Napalitan ng mga hiyawan at iyak ang kaninang masigla at makulay na club. Nagkalat ang mga pulis sa paligid habang isa-isang hinihila palabas ang mga panauhin ng drug party. Nagmamakaawa ang mga ito at naglulumpasay sa sahig. At tulad ng inaasahan, ni anino nina Hansel at Xynelle ay hindi na mahagilap dito.
Sa gitna ng kaguluhan, nanatiling nakapako ang mga mata ni Jho sa direksyon kung saan nakatayo si Matthew habang nakikipag-usap sa mga pulis. It's a mystery to her how he was able to put his mind into this dire situation after all the revelation they found out about each other. While she remained dazed and out of it. Nakasapo pa rin siya sa kanyang dibdib habang patuloy na nagbubuntong-hininga.
"Are you really okay, Miss Jho?" untag ni Arthur sa malalim niyang pag-iisip. Kaagad na kumunot ang noo nito nang tuluyan niya itong lingunin. "Namumutla ka."
Umiling-iling siya at pilit itong nginitian. Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha upang pawiin ang kakaibang emosyon na namamayani sa kanyang dibdib.
"Let's go back to the office. Mukhang kaya naman na ni Attorney 'to. You should rest."
"N-no," bahagyang napalakas na bulalas ni Jho. Nang mapagtanto niya ito'y kinagat niya pabalik ang kanyang labi. "I mean, I have something to ask him kaya hihintayin ko munang matapos 'to - "
"Take her home." It was Matthew. Huminto ito sa harapan ng dilag at pinukulan siya ng isang malamig na tingin bago bumaling kay Arthur. "Good job, Arthur. I'll handle it from here."
"Matthew, tungkol sa nangyari - " mabilis siyang natigilan sa pagdilim ng ekspresyon ng binata. Tumalim ang mga mata nitong tila walang emosyon kani-kanina lamang. As if he was silently warning her to back off.
"Next time, be rational. Don't do stupid things like this without discussing it to me first." Inangat nito sa ere ang isang daliri nang aakma pa sana siyang magsalita. "I loaned you as an assistant, right? Hindi ka secret angent. Stop roleplaying." Matapos ng mga katagang iyon, naiwang nakaawang ang kanyang mga labi. Ni hindi niya namalayang hinihila na pala siya ni Arthur patungo sa elevator para lisanin ang lugar. Her gaze remained pierced at the man who low-key insulted her. Tinalikuran na siya nito ngunit umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga sinabi nito.
"Roleplaying?" mahinang bulalas niya at marahas na pinigilan ang naka-ambang pagsara ng elevator door.
"Miss Jho," may himig ng pangamba ang tono ng pagtawag ni Arthur sa kanyang pangalan. Hinagit nito ang kanyang braso sa gitna ng pagsubok niya na humakbang palabas. He knows what she's going to do. "Let it go. We owe him one for this. Kung di niya 'ko tinext, who knows what could've happened here."
Humugot ng malalim na hininga si Josephine at dahan-dahan na tinanggal ang kamay nito. The flames in her eyes was about to fade when a flash of determination stirred upon it again in a blink of an eye.
"Matthew Kiyone," malakas niyang sigaw na bahagyang nagpatigil ng kaguluhan sa paligid. Kasabay ng paglingon ng binata sa kanyang direksyon, siya namang taas niya ng gitnang daliri sa ere. "f**k you, conceited jerk."
As if on cue, the elevator door started to close before he could even react. Tanging ang panlalaki lang ng mga mata nito ang kanyang nakita bago tuluyang nagsara ang pintuan. Ang buong akala niya'y luluwag ang kanyang pakiramdam matapos sabihin iyon ngunit awtomatiko siyang napayuko at itinakip sa mukha ang magkabilang palad.
"I told you to let it go, didn't I?"
Isang mahinang hampas ang iginawad niya sa braso nito. "Dapat tinakpan mo bibig 'ko."
"Para ako ang pagbuntunan mo? Of course, I wouldn't sacrifice myself for that." sarkastikong punto nito habang umiiling-iling. "Huwag kang masyadong mag-alala, Miss Jho. From the looks of it, he seemed like the guy who could understand and handle you well."
"Handle me well?" Napa-angat siya ng tingin sa kasamahan at tinaasan ito ng kilay. For some reason, pakiramdam niya'y isang insulto ang ibinulalas nito. Hindi na ito nagsalita at nagkibit-balikat na lang sa kanyang reaksyon.
Nang marating nila ang ahensya, walang atubili na ibinagsak ng dalaga ang kanyang katawan sa sofa na nasa loob ng opisina ni Celestine. Wala namang reklamong namutawi sa bibig ng kaibigan at sa halip ay yumukod ito upang tapikin ang kanyang likuran.
"Balita ko may ginagawa ka na naman," bungad nito.
She gave her a side-long glance before sitting up. "Sino nagbalita sa'yo? Yung bestfriend mong attorney na antipatiko?"
"Hey, hey. Masyadong mainit ang ulo." Natatawang umupo si Celestine sa kanyang tabi at ikinawit ang kamay sa kanyang braso. "Bakit ba lagi kayong nagkakainitan ni Attorney? May nakaraan ba kayo?"
"Don't tell me he didn't tell you? HIndi ba't pinagkaisahan ninyo 'ko para isangkalan ng tatlong buwan sa mokong na 'yon?"
"We really didn't plan it. Naimbitahan ko lang siya rito dahil sinalba niya tayo sa trouble kay Mrs. Alejandro. Tapos tinuro ka niya nung makita ka niyang dumaan sa hallway. He said he heard so much about you as an agent." Sinapo nito ang pisngi at luminga sa puting kisame na para bang nag-iisip. "Kung tama ang pagkakatanda ko, parang manghang-mangha pa nga siya na makita ka."
Idinukdok muli ni Jho ang kanyang mukha sa ibabaw ng sofa at gigil na isinuntok ang kanyang kamao dito. What a dumb luck she has! Ibig sabihi'y hindi talaga siya hinanap ni Matthew ng walong taon, he just happened to come across their agency and found her.
"Come to think of it, may pakiramdam ako na magkakilala nga kayo. Ang intense ng first meeting ninyo eh."
"Magka-batch kami," mahinang sagot niya saka mabilis na bumangon.
Pumalakpak ang kaibigan sa ere at kuminang ang mga mata na para bang tuwang-tuwa sa narinig. "Really? Kailan? College?"
Tumango-tango na lamang siya sa gitna ng pagpapatalo. She's too tired to keep her guard up about Matthew Kiyone.
"Hindi kayo in good terms?"
"No," walang alinlangan niyang sagot at humakbang palapit sa side table kung nasaan ang mga garapon ng kape at baso. "Naaalala mo ba 'yung kinuwento ko sa'yo noon?"
"Noon? Which one?"
"That guy I've been trying to run away from eight years ago when I first met you."
"Ah, yung una mong na-scam." Natigilan si Celestine ng ilang segundo nang mapagtanto ang kanyang ibig iparating. "Y-you mean, si Attorney 'yung lalaking sinira mo ang date?"
Josephine pulled her head back and dropped her shoulders while giving her a lifeless gaze. "Yes, that's Matthew Kiyone."
Napatakip ito ng bibig at kaagad na tumayo mula sa sofa. "I-I'm sorry, Jho. Hindi ko alam. If I knew, hindi ako papayag sa kundisyon na binigay niya."
"It's okay. Hindi mo naman kasalanan. Siguro panahon na rin para harapin ko 'to."
"Anong plano mo? You'll just hang in there for three months?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Celestine, malayo sa kaninang masaya nitong ekspresyon. "I can cancel everything, Jho. Just tell me, ibabalik ko sa kanya ang kinita natin mula kay Mrs. Alejandro. Marami pa namang ibang paraan para maisalba natin ang kompanya."
Tinapikng dilag ang magkabilang balikat ng kaibigan. "No need for that. I'll just hang around for three months. Para matapos na rin ang utang ko sa Kiyone na 'yan. After that..."
"After that?"
"I'll retire from this job, Celestine."
"Jho."
Isang malungkot na ngiti ang puminta sa kanyang bibig. "It's about time. Naka-ipon naman na 'ko para sa pampagamot ni Mama. I want to start anew after dealing with my past."
"Pero sabay nating binuo 'to, Jho. Are you going to abandon me?" Halos mabasag na ang tinig ni Celestine habang yapos-yapos ang kanyang kamay.
"You have Arthur now. Alam kong kaya mo na nang wala ako dito sa ahensya."
There wasn't an ounce of insencerity in the words she spouted. Nitong mga nakaraang buwan ay napag-isip isip na talaga niyang lisanin ang industriyang ito. At ngayong muli niyang nakadaupang-palad si Matthew, mas napagtibay ang kanyang pagaalinlangan. After what Hansel and Xynelle said, she knew that what she did ruined his life completely.
Napawi lamang ang malalim niyang pagbabalik-tanaw nang maramdaman ang pag-vibrate ng telepono sa kanyang bulsa. Nang tignan niya ang screen ay kaagad na umasim ang timpla ng kanyang mukha.
‘Nag-text siya?” tanong ni Celestine habang nakatingin din sa sariling telepono.
“He texted you too?”
Ini-angat nito ang telepono sa kanyang harapan upang ipakita sa kanya ang mensahe ni Kiyone. “Sabi niya, he wants you at his office 10AM sharp tomorrow. No monkey business. From now on, doon ka na raw mag-report.”
Josephine gritted her teeth. “This jerk.”
“Bakit? Ano bang tinext niya sa’yo?” Walang sabi-sabi na kinuha nito ang kanyang telepono upang basahin ang text message na natanggap. “Your boss will relay my instructions to you.”
Nagpalitan sila ng tingin nito at kapwa nagbuntong-hininga. Lihim siyang bumubulong ng dasal sa kanyang isipan. A prayer that she survives the three months without making matters worse between the two of them.
--------
The day quickly went by. Buong gabi na hindi mapakali si Jho bunga ng ginawa niya sa elevator kahapon. Ngayon ay nakatulala siya sa harap ng salamin at iniisip kung paano haharapin ang binata. What nonsense has gotten into her that she suddenly had the urge to give him the middle finger? She must be out of her mind.
Bilang malapit lang mula sa kanyang apartment building ang opisina ni Matthew, ilang minuto lamang kinailangan niyang bunuuin sa paglalakad upang makarating dito. Bago pa siya makabuwelo na pindutin ang doorbell, napagitla siya sa biglang pagbukas ng pintuan.
"Pasok." A teenage girl with a purple hair and nose piercings commanded.
Hindi na niya nagawang magtanong sapagkat mabilis siya nitong tinalikuran. Nagdadalawang-isip man, nagawa niyang humakbang papasok ng asul na pintuan. She didn't expect the scenery that unfolds in front of her.
Malayo sa inaasahan niyang magarbong opisina, isang maliit na espansyo lamang na puno ng libro ang kanyang nakita. May malaking mesa sa gitna ng opisina kung saan nakapatong ang computer at ilang mga papeles. Sa gilid ay may maliit na lamesita at doon nakaupo ang dalagita na sumalubong sa kanya.
She imagined his office differently. Base sa mga sinabi ni Celestine, batid niyang maraming kliyente ang law firm ni Matthew. Kaya't inakala niyang malaking kompanya ang pagmamay-ari nito.
"Kape o tsaa?"
Hindi niya namalayan na tumayo pala ang dalagita mula sa kinauupuan at lumakad sa kanyang harapan. Gulat man, nagawa niyang ngumiti at iwasiwas sa hangin ang kanyang palad upang tanggihan ang alok nito.
"Ayos lang. I'm not thirsty."
Umangat ang gilid ng bibig nito na tila ba hinahamak ang kanyang sinabi. "For now."
"W-what?"
"Maupo ka. Tatawagin ko si Kuya Matt."
Katulad kanina'y hindi na niya nagawang ibuka muli ang kanyang bibig. Inilapag nito ang isang maliit na bote ng mineral water sa mesa saka umakyat ng hagdanan. Pinagmasdan niya lamang ito hanggang maglaho ang anino ng dalagita sa kanyang paningin.
"What an intimidating child," she thought to herself.
Nabaling ang kanyang atensyon sa malaking family picture na nakasabit sa likuran ng office table. Muli niyang naalala ang wangis ng binata noong una silang nagkakilala. Far from his grim demeanor now, the young Matthew Kiyone was a mixture of confidence, smugness, and rays of enthusiasm. He's always been intimidating but not grim and cold.
"Kiyone!"
Kasabay ng isang malakas na singhal ay kumalabog pabukas ang pintuan. Akma na sanang lilingon si Jho ngunit isang coat ang tumakip sa kanyang ulo at nagpatigil sa kanyang paggalaw. Akma sana niyang tatanggalin ito nang maramdaman niya ang isang kamay na pumisil sa kanyang balikat.
"No matter what happens, stay still. Huwag mo silang lilingunin, got it?" Kilala niya ang boses na 'yon. It was Matthew. He was standing behind her and whispering to her ear.
"But..."
"Stay still," mariing paguulit nito.
Ilang sandali pa'y narinig niya ang paghakbang nito papunta sa pintuan upang salubungin ang mga pumasok sa opisina. Hindi man niya nakikita, sa tunog pa lamang ng mga yabag batid na ni Jho na hindi iisang tao ang bisita ng binata.
"To whom do I owe this visit, Mr. Lyonel Majestido?"
Her eyes widened upon hearing Matthew's greeting. Mula sa repleksyon ng salamin na nasa kabilang gilid ng silid, nakumpirma ng dilag na si Lyonel nga ang nasa entrada ng pintuan. May kasama itong limang maskuladong lalaki sa likuran. She gulped. Are they in trouble again?