"What the heck am I doing?" Inis na bulong ni Matthew habang nakatanaw sa fastfood chain kung saan nakita niyang pumasok si Jho.
He parked his car a few blocks away from there, just enough to see what the sullen lady is doing.
Halos maibuga niya ang iniinom na energy drink nang padabog na itinaktak ng dilag ang laman ng envelope na kanyang binigay kanina. Napa-iling siya at nagbuntong-hininga. Ano nga bang inaasahan niya? Hindi naman kaila sa kaniya na pareho silang may itinatagong poot sa isa't isa.
Come to think of it, this is also the place where he first saw her again after what happened between them in high school. Sa eksaktong lokasyon niya ngayon, tatlong buwan na ang nakakalipas, namataan niya ito sa gitna ng imbestigasyong kanyang ginagawa.
Sa totoo lamang ay wala siyang balak na makadaupang-palad pa muli ang dalaga. Ngunit pagkakataon na yata ang naglapit sa kanilang kapalaran. Isa sa kanyang mga kliyente ang nais magdemanda sa ahensyang pagmamay-ari ng isang babaeng nag-ngangalang Celestine Orquez.
He arranged a deal on both parties like he always did. At dahil malaking pabor ito sa kampo ni Celestine, nag-alok ito ng libreng serbisyo ng kanilang ahensya. Akma na sana niyang tatanggihan ang alok nito nang mahagip ng kanyang paningin si Josephine na naglalakad sa labas ng opisina. Unknowingly, he pointed at her. As if he wanted her as a collateral of the deal.
Is this some sort of revenge? Miski siya'y hindi sigurado sa tunay niyang intensyon, basta't nais niya lamang makita na nahihirapan ito sa mga utos na binibigay niya. Sa ngayon, ito muna ang gusto niyang panghawakan.
Naputol ang tahimik niyang pagunita nang kumaripas ito palabas at walang anu-ano'y pinaharurot ang lumang sasakyan sa kalsada. Mabilis niyang sinundan ito kahit na nasa gitna pa siya ng pagkagulat bunga ng padalos-dalos nitong mga gawi.
"Saan 'yun pupunta?" Nagtatakang bulalas niya. Habang tumatagal kasi'y bawat eskinita na nililikuan nila'y papasikip na nang papasikip.
Luminga siya sa paligid kung saan huminto ang sasakyan nito. Bihira ang nagdadaan sa lugar at tanging ang isang motel sa gilid ang namumukod tanging establishimentong bukas dito. Ang ibang gusali ay tila mga lumang warehouse o abandonado na. Naka-agaw din ng kanyang pansin ang mga naka-pormal na taong pumapasok sa entrada.
Doon pa lamang ay hindi na naging maganda ang kutob niya sa lugar na ito. Kahit na hindi ganoon karami ang nalalaman niya tungkol kay Lyonel, hindi na lingid sa kanya ang mga ilegal nitong gawain. Kung isa ito sa mga p**********n parties na naririnig niya, ibig sabihi'y isang malaking kahangalan ang pasukin ang lugar na ito nang mag-isa.
Maya-maya pa'y namataan niyang maingat na naglalakad ang isang lalaki patungo sa sasakyan ni Jho. Saglit siyang na-alarma ngunit napawi ito nang mamukhaan niya kung sino ito.
"Arthur, is it?" He whispered to himself, as if he can hear them. "Anong ginagawa niya rito?"
Dahil hindi naman tinted ang sasakyan ay natatanaw niya ang pagpapalitan ng diyalogo ng dalawa. Ilang minuto din iyon na nagtagal bago may ini-abot si Arthur kay Josephine at tuluyang umalis. Bago pa niya napag-tanto'y naghuhubad na pala ng pantaas ang dilag kaya't mabilis siyang napabalikwas at umiwas ng tingin.
He sighed, shaking his head in disbelief on how unpredictable she is. Lihim niyang kinastigo ang sarili, because he chose to be involved with this woman once again.
Suot ang pulang gown na ginamit nito noong nakaraang araw sa casino, bumaba ito ng lumang sasakyan at lumakad sa direksyon ng motel. Pinanood ni Matthew ang mahinhin nitong paghakbang at paggalaw, ibang-iba sa totoo nitong postura.
"What a professional swindler." Saad niya kasabay ng pagpatay sa makina ng kanyang sasakyan. Nang tuluyang maglaho ang anino nito sa kanyang paningin, bahagya siyang nakaramdam ng pagaalinlangan.
"Hindi ko naman siya kailangan sundan 'di ba?"
Sinapo niya ang kanyang noo at pumikit. Ilang sandali pa, kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata, walang anu-ano'y lumabas siya ng sasakyan. Sa ngayon ay wala siyang panahon na punahin ang mga aksyon na kanyang ginagawa.
All he knows is that this is the right thing to do. He can't let that woman go in alone knowing the dangers of the situation. No matter how much he loathes her. Hindi siya ganoong tao.
Hindi naman naging mahirap sa kanya ang makapasok sa loob. Sino nga naman ang pipigil sa isang potensyal na customer? Kaswal lamang siyang nagtanong at agad naman siyang sinamahan ng receptionist sa elevator. Hindi na niya ikinabigla ang maingay at malaswang atmospera na bumungad sa kanya nang bumukas ang pinto.
Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong tagpo. You'd be surprised how many rich clients he had that have the same hobby as Lyonel.
"Nasaan na 'yon?" Bulong niya sa gitna ng malakas na tugtog sa paligid. Masyadong madilim, mausok at maraming tao kaya't hindi niya magawang suyurin ang bawat sulok ng lugar.
His keen sense of danger tells him that something's not right. Hindi siya mapakali hangga't 'di nahahagip ng kanyang mga mata si Josephine kaya't imbes na hanapin si Lyonel ay inisa-isa niya ang pagsuri sa mga mesa. Nagbabaka-sakaling naka-upo at nagmamatyag doon ang dilag.
Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang matanaw ito sa di kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan. Ngunit agad na nabaling ang kanyang atensyon sa lalaking katabi nito.
Pamilyar ang mukha nito, hindi lamang niya mawari kung saan at kailan niya ito nakita. Sa kabilang banda'y napansin niya ang paghapit ng kamay nito sa bewang ni Josephine. Kasabay noon ay nakita niya ang pagpinta ng kaba sa mukha ng dalaga.
"Damn it." He hissed in annoyance. May pakiramdam siyang hindi maganda ang kakahantungan ng pakikialam niyang ito.
"I'm okay." Narinig niyang bulalas ni Jho habang palihim na inilalayo ang sarili sa lalaking katabi.
Instead of giving her space, the guy only took that opportunity to pull closer.
Muntik nang matawa si Matthew nang makita ang pagtitimpi sa mukha ng dilag. Kung hindi lamang siguro sila undercover ngayon ay nakikinita na niya ang eksenang maaaring magawa nito.
"There you are." Sinadya niya na ilakas ang kanyang boses upang makuha ang atensyon ng dalawa.
Josephine looked at her with a hint of relief, as if seeing a savior before her eyes. Pero ang sumunod na ginawa ng dilag ay hindi niya inaasahan. Tumayo ito mula sa upuan at itinulak palayo ang katabi. Mabilis itong humakbang palapit sa kanya at patalon na ikinulong siya sa isang mahigpit na yakap.
"Babe, you're here!" Sigaw nito. Nang akma sana siyang kakalas ay pwersahan siyang hinila ng dilag.
"Deal with it. Gusto mo bang mahuli tayo dito?" Bulong nito sa kanya.
"It's not that..."
"Kiyone?" Anang lalaki na nasa tabi kanina ng dalaga. Kasabay ng pagtayo'y humalakhak ito.
"Long time no see."
"Shit." Mahina niyang wika at kumalas mula sa pagkakayakap ni Jho.
"Yes. Long time no see."
"Y-You know each other?" Nauutal na tanong ng dalaga at pinukulan siya ng makahulugang tingin.
"Yes, yes. How could I forget the big shot who caused the fall of the famous Kiyone Holdings?" Sarkastikong saad ni Hansel habang umiiling-iling.
"Oh, hindi mo ba alam Ms. Jho? Your lover right here failed to seduce a woman, caused a scandal by having a child with another woman and then ending up losing the biggest investment of his family's company."
Tanging ang ingay sa paligid ang namayani sa gitna ng tensyon sa pagitan nilang tatlo. He saw how Josephine shifted her gaze from Hansel towards him. Puno ng pagkalito ang mga mata nito, para bang naghahanap ng kasagutan sa tanong na hindi mabigkas ng mga labi nito. He hated that look.
"Hindi ko alam na sobrang updated ka pala sa mga kaganapan sa buhay ko, Hansel Ramirez." Nakangising sagot niya.
"How about you? It's strange that I never heard about you after that DUI case. Not so adventurous these days?"
Unti-unting puminta ang inis sa mukha ni Hansel bunga ng kanyang sinabi. Huminga ito nang malalim at kumuyom ng magkabilang kamao. "You have the nerve to insult me now? After my family saved your company from going under?"
"Saved my company?" Natatawang pagbabalik ng tanong niya rito.
"Didn't my family already gave the management rights to your father? May nagbago ba matapos 'yon?"
"Why you - " Bago pa maitaas ni Hansel ang kamao'y isang kamay ang lumapat sa balikat nito na nagpatigil sa tensyon na namamagitan sa kanila.
Hindi na nagawang suriin ni Matthew ang babaeng lumitaw sa likuran ni Hansel. Mas nabahala siya sa mahigpit na pagkuyom ni Josephine sa kanyang braso. Nang balingan niya ito ng tingin ay napansin niya ang pagkawala ng kulay sa mukha nito.