Chapter 8 - Real Job

1671 Words
"Rude jerk." Ito ang huling ibinulalas ng dalagang si Josephine bago padabog na nagmartsa palabas ng kanyang opisina. Kasabay ng pagsasara ng pintuan, ibinagsak ni Matthew ang sarili sa upuan. He loosened the tie around his neck and heaved a long sigh. Lihim na kinakastigo ang sarili sa naging reaksyon niya sa harapan ng dilag. Matagal na rin kasi mula noong huling napatid ang pasensya niya. "I don't think you can handle her." Nilingon niya si Natasha habang pababa ito ng matarik na hagdan. Umupo ito sa kabilang dulo ng sofa at nakapangalumbaba na pinukulan siya ng tingin. "Who? Josephine Dixon?" Umiling-iling siya at iginapang ang mga daliri sa kanyang buhok. "Huwag kang mag-alala. I got something on her. She won't rattle on us." "That's not what I meant," gumuhit ang isang pilyang ngiti sa mga labi nito. "You two get along so well. Nag-aalala lang ako na baka ma-attach ka sa kanya sa gitna ng mga plano natin. That won't do you any good." "We get along?" Tuluyang tumayo ang binatang abogado at naglakad pabalik sa office desk niya. He smirked as he think back of what happened earlier. "Hindi mo ba nakita kung paano kami magtalo? We clearly dislike one another." "Exactly. Hindi ka yung tipo ng tao na nagsasayang ng oras sa isang walang katuturang argumento, Attorney. But when it comes to her, you don't seem like you wanted to back down. Why?" Hindi siya kaagad nakasagot. May parte sa kanyang kalooban na sumasang-ayon dito ngunit hindi niya ito magawang maamin. The truth is, what happened yesterday still bothered him. "It's not like that," mariin na tanggi niya. "I just need to keep her in check. As you can see, she's reckless. At alam mo naman 'di ba? Magagamit natin ang koneksyon niya. That's why I'm keeping her close." Tumang-tango si Natasha at nagkibit-balikat. Luminga ito sa relo saka muling pinukulan ng makahulugang tingin. "That's true. Sigurado akong hindi mapapalagay si Dad when she appear right before his eyes. He'll be distracted from Lyonel's case. Doon lang tayo magkakaroon ng pagkakataon na patunayan ang lahat." Ibinulsa ni Matthew ang magkabila niyang mga kamay. "You should go now." "Sure thing." Unti-unting napawi ang kaninang malapad na ngiti sa mukha nito. Her baby-looking face suddenly turned grim. "I can't let our last trump card go to waste, right?" ----- Halata ang inis sa mukha ni Jho habang naka-upo sa loob ng umaandar na bus. Kung may laser lang ang kanyang mga mata, kanina pa butas ang coat ni Matthew na nasa kanyang kandungan. Wala siyang ideya kung bakit ito pinadala ng binata. Her guess was he's just messing around with her to show that he's got the upperhand. Matapos ng mga narinig niya mula kay Hansel kahapon, gusto niya sana na intindihin kung bakit ganito ang turing sa kanya nito. But her patience has limits. Mabuti na nga lang at hindi niya namura kanina ang lalaking 'yon matapos insultuhin ang paraang ng kanyang pagtatrabaho. "Matthew Kiyone, just wait after three months." gigil na bulong niya sa sarili. Luminga siya sa labas ng bintana upang kalmahin ang sarili. Nang makita ang destinasyon na kanyang bababaan, mabilis na tumayo ang dilag mula sa kinauupuan. After she got off the bus, she was about to take another step when she saw a group of men blocking her way. Nanlaki ang mga mata niya nang lumitaw sa gitna ng mga ito ang isang pamilyar na mukha. "What’s with the face, Miss Jho? Didn’t expect me?” It was Hansel and his troop. Sa talim pa lamang ng tingin nito, nahuhulaan na ng dalaga na hindi maganda ang pakay nito sa kanya. Bawat paghakbang nito palapit sa kanya ay siya namang atras niya. Mula sa gilid ng kanyang mga mata’y lihim niyang sinuri ang paligid. Naghahanap ng butas kung saan siya maaaring lumusot para takbuhan ang mga ito. “Saan ka pupunta?” Marahas na hinagit nito ang kanyang braso sa gitna ng kanyang akmang pagtakbo. Kalmado ang itsura ngunit may himig na ng inis ang tono ng boses nito. “That’s not how you say hi to someone you sell out to the police.” “W-what do you mean? Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Lihim na napalunok ang dilag. Pinipili niya ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig dahil isang maling galaw niya lang ay nakakasiguro siyang may kahahantungan siya. Sa ospital man ito o sa langit na mismo. It’s one of the two. Isang sarkastikong tawa ang gumasgas sa lalamunan ni Hansel. Napangiwi si Jho bunga ng mas humigpit nitong pagkakahawak sa kanyang braso. “Akala mo ba makukuha mo pa ‘ko sa pagpapa-cute mo?” Ginapi ng malaki nitong kamay ang panga niya kaya’t walang nagawa ang dilag kung hindi salubungin ang nagngangalit nitong mga mata. “That might’ve worked yesterday since I’m out looking for some fun but not today. Pinahamak ninyo pa ‘ko ng Kiyone na ‘yon. Alam mo ba kung gaano karaming deals ang napurnada dahil sa nangyari?” Hindi na kailangan pang marinig ni Jho ang buong detalye sapagkat batid na niya ang ibig sabihin nito. It was a drug party, trading illegal items and women are the norm in these types of events. At base sa mga sugat at pasa ni Hansel, may hinuha siyang ito ang sinisi ni Lyonel sa nangyaring kaguluhan. “Why are you blaming me?” Napatid na ang pagtitimpi niya kaya’t buong mithi niya itong tinulak palayo. Nang hindi bumitaw ang kamay nito sa kanyang braso, walang alinlangan niya itong kinagat na nagdulot upang mapasigaw ang binata. “You crazy b***h!” “Sure, Hansel the cowardly dog.” Tiniklop niya ang magkabilang mga braso at tinaasan ito ng kilay. “Bakit hindi ka sumugod kay Matthew Kiyone? Why did you choose to attack a defenseless woman? Dahil alam mong hindi mo siya kakayanin?” “Shut your mouth. Hindi ko kailangan ng opinyon mo.” “I don’t need yours too.” Mabilis na sinalag ni Jho ang kamay nito na tatama sana sa kanyang mukha. She held it tightly and twisted it, making Hansel scream in horror. After that, she took the chance to kick him in the nuts. Nang tumumba ito sa sidewalk, mabilis pa sa alas-kwatro siyang kumaripas ng takbo. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid ngunit nagpatuloy sa paghabol sa kanya ang mga tauhan nito. Hindi kalaunan, nahagit ng isa sa mga ito ang tela ng kanyang damit kaya't bumagsak siya. Hindi niya nagawang makatayo agad bunga ng paggasgas ng kanyang siko sa magaspang na simento. She flinched in pain but something caught her attention. Napako ang mata niya sa coat ni Matthew na mabitawan niya sa kanyang harapan. Nakadungaw sa bulsa nito ang isang spray bottle. Dito lamang siya naliwanagan kung bakit ipinadala ito ng binata sa kanya. "Come here, bitch." Nang sipatin ng isa sa mga tauhan ni Hansel ang kanyang balikat, buong lakas siyang kumawala mula rito at mabilis na binunot ang bote sa bulsa ng coat. Tulad ng inaasahan, isa nga itong pepper spray. Walang sabi-sabi niyang pinindot ito at isinaboy sa mata ng lalaki. "Try again next time," mapang-asar na bulalas niya bago kumaripas ng takbo. Hindi niya naiwasang magpunyagi habang naririnig ang hiyaw nito. Hindi rin nagtagal ang kanyang saya nang matanaw sa kabilang stop light ang isa pang grupo ng kalalakihan na tila hinihintay ang kanyang pagtawid. She hissed in annoyance while looking left and right. Trying not to panic despite being cornered and outnumbered. "Hey, wild cat." Isang sigaw at busina ang pumukaw sa kanyang pag-iisip. Nang lingunin niya ang sasakyan na huminto sa kanyang gilid, nakita niya ang nakangising mukha ni Natasha habang hawak-hawak ang manibela. "Hop in. Hurry." Sa kabila ng gulat, hindi na siya nagdalawang-isip pa. This kid is her only option right now. Nang tuluyan siyang makasakay, pinaharurot nito ang sasakyan sa kalye. "That was close," untag nito sa kanya habang abala siya sa paghabol ng kanyang hininga. When their eyes met, the girl smiled and shook her head. "Tama nga si Attorney, you're reckless. But I like that." "Attorney? Pinapunta ka niya rito?" Hinawi ni Josephine ang magulong buhok na humaharang sa kanyang mukha. "Alam niyang mangyayari 'to and yet he sent me out? That jerk!" Ngumuso si Natasha sa hawak niyang pepper spray. "Give him credit though. Sinubukan naman niyang maging thoughtful." "Thoughtful, my ass." Padabog niyang ibinato sa likod ng sasakyan ang hawak na pepper spray at umismid. "Wait. Are you allowed to drive? May student license ka ba?" "Hah. I knew you'd say that." Binunot nito ang lisensya sa dashboard at ibinato sa kanyang kandungan. "22?" Halos pasigaw na bulalas ng dalaga habang hawak-hawak ang driver's license nito. "Pero bakit parang…." "Shut it." Maagap na putol nito sa litanya niya. "Fix yourself up. Hindi mahalaga ang edad ko ngayon. I can't let you meet my Dad like that." Dito lamang niya naisipang tignan ang sarili mula sa side mirror ng sasakyan. Her hair is a mess, her makeup is smudged, and her elbow is bleeding. Kahit sinong makakita sa kanya'y mahuhulaan na kagagaling niya lamang sa isang away. "Wear this." Isang paper bag ang inilapag ni Natasha sa kanyang harapan. "You must look presentable in front of that man." "What do you mean?" Nagsalubong ang kilay niya habang pinipilit na intindihin ang ibig iparating ng kausap. "Bakit ko kailangan na harapin si VP Morales? Akala ko ba ihahatid ko lang 'yung papeles…" Saglit siyang natigilan at kinapa ang kanyang katawan. Napapikit siya nang maalala ang nangyaring habulan kanina. She lost the envelope amid that crazy sprint. "Don't worry. I have a copy. Attorney Kiyone expected everything, anyway." "Fine," pagpapatalo niya. "Pero bakit ko nga kailangan harapin si VP Morales?" "Because you're Matthew's assistant? Hindi ba't iyon naman ang trabaho mo sa kanya?" sarkastikong saad ni Natasha. Her eyes remained fixated on the road but it had a glint of amusement. "Listen to what I'm going to say, Josephine Dixon. Your real real job begins right after you stepped into my Dad's residence."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD