PALIHIM NA sinusulyapan ni Maya ang tinutukoy ni Misha sa kaniya kagabi sa tawag nito na sugat sa mga kamo nito. Abala at tahimik lang si YoRi sa pagluluto na ginagawa nito, pangalawang araw na ni Maya sa kusina ni YoRi at pinaghuhugas na naman siya ng pinggan nito. Gusto niyang umangal pero sinabihan siya nito na magsisimula na ang trainee niya kaya hindi na siya umangal, hindi na siya dumaan sa restaurant niya kanina dahil dumaretso na siya sa La Cuisine Russiano.
At katulad kahapon ay abala ang kusina ni YoRi sa dami ng costumers ng restaurant nito, at masasabi niya na masigasig lahat ng chef ni YoRi lalo na sa mga trabaho nito sa kusina.
Habang nagbabanlaw si Maya ng mga pinggan na nasabon na niya ay panaka-naka niyang sinisilip ang mga kamao ni YoRi. Hindi niya masyadong maaninag ang kamao nito dahil may kalayuan ang pwesto niya sa pwesto nito.
“Hindi kaya mabali ang leeg mo sa ginagawa mo?’
Bahagyang nagulat si Maya ng may magsalita malapit sa kaniya, paglingon niya ay isang waiter ni YoRi na may dalang mga pinggan sa tray na hawak nito. Isa-isang binababa nito ang mga pinggan na bahagyang ikinangiwi ni Maya sa dami.
Wala bang katapusan ang mga hugasin dito? ani na angal ni Maya sa kaniyang isipan.
“Ano bang sinisilip mo kay boss? Crush mo boss namin nuh?” ani ni nito na ikinakunot ng noo ni Maya.
“Luh! Crush agad? Gwapo ang boss niyo pero wala akong gusto sa kaniya.”ani na sagot ni Maya.
“Eh bakit pasilip-silip ka sa ginagawa ni boss?” usisa pang tanong nito na mabilis nag-isip si Maya ng pwede nitong maging alibi.
“Tinitingnan ko kung paano siya magluto, hindi naman talaga kasi ako narito sa restaurant ng boss mo para maging dishwasher. I’m here because he told me na tuturuan niya ako ng tamang way ng pagluluto ng Russian food, sadya lang na malakas ang topak ng boss mo at pinahihirapan ako bago ako turuan.”ani na sagot ni Maya habang nakatingin sa kaniya kausap niyang lalaking waiter.
“Eh bakit nagtitiyaga kang hintayin si boss na turuan ka? Sa pagkakakilala ko sa boss ko, hindi siya gagawa ng bagay na mag-aaksaya sa oras niya. Abalang tao ang boss namin, wala sa schedule na magturo sa iba ng tamang pagluluto.”
Bahagyang nawalan ng imik si Maya sa sinabi ng kausap niyang waiter, bigla niyang napagtanto na may sense ang sinabi nito sa kaniya kaya napalingon siya kay YoRi na abala sa pagluluto nito. Pero imbis na mapaisip siya ay napatitig siya sa side view ni YoRi na kahit naka tagilid ay visible parin ang kagwapuhan nito.
“Si-sinabi niya na tuturuan niya ako, hindi naman siguro sinungaling ang boss mo diba?”baling na tanong ni Maya sa kausap niya.
“Wala akong ibang masasabi sayo ngayon kundi goodluck, i-enjoy mo muna ang pagiging dish washer mo dito at hintayin kung kailan magkaka oras si boss na turuan ka. Pero sa tingin ko nag-aaksaya ka lang ng or—“
“What are you doing here, Tiko?”
Sabay na napalingon si Maya at ang lalaking waiter kay YoRi na hindi nila napansin na nakalapit na sa kanila, panaka-naka namang napapalingon ang mga chef sa kanila.
“Nagdala lang ako ng mga hugasin niya boss.”sagot nito habang walang emosyon na nakatingin si YoRi sa kaniya.
“Then you should get the hell out of my kitchen and do your job outside, your wasting fifteen minutes of standing here and talking to her than serving our costumers.”malamig na ani ni YoRi na hindi makapaniwala si Maya na nakatingin dito.
Paano niya nasabing fifteen minutes na nakikipag-usap itong waiter niya sa akin? Tanong ni Maya sa kaniyang sarili.
“O-Opo, babalik na ako sa labas.”sagot ng lalaking waiter na mabilis na naglakad palabas ng kusina.
“And you.”malamig na ani ni YoRi na ibinaba ang tingin kay Maya.
“Na-naghuhugas ako ng pinggan at hindi nakikipagkuwen---“
“Don’t talk to anyone male species here.”malamig na putol ni YoRi sa kaniya.
“H-Huh? Hindi ako makikipag-usap sa kanila, bakit?”naguguluhang tanong ni Maya kay YoRi.
“I don’t know, just don’t.”ani ni YoRi bago ito naglakad pabalik sa ginagawa nito at iniwan si Maya na naguguluhan sa kinatatayuan nito.
“Bakit kaya? Iniisip ba niya na nakakaistorbo ako sa trabaho ng mga employee niya? Hindi naman kaya ako ang unang nakipag-usap, hindi ko inasahan na istrikto din pala siya pagdating sa trabaho. Teka? Ganiyan ba ako sa mga employee ko o masyado akong maluwag?” ani na tanong ni Maya na kibit balikat na bumalik nalang sa paghuhugas nito ng pinggan.
Akmang kukunin niya ang tray ng may umagaw nito sa kaniya na agad niyang ikinalingon, pag tingin niya ay isa sa mga gwapong chef na inakalang nagkamali siya ng pagpasok sa loob ng kusina noong unang araw niya ang lumapit sa kaniya.
“Ba-bakit?”
“Ako na dito, I’ll finish this. Master Chef was calling you.”seryosong ani nito na ikinalingon ni Maya kay YoRi na abala naman sa ginagawa nito.
“Talaga? Bakit parang hindi naman? Baka pag lumapit ako sitahin niya ako, siguro gusto mo akong mapagalitan ng bos—“
“Why won’t I waste my precious time to bully you woman? Kung hindi ka pa lalapit kay Master Chef talagang mapapagalitan ka niya.”saad nito na naguguluhan man ay naglakad na siya papunta sa station ni YoRi.
Bakit naman kaya ako tawag ng patay na bata na ‘to? Lumapit siya sa akin kanina wala naman siyang sinabi. Pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili habang papalapit siya kay YoRi.
Malapit na siya sa kinatatayuan ni YoRi ng lingunin siya nito at may ihagis sa kaniya na agad niyang nasalo, pagtingin niya ay sa nasalo niyang inihagis ni YoRi ay isang balot ng sibuyas na naguguluhang ikinatingin niya dito.
“Ano ‘to?”
“Don’t act stupid at this moment, Ms. Paraon. You know that it’s a fvcking onion.” Ani ni YoRi na bahagyang ikinaingos ni Maya.
“Alam kong sibuyas ‘to, pero anong gagawin ko dito?”
“Cut those onions, after that prepared 1L of beef broth, garlic, Olive oil, Butter, Thyme herb, and 250ml of white dry wine.”malamig na pagbibigay instruction ni YoRi na naguguluhan si Maya sa kinatatayuan niya.
“O-Okay, ta-tapos?”
“Do you know Onion vzvar?” ani ni YoRi na agad na recall ni Maya ang tinatanong nito.
“Oh! Onion vzvar is a broth, an old Russian cuisine sauce. Onion vzvar was prepared from caramelized onions with honey and various type of spices. Pero hindi ba at suka ang nagpapadagdag ng asim sa sauce na ‘yan? Bakit wala kang suka na sinama sa mga sinabi mo?” ani ni Maya na ikinalingon ni YoRi sa kaniya.
“You will do it with wine.”
“Ibig sabihin ipapalit natin ang suka at white wine ang gagamitin—teka? Tama ba ang narinig ko? A-ako ba ang gagawa ng onion vzvar?” ani ni Maya na inalis ni YoRi ang tingin sa kaniya.
“If you can’t make that sauce, then what are you doing here?” malamig na ani ni YoRi na agad na ikinakinang ng mga mata ni Maya.
“Talaga?! Magluluto na ako?!” excited na bulaslas ni Maya na napalingon ang mga chef sa kanila.
“I’ll check that sauce you will make, if it passed my taste, then I’ll start teaching you.”ani ni YoRi na pigil si Maya na mapahiyaw sa tuwa sa sinabi ni YoRi na nakuha pa niyang sumaludo sa harapan nito.
“I’ll do my best to make a good onion vzvar!”
“Then start moving, Ms. Paraon.” Ani ni YoRi na agad ng nagsimula si Maya na kunin ang mga binanggit na sangkap ni YoRi sa gagawin niyang onion vzvar.
Nakahabol tingin si YoRi na natutuwang si Maya bago niya ibinalik ang atensyon niya sa niluluto niyang Borscht isang beet soup na orihinal na putahe ng bansang Ukraine pero mabilis na adopt bilang Russian specialty.
“Are you sure about her being your apprentice, Mr. Ringfer? It’s a waste of your time.” ani na seryosong tanong ni Matvei Alekseev, isa sa mahusay na chef ng La Cuisine Russiano na nasungitan si Maya sa unang tapak nito sa kusina.
“Maybe not, she’s kinda interesting.” Wala sa sariling pahayag ni YoRi habang naggagayat ng carrots sa para sa niluluto niya habang nakatingin si Matvei dito.
He was working in La Cuisine Russiano simula ng magbukas ito bilang main branch, masasabi niyang kahit papaano ay may alam siya sa boss nila, at ngayon niya lang nakitang magka interest ito sa isang babae.
“You’re interest with here, does that mean you like that woman?” seryosong tanong ni Matvei na ikinatigil ni YoRi sa ginagawa nito at nilingon siya.
“I’m interested with that kind of woman, but I have no capabilities of liking any woman. Don’t conclude anything that is nonsense, Alekseev. Now, finish washing all the dishes.”malamig na ani ni YoRi na ikinabuntong hininga ni Matvei.
“I’m one of your sous-chef, not a dishwasher.”ani nito na hindi pinansin ni YoRi kaya naiiling siyang bumalik sa lababo upang tapusin ang iniwan niyang hugasin.
Sobrang excitement naman ang nararamdaman ni Maya habang isa-isa niyang kinukuha ang mga ingredients na kailangan niya, isa-isa din niya itong inilagay sa bakanteng lutuan habang nakatingin sa kaniya ang magiging kalapit niyang chef.
“Ang saya ko! Sa wakas magluluto na ako, though sauce lang ito pero onion vzvar ang gagawin ko. Ipapakita ko sa kaniya na hindi ako papalpak dito, I will redeemed myself as a good chef.”masayang pahayag ni Maya.
“Good luck sayo, galingan mo.”ani ng katabi niyang chef sa kaniyang kanan na ikinalingon ni YoRi dito.
“Salamat, akala ko lahat ng chef dito ay masusungit.”sagot na ani ni Maya dito.
“Hindi naman lahat, but our Sous-Chef is kinda masungit ng bahagya.”
“Galingan mo sa lulutuin mo, our master chef has a meticulous taste buds. He has a perfect taste kaya sa unang tikim palang alam niya na kung anong mali o kulang. He’s a great chef, so galingan mo.”ani pa ng isang chef na ikinabaling ng tingin ni Maya sa abalang si YoRi.
Kahit hindi nila sabihin pero grabe ang respeto nila kay Mr. Ringfer, talagang tinitingala nila ito bilang magaling na chef. Pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili.
“I think may kulang sa mga nakuha mong ingredients.” Ani ng isa sa kausap ni Maya na chef na ibinalik ni Maya ang tingin dito bago sa harapan niya.
“May kulan-ah! Wala pa pala ang white dry wine na gagamitin ko.”pahayag ni Maya na agad niyang inikot ang tingin niya sa paligid ng kusina upang hanapin kung saan niya makikita ang wine na kailangan niya.
“Wala dito sa kusina ang mga wine na ginagamit sa mga niluluto dito, nasa wine cellar siya.”ani ng chef na ikinabalik ng tingin ni Maya dito.
“Saan ko makikita ang wine cellar?”
“Lumabas ka lang ng kusina then lapitan mo si Aria dahil siya ang may hawak ng susi ng wine cellar. Isa siya sa waitress sa labas, master chef entrusted the key of the wine cellar to her.”sagot nito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Maya.
“Aria…?”
*FLASHBACK*
"Good day, Skuchat. (Miss) Welcome to La Cuisine Russiano, do you have a reservation or you are a walk in costumer?" magalang na pag approach ng isa sa staff ni YoRi na hindi naiwasang ikatulala ni Maya dito dahil sa magandang approach nito.
"Miss?"
"She's
not a costumer, Aria, don't treat her one."
*END OF FLASHBACK*
“Oh? Salamat.” Ngiting ani ni Maya bago siya nagsimula ng lumabas ng kusina.
Pagkalabas niya ay hindi niya inexpect na mas maraming tao ang makikita niya na pupuno sa loob ng restaurant ni YoRi. Masasabi ni Maya na hindi lang basta mga normal na costumer ang nakikita niya, at napansin niya na may puwesto para sa mga VIP costumers na puno din.
“Grabe, sampal sa akin ang nakikita ko. Anong laban ng restaurant ko kung dinadayo talaga ang restaurant ng patay na bata na ‘yun.” Ani ni Maya bahagya niyang ikinailing bago hinanap ng kaniyang mga mata si Aria na humahawak ng susi upang makuha niya ang wine na kailangan niya.
“Sa dami ng tao mahihirapan akong makita siya.”wika ni Maya ng may isang waitress siyang makita na agad niyang nilapitan.
“Excuse me.” Agaw pansin niyang tawag dito na ikinalingon nito sa kaniya, agad napansin ni Maya ang pagtaas ng isang kilay nito sa kaniya.
“Uhmm, nasaan si Aria? Kailangan ko kasing kumuha ng white wine, at nasabi sa akin na siya ang may hawak ng susi sa wine cellar.”ani ni Maya dito na ilang segundo na nakatitig sa kaniya.
“Hindi mo na kailangan si Aria, kakagaling ko lang sa wine cellar. Hindi ko pa siya nasasarado, pwede kitang dalhin don.”ani nito na ikinalawak ng ngiti ni Maya.
“Talaga?!”
“Oo naman, sumunod ka sa akin.”ani nito bago ito naglakad na agad sinundan ni Maya.
Nakita ni Maya ang pagliko nito kaya agad din siyang lumiko, nakakita si Maya ng itim na pintuan kung saan nakatayo doon ang waitress na pinagtanungan niya.
“Ito ang hinahanap mo, pumasok ka na.”ani nito na ngiting ikinatapik ni Maya sa balikat nito.
“Salamat!”
Agad na pumasok si Maya sa loob na siya namang agad sinara ng waitress ang pintuan na ikinangisi nito.
“Hindi mo kailangang bumalik sa kusina at magpa cute sa mga chef namin doon.”ani nito bago umalis na sa lugar na ‘yun na bumalik na sa trabaho nito na parang walang ginawa, na lingid sa kaalaman ni Maya ay hindi ito mabubuksan mula sa loob.
Nagulat si Maya ng mapalingon siya ng biglang dumilim dahil sa pagsara ng pintuan, kunot noong binalikan niya ang pintuan para buksan iyon, pero sa paglapit niya ay nagulat siya ng hindi niya magawang mabuksan ang pintuan.
“Hala! Bakit ayaw nitong mabuksan?! Excuse me! Bakit hindi ko mabuksan ang pintuan dito?” sigaw na pagtawag ni Maya na walang sumagot sa kaniya na bigla niyang ikinakaba.
At dahil wala siyang makita sa sobrang dilim ay agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at agad niyang binuksan ang flashlight nito. Natigilan si Maya ng makita ang maraming bariles sa bawat estastante at kahit isang wine ay wala siyang makita.
“T-teka? Ito ang wine cellar ni Mr. Ringfer?” ani ni Maya na pansin niyang walang hangin ang pumapasok sa loob kaya binalingan niya muli ang pintuan at kumatok-katok doon.
“Pabukas naman ng pintuan! Hindi naman ito ang wine cellar eh!” angal ni Maya pero sa tingin niya ay sinadya ng waitress na kausap niya na dito siya dalhin.
“Bakit niya ako dinala dito?” naguguluhang tanong ni Maya na binalik ang tingin sa mga bariles na nakikita niya.
“Paano ako makakalabas dito?”
Naguguluhan at napapaisip si Maya kung sinasadya ba siyang dalhin at ikulong sa kinalalagyan niya. Wala pang switch ng ilaw siyang makita, at kahit papaano ay may ilaw siya gamit ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang cellphone niya ay nakita niyang 30 percent nalang ang charge nito at anumang oras ay pwede itong ma lowbat.
“May galit ba sa akin ang waitress na ‘yun?” naguguluhang ani ni Maya na napasandal sa pintuan at padausdos na napaupo sa sahig.
NATAPOS at naluto na ni YoRi ang Borscht na ginagawa nito, pinakuha na niya ito sa isa sa chef niya para ilagay sa maliit na bintana kung saan doon kinukuha ng naka assign sa service desk ang mga order na kukunin naman ng mga waiter para dalhin sa mga costumers. Napalingon si YoRi sa dapat na pwesto ni Maya ng hindi niya ito makita, inikot ni YoRi ang tingin niya pero wala siyang Maya na nakikita sa kaniyang kusina.
Naglakad si YoRi sa dapat na lutuan na gagamitin ni Maya sa lulutuing sauce nito na hindi napigilang ikalingon ng chef na malapit doon na nakausap ni Maya kanina lang. Pinagmamasdan ni YoRi ang mga ingredients na naka ready na pero wala ang magluluto.
“Umalis siya master chef para puntahan si Aria at samahan sa wine cellar para kumuha ng white wine.” Pagbibigay alam ng chef kay YoRi na malamig na ikinatingin nito sa kaniya.
“How long has she been gone?” malamig na tanong ni YoRi dito.
“Siguro master chef mga fifteen minutes na din nung lumabas siya.”sagot ng chef na ikinaalis ni YoRi sa apron na suot niya at nagsimula ng maglakad palabas ng kusina habang nakatingin si Matvei sa kaniya.
Pagkalabas ni YoRi ay agad niyang hinanap si Aria na nakita niyang sa may service desk na ikinalakad niya palapit dito.
“Aria.”tawag niya dito na ikinalingon nito sa kaniya.
“Boss, may kailangan ka ba?”
“Where is she?” malamig na tanong niya dito na ikinakunot ng noo ni Aria sa tanong ni YoRi.
“Sino ang tinutukoy mo boss?”
“My apprentice, she get out in the kitchen to see you for the wine cellar key.” Ani ni YoRi.
“Pero hindi naman siya lumalapit sa akin boss, actually hindi ko nga siya nakikita eh.”ani ni Aria na walang salitang ikinaalis ni YoRi sa harapan niya.
Inikot ni YoRi ang mga mata niya sa paligid ng restaurant niya pero walang Maya siyang makita na hindi napigilang ikakunot ng noo niya.
Akmang ihahakbang ni YoRi ang paa niya ng makita niya ang waitress na nagkulong kay Maya sa barell stock room na nakatingin sa direksyon na ‘yun at bahagyang ngumisi bago umalis at dinala sa costumer ang tray na hawak nito.
Without thinking, YoRi walk towards the direction of barell stock room hanggang sa makarating siya sa may pintuan. Ang barell stock room niya ay lagayan ng mga bariles ng mga ingredients niya na galing sa iba’t-ibang bansa. Para itong basement, walang bintana kaya walang hangin na pumapasok sa loob. Ang pintuan nito ay hindi basta-basta nabubuksan sa loob, nakatingin lang si YoRi dito at akmang aalis ng matigilan siya ng makarinig siya ng ilang katok na hindi kalakasan mula sa loob ng barell stock room.
Muling humarap si YoRi sa may pintuan at walang pagdadalawang isip na hinawakan ang seradura ng pintuan ng barell stock room at binuksan iyon. Sa pagbukas niya ay agad bumagsak sa harapan niya si Maya na basang-basa ng pawis, nakahawak sa dibdib nito at naghahabol ng hininga.
“A-akala k-ko ka-katapusan ko na…”nanghihinang ani ni Maya na kita ni YoRi na lumuluha ito.
Agad na dinaluhan ni YoRi si Maya at binuhat ito ng pa-bridal style at agad siyang naglakad paalis sa lugar na ‘yun, sa paglabas niya ay ilan sa mga costumers at waiter at waitress ang napapatingin kay YoRi na buhat-buhat si Maya. Dere-deretso niya itong dinala sa opisina niya, at Pagkapasok niya doon ay dahan-dahan niyang inilapag si Maya sa malambot na sofa ng office niya.
“Alexei.” Malamig na tawag ni YoRi ng umikot ang upuan ni YoRi kung saan nakaupo si Alexei na tumayo sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kaniya.
“Young master.”ani nito na napalingon kay Maya na nawalan na ng malay.
“Who’s this woman?”tanong ni Alexei.
“Check up on her, she was been locked up in the barell stock room for fifteen minutes, I guess.” Malamig na ani ni YoRi bago ito naglakad palabas ng opisina nito.
Pagkasara niya sa pintuan ay nakasalubong ni YoRi si Aria na nakita siyang buhat-buhat si Maya at dinala sa opisina nito.
“Anong nangyari sa kaniya boss?”tanong nito.
“Gather all the staff and employees, Aria, and go to the kitchen. Now.”walang emosyon na ani ni YoRi na wala ng salitang ikinalakad na niya pabalik sa kusina.
Naguguluhan man si Aria ay sinunod nito ang inuutos ni YoRi at isa-isang tinawag ang mga staffs at employees ng La Cuisine Russiano.