TAHIMIK lang si Maya sa kinauupuan niya habang nakatingin siya kay YoRi na nakaupong nakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata nito. Hindi parin sila umaalis sa hide out nina Leroi, nag stay sila roon habang hinihintay ang pagbalik ni Leroi sa kanila. Kahit papaano ay nag-aalala si Maya para kay Leroi, kaya piping nagdasal siya kanina na maging ligtas at bumalik si Leroi na wala kahit anong galos.
Sa mga oras na nag-stay sina Maya at YoRi sa hide out na magkasama, malaking tanong para sa kaniya ang ikinilos ni YoRi. Gusto niyang tanungin si YoRi bakit siya nito hinalikan, kung bakit pinapaiwas siya nito sa paghawak ni Leroi sa kaniya. Hindi mapigilan ni Maya na maguluhan sa Ipinapakita ni YoRi sa kaniya, parang kanina lang ay pinaramdam nito na ayaw na siya nitong makita, pero taliwas iyon sa pinakita naman nito ngayon sa kaniya. Ayaw isipin ni Maya na maaring nagseselos si YoRi kay Leroi, ayaw niyang umasa dahil sa ugali meron si YoRi, sa tingin ni Maya ay mahirap pumasok sa sistema nito ang pag-ibig.
“Are you staring at me?” malamig na tanong ni YoRi na nakapikit parin kaya agad inalis ni Maya ang tingin niya dito.
“Hi-Hindi ah! Ba-Bakit naman kita tititigan.”tanggi ni Maya na kunwaring nililibot ang tingin sa paligid ng bahay, nang bahagya siyang matigilan at binalik kay YoRi ang kaniyang tingin.
“Teka? Paano mo naman nasabi na nakatitig ako sayo?”tanong ni Maya dahil nakapikit lang naman si YoRi simula pa kanina.
“I can sense it.”
“Ganun? Nararamdaman ba pag may nakatitig sayo?” mahinang bulong ni Maya sa kaniyang sarili.
“Izvini. (Sorry)” malamig na sambit ni YoRi na salubong ang kilay na nakatingin si Maya dito.
“Ha? Anong sabi mo? Iz…Izvi..di ko maintindihan.”
“How’s your wound in your right arm?” tanong ni YoRi na dahan-dahan na nagmulat ng kaniyang mga mata at idinako ang malamig nitong tingin kay Maya, bahagyang natigilan si Maya dahil ang titig na binibigay ni YoRi sa kaniya ay hindi tulad kanina.
“Ayos lang naman, daplis lang naman kasi ‘to. Malayo sa puso at bituka ka.” Ngiting biro ni Maya na bahagyang nagpambuntong hininga.
“Yo, gusto ko lang ulit humingi ng tawad sayo at sa muntik ng mangyari sa quadruplets. Kasalanan ko talaga ang nangyari, sana hindi ko nalang sila nilabas. Dahil sa pagiging pakialamera ko, muntik na silang mapahamak. Sorry talaga.” Sincere na paghingi ng tawad ni Maya na agad tumayo sa kinauupuan niya at bahagyang yumuko kay YoRi.
“Pasensya na sa nagawa ko.”
“It’s not your fault.”malamig na sambit ni YoRi na dahan-dahan na ikinatayo ng ayos ni Maya habang nakatingin kay YoRi.
“You don’t know the danger the quadruplets are facing, you have no idea. You want them to see the outside, you don’t want them to put in danger.”ani ni YoRi na pinipigilan ni Maya na mapaluha.
“I-Ibig bang sabihin, hi-hindi ka na galit sa akin?” umaasang tanong ni Maya habang nakatingin si YoRi sa kaniya.
“Hindi na.” malamig na sagot ni YoRi na hindi napigilan ni Maya na mapangiti sa sinabi ni YoRi.
“Salamat naman, nalungkot talaga ako nung nagalit ka sa akin. Hindi rin ako mapalagay kasi pakiramdam ko ayokong magalit ka sa ak—“
“Do you have romantic feelings for me?” putol na tanong ni YoRi na bahagyang natigilan si Maya sa tanong nito.
“Do you like me, or perhaps your falling for me?” malamig na muling tanong ni YoRi na may part kay Maya na sagutin ang tanong nito.
“A-Ang totoo---“
“If you do, stop that feelings. I won’t entertain that, I don’t want you to involve on a person like me.”walang emosyon na putol ni YoRi kay Maya na napatitig sa kaniya, at miya-miya ay napaingos siya sa sinabi nito.
“Alam mo ang gulo mo Yo, hindi kita ma-gets sa totoo lang. Sige, sabihin na natin na gusto kita, ah hindi, oo Yo nahuhulog na ako sayo, mahal na nga kita eh at hindi ko alam bakit minahal kita, kahit ako hanggang ngayon naguguluhan. Tapos sasabihin mo sa akin ngayon na pigilan ko ang nararamdaman ko sayo? Paano? Sabihin mo sa akin Yo kung paano? Paano ko gagawin ‘yun kung minsan ay may ginagawa kang mga bagay na mas lalong magpapahulog sa akin, ‘yung mga halik mo? ‘Yung akto na parang nagseselos ka kay Leroi. Sana hindi mo nalang sinabi na gusto mo ako dahil iba ang dating ng salita na ‘yun sa akin, kung ayaw mo pala akong ma involve sayo, bakit may ibang pagkakataon na iba ang pinapakita mo?” reklamo ni Maya kay YoRi habang pilit niyang tinatago ang sakit sa puso niya.
“Ganito nalang, simula ngayon pag-alis natin dito aalisin ko na ang nararamdaman ko sayo. Tutal naman ang original na gusto ko ay si Leroi, umamin na din naman siya sa akin kaya I’m sure maibabalik ko ang feelings ko sa kaniya. Ginulo mo lang naman ang puso ko ng makilala kita eh! Wala ka talagang pakiramdam, taong yelo ka na hindi alam paano magmahal.” Ani pa ni Maya na inalis ang tingin kay YoRi.
Sa mga oras na ‘yun, para kay Maya ay sign na ‘yun para bitawan ang nararamdaman niya para kay YoRi.
“A-alisin ko na ang nararamdaman ko sayo, pe-pero o-okay lang naman siguro kung magiging mag-kaibigan tayo, di-diba?” alinlangan at umaasang ani ni Maya kay YoRi.
“What are you Dailyn? What are you doing to me.” Malamig na ani ni YoRi na kunot noong binalik ni Maya ang tingin niya dito upang magreklamo sa sinabi nito ng bahagya siyang magulat ng hindi niya napansin na nakalapit na si YoRi sa kaniya at agad sinakop ang mga labi niya.
Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Maya, at bahagya siyang natuod sa kinatatayuan niya ng maramdaman niya ang paghawak ni YoRi sa magkabilang bewang niya. Agad na tumibok ng mabilis ang kaniyang puso ng magsimulang igalaw ni YoRi ang mga labi nito sa kaniya. Napahawak si Maya sa balikat ni YoRi ng bahagyang nilayo ni YoRi ang labi nito sa kaniya, at nilingon ang kamay ni Maya na nasa balikat niyang may sugat.
“So-Sorry, nahawakan ko ba ang sug—“
Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng mapatitig siya sa mga mata ni YoRi habang kinuha nito ang dalawang braso niya at ipinulupot iyon sa leeg ni YoRi. Abo’t-abot ang kaba ni Maya habang magkatitigan ang kanilang mga mata ni YoRi.
“Pa-paano ko pi-pipigilan ang nararamdaman ko sayo kung ganito ang ginagawa mo, Yo…”mahinang sambit ni Maya.
“Forget what I told you.”sambit ni Maya ng muling sakupin ni YoRi ang mga labi ni Maya, at sa pagkakataon na ‘yun ay hindi na napigilan ni Maya na suklian ang halik na binibigay ni YoRi sa kaniya.
Sinabayan ni Maya ang mga paghalik ni YoRi, at dahil dahan-dahan siyang nalulunod sa halik nito ay hindi na niya alam o napansin paano siya naisandal ni YoRi sa pader malapit sa may bintana ng hindi napuputol ang kanilang halikan. At habang abala sila sa kanilang mga labi ay hindi na nila pinansin ang pagbuhos ng malakas na ulan, unti-unti ng nalunod si Maya at hindi na makakawala sa nararamdaman niya para kay YoRi.
Habang lumalalim ang halikan nina Maya ay nagmulat ng kaniyang mga mata si YoRi kung saan bahagyang dumako ang kaniyang mga mata sa may bintana kung saan napansin niya ang ilang bulto ng mga tao na pilit nagtatago sa mga puno.
Dahan-dahan na hiniwalay ni YoRi ang kaniyang mga labi sa labi ni Maya na napatitig sa kaniya bago niya dinako ang tingin niya kay Maya.
“Hide under the table.” Mahinang ani ni YoRi na bahagyang ikinakunot ng noo ni Maya.
“Ba-Bakit?”
“We’re been followed.” Malamig na sagot ni YoRi na agad hinila si Maya at inalalayan papuntang lamesa at itinago sa ilalim nito.
“Yo…”
“Hide and dock here, don’t ever go out in here.”bilin ni YoRi na ikinatango ni Maya na akmang tatayo na si YoRi ng hawakan ni Maya ang kamay nito.
“M_Mag-iingat ka…”
“I will.” Sagot ni YoRi na agad nagtungo sa may pintuan.
Nakatingin lang si Maya mula sa ilalim ng mesa na pinagtataguan niya, at hindi maiwasan ni Maya na kabahan dahil nasundan sila ng mga humahabol sa kanila kanina.
Pinakikiramdaman ni YoRi ang paligid sa labas ng hide out nina Leroi ng tumunog ang cellphone niya, kinuha ito ni YoRi bago sinagot ang tumatawag sa kaniya.
“Ringfer! Some of Bartolomeo Kuma found our hide out, they shoot transmitter to detect us.”
“I know Gozon, they’re here.” Malamig na sagot ni YoRi kay Leroi.
“Don’t let those asshole hurt Maya, protect her Ringfer. I’m coming!”
“You don’t have to tell me about that.” Sagot ni YoRi kay Leroi bago niya pinatay ang tawag nito.
Naramdaman ni YoRi na may tao na sa may pintuan kaya bahagyang sumandal si YoRi sa pader malapit sa pintuan at inaabangan ang pagpasok ng nasa labas. Binalingan ng tingin ni YoRi si Maya sa may ilalim ng mesa na halata ang kaba sa mukha nito.
Nagulat nalang si Maya sa pinagtataguan nito ng malakas na bumagsak ang pintuan na nasira at isang lalaking may hawak na riffle ang nagtangkang pumasok, pero agad iyon nahawakan ni YoRi at malakas na suntok sa mukha ang binigay nito dahilan upang mabitawan ng kalaban ang hawak nitong baril.
Napunta sa kamay ni YoRi ang baril nito at agad na pinaputukan ni YoRi ang dibdib nito na walang buhay na ikinabagsak nito sa putikan. Mabilis na lumabas si YoRi at nagsimulang makipagpalitan ng putukan sa mga kalaban. Napatakip nalang si Maya sa kaniyang tenga dahil sa barilan na kaniyang naririnig na agad nagsimulang manginig ang kaniyang katawan. Napahiyaw pa siya ng may magpaulan ng bala mula sa likuran ng hide out.
Nababasa na si YoRi ng ulan at bahagyang napuputikan ang laylayan ng kaniyang suot na pants, pero baliwala ‘yun kay YoRi at dere-deretso siya sa pagbaril sa mga nakakalat na kalaban. Nang mapabagsak niya ang nasa harapan niyang kalaban ay mabilis ang takbo na pag-ikot niya sa likuran ng bahay kung saan tatlong lalaki ang nagpapa-ulan ng bala ng mga ito. Nang makita siya ng mga ito ay akmang itututok sa kaniya ang mga hawak nitong baril ng malakas na ibinato ni YoRi ang riffle na hawak niya na deretsong tumama sa tatlong lalaki.
Mabilis ang takbo na ginawa ni YORi na nagpadausdos sa putikan palapit sa tatlo, nang makalapit siya ay malakas na sipa sa binti ang ginawa niya dahilan upang matumba ang isa sa tatlo. Agad inagaw ni YoRi ang baril nito at malakas na hinataw sa mukha nito na ikinawalan nito ng malay, paikot na sipa naman ang ginawa ni YoRi sa isa pa niyang kalaban dahilan upang mabitawan nito ang baril na hawakm, bago mabilis na tumayo si YoRi na putikan na at agad sinakal ang kalaban niya gamit ang braso niya. Itinapat ni YoRi ang hawak niyang baril at lahat ng bala nito ay ibinaon nito sa katawan ng isa pang kasamahan ng nagpapa-ulan sa hide out nina Leroi.
Nang maubos na ang bala ay tinapon ni YoRi ang hawak niyang baril, bago binitawan ang sakal-sakal niyang kalaban na agad lumayo sa kaniya. Napubo pa ito habang hawak-hawak ang leeg nito na akmang tatakbo ng matigilan ito ng may saktong tumutok na bunganga ng baril sa noo nito.
“Where do you think you’re going?” seryosong tanong ni Leroi na bahagyang hinihingal at basa na rin ng ulan at naputikan na rin, at mapapansin ang ilang bahid ng dugo sa damit at mukha nito.
“I-Inutusan lang naman kami ni boss Bartolomeo, wa-wala kaming choice kundi su-sumunod…” takot na ani nito na ikinangisi ni Leroi.
“You think I will trust the words of Kuma’s henchmen after your brave plunge in our hide-out? Don’t worry, isusunod kita sa amo mo na imbis na nananahimik sa pinagtataguan niya, nag-ingay pa si---“
Hindi natapos ni Leroi ang sasabihin niya ng may tumagos na punyal sa mukha ng lalaking kausap niya na deretsong bumagsak sa lupa.
“You don’t speak with them.” Malamig na ani ni YoRi kay Leroi.
“Nasaan si Maya?”
“Inside.”
Agad na tumakbo si Leroi papasok sa loob ng hide out, agad hinanap ng kaniyang mga mata si Maya na nakita niyang nasa ilalim ng mesa at nakapikit na nagtatago.
Nakahinga ng maluwag si Leroi ng makitang ayos lang si Maya at walang masamang nangyari dito.
“Maya…”
Agad na tumunghay si Maya ng tawagin ang pangalan niya at bahagyang nagulat ng makita si Leroi, kaya agad siyang lumabas ng mesa at nilapitan ito.
“Leroi! Mabuti nakabalik ka na, hindi ka naman nasugatan sa pag-alis mo di’ba?” tanong ni Maya na ngiting ikinatango ni Leroi.
“They can’t do anything to me.”
“Asan si Yo? Nakita mo ba si Yo?” agad na nag-aalalang tanong ni Maya ng pumasok si YoRi sa loob ng bahay na agad iniwan ni Maya si Leroi at nilapitan si YoRi.
“Okay ka lang ba? Dumudugo ulit ang sugat mo.” ani ni Maya.
“This is fine, are you okay?” tanong ni YoRi na ikinatango ni Maya.
“Okay lang ako.”sagot ni Maya.
“Hindi tayo makakalabas agad dito, nagbagsakan ang puno na dadaanan natin. Iniwan ko sa labas ang kotse dahil hindi agad ako makapasok, so I run towards here. We’ll stay here for tonight dahil mukhang may paparating na bagyo.” Pagbibigay alam ni Leroi kina YORi.
“May bagyo?”ani ni Maya.
“May pagkain naman na nakaimbak dito, may mga damit naman kami na iniiwan nina El Diente. You can borrow clothes here, Ringfer. For now, ‘yung mga kalat sa labas ang linisin natin bago mas lumakas ang ulan.” Ani ni Leroi na agad hinubad ang suot nitong t-shirt na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Maya.
Hindi maitatanggi na may taglay na kakisigan ang katawan ni Leroi, kung baga sexy ito. Hindi maiwasan ni Maya na mapagmasdan ang katawan ni Leroi ng may damit na tumaklob sa ulunan niya kaya pati mata niya ay natakpan. Nang alisin ni Maya ang damit ay nakita niyang ito ang damit na suot ni YoRi kaya agad niyang nilingon ito na kulang nalang ay bumukas ang bibig ni Maya sa mga pandesal na nakikita niya kay YoRi. Sexy body meron si Leroi, pero iba ang dating ng katawan ni YoRi na ikinatitig ni Maya dito.
Oh my pandesal….
“Eyes up here, Dailyn.” Sita ni YoRi na agad ikinabalik ni Maya sa kaniyang sarili at itinaas sa mukha ni YoRi ang mga mata niya.
“H-Ha?”
“Stay here inside while we’re cleaning outside.” Malamig na ani ni YoRi ng lapitan na ni Leroi si YoRi dahilan upang dalawang nagkikisigang katawan ang tumambad sa mga mata ni Maya.
“You can cook while were outside.”ani naman ni Leroi na lihim na ikinalunok ng laway ni Maya habang pinipigilan niya ang mga mata niyang pasadahan ng tingin ang mala-machete na katawan ni Leroi at YoRi, na ngiwing ngiting ikinatango niya sa mga ito.