Chapter 49: RELATIONSHIP WITHOUT LABEL

2432 Words
Chapter 49: RELATIONSHIP WITH NO LABEL SERIES 12: YO RINGFER DAHAN-DAHAN na iminulat ni Maya ang kaniyang mga mata dahil nararamdaman niyang may humahaplos sa kaniyang pisngi. Nang lingunin niya ito ay agad bumungad sa mga mata niya si YoRi na nakatitig sa kaniya. “Yo…anong ginagawa mo?” “I’m just admiring the view.”malamig na sambit ni YoRi na bahagyang ikinangiti ni Maya. “Ako ba ‘yung view na ‘yun?” “Yeah.”sagot ni YoRi na bahagyang ikinatitig ni Maya sito ng isa-isang bumalik sa ala-ala niya ang mga nangyari sa kanila kagabi ni YoRi na dahan-dahan na ikinalaki ng kaniyang mga mata at mabilis na paupong bnumangon sa kama. Bahagyang nanakit ang ibabang parte ni Maya sa kaniyang pagbangod, natigilan lang siya ng may malaking polong blue siya na suot na mukha ng dress sa kaniya. “Te-Teka? Ka-kagabi ba, hi-hindi ba ako nananaginip kagabi? Ma-may nangyari sa ati---“ “Yeah, we fv---“ hindi natuloy ni YoRi ang sasabihin niya ng maibilis takpan ni Maya ang bibig niya habang ramdam ni Maya ang hiya at pag-iinit ng kaniyang mukha. “Hu-huwag mo ng sagutin, o-okay na.”ani ni Maya ng alisin ni YoRi ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. “Does it hurt? Do you hate what we did last night?” malamig na tanong ni YoRi na bahagyang ikinayuko ni Maya. “Hi-hindi naman sa hindi ko gusto ‘yung nangyari kagabi, kaya lang kasi, bakit? A-ang sabi mo ayaw mong ma-involved ako sayo, sabi mo kalimutan ko ang nararamdaman ko para sayo, pe-pero bakit hinayaan mong may mangyari sa atin?”tanong ni Maya dahil ang nangyari sa kanila ni YoRi kagabi ang nagpapadagdag sa kaguluhan sa isipan niya sa ginagawa ni YoRi. “Look at me, Dailyn.” Ani ni YoRi na dahan-dahan ikinalingon ni Maya na bahagyang natigilan ng hawakan ni YoRi ang kanang pisngi niya habang nakatingin sa kaniya ang mga mata nito na nawala ang kalamigan. “You did something on me that it’s hard for me to ignore, I can’t stop myself of wanting you. Tell me, did you cast any spell on me?” “Hi-hindi ko alam, kasi ‘yan din ang tanong ko sa sarili ko? Anong ginawa mo para mahulog ako sayo ng ganito?”sambit ni Maya na hindi inaalis ang pakikipagtitigan niya kay YoRi. “You’re the prohibited that I want to violate, I will bring pain and danger in you. Do you know that?” sambit ni YoRi na kahit sa malamig nitong tinig ay naramdaman ni Maya na may pag-aalala sa sinabi nito sa kaniya na ngiting ikinahawak niya sa kamay ni YoRi na nasa pisngi niya at bahagya niyang ikinapikit upang damhin ang mainit na kamay ni YoRi. “As long na nasa tabi kita ,as long na puwede kitang makita, ayos lang sa akin ang lahat. Hindi sa pagiging assuming pero, sa tuwing nasa panganib ako lagi kang dumadating kaya hindi ako mangangamba. Kung hindi pa katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman mo sa akin, gagawin ko lahat para magkapareho ang laman ng puso natin. Hayaan mo lang ako, Yo…”pahayag na sambit ni Maya ng alisin ni YoRi anga kamay nito na nasa pisngi niya at hawakan siya ng dalawang kamay nito sa bewang niya at hilahin paupo sa kandungan nito. Muling nagkasalubong ang kanilang mga mga habang ang dalawang kamay ni Maya ay nasa magkabilang balikat ni YoRi. At kahit kumikirot ang ibabang parte ni Maya ay mas naka focus siya sa malakas na t***k ng puso niya para kay YoRi. Mahal ko talaga siya…sambit ni Maya sa kaniyang isipan. “Then your my woman from now on, I can’t still give a name of this relationship we will have but if you don’t want this---“ “Ayos lang sa akin, kaya ko namang maghintay hanggang sa may alam ka ng itawag sa magiging relasyon natin. Nakakahiya man pero, being your woman is fine with me.”putol na sagot ni Maya kay YoRi na sa muling pagkakataon ay nasilayan niya ang genuine na ngiti ni YoRi na minsan na nitong pinakita sa kaniya. “Take a bath, a cooked breakfast for you. I’ll wait in the kitchen, then were leaving.”malamig na ani ni YoRi na ngiting ikinatango ni Maya. Bahagyang nagulat si Maya ng buhatin siya ni YoRi ng bridal style kaya napayakap siya agad sa leeg ni YoRi. Nagsimula ng maglakad si YoRi papuntang banyo, at ng makarating na sila doon ay dahan-dahan na ibinaba ni YoRi si Maya sa may pintuan ng banyo. “Take your time, Moya zhenshchina.” Sambit ni YoRi akmang aalis na siya ng hawakan ni Maya ang kanang braso niya kaya napabalik ang tingin nito kay Maya. “Why?” “A-ano ‘yung huling sinabi mo? Moya zhen…gusto ko lang malam---“ “My woman, take your time, my woman.” Putol na malamig na sagot ni YoRi na ikinalapit nito kay Maya at dinampian ng halik ang noo ni Maya. “I’ll wait outside.”sambit ni YoRi bago tuluyan ng lumabas ng kuwarto at iwan si Maya na dahan-dahan na lumapad ang ngiti. Pagkapasok ni Maya sa banyo at pagkara nito sa pintuan ay hindi na napigilan ni Maya ang kilig na kaniyang nararamdaman. Napapatalon siya sa saya na nararamdaman ng kaniyang puso ng mapahawak siya sa pader dahil sa pagkirot ng kaniyang ibabang parte ng kaniyang katawan. “I’m sure masasapak ako ni Misha pag sinabi ko sa kaniya na naibigay ko na kay Yo ang sarili ko, pero wala akong pagsisisi na nararamdaman. Tulad ng pangako ko sa mga kaibigan ni Yo, gagawin ko lahat para maging pagmamahal ang maramdaman niya sa akin.”sambit ni Maya bago nagsimula ng ayusin ang kaniyang sarili. Ilang minuto din ang tinagal ni Maya sa kaniyang pag-aayos, paglabas niya ng banyo ay may nakita siyang damit na nakapatong sa kama. Napangiti siya dahil alam niyang si YoRi ang naglagay nito para masuot niya, agad ng sinuot ni Maya ang damit at ng maiayos na ni Maya ang kaniyang sarili ay lumabas na siya sa kuwarto at naglakad na pa kusina, kung saan naabutan niya si YoRi sa may bintana ng sala na nakatalikod sa kaniya at nakatingin lang doon. Dahan-dahan siyang lumapit dito at tumayo sa gilid nito at bahagyang sinilip si YoRi na napalingon sa kaniya. “Tapos na ako, salamat sa damit. Pero saan mo ‘to kinuha?” tanong ni Maya na ikinaharap ni YoRi sa kaniya. “When you’re sleeping a while ago, I go outside to get you clothes you need.” “Paano? Hindi ba dala ni Leroi ang kotse na gamit natin kagabi?” takang tanong ni Maya. “Yeah, but Alexei brought one of my car for me to use.”ani ni YoRi ng marinig niyang may tumunog sa may bulsa ni YoRi. Nang kunin nito ay bahagyang nagulat si Maya dahil sa cellphone na nakita niya kay YoRi na sa pagkaka-alala niya ay tinapon nito sa labas ang cellphone nito. “Alexei get one phone for me.” Ani ni YoRi na parang nalaman nito ang naiisip ni Maya na ikinatango nalang nito. Agad sinagot ni YoRi ang tumatawag sa kaniya habang nasa tabi lang si Maya at hindi umalis sa harapan ni YoRi. “I know what I’m doing Heneral, I will find that on my own. I will.” Malamig na pagsagot ni YoRi sa kaniyang kausap bago nito binaba ang bagong cellphone nito at tinitigan si Maya. “Stay with me.”ani ni YoRi na bahagyang ikinakunot ng noo ni Maya. “H-Ha?” “From the meantime, we will live under the same roof.” Pagbibigay alam ni YoRi na dahan-dahan na ikinalaki ng mga mata ni Maya. “Eh?!” Matapos ang pananatili nina Maya sa hide out nina Leroi ay nagpasya na din silang umalis doon, paglabas nila ay may ilang puno na natumba dahil sa bagyo na dumaan. Magkahawak ang kamay nila habang palabas sila ng gubat, nang makarating sila sa kalsada ay agad na nakita ni Maya ang isang black Bugatti Veyron na may isang itim na ducatti motor sa likuran nito kung saan nakatayo doon si Alexei na agad yumuko sa harapan ni YoRi ng makalapit sila dito. “Your majesty, Valerius was done doing the things you ask us to do. Alexa also done buying for the needs of her.” Seryosong pagbabalita ni Alexei na binaling ang tingin kay Maya na bahagyang nagtago sa likuran ni YoRi. “Is there something you need us to do, your highness?” baling na tanong na ni Alexei kay YoRi. “Perestan' okhranyat' menya s etogo momenta, okhranyay yeye. Chto by ni sluchilos', zashchiti yeye. Yesli vam ne udastsya etogo sdelat', ubeyte sebya. (Stop guarding me from now on, guard her. Whatever happens, protect her. If you fail to do this, kill yourself.)” malamig na utos ni YoRi kay Alexei na muling ibinaling ang tingin kay Maya na iniwas ang tingin kay Alexei. “Kak pozhelayete, Vashe Velichestvo. (As you wish, Your Majesty.)” sagot ni Alexei bago hinila na ni YoRi si Maya papasok sa loob ng kotse. Pinagbuksan ni YoRi si Maya ng pintuan at inalalayan na sumakay sa loob, nang isara na ni YoRi ang pintuan ay dumako na ito papuntang driver seat. Pagkapasok ni YoRi sa loob ay agad na nitong pinaandar ang makina at umalis na sa lugar na ‘yun kasunod si Alexei na nasa likuran nila. “Yo, about dun sa sinabi mo kanina. Bakit kailangan kong mag stay muna sa bahay mo?” tanong ni Maya dahil ng sabihin iyon kanina ni YoRi sa may hide out ay hindi siya nakapagtanong sa sinabi nito. “For your safety.” “Ba-bakit? Nanganganib ba ang buhay ko?” muling tanong ni Maya kay YoRi ng ilahad nito ang kaliwang palad nito kaya ibinaba ni Maya ang tingin niya dito. Dahan-dahan inabot ni Maya ang kanang kamay niya sa kamay ni YoRi na agad nitong pinagsiklop. “Do you trust me?” malamig na tanong ni YoRi kay Maya. “O-oo naman…” “I chose for now that you stay by my side, so danger will try to use you against me. And I need to protect you. Alexei will be your guard 24/7, you can still do what you want, go to your restaurant, or go somewhere else but Alexei will guard you from a far. Stay for me for the meantime, is that okay?” pahayag ni YoRi habang sa daan nakatutok ang mga mata nito. Naguguluhan man si Maya sa mga sinasabi ni YoRi, pero pinipili niyang magtiwala at gawin ang kung anong sinasabi ni YoRi. “Okay, nagtitiwala ako sayo.”sagot ni Maya na ramdam niyang ikinahigpit ng pagkakahawak ng kamay ni YoRi sa kaniya. Mataposa ng isang oras at kalahating biyahe nina Maya ay nakarating na sila sa village ng bahay ni YoRi, akala ni Maya ay sa barn siya dadalhin ni YoRi, pero hindi siya makapaniwala na naroon ulit siya sa OG na bahay ni YoRi kung nasaan din ang quadruplets. Pagkalabas ni YoRi sa kotse ay pinagbuksan siya nito ng pintuan, magkahawak ang kamay nila ng pumasok na sila sa loob ng bahay kung saan tumambad sa mga mata ni Maya ang pamilyar na mukha sa kaniya. Si Valerius, si ShaSha na minsan niya ng napagselosan, at si Marco na isa sa mga nagligtas sa kanila noon ng quadruplest. At isang babaeng bago sa mga mata ni Maya na agad tumakbo palapit kay YoRi. “Kuya YoRi nabili ko na lahat ng pinabibili niyo. Siya po ba ang gagamit ng lahat ng ‘yun po ba?” tanong ni Alexa kay YoRi. “Alexa!” sita ni Alexei na ikinanguso ng kapatid nito. “Nagtatanong lang naman ako kuya, masama ba ‘yun?” bahagyang reklamo ni Alexa. “Proyavite yeye uvazheniye; kto grub s ney, budet nakazan. (Show her respect; whoever is rude to her will be punished.)”pagbibigay utos ni YoRi sa lahat na sabay-sabay ikinayuko nina Valerius, ShaSha at Marco. “Kak pozhelayete, Vashe Vysochestvo. (As you wish, Your Highness.)” ani ng tatlo na malamig na tingin ang binigay kay Alexa na ngiting sumaludo sa kaniya. “Masusunod kamahalan!” masiglang sagot ni Alexa na buntong hiningang ikinailing ni Alexei. “Kuya Yo!” Lahat ay napatingin sa quadruplets na mga nagbababaan sa hagdanan, mabilis ang mga takbo ng mga ito hanggang makalapit at makarating sa harapan ni YoRi. “Kuya Yo---“ “Eh? Di’ba ikaw ‘yung naglabas sa amin dito sa bahay kaya muntik na kaming mapahamak?” puna ni Junwei kay Maya na bahagyang ikinayuko nito sa hiya. “Oh? Siya nga! Pero Junwei hindi naman niya tayo pinilit di’ba? Sumang-ayon tayo sa alo—“ hindi natuloy ni Junpei ang sasabihin nito ng takpan ni Junwei ang bibig niya. “Manahimik ka nga! Nilabas parin niya tayo.”sita ni Junwei na ng tumikhim si Yo kaya agad na napatayo ng ayos ang quadruplets. “From now, she will stay here with you. Be nice to you her, do you understand?” malamig na pagbibigay alam ni YoRi na ikinagulat ng apat. “Ha?! Totoo ba kuya Yo?!” sabay-sabay na ani ng quadruplets ng tumunog ang cellphone ni YoRi kung naka received siya ng text. Pagkabasa niya ay itinago na niya iyon sa bulsa ng pantalon niya at hinarap si Maya. “I’ll go for now, Alexa will take you in your new room. If you want to go outside just tell to Alexei, adjust yourself now that you’ll stay with me here.”saad ni YoRi na hinalikan muna si Maya sa noo nito na ikinagulat nina Valerius at ng quadruplets maliban kay Alexei, bago ito naglakad at deretsong lumabas ng bahay. “Hinalikan siya ni kuya Yo…”sambit ni Junhao habang nakatingin sila kay Maya na naiilang sa mga titig na nararamdaman niya. “Oi Antonovich, Chto my videli nekotoroye vremya nazad? (What did we see a while ago?)” baling na tanong ni Valerius kay Alexei na nagpamewang na nagpambuntong hininga bago naglakad papunta sa likuran ni Maya. “Eta zhenshchina — lyubovnitsa Nashego Velichestva, poetomu, kak vy slyshali ot Nashego Velichestva, uvazhayte yeye. (This woman is Our Majesty's lover, so as you heard from Our Majesty, respect her.)” pagbibigay alam ni Alexei na nanlalaking mga matang ikinatingin ni Alexa kay Maya. “Eh? Siya?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD