Chapter 09- SILENT HELP OF THE SILENCE

3848 Words
KARARATING lang at magkasama sa loob ng kotse sina Sergio at Travis na nakaparada di kalayuan sa restaurant ni Maya at sabay binagsak ang tingin doon. "Nagtataka ako Amadeus, alam ko napansin mo din 'to. Binigyan ng task si Ringfer at alam natin na mas focus 'yun sa mission niya. Pero pumasok parin siya sa restaurant niya kahit may kailangan siyang bantayan, napurnada ang dapat date namin ni Amazona." may reklamong angal ni Sergio. "Malay naman natin na importante na pumasok siya ngayon, tsaka gago ka ba Fritz? Back up tayo ni Ringfer, malamang magbabantay din tayo pag may dapat gawin si Ringfer. Buti nalang tayo magkasama ngayon, feeling ko tuloy ang talino ko."pahayg ni Travis na salubong ang kilay na ikinabaling ng tingin ni Sergio kay Travis dahil sa sinabi nito. "So sinasabi mo bobo ako?" "Aba Fritz, wala ako sinasabing ganiyan. Ang sabi ko lang feeling ko ang talino ko, ikaw ang nagsabing bobo ka. Huwag kang harsh sa sarili mo, bad 'yan." ani ni Travis na malakas na hinampas ni Sergio sa braso niya. "Gago ka! Mas mataas IQ ko sayo Amadeus, nagrereklamo ako dito paanong nakakabobo 'yun?" reklamong singhal ni Sergio kay Travis na hinihimas ang brasong hinampas ni Sergio. "Alam mo napaghahalataang guilty kang bobo kasi napipikon ka, wala naman akong sinabing bobo ka eh. Ikaw lang naman nag-aasume na gago ka. Tsaka eto ah, paliwanag ko sayo. Hindi lang misyon ni Ringfer ang bantayan ang pinsan ng prinsipe ng Britanya, misyon ng Phantoms 'yan. Si Ringfer lang ang pinanguna dahil wala naman siyang asawang uuwian, pero pag ganitong kailangang may papalit sa kaniya, tayo 'yun. Gets mo?" paliwanag ni Travis na ikinaingos ni Sergio. "Alam ko, edi ikaw na matalino." "Salamat na realize mo 'yan." "Pakyu ka!" asar na ani ni Sergio na ikinatawa lang ni Travis bago ito lumingon sa Rad Sluzhít Restaurant. "Bakit kaya ang isang Royal blood ay naisipang magtrabaho sa maliit na restaurant na 'to, tapos halata namang di pinapansin ng mga tao ang restaurant nila." kumentong ani ni Travis. "Paanong papansinin 'yan ng mga tao eh katapat lang naman ng restaurant nila ang La Cuisine Russiano. No one beats Ringfer's high quality yet expensive restaurant niya." sagot ni Sergio na ikinibit balikat ni Travis. "Sabagay, maling pumili ng pagtatayuang restaurant ang may-ari ng Rad Sluzhit na 'to. Gusto mo bang subukan natin ang pagkain nila? Malay natin masarap naman pala ang mga inihahain nila, sadyang natatabunan lang dahil sa restaurant ni Ringfer." "Alam mo Amadeus, ang sabihin mo nagugutom ka lang. Hindi tayo pwedeng kumain La Cuisine dahil may binabantayan tayo, malamang walang choice kung hindi dito kumain. Patay gutom ka ba? Hindi ka ba pinapakain ng asawa mo ng tatlong beses sa isang araw?" pahayag ni Sergio na inalis ang seatbelt nito. "Tara na, nakakahiya sa bituka mo." ani pa ni Sergio na lumabas na sa kotse na siya namang ikinaingos ni Travis. "Kung makapatay gutom 'to, huwag mong sabihin na hindi ka nagugutom na gago k---" Hindi natuloy ni Travis ang sasabihin niya, dahil ng makalabas na siya ng kotse at pagtingin niya kay Sergio ay may inom-inom na ito na yakult. "Seriously? Tumatanda ka na Fritz, pa gurang na ang edad mo yakult ka pa din?" "Yakult is part of my freaking life, mawawala lang ang pagka disgusto ko dito pag sinipag ka na sa negosyo mo." ani ni Sergio na nauna ng maglakad papunta sa restaurant nina Maya na sinundan na ni Travis. "Masama sa isang tao ang masyadong nagsisipag, tsaka natural na sa isang tao ang tamarin. Bakit ikaw hindi ba? Sabihin mong sipag na sipag kang pumasok sa kumpanya ng lolo Sid mo? Sumaimpyerno nawa ang kaluluwa niya." ani ni Travis na nag sign of the cross pa. "Pati patay na ginagago mo pa, lolo ko pa din 'yun kahit sinusunog parin hanggang ngayon sa impyerno ang kaluluwa nun." pahayag naman ni Sergio na ikinatapik lang ni Travis sa balikat niya. Nang malapit na sila sa pintuan ay parehas silang natigilan ng makita nila si Leroi na makakasabay nila sa pagpasok sa loob ng restaurant, na natigil din sa akmang pagpasok nito ng makita silang dalawa. "Gozon?" sambit na tawag ni Travis dito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sergio kay Leroi na bahagyang binunggo ni Travis na ikinalingon niya dito. "Huwag mo pahalata kay Gozon na maliit lang understanding ng utak mo, Fritz." ani ni Travis na ikinasama ng tingin ni Sergio sa kaniya. "Am i not allowed to eat here?" seryosong tanong ni Leroi na ikinabalik ng tingin nila Travis dito. "Wala akong sinabi, pero sakto kakain din kami dito." nakangiting pahayag ni Travis na ikinapasok na ni Leroi sa loob kaya sumunod silang dalawa. At dahil nakit nila si Leroi ay nakiupo nalang sila sa mesa na pinili nitong upuan. "Lumabas ka ba sa underground para kumain dito, Gozon? Hindi ba at may kainan naman sa us?" usisang tanong Sergio kay Leroi. "I don't eat inside underground society, most people in the U.S market are cunning. They hate all bounds hierarchy, i don't want to eat food with poisons."sagot ni Leroi na may alam sina Travis tinutukoy nito pero akala nila ay bali-balita lang. Hindi rin naman sila pumupunta sa mga establishment meron sa US dahil hindi nila trip tumambay doon, maliban kay Paxton na nakwento nito noon na may isang coffee shop na lagi niyang tinatambayan pero nawala nalang doon ng parang bula, kaya ilang mga sumulpot na market ay hindi na trusted. "Sabagay, pero bakit dito? Katapat lang nito amg restaurant ni Ringfer." ani ni Travis na ikinalingon ni Leroi sa kanila. "And the both of you? You're eating here while your friends restaurant was not far from here." seryosong tanong ni Leroi na bahagyang ikinadungaw ni Travis papalapit sa kaniya. "Ang pagkain namin dito ay may halo, alam mo naman siguro ang mission ng Phantoms na binigay ni Valdemor." "I know, you need to guard and protect the royal princess of Wright."sagot ni Leroi na ikinatango nito ng may lumapit na sa kanila na may dalang menu. " Hello po! Welcome sa Rad Sluzhit Restaurant, ayan po ang menu book namin. Feel free to order po."ngiting ani ng babaeng waitress sa kanila. Kinuha naman nina Travis ang menu book para pumili na ng kakainin nila. "Where's Maya?" tanong ni Leroi sa babaeng waitress na sabay ikinalingon nina Travis dito dahil ito ang unang beses na may pangalan ng isang babae na lumabas sa bibig ni Leroi. "Wala po si boss ngayon, hindi din po namin alam kung nasaan." sagot nito. "Oh? Leroi?" Sabay-sabay na napalingon sina Travis sa tumawag kay Leroi na sabay ikinagulat nilang dalawa ng makita nilang ang babaeng binabantayan nila at ni YoRi na naka chef uniform ay naglalakad palapit sa mesa nila. Nang makalapit naman si Misha sa mesa nina Leroi ay tsaka ibinagsak ni Travis at Sergio ang mga mata nila kay Leroi. "Are you here because of Maya?" tanong ni Misha. "Yeah, where is she?" balik tanong ni Leroi na hindi makapaniwala sina Travis habang nakikita kung paanong normal na nakikipag usap si Leroi sa mission nila. "Hindi ka maniniwala sa pinaggagagawa ng kaibigan mo, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Maya para pumaso---" Hindi natuloy ni Misha ang sasabihin niya ng mapansin niya sina Travis na nakatingin sa kanila ni Leroi. "May mga kasama ka pala, dinala mo ba sila dito para kumain?" "They're customers."seryosong sagot ni Leroi. " Oh! May order na ba kayo? Dahil kasama kayo ni Leroi ako na ang kukuha ng order niyo." ngiting ani ni Misha kaya wala sa kanilang sarili na napa order sina Travis ng walang tinginan sa menu book. Kung saan lang maglanding ang hintuturo nila ay 'yun ang nililista ni Misha. "Ikaw Leroi, anong order mo? The usual ba?" "Yeah." "Okay, iluluto ko na ang order niyo. Mas mabuti pala if ikaw nalang ang kumausap kay Maya." ani ni Misha na naglakad na pabalik sa kusina para asikasuhin na ang orders nila. Pagkawalang-pagkawala ni Misha ay sabay na tumayo at inilapit ni Travis at Sergio ang bangkuan nila kay Leroi na pinanggitnaan nilang dalawa. "Bakit kung mag-usap kayo parang close na close kayo, Gozon." ani ni Sergio. "Kilala mo ba ang mission namin?" ani naman ni Travis. "I know her, not a friend of mine but we were talking." sagot ni Leroi. "Kilala mo ang mission namin, pero bakit ibang-iba siya sa litrato na pinakita sa amin ni boss Taz?" takang ani ni Travis dahil tandang-tanda niya ang itsura ni Misha sa litrato na nakita nila, pero hindi maipagkakailang ito ang babaeng pinababantayan ni Valdemor sa kanila. "She colored her blonde hair of black, and she was wearing contacts to hide the real color of her eyes." sagot ni Leroi na parehas na hindi inasahan nina Travis ang nalaman nila. "Eh sino si Maya?" usisang tanong ni Sergio kay Leroi. "The woman i like to be with." seryosong sagot ni Leroi na hinihintay nina Sergio mag sabi ito ng joke pero wala silang narinig dito kaya parehas silang nagulat. "Eh?!!" sabay na reaksyon ni Sergio. "Why? Kayo lang ba ang may karapatan na magmahal? Kayo lang ba ang marunong umibig?" ani ni Leroi na mas lalong ikinagulat nina Travis dahil hindi nila inakala na si Leroi ay tinamaan na din ng pana ng batang may lampin katulad nila. MALALIM NA NAPABUGA ng hangin si Maya matapos ang sandamakmak na hugasin niya na akala niya ay walang katapusan. Pakiramdam niya naubos ang energy niya sa paghuhugas ng mga plato, utensils at kung ano-ano pang babasagin. "Sa wakas, natapos ko din!" sambit ni Maya na napahawak sa sink. Hindi inakala ni Maya na ang training at pagtuturo ni YoRi sa kaniya ay ang paghuhugas ng pinggan ng restaurant nito. Kanina pa gustong umangal ni Maya pero hindi niya magawa dahil nakikita niya kung gaano kaabala si YoRi sa pagluluto at pagsu-supervise sa mga chef nito. Gusto niyang hangaan si YoRi sa pagha-handle nito sa kusina nito na malayong-malayo sa kaniya, pero hindi niya magawa dahil ang pokus niya ay nasa mga pinggan. Pakiramdam ni Maya ay namamanhid na ang mga kamay niya sa dami niyang hinugasan, ramdam na din niya ang nangangawit niyangga braso at pakiramdam niya ay gusto niyang humiga at matulog. "Hindi ganitong training naiisip ko, gusto kong mainis dahil ginawa akong dishwasher ng patay na bata na 'yun pero hindi ko magawa dahil naubos na energy ko sa paghuhugas ng mga plato. Mali yata desisyon ko..." ani ni Maya ng mapalingon siya sa kanan niya at magulat ng makita niya si YoRi sa tabi niya na sa pagkaka-alam niya ay nasa harapan ng kalan at nagluluto. Kita niya ang pagiging abala ni YoRi, naiikot na nito ang buong kusina at alam ni Maya na nakakapagod ang mag supervise at magluluto pa ito. "Are you done?" malamig na tanong ni YoRi na ngiting ikinaharap ni Maya at itinapat niya ang dalawa niyang kamay sa may sink. "Nakikita mo? Wala na, nahugasan ko ng lah---" Hindi natapos ni Maya ang kaniyang sasabihin ng mapalingon siya sa sink ng may maglapag doon ng isang kawali, at miya-miya pa ay mga kaldero na ang pumupuno sa lababo na ikinalaglag panga ni Maya. "D-don't tell me pati mga ito huhugasan ko?" "leave that behind, i have something you need to do." walang emosyon na ani ni YoRi na ikinakinang ng mga mata ni Maya ma binalik ang tingin kay YoRi na ikinangiti niya dito. "Ano 'yun? Ipapakita mo na ba sa akin ang mga dapat kong matutunan as chef?" biglang na excite na tanong ni Maya. "You see those trays with orders of food?" ani ni YoRi habang nakaturo ito sa mga tray na ikinatango ni Maya. "Oo naman, anong meron diyan?" tanong ni Maya na ikinabalik ng tingin nito kay YoRi. "Bring them to the table who ordered those foods, and deliver them quickly." utos ni YoRi na ikinabagsak ng ngiti ni Maya. "Seryoso ka?" tanong ni Maya kay YoRi na seryoso at malamig ang mga matang nakatingin sa kaniya. "So ito ang training na sinasab---" "Are you going to do it or not?" putol na ani ni YoRi na pigil ang inis ni Maya dito. "Fine! Hindi mo naman ako ininform Mr. Chef na ganito ka magpa-training." ani na angal ni Maya na inalis na ang apron na suot niya bago inirapan si YoRi at pinuntahan na ang mga pagkain na dadalhin niya para sa mga customers. Kinuha na ni Maya ang mga tray at nilagay iyon sa roller cart, nang maayos niya na ang mga order ay hindi maiwasan ni Maya na mapatitig sa ganda ng plating ng mga pagkain na takaw atensyon sa mga mata niya. Nakikita din niya na kahit tinitingnan lang nya ang mga pagkain ay ramd niyang masarap iyon. Hindi maiwasan ni Maya na maipagkumpara ang mga niluluto nila, at masasabi niyang marami pa nga silang kakainin na bigas sa ganitong business. "Paano ko matututunan ang tamang pagluluto ng mga russian foods kung ganito ang mga pinagagawa niya sa akin." bulong na angal ni Maya ng itulak na niya ang roller cart. Dadaanan niya ang mga chef na alam niyang mababa ang tingin sa kaniya at kanina pa siya pinagtatawanan sa mga isipan ng mga ito. Dere-deretso lang si Maya sa pagtulak niya sa cart ng mapalingon siya sa isang chef na natamaan ng lumipad na kutsara sa ulunan nito. Nakita niyang bahagyang nasaktan ang chef dahil malaki-laki ang kutsara na tumama sa ulunan nito. Nang lingunin ni Maya kung saan nanggaling ang lumilipad na kutsara ay nakita niya si YoRi na nakasandal sa sink. "Weird, saan galing 'yung kutsara?" mahinang takang tanong ni Maya sa kaniyang sarili. Napakibit balikat nalang si Maya ng magsimula ulit siyang itulak ang cart, at hindi pa siya nakakarating sa pintuan ng isang sandok naman ang lumipad at tumama sa may pisngi ng chef na napahawal sa may cart at napahawak sa mukhang natamaan ng ligaw ma sandok. "Once that food is spilled on my fvcking floor, I will replace all of you." malamig na ani ni YoRi na biglang ikinakilos ng mga chef sa kani-kanilang station na ikinasalubong ng kilay ni Maya. "Anong---" "What are you woman? A stump? Move and bring that food to the customers."malamig na sita ni YoRi na lihim na nagpaingos kay Maya at nagderetso na sa pintuan ng kusina hanggang makalabas ito. May inutusan si YoRi na tapusing hugasan ang mga kaldero sa sink na agad na sumunod sa utos niya. Naglakad naman si YoRi papunta sa may pintuan at lumabas doon, pagkalabas niya ay tahimik lang siyang sumandal sa may pader at pinanunuod ang ginagawa ni Maya. May ngiting sine-serve ni Maya ang mga tray ng pagkain sa mga mesa ng mga umoorder, pagdating ni Maya sa huling lamesa na limang lalaki ang nakaupo ay malagkit na tingin agad ang ibinigay ng mga ito kay Maya habang nilalagay nito isa-isa ang mga pagkain na order ng mga ito. " Ms. bago ka ba dito?" tanong ng isang lalaki kay Maya na ikinalingon niya dito. "A-ako? Naku hindi, i mean bago pero hindi talaga ako nagtatrabaho dito. Parang part time lang." ngiting sagot ni Maya ng matigilan siya ng hawakan ng isang lalaking nagtanong sa kaniya ang kaliwang kamay niya. "May tanong pa ako, may boyfriend ka na ba? I'm a mayor son sa kabilang city, maganda ka and type ko ang klase ng girl na katulad mo. It doesn't matter kahit poor girl ka, i can invest in you." ani nito na gustong mapangisi sa kakilabutan si Maya sa mga sinabi nito. May itsura ang lalaki na nagpakilalang anak ng mayor, gusto man niyang pahiyain ito ay pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil ayaw niyang masira ang restaurant ni YoRi, at anak ito ng isang mayor. "Pasensya na po, hindi ako waiter dito. At hindi ako isang negosyo para mag invest ka sir. Narito na lahat ng order niyo, enjoy your meal." pahayag ni Maya na inagaw niya ang kamay niya sa lalaki na napangisi. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I'm the mayor's son, don't you hear that?" "Narinig ko sir, pero hindi ako 'yung tipo ng babae na biglang magkakandarap sayo dahil anak ka lang ng isang mayor." ani ni Maya na akmang aalis ng mapatayo ang lalaki at agad na hinawakan ang kanang braso niya dahilan upang mapatingin ang mga customers na kumakain. "Don't make a scene here sir, have a decent. Anak ka ng mayor hindi ba?" ani ni Maya na pilit inaalis ang pagkakahawak ng kamay ng lalaki sa kaniya pero hindi siya nito binibitawan lalo pa at napapahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Ngiwing napahawak si Maya sa braso niyang hawak ng lalaki dahil dumidiin na ang pagkakahawak nito sa kaniya. "Bitawan niyo ako sir." "Mag sorry ka muna." ani ng lalaki. " Mag sorry? Why would I? Wala naman akong ginawa na masama sayo para magsorry ako, pwede bang bitawan mo nalang ako."matapang na tanggi ni Maya. "Irereklamo kita sa manage--" "I'm the owner, what's the commotion here?" Sabay na napalingon sina Maya kay YoRi na hindi nila namalayan na nakalapit na sa kanila. Hindi inasahan ni Maya na lalabas si YoRi, o maaring may staff na nagsabi sa nangyayari. Hindi naman maiwasan mapatingin ng mga kababaihan si YoRi dahil sa angking kagwapuhan nito. "I just want to complain about your rude employee, she's being rude towards me." pagsisinungaling na ani ng lalaki na hindi makapaniwalang ikinalingon ni Maya dito dahil sa kasinungalingang sinabi nito kay YoRi. "Excuse me, hindi ako naging rude sayo." "Yes you are! At nakita 'yon ng mga kaibigan ko." singhal ng lalaki na kinampihan ng mga kaibigan nito na ikinalingon ni Maya kay YoRi para tanggihan ang sinasabi ng lalaki na hindi totoo. "Mr. Ringfer---" Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng hawakan ni YoRi ang kamay ng lalaking nakahawak sa braso niya at alisin iyon na ikinagulat ng lalaki. "I heard that you're the mayor's son." malamig na ani ni YoRi. "Ako nga and your employee show rudeness to me." "Your food you ordered is free if you spare her." ani ni YoRi na hindi makapaniwalang ikinalingon ni Maya kay YoRi. Seryoso ba siya? Gagawin niyang libre ang pagkain ng mga lalaking 'to? ani ni Maya sa kaniyang isipan. "Really? Then palalagpasin ko ang ginawa ng employee mo, i can forgive her." ngising ani ng lalaki na masamang tingin ang pinukol ni Maya dito. "Enjoy your food." ani ni YoRi bago ito naglakad para bumalik sa kusina na agad sinundan ni Maya hila-hila ang cart. "Mr. Ringfer, wala akong ginagawang rudeness sa kanila. Ang anak ng Mayor ang nambastos, kaya bakit libre ang kakainin nila?" angal ni Maya na napatigil ang mga chef sa ginagawa nila at napalingon sa kanilang dalawa. "Customers are always right." "No they're not! Sometimes may mga customers na bastos like him, that's not right!"inis na ani ni Maya na napabuga ng kaniyang hininga. " Bukas nalang ulit ako babalik para sa kakaibang training mo." ani ni Maya na deretsong lumabas ng kusina. Pero bago siya tuluyang lumabas ay masamang tingin ang pinukol niya sa mesa ng mga lalaking nakikita niyang tuwang-tuwa pa sa mga kinauupuan ng mga ito. "Authority abuser!" mahinang inis na angil ni Maya bago tuluyang lumabas ng restaurant ni YoRi. At dahil naiinis siya ay imbis na deretso siyang pumunta sa resto niya ay nag-iba siya ng daan dahil naisipan niyang umuwi nalang muna. Ayaw din niyang makita siya nina Misha na naiinis dahil al niyang magtatanong angga ito kaya nag decide siyang umuwi nalang sa apartment niya. Pagka-uwi ni Maya sa apartment niya ay hindi mawala-wala ang inis niya sa anao ng mayor, ginamit nito ang posisyon ng ama nito para makuha ang trip nito. At hindi niya akalain naagpapadaig si YoRi sa ganung klase ng lalaki na sa tingin niya ay gusto lang makalibre ng pagkain. "Anak ng mayor pero pambayad ng kinakain nila hindi niya afford! Bwisit na lalaking 'yun, nakakainis!" ani ni Maya na nagpagulong-gulong nalang sa kaniyang kama. Sumapit ang gabi ay tahimik na kumakain si Maya sa kusina niya ng tumunog ang cellphone niya at ng makitang si Misha ang tumatawag ay agad niyang sinagot iyon. "Hello Mish---" "Bakit hindi ka man lang dumaan sa restaurant mo ha? Ganiyan ba ang gawain ng isang boss?" Napangiwi si Maya sa malakas na boses na sumalubong tenga niya. "Kalma Misha, hindi mo kailangang sumigaw sa tenga ko. Napagod kasi ako sa training kaya dumaretso nalang ako ng uwi sa apartment ko." pagdadahilan ni Maya. "So? Dapat dumaan ka pa din, edi sana naabutan mo pa si Leroi." "Eh?! Pu-pumunta si Leroi diyan sa resto?!" gulat na ani ni Maya na biglang nakaramdam ng pagka hinayang. "Oh? Rinig na rinig kong nanghinayang ka ah, kasalanan mo 'yan. Hindi mo tuloy nakita ang first love mo." "Hinanap ba ako ni Leroi?" tanong ni Maya na parang gusto niyang tawagan si Leroi para mag sorry dito. "Oo, sinubukan ka pa niyang hinatayin pero umalis na din dahil wala ka. Sinayang mo ang chance, Maya Dailyn." Naghihinayang talaga si Maya dahil hindi niya nakita man lang si Leroi, hindi niya alam na dadaan ito sa restaurant niya. Wala itong sinasabi sa kaniya. "Tawagan mo nalang siya at magpaliwanag ka, oo nga pala. Napanuod mo ba 'yung balita?" "Anong balita? Alam mong hindi ako mahilig manuod ng mga news." kunot noong ani ni Maya na paupong bumangon sa kama niya. "Alam mo dapat nanunuod ka ng mga balita para aware ka sa paligid mo. Alam mo bang natagpuan sa isang basurahan ang isang anak ng mayor ng kabilang bayan kasama ang mga kaibigan nito na bugbog sarado? Halos hindi na makilala ang anak ng mayor dahil sa pamamaga ng mukha nito, at alam mo ba na imbis ipahanap ng mayor sa pulis ang gumawa sa anak niya ay hindi nalang niya pinahanap." pagbibigay balita ni Misha sa kabilang linya na bahagyang ikinagulat ni Maya. Isang anak ng mayor ng kabilang bayan ang pumasok sa isipan niya, kundi ang lalaking ginamit siya para makakain ng libre sa restaurant ni YoRi. "Deserve naman siguro ng matuto." ani ni Maya "Ano? Anong deserve? Bakit kilala mo ba 'yung anak ng mayor ng kabilang bayan?" "Nakauwi ka na ba Misha?" pag-iibang tanong ni Maya alam niyang kakagatin ng kaibigan niya. "Oo, at alam mo bang sabay kaming umuwi ng gwapo kong kapitbahay, i mean si Mr. Ringfer." "Sabay kayong umuwi?" ulit na tanong ni Maya sa kaibigan. "Oo pero nagkataon lang siguro na nagkasabay kami, nakakailang nga ang pagiging tahimik niya. Pero alam mo ba puro sugat ang kamao niya, mukhang napaaway." pagkukwento ni Misha na ikinakunot ng noo ni Maya. Kanino naman makikipag-away ang isang 'yun? takang tanong ni Maya sa kaniyang sarili. At dahil naging okupado na ang isip ni Maya sa mga sinabi ni Misha ay hindi niya pansin na salita ng salita si Misha sa kabilang linya na para siyang bingi at hindi marinig ang sinasabi ng kaniyang kaobigan na nakakailang beses ng tinatawag ang pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD