Chapter 48: GIVE IN!

2381 Words
MAGDIDILIM na at mas lumakas ang buhos ng ulan sa pagdating ng bagyo, rinig na rinig ni Maya ang pagaspas ng hangin sa mga puno, kakatapos lang ni Maya na magtimpla ng mainit na sabaw para sa kanila dahil malamig din ang panahon. Inilapag ni Maya ang tatlong mangkok ng sabaw sa may mesa ng mapalingon siya kay Leroi na kakalabas lang ng banyo na nakapagbihis na. “Humigop ka muna ng mainit na sabaw, Leroi.” Alok ni Maya na ngiting ikinalapit ni Leroi sa mesa at umupo doon. After mailibing sa gitna ng gubat ang mga kalaban nina YoRi na napatay nila ay bumalik agad sila sa hide-out upang makaligo at makapagbihis na. At dahil dalawa ang banyo ng hide-out nina Leroi ay parehas iyon ginamit ni Leroi at YoRi. “Nagluto na din ako ng ulam at nagsaing na din ako, mukhang dito na nga tayo magpapalipas ng gabi.” Saad ni Maya na naupo sa mesa katabi ni Leroi. “Unexpected ang bagyo na ‘to, I’m sure bukas titigil na ‘yan.” “Alam mo Leroi, mabuti nalang walang nangyaring masama sayo. Nakaya mong mag-isang sugurin ang mga humahabol sa atin.” Ani ni Maya kay Leroi. “Let just say that those bastard are not that strong enough to hurt or defeat me, they are just average enemy we have.” Sagot ni Leroi na ikinatitig nito kay Maya. “Nadamay ka sa panganib na meron kami, Maya, hindi biro ang mga kalaban namin. Ang mga humabol sa atin, at sumugod dito ay isa lang sa mga may galit sa amin. Marami pa ang gustong maghiganti at pabagsakin kami, katulad ng nangyari ngayon, maaring sa susunod madamay ka ulit.”seryosong ani ni Leroi. “Sa una nakakatakot, ngayon ko lang naranasan na paulanan ng mga bala ng baril. Nakakatakot ang mga nangyari at maaring sa mga susunod ay matyempuhan na ako, pero ewan ko ba Leroi, sa kabila ng takot ko sa mga nangyari alam mo bang pag kasama ko si YoRi pakiramdam ko walang mangyayari---“ Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng ma-realize niya kung anong sinasabi niya kaya agad niyang tinitigan si Leroi na seryoso lang ang mukha na ibinaling ang tingin sa mangkok nitong may sabaw. “A-Ang ibig kong sabihin Leroi….” “It’s okay, you don’t need to explain. Sa nakikita ko, hindi ko na maagaw ang puso mo sa kaniya.”saad ni Leroi na pinagalitan ni Maya ang kaniyang sarili sa kaniyang isipan. Napaka insensitive mo Maya! Alam mong may nararamdaman sayo si Leroi tapos kung ano-ano sinasabi mo! “Leroi ang totoo…” “Make him prove himself.”ani ni Leroi na ikinasalubong ng kilay ni Maya sa sinabi niya. “H-Ha? Anong ibig mong sabihin?” “As you can see, Ringfer has an annoying character, cold attitude, and he doesn’t know what romantic feeling is even he witnessed it to his friends, the Phantoms. Because of his emotionless attitude, it’s hard to read what he was thinking. I know that you loved him, at kahit sabihin ko na pigilan mo ang nararamdaman mo sa kaniya, alam kong mahihirapan kang gawin ‘yun. I love you, what I feel for you is true.” “Leroi…” “But all I want to see in you is to be happy, so, to make sure that Ringfer’s affection to you is not just a like, let him prove himself to you. In short, huwag ka munang bumigay sa kaniya.” Ani na eksplenasyon ni Leroi na bahagyang ikinalapit ni Maya ng upuan nito sa kaniya. “Kaya lang Leroi, nasabi ko na kay Yo kanina na mahal ko siya. Nadala kasi ako ng bugso ng damdamin ko, kaya napaamin ako.” Ngiwing ani ni Maya kay Leroi na bahagyang ikinabuntong hinga nito. “Ayokong masaktan ka ng dahil sa kaniya, Maya, you are precious to me, as a friend, and as the first woman I fell in love. Kahit nasabi mo na sa kaniya ang nararamdaman mo, be a woman enough to make him prove that he’s feelings for you won’t go in vain, and hurt you at the end.”saad ni Leroi na lumingon kay Maya at pinatong sa ulunan ni Maya ang kanang kamay niya at bahagyang ngiting pinakatitigan si Maya na nakatingin din sa kaniya. “Nasasaktan ba kita Leroi?” malungkot na tanong ni Maya kay Leroi na ikindikit nito sa noo ni Maya. “Tao lang ako Maya, knowing that the woman I loved is in love with other man, it pain my heart.”sambit ni Leroi na hindi maiwasang malungkot at ma guilty ni Maya. “So-sorry, mahalaga ka sa akin Leroi, at nalulungkot ako na nasasaktan kita ngayon.”ani ni Maya ng bahagya siyang magulat ng malayo ang upuan niya kay Leroi. Napatunganga nalang si Maya ng maglapag ng upuan si YoRi na kakatapos lang maligo at magbihis, at naupo sa gitna nila ni Leroi. “Ta-Tapos ka na pala Yo, nag gawa ako ng soup para naman mainitan ang sikmura niyo ni Lero—“ hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng kunin ni YoRi ang mangkok ng sabaw ni Leroi at inumin iyon na parang hindi mainit. “Y-Yo, hindi ka ba napaso?” “Where’s mine?” malamig na baling na tanong ni YoRi kay Maya na naguluhan sa kaniya. “H-Huh? P-Pero nainom mo na ‘yung kay Leroi…” “Showing selfishness, I see. Huwag mong agawin ang hindi sayo, Ringfer, hindi magandang ugali ‘yan.”seryosong saad ni Leroi na malamig ang tingin na ikinabaling ni YoRi sa kaniya. “I didn’t steal anything from you Gozon, but never touch that’s not yours.”walang emosyon na ani ni YoRi na ikinangisi naman ni Leroi. “That’s mine at first, and I will make it mine again without a goddamn fight.” “Let’s see about that, Gozon.” Malamig na ani ni YoRi na naguguluhan si Maya sa usapan ng dalawa. “Te-Teka lang, ang pinag-uusapan niyo ba ay ‘yung sabaw na gawa ko? Marami naman akong nagawa, hindi niyo naman na kailangang pag-awayan ang sabaw. T-teka ikukuha ulit kita Lero—“ Akmang tatayo si Maya ng hawakan ni YoRi ang braso niya at ibalik siya sa pagkaka-upo niya na ikinatingin ni Maya dito. “He can get on his own.” Malamig na ani ni YoRi na nakakita ng tissue sa ibabaw ng mesa at kumuha ng ilang piraso at ipinunas sa noo ni Maya. “Asshole.” Kumento ni Leroi na tumayo sa kinauupuan niya at kinuha ang mangkok niya upang kumuha ng sabaw na ininom ni YoRi. “Didn’t I tell you that you must avoid his touch? You won’t listen to me are you, Dailyn?” malamig na ani ni YoRi. “E-Eh kasi ano, m-may pinag-uusapan kasi kami na ano…” hindi malaman ni Maya kung paano siya magpapaliwanag kay YoRi mapahawak siya sa balikat ni YoRi ng hilahin nito ang bangkuan niya at ilapit ito sa tabi ni YoRi. “I’m not jealous, but I don’t like him seeing too close to you.”malamig na ani ni YoRi na ikinatitig ni Maya sa kaniya bago kinuha ang isa pang mangkok ng sabaw at sinimulang inumin iyon. Ang gulo talaga ng isang ‘to, hindi siya nagseselos pero ayaw niyang nakikitang napapalapit ako kay Leroi, so anong tawag dun? Tanong ni Maya sa kaniyang isipan. Nagulat at napayakap nalang si Maya kay YoRi ng biglang kumulog ng malakas at kumidlat, isa sa pinaka ayaw ni Maya ay ang kulog at kidlat. Lumaki siyang tinitiis mag-isa ang gabi sa tuwing may kasamang kulog at kidlat ang ulan, kaya pag agad na binabalita sa tv o radio na may parating na bagyo ay sa apartment ni Misha siya nakikitulog. “Are you afraid of thunder and lightning, Dailyn?” malamig na tanong ni YoRi na bahagyang ikinatango ni Maya sa kaniya. Natigilan nalang si Maya ng maramdaman niyang tinakpan ni YoRi ang magkabila niyang tenga gamit ang dalawang kamay nito, nakabalik naman na sa mesa si Leroi na iniignora ang nakikita niya. “You’re still afraid of thunder and lightning, Maya?” kumento ni Leroi. “Alam mo naman Leroi na ang kulog at kidlat ang isa sa kinatatakutan ko.”sagot ni Maya pero bahagyang nabawasan ang takot niya dahil kay YoRi na nasa tabi niya na mas inilapit pa siya sa tabi nito. Tumunog naman ang cellphone ni Leroi na agad nitong kinuha sa bulsa nito, at ng makita na si Taz ang tumatawag ay agad itong tumayo at lumayo kina Maya. “Why are you afraid of thunder and lightning?” tanong ni YoRi kay Maya na bahagyang ikinatingala ni Maya dito na nakababa na din ng tingin sa kaniya. “Noong bata kasi ako, noong mamatay ang nanay at tatay ko ay naiwan akong mag-isa. Hindi ko gusto ang kulog at kidlat lalo na pag mag-isa ako kasi pakiramdam ko tatamaan nila ako.” “You don’t have parents?” “W-Wala na, mag-isa nalang ako. May nag-alaga naman sa akin noon, pero ng kaya ko na ang sarili ko ay umalis na ako para tumayo sa sarili kong paa. Alam mo naiinggit nga ako sayo kasi may adopted parents ka katulad nina Aling Luisita, kaya nga napalapit din sila sa akin eh.” Kuwento ni Maya na parang nakalimutan na kumukulog at kumikidlat. Hindi naman nakapagsalita si YoRi at inalis ang tingin kay Maya pero hindi niya ito inalis sa tabi niya na lihim na ikinangiti ni Maya. “Emp called me, he told me that he needs me right now. I hate to leave Maya in your care, but stay with her here.”pagbibigay alam ni Leroi kina Maya. “Aalis ka? Pero malakas pa ang ulan, Leroi.” Ani ni Maya na ngiting ikinalingon ni Leroi sa kaniya. “I know, but I need to go. Just remember what I told you, Maya.”pahayag ni Leroi na ikinalingon niya kay YoRi. “Don’t do anything with her, Ringfer, but make her safe.” Seryosong bilin ni Leroi kay YoRi na naglakad na palapit sa may pintuan. “I’m sure emp will call you too, but you can’t leave Maya here. You can’t go out too in this weather, so turn off your phone.” Pahayag ni Leroi na binuksan na ang pintuan at tuluyan ng lumabas. Napatayo si Maya sa kinauupuan niya at akmang pupunta siya sa may pintuan ng muling kumulog at kumidlat kaya akmang uupo siya sa sahig ng may brasong pumulupot sa bewang niya at mapasandal siya sa dibdib ni YoRi. “He will be fine, so you don’t have to worry about him.” Malamig na ani ni YoRi kay Maya na ikinalingon nito sa kaniya ng tumunog ang cellphone ni YoRi na kay Maya. Nang kunin ito ni Maya ay tiningnan ni YoRi ang tumatawag at tulad ng sinabi ni Leroi ay tumatawag si Taz sa kaniya. “May tumatawag sayo, Yo.”ani ni Maya na kinuha ni YoRi ang cellphone nito at nagulat nalang si Maya ng itapon ni YoRi ang cellphone nito sa bintana. “Bakit tinapon ang cellphone mo sa labas?! Mababasa ‘yun ng ulan at masisira.” Bahagyang sermon ni Maya ng hilahin siya ni YoRi sa may sofa. Naunang umupo si YoRi at hinila niya si Maya paupo sa mga hita niya na ikinagulat ni Maya at parang ikinatuod nito. Muling kumabog ang puso ni Maya ng ipulupot ni YoRi ang mga braso nito sa bewang niya. “Y-Yo…hi-hindi mo ba kukunin ang cellphone---“ “I’m sleepy…”putol na ani ni YoRi kay Maya. “K-Kung inaantok ka na, pu-puwede naman na matulog ka na sa kuwarto meron ang hide out nina Leroi. Mabilis ka palang antukin, si-sige na punta ka na doo---“ napatili si Maya ng buhatin siya ni YoRi na pa bridal style at magsimula na itong maglakad. “Te-Teka Yo? Hindi mo naman ako kailangang buhatin…”ani ni Maya ng makapasok na sila sa kuwarto. Biglang kinabahan si Maya ng ibaba siya ni YoRi sa kama at ihiga siya nito, hindi na rin siya nakapagsalita ng tabihan siya ni YoRi at muling iyakap ang mga braso nito sa bewang niya at isiksik ang mukha nito sa leeg niya. Biglang nag-init ang mukha ni Maya sa puwesto nila ni YoRi, gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa. Mas natigilan pa si Maya ng maramdaman niya ang paghaplos ni YoRi sa leeg niya dahilan upang magtagpo ang mga mata nila. “I left a mark here, did you see it.” sambit ni YoRi hindi gamit ang malamig nitong boses na minsan ng narinig ni Maya dito. “A-anong mark?” “The one I bit, my kissmark.”sagot ni YoRi na ikinakunot ng noo ni Maya habang iniisip ang sinasabi ni YoRi ng unti-unting manlaki ang mga mata niya sa sinasabi ni YoRi. “Ki-Kiss mark? I-Ibig sabihin ‘yung parang kagat ng insekto sa leeg ko ay ikaw ang may gawa?” hindi makapaniwalang ani ni Maya ng mapahawak siya sa balikat ni YoRi ng bahagyang ilihis nito ang damit niya sa kaniyang balikat at dumampi ang labi nito doon. Bahagyang napangiwi si Maya ng maramdaman niya ang bahagyang pagkagat doon ni YoRi na ikinainit ng kaniyang pakiram. “Y-Yo…” “I hate this, I know I shouldn’t but I have this feeling to mark you again and make you mine.”sambit ni YoRi ng magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi maalis ni Maya ang kaniyang tingin kay YoRi, agad niya ding nakalimutan ang kung anong binilin ni Leroi sa kaniya, dahil pag si YoRi ang kasama niya, wala siyang ibang nakikita o naiisip kundi ang oras na kasama niya ito. Natagpuan nalang ni Maya na muling tumutugon sa halik ni YoRi, at kahit anong lakas ng kulog at kidlat ay walang nagawa upang pigilan ang pagsuko ni Maya sa kaniyang sarili kay YoRi. Nang mga oras na ‘yun, Maya can’t help herself but give in. She allow YoRi to have her as the rain pours and the thunder and lightning become nothing to Maya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD