Chapter 39- MORE ABOUT THE COLD
SERIES 12: YO RINGFER
HINDI MAKAGALAW ng ayos si Maya sa kinauupuan niya habang ramdam niya ang paninitig ng quadruplets sa kaniya. Naguguluhan si Maya kung bakit siya dinala ni YoRi sa OG nitong bahay at biglang iiwan. Pakiramdam ni Maya ay para siyang piping lata sa pagkakaupo niya dahil hindi niya maiwasang mailang sa mga titig ng apat na mga teenager na feeling ni Maya hidni kumukurap habang nakatingin ang mga ito sa kaniya.
Napapaisip si Maya kung kaano-ano ni YoRi ang quadruplets na nasa bahay nito, narinig niyang tinawag si YoRi ng mga itong kuya kaya nasa isip ni Maya na kapatid ni YoRi ang mga ito.
“Jùnhào, nǐ juédé zěnme yàng? Tā wèishéme hé wǒmen de dìdì Yo zài yīqǐ? Tā wèishéme zài zhèlǐ? Lìng yīgè bǎomǔ gěi wǒmen? (Junhao, what do you think? Why is she with our brother Yo? Why is she here? Another nanny for us?)” rinig ni Maya na saad ng isa sa quadruplets na ikinalingon ni Maya sa mga ito at napatunganga dahil sa ibang lenggwahe na ginamit ng mga ito.
“Rúguǒ tā shì wǒmen de lìng yīgè bǎomǔ, chúle gē ěr wǎ qiáo fū zhī wài, wǒmen hái huì yǒu lìng yīgè wánjù kěyǐ wán. (If she were our other nanny we would have another toy to play with besides Gorvachev.)” ani pa ng isa sa quadruplets
“Rúguǒ tā bùshì wǒmen de lìng yīgè bǎomǔ zěnme bàn? Wàn yī tā shì yō gē dài lái de kèrén ne? (What if she wasn't our other nanny? What if she is a guest brought by Brother Yo?)”
“Yóukè? Dàn yóu xiōng bìng méiyǒu dài rén lái zhèlǐ. (Visitor? But Brother You didn’t bring anyone here.)”
“Teka! Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niyo, mamaya nilalait niyo na ako eh. Puwede niyo naman akong kausapin ng Tagalog or English basta magkaka-intindihan tayo.” Hindi na naiwasang reklamo ni Maya dahil pakiramdam niya ay magdudugo ang tenga niya sa lenggwahe na ginagamit ng quadruplets na alam niyang Chinese.
“Sino ka?”
“May---“
“Bakit kasama mo ang kuya Yo namin?”
“Kasi sabi niya suma---“
“Anong uganayan mo kay kuya namin?”
“Appr—“
“Bakit dinala ka dit---“
“Teka?!” malakas na sigaw ni Maya na napatayo na sa kinauupuan niya na gulat na ikinalayo at ikinasiksik ng quadruplets sa iisang sofa.
Kung kanina ay parang nahihiya at parang pinitpit na lata si Maya sa harapan ng quadruplets ay nawala ‘yun dahil sa ingay ng mga ito na nagpawala sa kaba ni Maya.
“Tā duì wǒmen dà hǎn dà jiào...(She yelled at us...)
“Tā hěn kěpà..(She is scary…)
Sabay na tumango nalang ang dalawa sa quadruplets sa sinabi ng dalawa nitong mga kapatid na ikinabuntong hininga nalang ni Maya sa quadruplets na mga kasama niya. Naguguluhan man si Maya bakit dinala siya ni YoRi sa OG na bahay nito at bigla din iniwan, ay wala naman siyang magagawa kung hindi hintayin ito at manatili kasama ang kambal.
“Puwede bang isa-isang tanong? Huwag niyong pagsunod-sunurin kasi isa lang ang bibig ko na makakasagot sa tanong niyong apat. Hǎo de? (Okay?)” pahayag ni Maya na ginamit ang tanging alam niyang Chinese word maliban sa Xièxiè.
Hindi naman naghiwalay ang quadruplets sa siksikan ng mga ito kaya umayos si Maya sa pagkakatayo sa harapan ng mga ito at bahagyang yumuko.
“Hello sa inyo, ako nga pala si Maya Dailyn Paraon. Isa din akong chef katulad ng kuya Yo niyo, may sarili akong restaurant at apprentice ako ng kuya niyo sa pagluluto ng Russian cuisine. At hindi ko alam bakit ako dinala dito ni Yo, at wa-wala kaming ibang ugnayan ng kuya niyo maliban sa pagiging apprentice niya. That’s all, wala ng iba.” Explain ni Maya sa apat na matamis na niyang ikinangiti sa mga ito dahil ayaw niyang matakot naman ang mga ito sa kaniya.
“Pasensya na kung sumigaw ako, way ko lang ‘yun para makuha ang atensyon niyo. Uhmmm, nagpakilala na ako, baka gusto niyo din na magpakilala sa akin.” Ani ni Maya sa quadruplets na nagkatinginan at miya-miya ay bahagyang nagulat si Maya ng magtayuan ang mga ito at nagumpukan pabilog.
“Magpapakilala ba tayo sa kaniya? Kahit dinala siya ni kuya dito sa bahay, strangers parin siya.” Rinig ni Maya na pag-uusap ng mga ito.
“Pero nagpakilala siya sa atin, hindi ba dapat ipakilala din natin sarili natin sa kaniya?”
“Ano ka ba Junpei, mas mabuti ng hindi niya alam mga pangalan natin.”
“Pero Junwei, unfair ‘yun sa kaniya.”
“Should I hear what you guys are talking about or not?” kumento ni Maya sa apat na poker face na ikinalingon ni Junwei sa kaniya.
“Huwag kang makinig sa usapan namin.” Sita nito kay Maya na agad ikinatango ni Maya bago muling nag-usap usap ang quadruplets na hindi niya maiwasan na hindi marinig.
How to unheard them. Wika ni Maya sa kaniyang isipan.
Naisipan nalang ni Maya na maupo sa sofa habang hinihintay ang quadruplets na matapos sa usapan ng mga itong hindi niya alam paano hindi maririnig.
“Hoy ikaw!”
Nabitin ang akmang pag-upo ni Maya at mabilis na tumayo ng tuwid ng humarap na sa kaniya ang apat na nakatitig muli sa kaniya.
Kung kapatid ni Yo ang apat na ‘to, ang layo naman sa ugali ng kuya nila. Kumento ni Maya.
“Wǒmen shì – I mean we are the Shui brothers. Ako si Junwei masasabing panganay dahil ako ang unang pinanganak sa aming apat. Fifteen years old na kaming apat, sa oras lang kami nagkatalo.” Pagpapakilala ng nagpakita ng kasungitan kay Maya.
“Ako naman si Junpei, second in the number.” Pagpapakilala nito na agad naghanap si Maya ng pagkakakilanlan sa apat upang hindi siya malito.
“Junrei, ang pangatlo.” Ani nito na nagtaas pa ng kamay nito.
“At ako si Junhao, puwedeng bunso puwedeng panganay.”ngiting ani nito na natawa pa sa sariling sinabi nito at sabay-sabay na yumuko ang quadruplet kay Maya.
“Kinagagalak ko kayong makilalang apat.”ngiting ani ni Maya na ikinaupo ng quadruplets sa pang-isahang sofa na magkakatabi.
“Pu-puwede ba akong maupo?” paalam ni Maya na sabay-sabay tinuro ng quadruplets ang upuan sa likuran niya kaya agad ng umupo si Maya.
“Wala ka ba talagang relasyon sa kuya yo namin? Ngayon lang kasi siya ng nagdala ng babae dito sa bahay, kahit isa kasi wala siyang dinadala dito.”
“Wala talaga, apprentice niya lang talaga ako at puwedeng kaibigan? Maliban sa nabanggit ko wala na.”agad na sagot ni Maya.
“Junwei.” Ani na tawag ni Junpei dito na bahagya pang siniko ang kambal na ikinatikhim nito.
“Sorry sa pagsusuplado ko, hindi naman talaga suplado, medyo lang.” wika ni Junwei na ikinangiti ni Maya.
“Wala ‘yun, naiintindihan ko naman reaksyon niyo kung ako palang ang ndadala ng kuya niyo dito.”
Kung usapang kasungitan, ten percent lang siya ni Yo. Pagka-usap ni Maya sa kaniyang isipan.
“Uhmm, biological na mga kapatid ba kayo ni Yo? Curious lang ako kasi, sa ugali ng kuya niyo parang ang layo niyo. Hindi sa bumabase ako sa ugali ah, pero para kasing…” Tanong ni Maya sa quadruplets.
“Hindi kami biological na mga kapatid ni kuya Yo, mga refugee niya kami na hinayaan niyang tumira dito. Mga bata palang kami nasa poder niya na kami kaya pakiramdam namin kuya na namin siya kahit hindi iyon ang turing niya sa amin.” Pahayag na sagot ni Junrei.
“Re-refugee?”
“Iniligtas kami ni kuya Yo sa kamatayan, mga bata pa kami ay pinagtatangkaan na ang buhay namin dahil kami ang anak ng late emperor Shui ng China. Nasa poder kami ni kuya Yo upang hindi makita ng mga nakaupo ngayon sa trono na dapat sa aming apat. Utang na loob namin kay kuya na buhay pa kami, at ipinangako ni kuya Yo na ibabalik niya kami sa dapat kung nasaan kami.” Pahayag na sagot ni Junpei.
Hindi makapaniwala si Maya sa nalalaman niya, hindi niya lubos maisip na ampon ni YoRi at tinatago ang quadruplets upang hindi mahanap ng gustong pumatay sa mga ito. Nakilala niyang parang taong yelo si YoRi sa kalamigan ng ugali nito at pakikitungo at despites sa mga nalaman niya dito pero hindi niya inakala na may iniligtas na apat na buhay si YoRi.
“Kung ganun, napalapit na kayo kay Yo kung bata palang kayo ay nasa poder na niya kayo?” muling tanong ni Maya sa mga ito na pansin niya ang sabay-sabay na paglungkot ng mga expression ng mukha ng quadruplets.
“M-May hindi ba ako nasabing maganda?” ani ni Maya sa mga ito.
“Si Kuya Yo, niligtas niya kami pero hindi kami malapit sa kaniya. Dito niya kami sa bahay niya hinayaan na tumuloy pero madaling siyang umuwi dito, mas umuuwi siya sa barn niya at laging kasama ang mga kaibigan niya. Sinusubukan naman namin na mapalapit sa kaniya pero ayaw ni kuya Yo…”malungkot na ani ni Junhao na hindi maiwasan ni Maya na maapektuhan sa lungkot ng mga ito.
Teenager na ang quadruplets pero nakikita pa ni Maya na gusto pang ma enjoy ng mga ito ang pagiging bata.
“Sa pagkakailala ko sa kuya niyo mukhang ganun nga siya, pero sa tingin ko naman kung patuloy ang ibibigay niyong effort para mapalapit sa kaniya ay makakalapit kayo sa kaniya. Hindi importante kung gaano katagal, ang mahala madami kayong chance.” Ngiting pahayag ni Maya sa quadruplets.
“Anyway, nakakalabas ba kayo ng bahay?” pag-iibang tanong ni Maya dahil ayaw niya ng makitang malungkot ang quadruplets.
“Hindi kami pinapayagan ni kuya Yo na lumabas dahil puwede daw kaming makita, kaya dito lang kami sa loob ng bahay, kaya si kuya Valerius ang lumalabas para sa amin. Sumisilip lang kami sa bintana…”sagot ni Junrei.
Hindi maiwasan ni Maya na maawa sa quadruplets ng may maisip siya para kahit papaano ay mapasaya ang mga ito.
“Gusto niyo bang lumabas?” ngiting tanong ni Maya sa quadruplets.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Junrei? Hindi kami puwedeng lumabas dahil bilin iyon ni kuya Yo, kaya bakit tinatanong mo pa kami?” nagsimula na namang pagsusungit ni Junwei.
“Alam ko naman pero puwede naman kayo gumamit ng jacket na may hoodie para itago ang sarili niyo, tsaka hindi naman tayo lalabas ng village. May nakita ako di kalayuan na playground malapit dito na puwede nating lakarin. Wala nama sigurong masamang kung makita niyo ang labas kahit isang beses lang, promise, hindi natin ito ipapaalam kay Yo.”ngiting ani ni Maya na ikinapagtinginan ng apat sa isa’t-isa.
Nakatingin lang si Maya sa quadruplets na gusto pasayahin ni Maya, hindi man niya na experience pero ang lumaki na nakakulong lang sa loob ng bahay ay maihahalintulad sa isang kulungan, at sila ang preso.
“Ano? Game kayo?”