"Bring it on then."
Isang mahinang halakhak ang namutawi sa lalamunan ni Matthew nang maalala ang mga katagang ibinulalas ng dilag. Hindi niya naiwasan ang mapa-iling habang pinipindot ang passcode sa pintuan ng kanyang apartment.
Sabay ng kanyang pag-apak papasok, awtomatikong bumukas ang ilaw at doo'y padabog niyang inalis ang kanyang suot-suot na sapatos.
Agad niyang tinungo ang sala, inihagis ang bag sa sofa at tinanggal ang suot na necktie. Akma na sana siyang tutungo sa kusina upang kumuha ng beer sa ref nang biglang tumunog ang telepono mula sa kanyang bulsa.
"Hello?" walang enerhiyang bungad niya.
"Hijo, kamusta na?"
His entire body froze upon hearing that familiar voice. Gustuhin man niyang magsalita upang sagutin ang ginang sa kabilang linya, kinailangan niya munang humugot ng malalim na hininga.
"T-tita, ikaw pala. Ayos lang naman po. It's been a while, kamusta na po kayo?" nagawa niyang sambitin sa kabila ng labis na pagkagulat.
"Maayos din kami ng Tito Pancho mo dito sa London." Mabilis na tugon ng tinig sa kabilang linya.
"By the way, uuwi si Rose d'yan sa susunod na buwan. Gusto ko lang ipaalam sa'yo, hijo."
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ni Matthew. "Para saan pa po, Tita? Alam naman natin na ayaw na niyang makita pa 'ko kahit kailan."
"Hijo. Both of you might've given up, but Pancho and I, even your parents, still hope that you and Rose can patch things up." May himig ng lungkot sa tono ng ginang. Hindi man sila magkaharap ngayo'y nahuhulaan na niya ang pangingilid ng luha nito.
"I don't think Rose will agree. But thank you for letting me know."
For the first time in a long while, he felt confused about his feelings. Para bang nagdalawang-isip pa siya bago tuluyang ibaba ang kanyang telepono. Inilapag niya ito sa lamesita at pumihit pabalik ng sofa.
Doon ay ibinato niya ang kanyang katawan. Unti-unti niyang nadama ang pagod bunga ng mga kaganapan kanina kaya't bago niya pa namalayan, pumikit na pala ang mga talukap ng kanyang mga mata. Slowly drifting into the calmness of the night, it was so unlike him.
Is it a feeling of relief? A sign that things will finally go his way this time around? Nevertheless, he's not going to let his guard down.
Katulad ng nakasanayan, alas sais pa lamang ng umaga'y naka-gayak na ang binata. Inihinto niya ang sasakyan malapit sa isang convenience store. Mula sa malayo ay natatanaw na niya ang nakasimangot na mukha ng dilag.
It was Josephine Dixon. Padabog ito na lumagok mula sa bote ng soya milk. Nang magtama ang kanilang mga mata'y agad na gumuhit sa kanyang labi ang ang isang mapanuyang ngiti. Bakas ang inis sa wangis ng dalaga na kaagad tumayo mula sa kinauupuan at nagtungo sa kanyang direksyon. Ilang sandali pa'y kumakatok na ito sa bintana ng kanyang sasakyan.
"Hoy." Galit na bulalas nito pagkabukas na pagkabukas ng bintana. "Sabi mo alas singko? Anong petsa na? Hindi pa natilaok manok ng kapit-bahay namin andito na ko ha?"
Walang sabi-sabi niyang inihagis ang isang brown envelope dito imbes na tugunan ang galit nitong turan. "Find anything suspicious about that person. Meet me here again later at 5pm."
"Ano?" gulat na wika nito at halos mawalan ng balanse habang sinasalo ang kanyang ibinato. "Para saan 'to?"
"No questions, Josephine Dixon. This is what you signed up for." Sarkastikong pahayag ni Matthew. He shot her with a condescending look before scanning her from head to toe. "Why? Susuko ka na agad? What happened to your 'bring it on' spirit then?"
"Aba't talagang - " Akmang ibabato ni Josephine ang hawak na envelope ngunit agad din siyang natigilan. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kamay at kinagat ang labi sa gitna ng pagtitimpi. "Fine. Tatlong buwan lang naman hindi ba? Then, we can call it even?"
"Again, it's not for you to decide." Sagot ni Matthew at mabilis na ipinihit pasara ang bintana ng sasakyan.
Matapos noon ay humarurot siya palayo sa kinatatayuan nito. Napangisi siya nang makita ang panduduro at pagdadabog nito mula sa side-mirror. It seems like he'll be enjoying this torment more than he expected.
------
"Again, it's not for you to decide." Gigil na pag-uulit ni Jho sa sinabi ni Matthew kanina. Mimicking him seems to be the only way for her to ease the annoyance she's feeling right now.
"Akala mo kung sino. English-english pa eh pinapasa niya lang trabaho niya sa'kin."
Itinaktak niya sa mesa ang mga laman ng envelope na ibinigay nito bago isa-isang sinuri ang mga larawan at papel na nakapaloob dito.
"Majestido family massacre." Pagbasa niya sa kapirasong papel na tila pinunit mula sa isang diyaryo. "Majestido. Teka, bat parang pamilyar?"
Natigilan siya nang makita ang isang larawan. Kaagad niyang binunot ang telepono mula sa kanyang bag at nagsimulang mag-dial ng numero.
"Celestine, paki-send sa email lahat ng client info natin tungkol kay Lyonel Majestido. Salamat."
Nang maibaba niya ang telepono ay dagli-dagli niyang ibinalik ang mga dokumento sa envelope at nagtungo palabas ng kinainang fast food chain. Halos patakbo niyang tinungo ang parking lot at sumakay sa lumang Suzuki Alto na itinakas niya mula sa opisina, lingid sa kaalaman ni Celestine.
Ilang sandali pa'y narating na niya ang kanyang nais puntahan. Ipinarke niya ang sasakyan 'di kalayuan sa harapan ng isang motel sa kahabaan ng Ayala.
Makaraan ang ilang minuto, bumukas ang pintuan ng passenger's seat at tumambad ang hingal na si Arthur. Sinenyasan niya ito upang pumasok sa loob ng sasakyan at walang alinlangan na tumalima naman ito.
"Na-confirm mo ba?" Usisa ni Jho at nilingon ito. "Makaka-access ba 'ko sa secret party ni Lyonel?"
Tumango ito at iniabot sa kanya ang isang invitation card na kulay pula. "Nagawan ko ng paraan. Pero para saan nga ulit 'to? May kliyente ba tayong bago?"
"Don't ask me, Arthur. Itanong mo sa magaling nating boss, siya nagsangkalan sa'kin kay Matthew Kiyone." She rolled her eyes and shifted her eyes on the paper in her hands. Sinuri niyang mabuti ang mga detalyeng nakapaloob dito bago muling luminga sa katabi.
"Papasok ako sa loob, dito ka lang. Be on stand-by just in case."
Akma na sana siyang lalabas ng sasakyan nang hilahin ni Arthur ang kanyang braso upang pigilan siya. "Pupunta ka ng ganyan ang suot mo?"
She looked at herself. Sa sobrang pagmamadali niya kanina para huwag mahuli sa pinag-usapan nilang oras ni Matthew, hindi na niya namalayang ang suot-suot niya pala'y isang hoodie jacket at leggings lamang. Halos papasa pa nga itong pantulog.
"Buwiset talagang Kiyone 'yan." Pabulong na reklamo niya.
"Here." Itinaas ni Arthur ang isang paper bag sa kanyang harapan. "Hindi ko pa naisa-sauli sa shop, suotin mo muna."
"It's that crappy red gown again, isn't it?" Walang ganang tanong niya na tinanguhan naman nito. "Ano pa nga bang magagawa 'ko? Thanks, anyway."
Nang makapagpalit siya ng damit, walang kahirap-hirap siyang nakapasok ng naturang motel. Hindi daanin ng tao ang entrance ng gusali at walang pangalan ng establisimiyento na naka-ukit sa labas. Mabuti na lamang at naging kliyente na nila noon si Lyonel kaya't may nagamit na koneksyon si Arthur sa mga tao na nasa loob ng party.
Lyonel and their agency goes a long way back. Nagsisimula pa lamang sila noon ni Celestine nang maging kliyente nila ang ika-limang anak ni primyadong business man na si Wilfred Majestido. Kaya't nang makita niya ang litrato nito sa mga dokumentong binigay ni Matthew ay alam niya na agad kung saang butas ang maaari niyang pasukin.
It's a dangerous move, but she's used to doing these kind of things.
"Your invitation, Ma'am?" Anang receptionist nang lumapit siya rito. Katulad ng inaasahan niya, hindi nga ito isang simpleng motel lamang.
"Ma'am?"
"Ah, sorry. Here." Nakangiting saad ni Jho kasabay ng pag-abot in invitation dito.
"This way, Ma'am." Mabilis na lumabas ng frontdesk table ang receptionist at inihatid siya sa elevator na nasa tagong gilid ng lobby. Pinindot nito ang pinaka-mataas na palapag bago siya tuluyang iwanan.
Nang magbukas ang pintuan ay umalingawngaw sa kanyang tenga ang malakas na sigawan at tugtugan. Tila naging isang malawak na night club ang buong palapag ng gusaling kanyang pinasukan. Malayo sa promal nitong itsura sa labas kanina.
Sino nga namang mag-aakala na may ganitong party habang tirik na tirik pa ang araw? Rich people are unbelievably crazy.
"Here we go." Nakangising bulong ni Jho sa sarili bago mag-martsa palabas ng elevator at hawiin ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.
Sinadya niyang lumakad nang pagewang-gewang upang magpanggap na lasing. She needs to blend in if she wants information. Iginala niya ang mga mata sa paligid, bawat sulok ay maingat niyang sinuri ngunit ni anino ni Lyonel ay hindi niya namataan.
"Hey, I remember you." Isang matangkad at singkit na lalaki ang dahan-dahang lumapit sa kanyang harapan.
"M-Me?" Muntik nang mautal ang dilag, mabuti na lamang at naalala niyang nagpapanggap nga pala siyang lasing. Sinadya niyang mawalan nang balanse kaya't mabilis siyang dinaluhan nito.
"Sorry. D-Do I know you?"
"It's Hansel. You seem too drunk. Hindi mo na ba 'ko naaalala?" Saad nito habang inaalalayan siya patungo sa isang table. "Your agency helped me and Lyonel when we got into trouble."
"Ah, ikaw yung nagmamaneho nang lasing na muntik na maka-hit and run?" Huli na nang mapagtanto ni Jho na napalakas ang sinabi niyang iyon. Napatakip siya ng bibig at yumukod upang umupo. "S-Sorry."
"Nah. It's okay." Humalakhak si Hansel at umupo rin sa kanyang tabi. "Ano palang sadya mo rito? Do you have business with Lyonel again?"
"Uh, yes." Mabilis na tugon niya. "Hinahanap ko nga siya eh. Where is he?"
"Wait. Let me order you a drink first." Sumenyas ito sa waiter na agad naman silang nilapitan. "Negroni?"
Umiling siya. "I prefer margarita."
"Nice. Two Margaritas." Nang umalis ang waiter ay muli itong bumaling sa kanya. Sinuklian niya ito ng tingin na para bang naghihintay ng sagot sa kanyang tanong kanina.
"Oh, you're asking about Lyonel." Bumuntong-hininga ito at ngumuso sa VIP room. "Well, I'm sure he's here. You can take the animal away from the wild, but you cannot take the wild out of the animal."
Josephine can immidiately guessed what Hansel means. "How is he anyway?" Pagbabago niya ng daloy ng usapan.
Umiling-iling ito. "What do you think? Imagine, nagpa-party pa siya just weeks after his entire family was killed." Bulalas ng binata at tumawa. "Oh, but I guess not entirely."
"What do you mean?"
Kasabay ng tanong niyang iyon ay nag-iba ang tingin ni Hansel sa kanya. Tila nagpapahiwatig ng biglaang pagdududa. Dahil dito'y mabilis niyang sinapo ang kanyang noo upang muling magpanggap na nahihilo.
"A-Ahh. My head hurts."
"Are you okay?" Malambing na tanong nito sa kanya. Humapit ang isang kamay nito sa kanyang bewang, at ang isa nama'y naka-hawak na sa kanyang hita. "Let me get you to the room, maybe you need to rest. I'll take care of you."
Lihim na napalunok siya sa sinabi nito. She doesn't like how this is going. How could she forget how dangerous these rich bastards are?