Chapter 9 - Drawing the line

1558 Words
Halos malaglag ang panga ni Jho sa entrada pa lamang ng Coconut Palace kung saan naninirahan at nag-oopisina ang bise presidente ng Pilipinas. Between the butterfly staircase, hung the humongous and most luxurious chandelier she'd ever seen her entire life. "Close your mouth, baka pasukan ng langaw 'yan." basag ni Natasha sa pananahimik niya. Mabilis naman na tinakpan ng dalaga ang kanyang bibig bunga ng hiya. Hindi lamang kasi siya makapaniwala na ang isang hamak na scammer tulad niya'y makakaapak sa ganitong lugar. "Sigurado ka bang kailangan kong magpakilala kay VP?" Pinagpag niya ang puting bestida na ipinasuot sa kanya nito at umiling-iling. “Kahit anong suotin ko, nakaka-out of place ‘tong lugar na ‘to.” Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya bago nagbuntong-hininga. ‘Nevermind that. Just stand and smile. That’s more than enough to do your job.” Akma pa sana siyang magsasalita upang usisain ang ibig nitong iparating, ngunit natigilan siya sa biglaang pagsulpot ng mga katiwala mula sa gilid ng hagdanan. Humilera ito sa kanilang harapan at yumukod na tila nagbibigay galang sa pagdating ni Natasha. Hindi niya naiwasan na mapataas ang kanyang kilay. She’d only seen this kind of scene in TV shows, now it’s happening right before her eyes. “You can wait in his study, Miss Natasha. Tinatapos lang po ni VP ang video conference niya with the members of the press. He’ll be there with you in five minutes.” saad ng isa sa mga ito. Hindi sumagot si Natasha, sa halip ay luminga ito sa direksyon ni Jho. Umangat ang gilid ng labi nito at sinipat ang kanyang balikat. As if telling her to brace herself in what’s about to happen. Wala siyang nagawa kung hindi tumango, pero sa kaloob-looban niya’y hindi pa rin siya mapalagay. Walang katagang namutawi sa pagitan nila habang tahimik na naghihintay sa loob ng study room ng bise presidente. Gustuhin man ng dilag na magsalita, nanatiling matigas ang ekspresyon sa mukha kanyang kasama. Tanging ang malakas na pagbukas ng pintuan ang tuluyang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa apat na sulok ng kwarto.When a tall man dressed in navy blue suit stepped inside, she quickly guessed who it was. Halos sabay silang napatayo ni Natasha mula sa kani-kanilang kinauupuan. “Saan ka na naman nagsu-suot, Shasha? Alam mo ba kung saan-saan na ‘ko tumawag? If Attorney Kiyone didn’t call, I would’ve…” Nang tumama ang mga mata ni VP Morales sa kanyang direksyon, mabilis itong natigilan. Magkahalong gulat at lito ang puminta sa matapang nitong mukha habang tila sinusuri ang mukha ng dilag. “It’s an honor to meet you, VP. I’m Josephine Dixon, Attorney Kiyone’s assistant.” Maagap niyang pagpapakilala sabay lahad ng kanyang palad sa harapan nito. Hindi ito kaagad nakasagot, ni hindi nito tinanggap ang kanyang pakikipag-kamay. Napansin niya ang bahagyang pamumutla nito habang nakapako pa rin ang tingin sa kanyang mukha. The man looked exactly like his daughter. Makapal ang kilay, may kaliitan ang ilong, at matalas ang tingin. Bunga ng pagka-ilang ay nilingon niya si Natasha. Malayo sa seryosong mukha nito kanina, nakaguhit sa mga labi nito ang isang malapad na ngiti. “What’s wrong, Dad?” sabad nito at isinukbit ang kamay sa braso ni Jho. “I drove Attorney’s assistant here kasi alam kong papagalitan mo ‘ko.” “A-ah, is that so?” Nagawang ibulalas ni VP Morales nang tuluyang makabawi mula sa pagkagulat. He flashed a smile and shook her hand. “Nice to meet you too, Josephine. But didn’t we already meet before?” “Before?” “Ikaw ang panganay na anak ni Joseph Dixon, right? The late CEO of Dixon Accounting Services?” “Y-yes,” nauutal na sagot niya. “But how did you…” “Your father and I used to work together,” putol nito sa kanyang pagsasalita. “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Your family must’ve suffered so much.” “Ah, we’re doing okay.” Buong mithi na pinigil ni Jho ang panginginig ng kanyang boses. Trying not to sound displeased about the mention of her father’s name. “You probably don’t remember, pero lagi kaming inimbitahan ni Joseph sa recital mo.” “Recital?” gulat na tanong ni Natasha. “What kind of recital?” Tumango-tango ang ama nito at ngumiti. “Yes. As far as I can recall, Ms. Josephine used to be the youngest opera singer in the country. Nilalaban siya noon internationally. Do you still sing?” “No. I stopped years ago.” “That’s too bad. Sayang ang potensyal mo. Kung hindi siguro namatay si Joseph, you would’ve conquered the international stage.” Bumaon ang mga katagang iyon sa dibdib ng dilag. Ramdam niya ang pangungutya sa tono ng pagsasalita ng bise presidente. She’s not naive. Her father was caught in the middle of a wide-range corruption case back then, she’s used to hearing this every time her identity gets exposed. “Regardless, that’s still really impressive.” Humigpit ang kapit ni Natasha sa kanyang braso. “T-Thanks,” mahinang wika niya at humugot ng malalim na hininga bago muling bumaling kay VP Morales. “I’m sorry for not remembering, I don’t think he ever mentioned you. Close po ba kayo ng Daddy ko, sir?” “To an extent, yes. We’re more on business partners than friends.” Naghatid ng mapait na ngiti sa labi ni Jho ang naging sagot nito. It was the same line spouted by every friend of her father during the funeral eight years ago. “Sinubukan kong tulungan siya sa kinakaharap niyang kaso noon pero wala rin akong nagawa. I’m so sorry.” “Don’t be, sir. Why would you be sorry, it’s not like you killed him.” Nanlaki ang mga mata nito sa kanyang ibinulalas. “Pardon?” “By the way, ito po pala ang papeles na ipinabibigay ni Attorney.” mabilis na pag-iiba niya sa usapan at ini-abot ang envelope rito. “I’m looking forward to working with you, Mr. Vice President.” “Working with me?” “Since she’s Attorney Kiyone’s assistant, she’ll constantly be managing his schedules and tasks. So it’s nice that you already warmed up with each other, Dad.” paliwanag ni Natasha at humagikgik. “Ah, ganoon ba?” Walang sabi-sabi na tinapik nito ang balikat ni Jho matapos kunin ang envelope mula sa kanyang kamay. “Thank you for this. I guess I’ll see you around, Ms. Dixon.” She managed to smile despite anger filling her senses. Sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad patungo sa direksyon ng pintuan. Tanging ang mahigpit na yapos ni Natasha sa kanyang braso ang pumipigil sa kanya ngayon na undayan ng suntok ang matandang iyon. She felt like she was stabbed all over her body during their entire conversation. “Get a hold of yourself. Hindi pa ito ang tamang oras para umatake ka.” saad ng dalagang anak ng bise presidente nang tuluyang makalabas ng kwarto si VP Morales. “The real job, is this what you’re talking about?” Marahas na tinanggal ni Jho ang kamay nito mula sa kanyang braso. “Gusto ninyong gamitin ang alaala ng isang patay na tao against your father?” “Woah, I didn’t expect you to be this fast.” Pumalakpak sa ere si Natasha na tila ba nalibang sa kanyang naging reaksyon. “A former opera genius, daughter of a controversial star witness, and a skilled swindler. Tama nga si Attorney, you’ll be quite useful.” “Useful?” Napasipat ng noo ang dalaga. Mas lalong umakyat sa kanyang ulo ang gigil at galit na kanina niya pa pilit na pinipigilan. “Where’s your car keys?” “In my pocket, why?” kaswal na sagot nito. Without a word next, Jho scoots down and pulls the keys from her pocket. Halos nalaglag ang panga ni Natasha dahil sa kanyang ginawa. “What the hell? Anong ginagawa mo?” “You live here, right? Ibabalik ko rin mamaya, I just need to go somewhere.” “Hell, no! Give me back my car keys or else…” “Or else what?” sarkastiko niyang tanong at itinaas sa ere ang hawak na susi habang buong mithi itong itong inaabot ni Natasha. “Eat more greens, kid. You owe me one for playing along with your plan, so don't act high and mighty.” “You…” Padabog na tumigil ang dalaga nang mapansin na inaasar lamang niya ito. “Saan ka ba pupunta at anong gagawin mo? What do you need my car for?” “I’m going to draw the line clearly.” Napawi ang ngiti sa mga labi niya nang sumagi sa kanyang isipan ang imahe ni Matthew. “Hind mo ‘ko pwedeng paglaruan nang ganito, Matthew Kiyone.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD