"Parang awa niyo na, huwag niyo 'ko patayin. Ibibigay ko sa inyo lahat!" pagsusumamo ng lalaki na nakaluhod sa sahig. Nangingitim ang pasa sa kaliwang mata nito at putok ang mga labi.
"Lahat?" Dahan-dahang yumukod si Jho sa harapan ng lalaki upang tuluyang magtama ang kanilang paningin.
"Can I trust words coming from that dirty mouth?" Tinapik niya ang labi nito gamit ang kanyang hintuturo at ngumisi. Mabilis na tumango-tango ito bilang tugon.
"Madali ka naman pala kausap, Mr. Alejandro." Inangat ng dilag ang kanyang palad sa ere at agad namang may inabot ang isa sa mga armadong lalaki na nasa kanyang likuran.
"Wala namang bagay ang hindi nadadaan sa mabuting usapan," malambing na wika niya bago tumayo at ibato sa harapan ng lalaki ang cheque booklet at ballpen na halos tumama pa sa mukha nito.
"Put a price on it and I'll think about what you can offer."
"M-Magkano ba ang kailangan niyo? Pare-pareho lang naman kayong mukhang pera." Mahina at nanginginig man ang komento nito’y malinaw na narinig ng dilag ang mga mapang-kutyang kataga nito.
Muli siyang bumaling sa nakaluhod na lalaki, napagitla ito sa muling paghakbang niya palapit. Walang babala o anumang tunog ang namutawi sa kanyang bibig, mabilis niyang hinubad ang suot na heels mula sa kanyang kaliwang paa, yumukod at itinutok ang talim nito sa leeg ni Mr. Alejandro.
"Pupulutin mo ba 'yang cheque book o itatarak ko 'to sa leeg mo para sumirit palabas 'yang sama ng buhdi mo?" may awtoridad na banta niya rito at idinampi ang talim ng kanyang sapatos sa balat nito.
"Listen, old man. Nauubos na ang pasensya ko, kaya kung 'di mo isusulat sa mga pahinang ‘yan ang buong halaga ng nasa Swiss bank account mo, 'wag mo na sayangin ang oras ko."
"Isusulat ko, isusulat ko," takot na pag-uulit ng matanda at mabilis na pinulot sa sahig ang booklet.
Nang magsimulang magsulat ito’y matamang sumilay ang malapad na ngiti sa labi ni Jho, malayong-malayo sa kaninang makapanindig-balahibo niyang awra. Muli niyang isinukbit ang hawak na heels sa kanyang paa at tumayo.
"Arthur, ikaw na bahala sa cheque," utos niya habang pinapagpag ang pulang gown na suot. "Kapag minamalas ka nga naman. Ibabalik ko pa 'to eh." iritableng bulalas niya at luminga sa paligid.
Sa isang sulok ay namataan niya ang bag na kanina'y nakasukbit sa kanyang balikat. Marahil ay nahulog ito sa gitna ng kanyang pananakot sa matanda.
"At bago ko pa pala makalimutan, Mr. Alejandro." Liningon niya ang matandang tila wala pa rin sa wisyo at ini-abot ang kumpol ng papel na binunot niya mula sa hawak na bag.
"Ipinapa-abot nga pala ni Mrs. Alejandro ang annulment paper ninyo."
Hindi na hinintay ni Jho ang reaksyon nito, pumihit na siya patalikod at naglakad na palayo. Ang sunod na lamang niyang narinig ay ang pagmumura at pagsigaw nito ng pangalan ng kanyang kliyente. She hissed in mixed amusement and annoyance.
"Rich people are full of drama, aren’t they?" bulong niya habang umiiling-iling.
"Ms. Jho, may tawag mula sa headquarters," saad ni Arthur na nakasunod pala sa kanyang likuran at hawak ang kanyang telepono.
Mabilis na inagaw ng dilag ang telepono mula dito. "Bakit mo 'ko sinundan? Hindi ba sabi ko - "
Bago pa man niya matapos ang pagsasalita ay inangat na ni Arthur sa kanyang harapan ang cheque book na pinapirmahan nila kay Mr. Alejandro.
"Ipinahatid ko na rin siya pabalik sa kwarto at naka-bantay ang mga tauhan ko sa paligid ng casino." Malumanay na pagputol nito sa kanyang litanya.
Umismid na lamang siya at inilagay ang telepono sa kanyang tenga. "Hello?"
"Jho." Hindi na kailangan pang manghula, dahil matining na boses pa lamang ng taong nasa kabilang linya ay nakakasigurado na siya kung sino ito. It's Celestine. "Umalis na kayo d'yan sa casino. Ngayon na."
"Tine, kalmahan mo. Paalis na kami, bakit ba naa-atat kayo d'yan?"
"May mga papuntang pulis. May kumanta sa'tin kaya bilisan niyo umalis." natatarantang babala nito.
"Kumanta? Sino?"
"Kasama mo ba si Arthur?"
"Si Arthur - " Kasabay ng kanyang akmang paglingon ay ang malakas na hampas sa kanyang batok. Unti-unti niyang naramdaman ang panghihina ngunit nagawa niya pang tuluyan na lumingon at maaninag ang pigura ni Arthur.
"Arthur, anong ibig sabihin - "
"Sleep well, Ms. Jho." Ito ang huling katagang narinig niya bago siya tuluyang bumagsak at nawalan ng malay.
-
"Clear na po ang area, wala naman po kaming nakitang ilegal na operasyon dito sa loob ng casino maliban sa pag-detain kay Mr. Alejandro sa isang kwarto." Anang pulis kasabay ng pag-abot ng isang susi kay Matthew.
"Gano'n ba. Good job." Saad ng binata at tinapik ang balikat nito. "Nasaan si Arthur?"
"Sa room 404 po, Attorney," mabilis na sagot ng pulis. "Kasama na niya po ang target na binilin niyo."
Bahagyang nagdilim ang kanyang ekspresyon sa balitang narinig, ngunit agad naman niyang pinawi ito ng pekeng ngiti upang hindi makahalata ang kausap. "Maraming salamat sa pag-responde, pasabi kay Chief didirecho ako sa opisina niya mamaya pagkatapos kong ayusin 'to."
"Walang anuman. Sige po, Attorney. Mauna na kami ng mga bata 'ko." Sumaludo ito bago tuluyang umalis.
Sumilay ang misteryosong ngiti sa labi ni Matthew matapos ipukol ang tingin sa susi na nasa kanyang palad. Naglakad siya patungo sa pasilyo kung saan nakahilera ang mga kwarto. Huminto siya sa tapat ng isang pintuan, ngunit bago pa man niya mai-angat ang susi'y bumukas na ito.
There she is - Josephine Dixon. Ang babaeng ilang taon na niyang pinaghahanap. Kapwa silang natigilan at napako ang mga mata sa isa’t isa.
"Harangan mo siya." Ang sigaw lamang ni Arthur ang nagpabalik sa reyalidad ni Matthew kaya't mabilis niyang ginapi ang magkabilang braso ng dilag at itinulak ito paloob ng kwarto.
Matapos noon ay mabilis nyang ini-lock ang pinto sa kanyang likuran at hinarap ito. Nakasalampak ang dalaga sa sahig at tila gulat pa rin na nakatitig sa kanyang direksyon.
"I-Ikaw." Nauutal na wika nito kasabay ng pagturo ng daliri sa kanya. "Matthew Kiyone?"
Isang malakas na halakhak ang dumagundong sa apat na sulok ng kwarto. Halos magasgas ang lalamunan niya sapagkat hindi niya mapigil ang pagtawa. Who would've thought that this damned woman still remembers him?
"So, you still remember me," sarkastiko niyang komento kasabay ng pagpinta ng ngisi sa kanyang mga labi. Despite his amusement, his disposition turned grim almost immediately.
Hindi umimik si Josephine, mabilis na umiwas ito ng tingin at yumuko. He didn’t like that reaction. Umangat siya ng tingin kay Arthur at kaagad naman itong tumango na tila nabasa ang kanyang nais ipahiwatig.
Nang sila na lamang ang natira sa kwarto’y marahan siyang yumukod at ini-angat ang mukha ng dilag. Muli niya itong pinagmasdan nang mabuti. Hindi siya maaaring magkamali. This was the same face of the girl who ruined his plans years ago.
"Kamusta naman ang anak natin? Siguro ang laki na niya 'no?" Muling hirit niya. “Kanino siya nagmana? Kamukha ko ba?”
Unti-unti niyang naaninag ang pamumutla ng mukha nito. Hindi niya alam kung dahil sa kahihiyan ba o anumang dahilan. That didn't matter to him anyway. He’s just so exhillarated that he was able to find this damned woman.
"Speak, Josephine Dixon. Hindi kita pina-hunting ng halos walong taon para titigan lang ako," iritableng bulalas niya. Gigil man ay nagawa niyang pigilin ang kanyang galit. Wala sa kanyang bokabularyo ang manakit ng babae.
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Bumalik ang tapang sa mukha nito at sinalubong ang nagngangalit niyang titig.
"Wala kang alam?” Umiling-iling siya. “It’s not like I expected anything less from a woman like you," sarkastikong wika ni Matthew at marahas na binitawan ang dalaga.
"After you humiliated me, take my chance out of a blissful romance and basically make me look like a loser for the whole campus to see. Ide-deny mo ang mga nangyari? Are you a witch? Do you enjoy tormenting people like that?"
Namayani ang katahimikan sa paligid matapos ng mga sinabi niyang iyon. For a moment, he thought he saw pain flashing in her eyes. Kumunot ang kanyang noo bunga ng pagtataka.