sina Xynelle at Hansel. "Are you okay?"  Nilingon ng dalaga ang pamilyar na boses na iyon at doo'y napawi ang kanyang pangamba. "Arthur. Ikaw ang tumawag sa mga pulis?" Umiling ito at luminga sa direksyon ni Matthew na nakikipag-usap na ngayon sa mga awtoridad. "Tinext niya 'ko ilang minuto lang mula nang pumasok ka rito. Sa tingin ko, ini-expect niya na 'to." Josephine was dumbfounded. Looking at him now, it was as if he's not affected with the truth he just learned about her. Hindi na nga ba ito apektado? O isa lamang ito sa mga paraan upang pahirapan siya lalo? Nanatili siyang nakatitig sa direksyon ng binata. Walong taon ang nakalipas ngunit ni isang beses ay hindi niya pinagsisihan ang kanyang ginawa. To her, it was between survival of her family or the romance of a rich son of a conglomerate family. Naturally, she'd choose her family over a stranger. Actually, she'd choose them over anything. Humugot siya ng malalim na paghinga. "Looks like I owe him more than an apology." Bulong niya sa sarili at umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD