Chapter 7 - Caught in the middle

1989 Words
“You never really changed, Kiyone.”  Naghatid ng kilabot sa buong katawan ng dilag ang magaspang at kumpiyansang boses ni Lyonel. Hindi man malinaw ang repleksyon nito sa salamin, nakikinita niya sa kanyang isipan ang pag-angat ng gilid ng mga labi nito. Although their prior encounter was brief, his vile visage still lingered in her mind. His presence alone could turn this shabby office into a creepy place.  “Must be fun to hang around with a chick so early in the morning.” Kasabay ng sarkastikong pahayag na iyon, nakita ni Jho ang pagharang ng kamay ni Matthew sa akmang paglalakad nito sa kanyang direksyon. “Hindi mo man lang ako ipapakilala, Attorney? That’s rude.”  “Take another step inside my office and you’ll be charged with trespassing, Mr. Majestido.” “Woah,” itinaas nito sa hangin ang magkabilang palad at umatras. “A little too hot there, Attorney. Bad mood ka ba? Did I interrupt something here?”  “Go straight to the point. Wala akong oras para makipag-bugtungan sa’yo.” Saglit na nilinga ng binata si Jho bago muling bumaling muli sa kausap. “As you can see, I have a guest.”  “You should’ve thought about that when you gate-crashed my party.” Malayo sa kaninang mapaglarong tono ng boses ni Lyonel, naging madiin ang pagbitaw nito ng mga salita. “I heard it from my sister. Napadaan ka raw sa teritoryo ko bago dumating ang mga pulis. Interrupting my business and my guests.”  “Oh, that.”  Napasapo si Jho sa kanyang dibdib habang nakataklob sa ilalim ng coat ni Matthew. Unti-unti niyang nadadama ang panunuyo ng kanyang lalamunan sa gitna ng pangamba na humantong sa mas malaking gulo ang tensyon sa pagitan ng dalawa. She can’t afford to be exposed here. Lyonel knows her face, he’d suspect her right off the bat.  “I was invited.” Naglakad ang binata papunta sa office desk at may kinuhang kapirasong papel sa ibabaw nito. “Congressman Alfredo Dia, does it ring a bell? Kliyente ko siya.”  Nang bumalik ang binatang abogado sa harapan ng mga ito, walang sabi-sabi na inagaw ni Lyonel ang papel. Umiling-iling ito habang sinusuri ang laman ng invitation card. A few seconds passed before his loud snort was heard. Halos mapatalon sa gulat ang puso ng dilag dahil dito.  “You’re telling me that a prominent politician seeks services from this shabby office?” Marahas na binato nito ang hawak na papel sa sahig. He stepped on it while his fiery gaze remained fixated at Matthew. “Huwag na tayong maglokohan, Kiyone. Alam nating dalawa kung bakit binubuntutan mo ‘ko everywhere I go.”  “Woah,” sa pagkakataong ito’y si Matthew naman ang ngumisi at nagtaas ng kamay sa ere. “A little too hot there. Bad mood ka ba?”  “What are you doing?” hindi naiwasan ni Jho na ibulong sa sarili bunga ng inis. The man was clearly provoking Lyonel Majestido. At kung magpapatuloy ito, mas lalong hindi siya makakaalis nang payapa sa lugar na ito.  “Gaano kalaki ba ang binayad sa’yo ng katulong na ‘yon? Why can’t you just let go now that the court already sentenced her to lifetime imprisonment?”  “I don’t know what you’re talking about. May hang-over ka pa ba from yesterday’s party? You’re spouting nonsense.”  Hinagit ni Lyonel ang kuwelyo ni Matthew. “You think I didn’t know? Na may plano kayong mag-file ng appeal at ituro ako bilang suspect ng m******e?”  Imbes na magpatinag, nanatili ang malapad na ngiti sa labi ng binata. Marahan na tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang kuwelyo at pinagpag ang damit.  “Plano?” He bit the bottom of his lip and smirked. “Naniniwala ka na pala ngayon sa chismis, Mr. Majestido? I haven’t even met my client yet after the trial. Bakit masyado ka yatang paranoid?”  “Y-You..”  Nang makita ni Jho ang pag-amba ng suntok ni Lyonel kay Matthew, mahigpit niyang hinawakan ang coat sa kanyang ulo. She’s ready to run out of this place as fast as she could without looking back. Base sa kanyang narinig, hindi lang simpleng hidwaan ang namamagitan sa dalawang ito. She didn’t want to get in the middle of it.  “Anong ingay na naman ang dala mo, Lyonel?”  Mula sa makipot na hagdanan,  bumaba roon ang dalagitang sumalubong sa dilag kanina. Hindi niya mawari kung bakit ngunit tila natigilan si Lyonel sa pagpapakita nito. Nang tuluyang itong makababa’y walang takot na hinarap nito ang CEO ng Majestido Group of Companies. "What? Hindi mo man lang ako babatiin?" Dahil hamak na mas malaki rito si Lyonel, tumingkayad iti upang ilapat ang kanyang mga palad sa ibabaw ng balikat nito. "Should I tell my dad that I saw you messing around again?" "I-It's not what it looks like, Shasha." "Close ba tayo para tawagin mo 'ko by my nickname?" Nagtiklop ang dalagita ng magkabilang braso at ngumuso. "If you want to keep leeching on my Dad's money, don't mess with Attorney Kiyone. Naiintindihan mo ba, Lyonel?" Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa direksyon ni Matthew. Humugot ito ng malalim na hininga bago pilit na iginuhit sa mukha ang isang pekeng ngiti.  "Sure, Ms. Natasha. Binisita ko lang naman si Attor ey. But…" He straightened his back as his eyes narrowed. "I didn't expect you'd be here? Alam ba ni VP na nandito ka sa opisina ni Matthew Kiyone?" "Of course, he does. Siya pa nga ang nagpapunta sa'kin dito."  Kasabay ng pagbakas ng lito sa mukha ni Lyonel, isinukbit ni Natasha ang kamay sa braso ni Matthew.  "Since you're here, kailangan mong i-congratulate si Attorney. Dad hired his firm to handle legal cases of our entire family." "This firm?" Muling iginala ni Lyonel ang kanyang mga mata sa loob ng maliit na opisina. "Bakit naman pag-aaksayahan ng oras ni VP Morales ang maliit na firm na 'to? Just because he was once his daughter's tutor?" "This small firm will be located in your building. Hindi ba sa'yo nasabi ni Dad?" "What?" Halos pasigaw na bulalas nito. "What do you mean?" "Ah, hindi pa pala niya nasasabi." Pumalakpak sa ere ang dalagita at humalakhak. "Anyway, hindi mo naman siguro kami tatanggihan right? After all, it was thanks to my father's support that you're in that position now." -------- Bunga ng biglaang pamamagitan ng sigang dalagita kanina, tuluyang lumisan ang grupo ni Lyonel  Bago pa mapagtanto ni Jho, silang dalawa na lamang ni Matthew ang natira sa opisina. Tahimik siyang naka-upo sa sofa habang ang binata nama’y abalang nag-aayos ng papeles sa kanyang lamesa.  Naka-ilang tikhim na rin siya upang kunin ang atensyon nito ngunit patuloy na nanaig ang katahimikan sa pagitan nila. She clenched her fists on the coat above her lap. Is he giving her silent treatment over what happened yesterday?  “So, anong assignment ko today?”  Nang tumigil sa paggalaw ang binatang abogado at umangat ng tingin sa kanyang direksyon, hindi niya naiwasan na tumuwid ng upo. Kinagat niya ang kanyang labi sabay iwas ng tingin. Acting coy to hide her intimidation towards him.  “Sinabi ba sa’yo ni Celestine ang utos ko?”  “Yes. Kaya nga nandito ako, ‘di ba?” Inirapan niya ito at tiniklop ang magkabilang braso. “Malay ko bang madadamay pa ‘ko sa away ninyo?”  “Who’s fault do you think that is?”  Nagsalubong ang mga kilay ni Jho sa tanong na ibinulalas ni Matthew. Walang bahid ng panunuya sa mukha nito nang muling magtama ang kanilang mga mata. Sinapo niya ang kanyang batok bago umiling-iling na tila ba hindi makapaniwala sa nais iparating nito.  “Sinisisi mo ba ‘ko? You think it’s my fault kaya ka sinugod ni Lyonel Majestido?”  Tumayo ito mula sa kinauupuan at isinilid ang mga kamay sa magkabilang bulsa. He stared at her blankly, not showing any hint of emotion despite the change in her tone. Nagbuntong-hininga lamang ito na para bang dismayado sa narinig.  “Sino ba ‘yung hindi nag-isip bago sumugod sa isang drug party? Is this how you normally go undercover? Diving head first without any strategies?”  “Sino ba kasi nagsabi na sumunod ka ha? I’ve been doing this for years, hindi mo ‘ko kailangang bantayan.” This time, she was really shouting at him. Hindi siya makapaniwalang inaangasan siya nito matapos niyang makipagsapalaran masunod lang ang ipinagagawa nito.  “Really? That’s not what I saw when I saw you struggling to push away Hansel.”  “Ah, ‘yun ba ang pinagyayabang mo?” Sa pagkakataong ito’y tumayo na siya upang harapin ang binata. “I can take him down on my own kahit di ka dumating. But anyway, thanks for letting me save my energy.”  “Kaya ba halos hindi ka makapalag habang nililingkisan ka niya? Because  you’re saving your energy?”  “You…” Saglit na napapikit ang dilag sa inis. Hindi dahil iniinsulto siya nito kung hindi dahil hindi niya magawang itanggi ang nakita nito. He was right, she was caught off guard that time and he saved her.  “Fine, superhero. Panalo ka na, pero hindi ko naman maiisipan na pasukin ang lugar na ‘yon if you explained clearly that you’re going against Lyonel.”  “Why did you think I asked you to get information about him? Hindi ba common sense na lang ‘yon?”  “Eh di ikaw na matalino,” gigil na saad niya nang maubusan ng isasagot dito. “Where do you think you’re going?” wika nito sa gitna ng kanyang akmang paghakbang direksyon ng pintuan.  “Out of here. Mukhang tapos mo naman na ‘ko sermonan, so I guess my job here is done…” Naputol ang sarkastiko niyang patutsada nang walang sabi-sabi na ibinato ni Matthew ang isang envelope sa kanyang harapan. Mabuti na lamang mabilis ang reflexes niya kundi ay hindi niya ito nasalo.  “Take that to the VP’s office and get back here by lunch.”  “Ha?” tanging nasambit niya bunga ng gulat. “Take that to VP Morales’ office and go back here. Bingi ka ba?”  “That’s not what I meant. Parte ba ‘to ng pagiging assistant ko?”  “Yes,” mabilis na sagot nito sabay linga sa coat na iniwan niya sa sofa. “And take that with you.”  Lalo lamang kumunot ang noo niya sa sunod-sunod na utos nito, “What for?”  “New rule. You only get to ask one question per task.”  Josephine gritted her teeth. Gusto man niyang sagutin pa si Matthew, buong mithi na lamang niyang pinigil ang sarili. Padabog niyang kinuha ang coat at mabilis na pinukulan ng matalim na tingin ang binata. Nasa entrada na siya palabas nang bigla siyang huminto saka lumingon muli rito.  “Hindi mo ba ‘ko tatanungin? Tungkol sa mga sinabi ni Xynelle kahapon?”  “No.” Kaswal na naglakad pabalik ng office table si Matthew na para bang hindi inintindi ang kanyang sinabi.  “You’re not curious at all why I did that to you?”  “Sinabi ko na sa’yo, hindi ba? When it comes to that, you’re not the one to decide.” May kislap ng isang babala ang mga mata ng binatang abogado. “Instead of wasting your time, stay alert. That’s the least you can do to help.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD