Prologue - Start the Chase!
"Matthew Kiyone," malakas na tawag ng isang babae sa kanyang pangalan. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at tila ba isang toro na maaari siyang suwagin anumang oras.
Kapwa gulat at nagpalitan ng tingin sina Rose at Matthew. Bago pa man makapagsalita ang isa sa kanila, mabilis pa sa kidlat na dumampi sa pisngi ng binata ang malakas na hagupit ng palad nito.
"Walanghiya ka," muling hiyaw ng babae matapos siyang sampalin. Labis ang pamamaga ng mga mata nito na para bang kakagaling lamang sa matinding pag-iyak. "Paano mo nagawa sa'kin ‘to, ha?"
"What's the meaning of this, Matthew?" May himig na ng inis ang tono ng pagtatanong ni Rose."Sino siya?
Annoyed, he threw a sharp look towards that woman's direction. Napahawak siya sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya'y tumitibok ito bunga ng pamamaga.
"I-I don't know her," tanging bulalas niya.
Maging siya'y nalilito at natutuliro sa mga nangyari. Tinitigan niya nang mabuti mula ulo hanggang paa ang estranghera ngunit walang rumirehistrong pangalan sa kanyang isipan.
"Must be one of my friend's prank, baby. Huwag na nating pansinin."
"Don't you dare call me baby." iritableng wika ni Rose at dinuro ang babae sa kanilang harapan. "Explain this woman first."
"Baby? Baby din pala tawagan ninyo ng kabit mo?" panunuya nito at hinawi ang daliri ni Rose na nakaduro sa kanya. "Aba, kung mabababae ka, magpaka-creative ka naman. Ilan ba kami at naubusan ka na yata ng term of endearment?"
"Could you please shut up?” Gustuhin man ni Matthew na kumalma, hindi na niya nagawang magtimpi pa at tuluyan nang napasigaw. "Hindi kita kilala, okay? If this is a prank, it's not funny. Damn it. Naninira ka ng gabi."
Naisip niya na baka isa lamang ito sa mga trip ng mga kaklase niya o isa sa paghihiganti ng mga babaeng tinanggihan niya noon. Ngunit sinusumpa niya sa langit at maging sa impiyerno na kahit kailan ay hindi niya pa nakadaupang-palad ang babaeng ito. And from how the woman looks, she’s not even close to being his type of woman.
Akma na sana siyang babaling pabalik kay Rose sa pag-aakalang nasindak na niya ang estranghera, pero bigla itong naglumpasay sa harapan nila at humagulgol nang napakalakas. Lahat ng mga tao sa restaurant ay naka-pukol na ang atensyon sa direksyon nila.
Naging isang mala-soap opera na ang eksena. Even in his wildest dreams, he never imagined he'll get to experience this kind of absurd situation.
"Paano mo nagawa sa'kin 'to?" umiiyak na sigaw ng babae at kumapit sa paanan ni Rose. "Parang awa mo na, huwag mong kunan ng ama ang magiging anak ko."
"What the hell? Get your filthy hands away from me!" napatayong bulalas ni Rose bunga ng pagkagulat. "You even got her pregnant, Mat? Seryoso ba 'to?"
"Of course not! Hindi ko siya kilala." mabilis na pagtanggi muli ng binata at luminga sa paligid. "Look, strange woman. Kung sino man sa mga kabarkada ko ang nagbayad sa'yo para i-prank ako, I'm willing to double the price they offered you. Stop this f*****g nonsense."
"Nonsense? May ebidensya ako." buong kumpiyansang sagot ng babae at tumayo mula sa sahig. Ini-angat nito ang isang pregnancy test kit sa ere na may dalawang guhit na pula. "Totoong buntis ako at ikaw ang ama."
Umalingawngaw ang bulong-bulungan sa paligid. Naramdaman ni Matthew ang mga matatalim na tingin na nakapukol sa kanya. As if he's the villain in this drama when he's actually a victim. Pakiramdam niya'y sasabog ang kanyang ulo sa galit at inis. Malaman niya lamang kung sino ang may pakana nito o kung sino man ang babaeng ito ay tiyak na magsasaklob ang langit at lupa.
"And what does that even prove?" sarkastikong saad niya. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. "Nakalagay ba sa pregnancy test na 'yan na ako ang ama? You think you can scam me with that petty trick?"
Nakita niya ang saglit na pagguhit ng alinlangan sa mukha nito nang marinig ang sinabi niya. He should’ve known. She's not a good actress, after all. Tumayo siya mula sa upuan. Lumakad siya sa kinatatayuan ni Rose at hinawakan ang kamay nito.
"Let's go. Hindi na tayo mage-enjoy dito. Someone ruined the mood," wika niya.
"Sa tingin mo ba nanalo ka na, Kiyone?" saad ng babae na nagpalingon sa kanilang dalawa na hahakbang na sana palayo.
Isang tusong ngisi ang gumuhit sa labi nito kasabay ng paghugot ng isang larawan mula sa kanyang bulsa. "How about this one? Can you explain this?"
Malinaw sa litratong iyon ang mukha niya na may kahalikan na babae sa isang madilim na sulok, tila kuha ito sa isang bar na pamilyar sa kanya. Naramdaman niya ang unti-unting pagkalas ni Rose mula sa kanya.
This is when it hits him - he's doomed!
"I knew it," umiiling at natatawa pang saad ng dalaga. "How dare you try to trick me, Matthew? Mabuti na lang hindi pa kita sinasagot 'no? I dodged a bullet."
"Rose, I - "
Bago pa man makapagpaliwanag ang binata ay humagupit na sa kanyang pisngi ang palad ng dilag. It was the second slap he received today, but somehow, this felt more painful and aggravating.
"Huwag na huwag ka na magpapakita sa'kin ulit." mariin na babala nito. Nang akma niyang hahawakan ang kamay nito'y mabilis itong umiwas.
"I hate you. You're disgusting."
Hindi na niya napigilan pa ang pagtalikod ni Rose. Ang tanging nagawa na lamang niya ay pagmasdan ang unti-unting paglayo ng dalaga sa kanyang kinatatayuan. Sa isang iglap, nawala lahat ng kanyang pinaghirapan na panunuyo rito. All that hard work was gone to waste just because of a girl he doesn't even know.
Isang halakhak ang dumagundong sa loob ng restaurant. Nang lingunin niya ang eskandalosang estranghera, naka-ngisi ito na may bahid ng panunuya. Bunga nito'y tila sinsisilaban ang kanyang mga mata. Kung 'di lamang kalabisan ay naiisip niya itong saktan.
She's smiling as if seeing him suffer extremely amuses her. He can forgive if it was a prank, but the smug look in her eyes - belittling him - is something he can't tolerate.
"How does it feel? Kamusta ang pakiramdam ng maiwan at masaktan, Kiyone?" tanong ng babae sa pagitan ng kanyang pagtawa.
Kinuyom ni Matthew ang magkabila niyang kamao, buong pigil sa sarili na palakihin pa ang eksena. Alam niyang nakapukol pa rin ang atensyon ng lahat sa kanila at hindi makakatulong sa kanya kung may gawin pa siya sa babaeng ito. Even in this situation, he still has the sense of rationality. How noble of him.
"Scram as fast as you can, woman." seryosong wika niya na nagpatigil sa pagtawa nito."Simulan mo nang tumakbo ngayon dahil sa oras na makalabas ka ng lugar na 'to, hindi na kita titigilan."
Mula noong araw na iyon, nangako siyang hahanapin ang babaeng 'yon. He will find out whoever she is, and make sure she'll experience the shame equivalent to what he had today.
Little did he know that this chase is a start of an unexpected tale; a tragic hunt entangling the prince, the fake princess and the devil.