Chapter 07- CEASE FIRE

2724 Words
HINDI MAKAPANIWALA si Maya na sa lahat ng pwedeng tumulong sa kaniya sa mga bastos na lalaking humarang sa kaniya ay si YoRi na tinuturing niyang karibal simula ng magbukas ang restaurant niya sa tapat ng kilala at sikat nitong restaurant. Hindi niya maiwasang mainis sa binata lalo pa ng sadyain nito ang restaurant niya at ipamukha sa kaniya ang laki ng agwat nila pagdating sa kanilang restaurant, pero ito mismo ang nagligtas sa kaniya sa mga oras na 'yun. At kung kanina ay nagtatapang siya sa harapan ng mga lalaki, pero ngayong nasa bisig siya ni YoRi na parang safe siya dito ay parang gustong lumabas ng mga luha sa mga mata niya. "Mr. Ringfer...." “At sino ka naman? Ikaw ba ang syota na sinasabi niya?” singit na pahayag ng lalaking ikinalipat na ng tingin ni YoRi dito. “Ako nga, may problema ba kayo if that’s the case?” malamig na pagsagot ni YoRi na hindi inasahan ni Maya ang sinagot niya lalo na at narinig niya itong bahagyang magsalita ng tagalog na kahit malamig ang pagkakabigkas ay hindi alam ni Maya kung bakit tumagos sa kaniya ang sinabi nito. "Ahhh! Ikaw pala, masyado kang pinagmamalaki ng magandang binibini na 'yan. Sabi niya ay kaya mo akong bugbugin, eh baka isang suntok ko lang sayo lumagapak ka na sa kalsda ng walang malay. Kaya kung ayaw mo ng gulo, bakit hindi mo nalang ibigay sa akin ang nobya mo?" ngising ani ng lalaki na ikinakantiyaw pa nga kasama nito dahilan upang mabahala si Maya. "U-umalis na tayo dito, hu-huwag na natin silang pansinin." mahinang sambit ni Maya habang hawak nito ang damit ni YoRi na napalingon sa kaniya. "He mocked me, and he asked me to hand you, my girlfriend." mahina pero malamig na ani ni YoRi na ikinaramdam ng hiya ni Maya sa itinawag nito sa kaniya. "Hindi ko naman intensyon na ikaw ang sabi---" "Pasensya na, pero hindi ko ipinamimigay ang nobya ko. That's fvcking tagalog, i'm sure you understand what i said, right?" walang emosyon na ani ni YoRi sa lalaking napikon sa sinabi niya. "Opkors i understand your inglish! Tangna! Minamaliit mo ba ako ha?!" pikon na ani ng lalaki na ikinatabi ni YoRi kay Maya sa may bandang likuran niya. "O-oi, huwag mong sabihin na papatulan mo siya?" ani ni Maya habang hindi niya maiwasan na mag-alala para kay YoRi. "Stay back, hindi pwedeng masaktan ang nobya ko, right?" malamig na ani ni YoRi na bahagyang lumingon sa kaniya. Hindi naman nakaimik si Maya kahit alam niyang inaasar lang siya ni YoRi kahit hindi niya intensyon na si YoRi ang nobyo na magpakita sa tabi niya. "Ang yabang mo, mukhang dayo ka pa dito. Ako ang siga dito kaya matuto kang gumalang sa akin." ani ng lalaki na ikinalingon ng walang emosyong mga mata ni YoRi dito. "Mukhang natatakot na sayo Harold oh, hindi na makapagsalita." natatawang ani ng kasamahan nito na ikinangisi ng lalaki sa harapan ni YoRi. "Dapat lang matakot 'yan, hindi niya alam kung sino ang binabangga niya. Pagbibigyan pa kita, akin nalang ang nobya mo. Siguro naman makakahanap ka pa ng kapalit niya." ngising ani nito na ikinalakad na ni YoRi palapit dito. Malawak lang itong nakangisi sa kaniya habang kinakabahan si Maya para kay YoRi, nang isang dangkal nalang ang layo ni YoRi sa lalaki ay akmang magsasalita ito ng mabilis hawakan ni YoRi ang kanang bahagi ng ulo ng lalaki at dinala ito sa may mesa at malakas na hinampas ang ulunan nito dahilan ng pagkasira ng lamesa at pagkabasag ng mga bote ng alak, na ikinagulat ng mga kasama ng lalaki ganun din si Maya na napatakip pa ng kamay niya ang kaniyang bibig sa ginawa ni YoRi. May ilang tambay naman sa lugar na 'yun ang napatingin sa gawi nina YoRi. "Ha-Harold okay ka lang?!" tanong ng kasama nito na mabilis na itinayo ng dalawa pa nitong kasama kung saan nakita nila ang nagdudugong ulunan nito. Nanginginig naman ang kamay ng lalaking humarang kay Maya na hinawakan ang ulunan niya, at nanlaki ang mga mata niya ng may makapa siyang mainit ma likido, at mas nagulat ito ng makita ang dugo sa kamay nito na galit na ikinalingon nito kay YoRi. "Ang lakas ng loob mong gawin sa akin 'to?! Sa tingin mo ba palalabasin pa kita sa barangay na ito ng buhay!" gigil na sigaw ng lalaki na tinabig ang dalawang may hawak sa kaniya at mabilis na sinugod si YoRi. Napahiyaw naman sa gulat si Maya dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng suntok ng lalaki kay YoRi na naiiwasan naman nito. Pero hindi parin maiwasan ni Maya na mag-alala para kay YoRi. Bawat suntok ng lalaki ay mabilis lang na naiiwasan ni YoRi, mabagal lang ang galaw nito kaya nakikita ni YiRi bawat kilos nito. Kung titingnan ay para lang itong langaw na pilit na gustong dumapo sa kaniya, boring kay YoRi amg ganitong kalaban kaya agad na nahawakan ni YoRi ang kanang braso nito bago limang sunod-sunod na malalakas na suntok sa sikmura ang ibinigay niya dito, bago niya sinipa ang dalawang binti nito na deretsong ikinaluhod ng lalaki sa harapan niya. Hindi naman makapaniwala ang mga kasamahan ng lalaki sa nakita nilang walang hirap na pagbugbog ni YoRi sa kasama nila. Hawak-hawak parin ni YoRi ang kamay ng lalaki ng bahagya niya itong pilipitin na ikinahiyaw nito sa sakit. "Give me that bottle." malamig na utos ni YoRi sa isang lalaki na mabilis na ginawa ang sinabi niya at agad na dinampot at inabot kay YoRi ang bote na hindi nabasag sa ginawa niya kanina sa lalaki. Ang kaba naman ni Maya para kay YoRi ay bigla nalang nawala habang nakikita niyang sisiw lang kay YoRi ang lalaking humarang sa kaniya. Nakalimutan ko pala, may napabagsak na pala ang lalaking ito sa may palengke. ani ni Maya sa kaniyang isipan habang nakatingin sa likuran ni YoRi. "If you dare to do an indecent act towards her again, i can send you directly in hell. But for now, have your fvcking rest." malamig na ani ni YoRi na malakas na pinukpok sa ulunan ang hawak niyang bote sa lalaki na ikinabitaw niya sa hawak niyang kamay nito, ng deretso itong bumagsak sa kalsada ng walang malay. Nagulat naman ang mga kasama nito na pinangunahan na ng takot at isa-isang nagsitakbuhan at iniwan ang kasama nila na ikinagulat ni Maya. "Te-teka? Iiwan niyo lang ba ang kasama niyo dito?!" tawag ni Maya sa mga nagtakbuhan na nawala na ng parang bula. Agad naman na nilapitan ni Maya si YoRi bago binaba ang tingin sa lalaking walang malay na nakahandusay sa kalsada. "Bu-buhay pa naman siya diba?" ani na tanong ni Maya na ikinalingon niya kay YoRi na nakita niyang naglalakad na pabalik sa apartment nito na agad niyang ikinasunod. "T-teka lang! Sandali Mr. Ringfer!" tawag ni Maya habang hinahabol niya si YoRi, at ng mahabol niya ito ay agad niya itong hinarang kaya natigil ito sa paglalakad binagsak ang malamig nitong tingin sa kaniya. "A-about sa boyfriend thingy, oo may sinabi ako sa kanila na nobyo pero specifically hindi ikaw ang sinasabi ko. Nagkataon lang na dumating ka kaya akala nila ikaw 'yung tinutukoy ko." agad na eksplenasyon ni Maya kay YoRi na malamig lang ang tingin na nakatingin sa kaniya na bahagya niyang ikinabuntong hininga. "Hi-hindi sa assuming ako, pero sinundan mo ba ako kasi alam mong may mga lasinggero na pwedeng humarang sa akin?" saad na tanong ni Maya kay YoRi. "A woman like you going out this hour will get the attention of those bastards, i just help you." malamig na ani ni YoRi na akmang lalagpasan si Maya ng pigilan siya nito gamit ang paghawak nito sa kanang braso niya na deretso niyang ikinalingon sa kamay nitong hawak-hawak siya. "Sandali, hintayin mo naman na magpasalamat ako sa pagtulong mo sa akin. Alam kong hindi mo kailangan ng thank you ko pero ayokong magkaroon ng utang na loob sayo." "I didn't help you so that you will be indebted to me, that's not my fvcking intention." ani ni YoRi na ito na mismo ang nag-alis ng pagkakahawak ni Maya sa braso niya. "Don't casually touch me." ani pa nito na imbis na maasar si Maya ay hinayaan niya nalang ito dahil niligtas naman siya nito. "Basta tanggapin mo ang thank you ko, tsaka sorry din kung sa tingin ko karibal kita. Competitive lang talaga ako, masyado lang talagang big deal sa akin na mas dinadayo ang restaurant mo kaysa sa akin. Get's ko naman na kilala at sikat nag restaurant mo, siguro naiingit lang ako." pahayag ni Maya na nahihiyang napayuko dahil sa mga sinabi niya kay YoRi. "Maling ituring kitang karibal dahil sa totoo lang malayo ang agwat mo sa akin. Gagawin ko nalang lahat para makilala din ang restaurant ko." ani pa ni Maya na yumuko kay YoRi. "Thank you at Sorry na din, it's immature of me to compete with yo---" "Compete with me? I never thought that you were competing with me, i never see you as one." malamig na saad ni YoRi na naglakad na muli kaya kahit napikon si Maya sa sinabi nito ay sumabay siya dito. "Nakakainis ang sinabi mo pero hindi ko nalang papatulan, bakit hindi nalang tayo maging business partner?" ngiting ani ni Maya na ikinatigil ni YoRi sa paglalakad ganun din siya ng lingunin siya nito gamit ang walang emosyong mga mata nito. "I don't do my business with a business partner, besides, you'll just use me to gain costumers." malamig na ani ni YoRi na mabilis na ikinailing ni Maya. "Ayyy grabe ka, hindi ganun ang iniisip ko ah! Ang judgemental mo naman, hindi ko gagamitin ang fame ng restaurant mo para makilala ang sa akin. Ang ibig kong sabihin sa business partner, bakit hindi mo ko turuan para maging maayos ang mga niluluto namin? I mean, ibaba ko na ang pride ko. Kung may dapat i-improve sa mga niluluto namin, then i'm good kung ikaw ang magtatama sa amin." pahayag na ani ni Maya na ikinatitig ni YoRi sa kaniya. "Telling that kind of joke is not funny, woman." ani ni YoRi na nagsimula na ulit maglakad. "Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso kaya ako!" ani ni Maya na mabilis na sinundan si YoRi at sinabayan muli ito sa paglalakad. "Seryoso ako sa sinabi ko, hindi ako nagbibiro. Gusto ko talagang matuto at mag excel pa, gustong-gusto ko ang pagluluto kaya sige na, please." ani Maya na wala siyang sagot na nakuha kay YoRi. "Fine! Alam kong di maganda ang unang meet up nating dalawa pero pwede naman sigurong mag cease fire na tayo? I mean, let's be friends." ani pa ni Maya na hindi na mapigilang mainis dahil para lang siyang nagsasalita sa hangin at walang kausap. "Ang hirap mo naman kausap, ako na nga 'yung nagbababa ng pride dito eh." angal na reklamo ni Maya nang mapansin nakarating na sila sa apartment kung saan magkapitbahay si YoRi at Misha. "I'm not interested, i am a busy person." malamig na ani ni YoRi na akmang bubuksan na ang pintuan ng apartment niya ng mabilis na humarang sa pintuan niya si Maya at malawak siyang nginitian. "Alam kong busy ka, pero pwede mo naman isingit sa free time mo 'yung sinasabi ko, diba? I can be a good student naman, sige na pumayag kana." ani ni Maya na bahagyang ikinagulat niya ng ilapit ni YoRi ang gwapo nitong mukha isang inch nalang ang layo sa mukha niya na parang pwede na siyang maduling sa lapit nito sa kaniya. "I don't need a student who will just back fight me at the end." saad ni YoRi na bahagyang ikinatulak ni YoRi sa kaniya paalis sa pagkakaharang sa pintuan nito bago iyon buksan at pumasok sa loob. Naiwan si Maya sa labas na pigil ang inis dahil sa pagtanggi ni YoRi sa naisip niya. "Ibinaba ko na nga ang pride ko, nag-iinarte pa itong patay na bata na 'to! Bakit ba ako nag alok ng cease fire eh mukhang hindi naman deserving ng isang 'to. Kainis!" inis na ani ni Maya na akmang hahampasin ang pintuan ni YoRi ng magulat siya ng magbukas iyon dahilan upang lumapat ang kanang palad niya sa dibdib ni YoRi na ikinalingon niya kay YoRi. "Take your hand in my chest will you?" malamig na sita ni YoRi na agad inalis ni Maya ang kamay niya sa dibdib ni YoRi at itinago iyon likuran niya. "Hindi ko naman intensyon na hawakan ang dibdib mo ah, hahampasin ko na ang pintuan mo ng buksan mo naman. Kung iniisip mo na panananching ang ginawa ko, asa ka! Bakit matipuno ba 'yang dibdib mo?" ani ni Maya. "Why? Gusto mong makita?" casual na ani ni YoRi na ramdam ni Maya ang pag-init ng mukha niya. "Excuse me! Sinabi ko bang gusto kong makita ang dibdib mo?" "Nagtatanong ka hindi ba? I just give you the answer." ani ni YoRi na lalong nararamdaman ni Maya ang pag-iinit ng mukha niya. "Hindi dahil tinanong ko ibig sabihin gusto ko makita ang dibdib mo! Diyan ka na nga!" napipikon na ani ni Maya na akmang papasok sa loob ng apartment ni Misha ng hawakan ni YoRi ang likuran ng damit niya at hilahin ito pabalik sa harapan nito. "Ano ba! Kung makahila ka naman diyan, problema mo?"ani na reklamo ni Maya ng bitawan na ni YoRi ang pagkakahawak nito sa likuran ng damit niya. "What's your name?" walang emosyong tanong ni YoRi sa kaniya na ikinayakap ni Maya sa kaniyang sarili. "Alam ko kinikilabutan ako sa pananalita mo, parang patay ang kinakausap ko walang emosyon. Lagyan mo naman ng buhay pagtatanong mo." reklamo na ani ni Maya na ikinabuntong hininga ni YoRi bago ito umayos sa pagkaka-upo nito ng matigilan at matulala si Maya ng ngumiti si YoRi sa harapan niya at nawala ang malamig na awra nito. "What's your name, woman?" saad na ulit na tanong ni YoRi gamit ang usual na pakikipag-usap nito pag ang kausap niya ay ang magulang niya. "Maya Dailyn Paraon..." agad na sagot ni Maya na sa isang iglap ay bumalik ang walang emosyon na mga mata ni YoRi, at ang malamig nitong presensya. "Tomorrow, 10 in the morning, at my kitchen. I don't accept late comers." malamig na ani nito bago sinara ang pintuan ng apartment nito. Napatulala si Maya sa kinatatayuan niya at napakurap ng ilang beses. "Anong ibig sabihin niya sa sinabi--Teka? Ibig sabihin tuturuan niya na ako?" ani na pahayag ni Maya na napatakip siya ng kaniyang bibig gamit ang dalawa niyang kamay upang mapigilan ang pagtili niya upang hindi marinig ni YoRi. "Okay Maya, cease fire na muna kayo. He will teach you to cook better, parang training mo ulit 'to." ngiting pahayag ni Maya sa kaniyang sarili bago good mood na pumasok na sa apartment ni Misha na naabutan niya sa kusina nito na nag-luluto ng ibang putahe ng uulamin nila. "Ang tagal mo naman, madami ka bang binili sa tinda---" hindi natuloy ni Misha ang sasabihin niya ng paglingon niya kay Maya ay wala itong dala kahit isa. "Asan ang bibilhin mo na ingredients para mapagluto mo ko ng specialty mo? Anong ginawa mo sa labas, Maya, tumambay?" ani ni Misha na mahinang ikinahampas ni Maya sa kaniyanh kanang balikat dahil nawala na sa isip niya na kaya siya lumabas ay para bumili ng sangkap sa pagluluto niya ng ni request ni Misha sa kaniya. "Nakalimutan ko, patawad." saad ni Maya na lumuhod pa sa sahig sa harapan ni Misha na ginagawa niya tuwing may mali siyang nagagawa. "Paano mo nakalimutan? Ano 'yun Maya naglalakad ka tapos nawala sa isip mo na may dapat kang bilhin? Ayy girl may Alzheimer ka?" sermon ni Misha na agad ikinatayo ni Maya at mabilis na nilapitan si Misha at niyakap ang braso nito at nanlambing. Habang nilalambing niya si Misha ay wala silang kaalam-alam na may nakatagong maliit na cctv camera sa ilang parte ng apartment ni Misha na inilagay ni YoRi ng wala pa ang mga ito. Nakaupo lang sa sahig si YoRi dahil walang lamang gamit ang apartment na kinuha niya habang nasa lap niya ang laptop niya at pinapanuod sina Maya na hindi niya napapansin na ang mga mata niya ay tumutuon kay Maya na patuloy parin na nilalambing si Misha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD