"Tell me what you want and let's get this over with." Walang bahid ng emosyon na anunsyo ni Jho kasabay ng dahan-dahan niyang pagtayo. Pinagpag niya ang damit at humugot ng malalim na paghinga bago muling salubungin ang tingin ng binata.
"What?" tila hindi makapaniwala at gulat na bulalas ni Matthew. "Anong sabi mo?"
"Sabi ko," saglit siyang huminto sa pagsasalita, sa likuran ng kanyang isipa’y muntik na niyang pigilin ang sarili. Ngunit ano pa nga ba ang kinakatakot niya? That unfortunate encounter happened almost 8 years ago. It's not like she can do anything right now to change it. She did what she did and she had to face it now. "Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na nang hindi na nasasayang pareho ang oras natin."
Hindi ito sumagot sa matapang niyang pahayag. Nakatingin lang ito sa kanyang direksyon, blangko at walang kahit anong ekspresyon ang maaaring mabasa sa mukha nito. As if he's in the middle of malfunctioning, like there's an error in his system of thought processing.
Mhigpit niyang kinuyom ang kanyang mga palad Namamawis ito ngayon bunga ng sobrang kaba. Habang hinihintay ang magiging sagot ng binata'y tanging ang malakas na pintig ng kanyang puso ang dumadagundong sa kanyang magkabilang tenga.
Maya-maya pa'y halos mapatalon siya sa muling paghalakhak ni Matthew. Umiiling-iling pa ito at pumapalakpak sa hangin na para bang hindi mapigilan ang saya. Nang tumigil ito'y gumapang sa likuran ni Jho ang kilabot. Pakiramdam niya'y tumatagos sa kanyang kaluluwa ang matalim na titig nito.
"What do I want? Hindi pa ba malinaw sa'yo? Bakit ba 'ko mag-aaksaya ng oras to pull off this show?" sarkastikong sagot nito at nagsimulang humakbang papalapit sa kinatatayuan niya.
Sinubukan niyang umatras ngunit lumapat na sa kanyang likuran ang pader. She silently cursed. Right then, she knew what she needs to do. Bargain to survive in order to get through this.
"Gusto mo bang umamin ako? Iyon lang ba? O-okay, ako 'yon. Ako yung babae na nagpanggap na buntis sa harap ng nililigawan mo."
"Hindi mo kailangan umamin. Kahit itanggi mo, sigurado akong ikaw 'yon." Tumigil ito sa kanyang harapan at bahagyang yumukod. Their faces are now just a few inches apart from each other, there's absolutely no way she could avoid his gaze. "Hindi na rin ang interesado alamin kung bakit mo ginawa."
"Then, what the hell do you want from me?"
"It's not something I want from you, Josephine Dixon," sagot ni Matthew kasabay ng dahan-dahan na paghaplos nito sa kanyang pisngi. "What I want is self satisfaction or maybe a little bit of revenge? If that's the right term to put it."
Sa pagkakataong ito'y si Jho naman ang tumawa, naghatid ito ng kunot sa noo ng binatang kaharap. "Revenge. Ganyan ka ba kababaw, Matthew Kiyone? Really? Over what happened eight years ago?"
He smirked upon hearing her response. "Maybe I'm just like you. Siguro gusto ko lang manggulo ng buhay nang may buhay."
Napalunok siya. Mula sa gilid ng kanyang mga mata'y palihim na sinusuyod niya ang paligid kung saan siya posibleng makatakas. There's no pleasing a guy who wants revenge. There's no remedy to a man's damaged ego. Makatakas lang siya ngayon ay sinusumpa niyang hinding-hindi na magtatagpo ang landas nila.
"What's the matter? Bakit para kang daga na naghahanap ng butas ngayon? Hindi ba matapang ka kanina?" Panunuya ni Matthew at marahas na idiniin ang balikat niya sa pader. "Alam mo ba ang pwede kong gawin sa'yo sa kwartong 'to?"
Nanlaki ang mga mata ni Jho nang gumapang ang kamay nito mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang bewang at walang sabi-sabing hinapit ito. "I can make myself satisfied right here, right now. What do you say? Hindi naman masamang deal 'di ba?"
"Bastos!" Malakas niyang singhal at awtomatikong lumipad ang palad niya sa pisngi ng binata. Namayani sa kanyang katawan ang matinding panginginig ng kanyang mga kalamnan bunga ng iginawi nito.
Who could've thought this could shake her? Hindi niya rin inakala na isang manyak na ngayon ang pinaka-sikat na lalaki sa campus nila noon.
Itinulak niya palayo si Matthew. Kung may lakas nga lang siya ay sinampal niya pa muli ito. Lalo lang namintig sa galit ang kanyang tenga nang makita na nakapinta pa rin sa mga labi nito ang isang nakakalokong ngiti. Para bang natutuwa pa ito sa ginawa niyang pagpalag
"What the f**k? Manyak ka ba?" Walang alinlangan na tanong niya at tuluyang tinalikuran ang kausap upang magtungo sa direksyon ng pintuan.
"How does it feel?" Tanong nito na nagpatigil sa kanyang paghakbang palabas. "Masarap ba ang pakiramdam na maapakan ang pagkatao mo?"
Josephine grits her teeth. Muli niyang nilingon ang binata at tinapunan ito ng matalim na tingin. "Talaga ba? Kino-compare mo itong s****l harassment na ginawa mo, sa pagsira ko ng date mo eight years ago? Hunghang ka ba?"
"You're really naive, aren't you?" May himig na ng galit ang tono nito. "Wala kang ideya kung anong pinagdaan ko dahil lang napagtripan mo 'ko nung araw na 'yon."
"Sorry. Okay na? Makaka-move on ka na ba? Salamat sa effort na hanapin ako, hindi mo na 'ko makikita ulit."
"That's for me to decide."
Kasabay ng katagang 'yon ay tumambad si Arthur sa pagbukas niya ng pintuan. Nakatiklop ang magkabilang braso nito at nakaharang sa kanyang daraanan.
"So, ano? Talagang ta-traydurin mo 'ko Arthur? Kailan ka pa bumaliktad sa grupo?" Sunod-sunod na usisa niya.
"Sumusunod lang ako sa utos, Ms. Jho." Malumanay at hindi natinag na sagot nito.
"Anong utos - " Natigilan siya sa pagsasalita nang lumitaw mula sa likuran ni Arthur si Celestine.
"Tine?"
Nakataas sa ere ang mga kamay ng maliit na dilag at nakapikit ang kanang mata na tila kumikindat. "Sorry na, Jho."
Kumurap-kurapang dalaga bunga ng labis na pagkalito. "Anong ibig sabihin nito?"
"Hindi mo pa rin nage-gets?" sabad ni Matthew sa usapan na nagpalingon sa kanya. May binunot itong cheque booklet sa likurang bulsa ng kanyang pantalon at itinaas sa hangin upang ipakita sa kanya.
"Paano napunta sa'yo 'yan?" Gulantang na tanong niya.
"Beshie, huminahon ka 'ha?" Sinubukan ni Celestine na tapikin ang balikat ng kaibigan ngunit mabilis itong umiwas. "Ganito kasi 'yan, si Attorney Kiyone ang nagtimbre sa'tin ng kliyente na 'to. Si Mrs. Alejandro, remember?"
"W-what?"
Matthew walked past her. Inabot nito ang cheque book kay Celestine bago siya muling tignan. "And in exchange, I loaned you as my personal assistant. Isn't it a great deal?"
"Deal? Assistant? Celestine, ano 'to?" Napahilamos siya ng magkabilang palad sa kanyang mukha. This can't be happening.
"Sorry, girl. Alam mo naman na kapit na sa dulo ng karayom ang company eh, kailangan natin mga leads ni Attorney para maka-kubra ng pondo," naka-ngusong paliwanag ni Celestine kasabay ng pagtatago sa likuran ni Matthew. "Hindi naman bad deal oh, gwapo ng magiging boss mo for three months."
Three months. Halos mapamura si Jho sa narinig nang magtama muli ang mga mata nila ng binata. May pinta ng panunuya at panghahamak ang ekspresyon nito. Pakiramdam niya'y ngayon pa lamang ay nahuhulog na siya sa bitag na plinano nito. She's completely cornered as if she had been trapped in her own territory.
"You don’t need to worry. This is strictly business related," malumanay na saad ng binata. Ibang-iba sa tono nito kanina noong silang dalawa pa lamang ang magka-usap. "I just need your expertise and services."
"Expertise and services?" Tumaas ang kilay niya sa narinig. "Sinong niloko mo? You're just finding a way to torment me!"
Matthew smirked. Hindi ito sumagot sa kanyang paratang at bumaling na lamang kay Celestine na nasa kanyang likuran. Itinaas nito ang magkabilang kamay sa ere na para bang ipinauubaya rito ang pagpapaliwanag sa kanya.
"May law firm kasi 'yang si attorney. Kailangan niya ng impormasyon tungkol doon sa naging big time client natin dati." Mabilis na sabad ni Celestine habang nagkakamot ng ulo. "At dahil services naman natin mag-cater ng requests, pumayag ako. Di ba, Arthur? Di ba, Attorney?"
"What's the matter, Ms. Dixon? Hindi ka ba kumpiyansa na maging assistant ko?" May pahiwatig na tanong ni Matthew at kumindat. "Too scared?"
Huminga siya nang malalim. He's mocking her the same way she did back then. Ang kaibihan lang, siya ang mas dehado ngayon. Inilipat niya ang kanyang tingin kay Celestine at Arthur na kapwang nangungusap ang mga matang nakapukol sa kanya.
Napasapo siya ng kanyang noo bunga sitwasyong kinalalagyan. Gustuhin man niya o hindi, alam niya na hindi ito titigil sa panghihimasok sa dating payapa niyang buhay. There's always a price to pay, but that doesn't mean there's no way out of it. All she needs to do is to make sure she survives the next three months.
"Bring it on then."