“Bakit hindi si Ringfer ang magbantay, then back up tayo kung may mangyaring kailangan ni Ringfer ng reinforcement. What do you think Westaria?” ani na suhestiyon ni Shawn na nagustuhan ng mga married Phantoms habang walang imik si YoRi na nakatingin sa picture na binigay ni Shawn sa kaniya.
Hindi inalis ni YoRi ang tingin ng malalamig nitong mata sa litrato ng babaeng naririnig niyang pinagkaka-isahan at napagkakasunduan ng Phantoms na siya na ang magbabantay.
"Walang binigay na rason bakit pinababantay ni Valdemor ang babaeng 'yan, pero nakaka curious di'ba? Hindi kaya love interest 'yan ng head founder?" hinalang kalkulasyon ni Sergio na nakatanggap ng pambabato ng unan kina Paxton.
"Tangna! Kung makabato kayo ah!"
"Ang bobo kasi ng sinabi mo, sa tingin mo interesado si Valdemor sa pag-ibig? Mukhang entertainment lang naman ang hanap niyan." ani ni Paxton na ikinangisi ni Demon sa kaniya.
"Ang sabihin mo bayaw, minsan ka ng na threat---"
Hindi natuloy ni Demon ang sasabihin niya ng siya naman ang batuhin ni Paxton ng unan na deretsong tumama sa mukha nito.
"Gago! Huwag mong ipaalala Mondragon II!"
"Twinnie, walang galang na naman si Ignacio sa akin oh?" parang batang pagsusumbong ni Demon kay Devil na hindi siya pinansin at binalewala siya na ikinaasar lang ni Travis sa kaniya.
"I'm sure romantic feelings is not involve here, reason why the head founder wants us to look for to that woman." ani ni Lu.
"Tama si Santos, hindi kaya may kasalanan 'yan kay Valdemor?" ani naman ni ToV.
"May punto si Valenzuela, remember the woman who disguise as a man, si Roberto Palerma? Pinahanap siya ni Valdemor dahil nay atraso sa kaniya, hindi malabo na ganun din ang babaeng pinababantayan ni Valdemor sa atin." pahayag naman ni Shawn.
"But think of it Phantoms, bakit niya pa pababantayan ang babaeng 'yan kung pwede naman niyang ipakuha ito sa atin at dalhin sa kaniya kung may atraso ang babaeng nasa litrato sa head founder?" pahayag naman ni Balance.
"May punto din si Kiosk, Taz clearly told us to protect this woman." pag sang-ayon ni Ford na ikinawalan ng imik nila bago nilingon ni Paxton ang tahimik na si Taz.
"Westaria, siguro nga walang binigay na rason si Valdemor, but did you know this woman?"tanong ni Paxton kay Taz.
"I know her." seryosong sagot ni Taz na ikinalingon ng lahat sa kaniya.
"I'm sure bawal sabihin ni boss Taz kung sino ang babaeng 'ya---"
"Misha Ivashka Wright, second Princess of Cambridge. Only sole daugther of Steven Vellejo Wright, cousin of the crown Prince Noah Kitt Vellejo." malamig na pahayag ni YoRi na sa kaniya naman napabaling ang tingin ng lahat bago niya binaba ang litrato ng babaeng pinababantayan sa kanila, na kay YoRi mapupunta ang trabaho.
"That makes sense, kamag-anak pala ni Val--i mean kamag-anak ng royal family ang pinababantayan sa atin. Ginawa pa tayong baby sitter ni Valdemor, tss!" ani ni Paxton na muntik ng madulas sa kaniyang sasabihin.
Muntik na niyang mapahamak ang grupo sakaling nasabi niya ang hindi niya dapat masabi, alam niyang tanging si Taz, siya at si Demon sa grupo nila ang may kilala sa tunay na pagkatao ni Valdemor.
"Kilala mo siya, Ringfer?" tanong ni Travis kay YoRi.
"Yeah."
"Teka? Paano? Bakit kilala mo ang pinsan ng isang prinsipe?" nagtatakang tanong naman ni Sergio.
"I just know." maikling sagot ni YoRi na ikinatitig ng lahat sa kaniya
INIKOT NI Paxton at Demon ang tingin nila sa kabuuan ng apartment na pansamantalang tinutuluyan ni YoRi para sa pagbabantay nito sa kaibigan ni Maya na hindi nila inasahan na isang dugong bughaw.
Clueless parin sila sa kung bakit at anong dahilan bakit pinababantayan at pinapoprotektahan ito sa kanila, gayong kaya iyong gawin ng mga cartier ni Valdemor.
"Hindi ka naman naghihirap Ringfer, sa pagkakaalam ko nangunguna ka sa Asia sa kilalang chef at kilalang may ari ng La Cuisine Russiano na may iba't-ibang branch local or international. Bakit hindi ka man lang bumili kahit sofa man lang." punang ani ni Paxton na umupo sa sahig malapit sa may bintana habang iginala ni Demon ang mga paa niya sa kabuuan ng apartment na hindi kalakihan at katamtaman lang ang lawak para sa isang tao.
"Wasting of money." malamig at maikling sagot ni YoRi habang nakatutok ang tingin nito sa laptop nito.
"Hindi ka man lang nagdala ng mga gamit mo, Ringfer. Hindi ka ba nagdala ng damit mo pampalit man lang?" ani naman ni Demon na kakalabas lang ng kwarto at tumabi ng upo kay Paxton.
"What's the use of my barn."
"Yawa! Ringfer hassle 'yun. Hindi pa natin alam hanggang kailan natin babantayan ang babaeng nakatira sa kabilang apartment na 'to, dapat hindi ka na nahiyang gumastos." ani ni Demon na hindi pinansin at sinagot ni YoRi.
"Matutuyo laway ko sayo Ringfer." naiiling na kumento ni Demon.
"Madami kang nililihim sa amin Ringfer, hindi mo ba babawasan?" pahayag ni Paxton na kunot noong ikinalingon ni Demon sa kaniya.
"Oi Ignacio, anong speech 'yan?"
"Secrets are meant to hide when people doesn't need to know about that, it's more convinient than knowing those secrets that is not important." walang emosyon na pahayag ni YoRi na deretso lang na nakatutok sa laptop nito.
"It is important to us, lalo na sa lider natin." seryosong saad ni Paxton habang naguguluhan si Demon sa nangyayaring usapan.
"Clueless ako sa topic niyo, baka gusto niyong i-share?" ani na sita ni Demon na malaming ang tingin na binaling ni YoRi kay Paxton.
"Do you want to tell him?"
"Wala ako sa posisyon, besides, ikaw dapat ang nagsasabi sa lahat." pahayag ni Paxton na ikinabalik lang ni YoRi ng tingin sa laptop niya.
"Mga gagong unfair pagdating sa ganitong usapan, may kasama pa kayo dito oh? Pakilinaw naman." angal ni Demon kina Paxton.
"Ang babaeng pinapabantayan ni Valdemor sa atin, isa siyang prinsesa pero bakit sa isang apartment lang siya nakatira? Is she hiding?" pag-iiba ng usapan ni Paxton na ikinaingos ni Demon.
"Changing the fvcking topic, pagka ako nagkaroon ng ise-sekreto who you ka sa akin Ignac---"
"Having secrets can ruin everything, Mondragon II. So be careful for what you are asking for." malamig na putol bi YoRi na isinara ang laptop niya at tumayo na.
"I'm leaving, keep my door locked." ani ni YoRi bago ito deretsong naglakad sa may pintuan niya at deretsong lumabas at iniwan sina Paxton.
"Ang weird talaga ni Ringfer, kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya."
"He's not fvcking weird, he's giving us a fvcking clue. Damn!" ani ni Paxton na naguguluhang ikinatitig ni Demon kay Paxton.
"Pag nagtanong ako wala kang sasabihin nuh?"
"I promise Westaria to keep my mouth shut for this, but the more na itago namin ang tungkol dito baka wala na tayong magawa." sagot ni Paxton na ikinalingon niya kay Demon ng sipain siya nito sa binti niya.
"Gago! Kung magsasalita ka ng ganiyan make sure na nakaka relate akong animal ka! Bwisit ka Ignacio, sana hindi mo nalang pinarinig sa akin." angal ni Demon na pabagsak na humiga sa sahig habang nawalan ng imik si Paxton.
"Tell me Ignacio, hindi naman makakasira sa samahan ang lihim na 'yan hindi ba?" ani na tanong ni Demon habang sa kisame nakatutok ang kaniyang mga mata.
"Don't ask me Mondragon II, kinakatakutan ko din 'yan." sagot ni Paxton na ikinabuntong hininga nito.
HUMAHABA naman ang leeg ni Maya kakasilip sa may transparent na wall ng La Cuisine Russiano, mag 9:30am palang pero nagpunta na si Maya sa harapan ng restaurant ni YoRi dahil sa excitement na may matutunan siya kay YoRi na kilala sa magaling na chef sa Asia.
Ikinagulat ng mga kasama niya ang sinabi niya, pero hindi na niya inisip ang pride niya para sa pakanan ng restaurant niya. Alam niyang tama si Leroi kaya imbis na hamunin niya ang kalaban niya ay makikipaglapit siya dito dahil aaminin niyang mas malaki ang experience ni YoRi kaysa sa kaniya.
Sinubukan pa siyang pigilan ni Misha at ni Nikolai pero naging buo na ang desisyon niya. Nang lingunin niya ang Rad Sluzhit’ Restaurant niya ay makikitang wala talagang pumapansin dito, may mga taong dinadaanan lang ito at deretsong nagtutungo ang mga ito sa restaurant ni YoRi. Malungkot para kay Maya na makita niyang walang pumapansin sa restaurant na pinangarap niya, pero hindi agad siya susuko.
"Para sa Rad Sluzhit’, kung kailangang may i-improve ako bilang chef o sa pagluluto ko, kailangan kong tanggapin." pagkausap ni Maya sa kaniyang sarili bago niya muling nilingon ang transparent wall at palihim na hinahanap si YoRi.
"Halata bang excited ako kasi ang aga ko dito? Thirty minutes nalang bago ang sinabi niyang time sa akin kagabi, mas okay ng maaga kaysa sungitan ako ng patay na bat--i mean ni Mr. Ringfer." saad ni Maya sa kaniyang sarili na akmang lilingunin muli ang restaurant niya ng pagharap niya ay bumangga ang mukha niya sa isang matinong dibdib na ikinawalan niya ng balanse pero agad na may humawak sa bewang niya.
Agad siyang napalingon sa nabunggo niya at nakahawak sa bewang niya na bahagya niyang ikinagulat ng si YoRi ang tumambad sa mukha niya.
"Your too early to the time i give to you, Ms. Paraon." malamig na pahayag ni YoRi na agad nitong binitawan ang pagkakahawak nito sa bewang ni Maya.
Agad napaayos si Maya sa kaniyang pagkakatayo sa harapan ni YoRi.
"It's better to be an early bird than be late as a turtle, right?" ngiting ani ni Maya.
"Don't judge a turtle by his move, sometimes them being slow makes them good."malamig na ani ni YoRi na ikinalakad na nito habang napakunot ang noo ni Maya sa sinabu nito.
"Anong connect?"
"Are you coming or not, Ms. Paraon?" malamig na sita ni YoRi na bahagyang ikinatikhim ni Maya bago akmang susunod kay YoRi ng matigilan siya ng may humawak sa kanang kamay niya.
Paglingon niya ay napakunot ang noo ni Maya ng makita si Nikolai.
"Chef Nikolai? Bakit?" takang tanong ni Maya na seryosong ikinalongon ni Nikolai kay YoRi na malamig ang tingin na nakatingin din dito.
"Are you sure about this? Your skill is enough for the Rad Sluzhit’ to enter the food business. Hindi man nakikita ng tao ang restaurant mo, they will appreciate you soon." pahayag ni Nikolai.
"Waiting is good, but training will make you good. I don't waste time. Now, if you want to learn and improve your skill then your welcome to enter in my kingdom." walang emosyon na pahayag ni YoRi bago ito deretsong pumasok sa loob ng restaurant nito.
"Chef Nikolai, nag explain na ako sa inyo diba? Ginagawa ko 'to kasi alam nating lahat na may kulang sa restaurant natin. I know this is a rush idea, but hindi maitatanggi that Mr. Ringfer is great in this class." eksplenasyon na ani ni Maya kay Nikolai na ikinabuntong hininga nito.
"You don't trust the skill of your subordonate, are you?" ani ni Nikolai na ikinahawak ni Maya sa kanang braso ni Nikolai.
"Hala ang isa sa pinaka mahusay na chef ko ay nagda-drama, syempre malaki ang trust ko sa'yo, kay Misha at sa team ng Rad Sluzhit’. Pero we need to improve kung gusto natin na makipagsabayan sa La Cuisine Russiano o sa ibang restaurant sa pinas. Please, understand me..." saad ni Maya kay Nikolai na ikinabuntong hininga ni Nikolai.
"Magiging okay ka lang ba dito? Nasa teritoryo ka niya." saad na tanong ni Nikolai na mas ikinangiti ni Maya at ikinataas ng isang braso nito sa harapan ni Nikolai.
"Brave 'to, Chef Maya Dailyn Par---"
"Ms. Paraon."
Agad na napalingon si Maya kay YoRi na nasa labas na muli ng restaurant nito.
"My restaurant is not a place for chitchat. Now, i do your fvcking favor, better not be a pain in a fvcking ass on me." walang emosyon na ani ni YoRi na muling ikinapasok nito sa loob ng restaurant nito.
"Pipilitin kong tiyagain ang kasungitan ng patay na batang 'yun, wish me luck Chef Nikolai. Papasukin ko na ang teritoryo ng lalaking 'yun." ngiting ani ni Maya na tinapik ang balikat ni Nikolai bago siya nagmadali ng pumasok sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok ni Maya sa loob ng restaurant ni YoRi ay hindi niya napigilang humanga sa ganda ng estraktura ng loob ng La Cuisine Russiano. Masasabi niyang para siyang nasa Russia dahil sa vibes meron ang loob, malawak at kayang ma-accomodate ang maraming costumers. Masasabi ni Maya na sa ganda ng ayos ng restaurant YoRi ang isa sa dahilan kung bakit dinadayo ito.
"Hindi ko expected na ganito kaganda ang loob ng restaurant niya. Presentable at talagang mararamdaman mong para kang nasa Russ---"
"Good day, Skuchat. (Miss) Welcome to La Cuisine Russiano, do you have a reservation or you are a walk in costumer?" magalang na pag approach ng isa sa staff ni YoRi na hindi naiwasang ikatulala ni Maya dito dahil sa magandang approach nito.
Spokening dollars din ang mga staff niya?
"Miss?"
"She's not a costumer, Aria, don't treat her one."
Sabay na napalingon si Maya at magandang staff na kausap niya kay YoRi na naka chef outfit na ikinatitig ni Maya dito dahil nakadagdag sa gwapong itsura nito ang chef outfit nito.
"Ga-ganun ba boss..."
"Follow me." malamig na ani ni YoRi na naglakad na muli.
Ngiting yumuko si Maya sa staff na mabait na nag approach sa kaniya bago mabilis na sinundan si YoRi na pumasok sa malaking pintuan na agad niya ding pinasukan.
Agad lang siyang natigilan at bahagyang natuod sa kinatatayuan niya ng tumambad sa kaniya ang may karamihang chef na napatingin sa pagpasok niya.
Ilan sa mga chef ay mga banyaga, at ang ilan ay mga pilipino. Bahagyang nakaramdam ng hiya si Maya dahil lahat ng mata ng mga chef ni YoRi ay nakatingin sa kaniya.
"Who let you in to our this kitchen? Are you a costumer?" sitang ani ng isa sa mga chef na masasabi niyang isa sa may itsura sa loob ng kusina na pinasukan niya.
"If you are searching for a restroom, you entered the wrong door, little kitten." ani pa nito na naglakad palapit sa kaniya habang si Maya ay hindi malaman ang kung anong gagawin niya habang pilit niyang hinahanap si YoRi.
"Don't mess with her, Alekseev, she's my apprentice. S segodnyashnego dnya ona budet rabotat' zdes' moyey uchenitsey. Zapugivay yeye, i ty uvolen. (From today she will work here as my apprentice. Bully her and you're fired.)" Walang emosyon na ani ni YoRi na ikinalingon ng lahat sa kaniya na nasa malaking pwesto nito sa kusina na may hawak na kutsilyo habang nakasandal sa sink nito.
Wala naman naintindihan si Maya sa mga sinabi ni YoRi dahil hindi ganun kalawak ang alam niya sa lenggwaheng Russian. Pero isa lang ang masasabi niya sa kaniyang sarili, hindi maipagkakailang gwapo si YoRi kaya isa ito sa dinadayo sa restaurant nito.
Napadako naman ang malamig na tingin ni YoRi kay Maya at sinenyasan itong lumapit sa kaniya kaya mabilis na kilos ang ginawa ni Maya habang nilalagpasan ang mga chefs na nakatuon ang tingin sa kaniya. Nang makalapit si Maya sa harapan ni YoRi ay bahagya siyang nagulat ng suotan siya nito ng apron na ikinahawak pa nito sa balikat niya at iniharap sa malawak na sink nito.
"This is your first job as my student, wash all this dishes. Pronto." malamig na utos ni YoRi bago tinupi ang sleeves niya at nagpunta na sa kaniyang kalan habang napapapangisi ang mga chef na bumalik sa mga ginagawa ng mga ito.
Napatunganga naman si Maya habang nakatingin sa tambak na hugasin na hindi niya masasabing kasama sa training niya bilang isang chef