“Whoever you are. Leave my highness alone. He don’t need a distraction, he will just waste his time in a woman like you.”
HINDI PARIN makapaniwala si Maya sa nalaman niya mula kay Alexei na isang dugong bughaw, o prinsipe si YoRi. Hindi rin mawala sa isipan niya ang sinabi ni Alexei na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya, naging tahimik nalang si Maya sa biyahe nila hanggang maihatid na siya ni Alexei sa tapat ng apartment niya at bago pa ito umalis ay iniwanan siya nito ng babala.
Maghahapon na pero iyon at iyon parin ang naiisip niya, sumasakit na ang ulo niya kakaisip sa mga sinabi ni Alexei, at nagpapasakit din iyon sa puso niya.
*FLASHBACK*
Pagkarating nina Maya sa tapat ng apartment niya ay walang imik siyang bumaba ng kotse, isinara na niya ang pintuan at bahagyang yumuko kay Alexei upang pasalamatan ito sa paghatid sa kaniya.
“Salamat sa paghati—“
“Alam kong naunawaan mo ang sinabi ko Ms. Paraon, huling beses mo na sana ito na lalapitan ang aking kamahalan. Uulitin ko, huwag mo ng subukang lapitan o kausapin ang aking kamahalan.” Seryosong saad ni Alexei na hindi magawang ikaimik ni Maya.
Isinara na ni Alexei ang bintana ng kotse bago ito umalis na, naiwang nakatayo lang si Maya sa tapat ng pintuan ng apartment niya at aaminin niyang masakit sa kaniya ang pagpapalayo ni Alexei sa kaniya kay YoRi.
*END OF FLASBACK*
“Hindi ako makapaniwala na isang prinsipe si YoRi, mukha naman talaga siyang prinsipe hindi ko lang inasahan na totoo ‘yun. Mas nakikita ko ang layo ng pagitan naming dalawa, kaya siguro pinapalayo ako ng guard ni YoRi dahil isa lang akong simpleng babae na hindi nababagay kay YoRi.” Saad ni Maya sa kaniyang sarili na pabagsak niyang ikinahiga sa kaniyang kama.
Kakatapos niya lang maligo dahil ayaw niyang magkasakit, guisto niyang pumunta sa restaurant niya pero alam niyang baka makita niya lang si YoRi. Dahil sa nalaman niya, hindi niya alam kung dapat pa nga ba niyang lapitan si YoRi, ngayong alam niyang prinsipe ito, naiisip ni Maya na hindi siya nababagay na tumabi dito.
Napahawak si Maya sa tapat ng puso niya, mabigat ang pakiramdam niya sa isipin na pumapasok sa isip niya lalo na ang mga sinabi ni Alexei sa kaniya. Nasasaktan siya sa isipin na kailangan niyang lumayo kay YoRi kahit wala pa naman siyang ginagawa para mahulog ito sa kaniya.
Nagpambuntong hininga si Maya na naglakad palabas sa kuwarto niya, akmang pupunta siya sa kusina para kumuha ng tubig niya ng magulat siya ng makita niya si YoRi na nakatayo sa malapit sa pintuan niya.
“Y-Yo…”
“Why are you here?” malamig na tanong ni YoRi na malayo sa pagka-usap nito sa kaniya matapos siya nitong iligtas.
Bumalik ito sa paraan kung paano siya nito kausapin ni YoRi.
“Ba-bakit naman ganiyan ang tanong mo? Siyempre apartment ko ‘to kaya dito ako uuwi, bakit ka pala narito?” tanong ni Maya na hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya para lapitan si YoRi dahil parang naririnig niya si Alexei at ang babala nito sa kaniya.
“I told Alexei to bring you in my house, not here in your apartment.”saad ni YoRi na bahagyang ikinatahimik ni Maya dahil dineretso siya ni Alexei pauwi sa apartment niya.
“A-Ang sabi ko kasi sa guard mo na dito ako ihatid, ikaw ha, hindi mo naman nabanggit na isa ka palang prinsipe.” Ani ni Maya na inalis ang tingin kay YoRi.
“Gusto mo ba ng tubig? Teka ikukuha kita.” Ani ni Maya na nagpunta na sa kusina niya at agad kumuha ng baso para salinan ng tubig.
“I’m not a prince.”malamig na ani ni YoRi.
“Itatanggi mo pa talaga, nahihiya tuloy ako sa mga pagsusungit ko sayo noong una tayo nagkakilala. Hindi pala dapat kita pinakitaan ng ganung ugali, pasensya na.”ani ni Maya ng bigla siyang matigilan dahil naramdaman niyang may nakatayo sa likuran niya.
“Anong sinabi ni Alexei sayo?” malamig na tanong ni YoRi.
“Wa-wala naman siyang sinabi sa akin maliban sa pagiging prinsipe mo.” Sagot ni Maya na pinilit na ipaskil ang ngiti niya at agad na humarap ng magulat siya ng kunin ni YoRi ang baso na hawak niya at ibaba iyon sa gilid bago nito itinuon ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ni Maya dahilan upang makulong niya si Maya na gulat na nakatitig sa kaniya.
“A-ang lapit mo naman…”
“Uulitin ko ang tinanong ko sayo, ano ang sinabi ni Alexei sayo?” ulit na tanong ni YoRi kay Maya hindi alam ni Maya kung dapat ba niyang sabihin ang sinabi ni Alexei sa kaniya.
Napailing nalang siya sa harapan ni YoRi at bahagyang yumuko dahilan upang maipatong ni Maya ang ulunan niya sa dibdib ni YoRi.
“Wala talaga siyang sinabi, tsaka huwag mo nga akong pilitin na magsalita. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Nagpapasalamat ako sa pagliligtas mo sa akin, utang ko ang buhay ko. Salamat din kasi kahit papaano naturuan mo ako ng panibagong dish, sa tingin ko na naman hindi ko na kailangang maging apprentice mo. Sa-salamat sa lahat, si-sige na umalis ka na.” pahayag ni Maya kay YoRi na akmang itutulak niya palayo sayo ng hawakan nito ang dalawa niyang kamay kaya wala siyang nagawa kundi ang tingnan si YoRi.
“I will ask this question again to you, Dailyn, and don’t fvcking tell lies. What did Alexei told you, tell me.”malamig na pahayag ni YoRi habang nakatitig si Maya sa kaniya.
“Bakit gusto mong malaman? Umalis ka nalang, magpapahinga pa ak dahil hindi biro ang nangyari sa akin. Huwag kang mag-alala, hindi na rin naman kita kukulitin na turuan pa ako ng ibang dish, kaya sige na, umalis ka na sa apartment ko.” pagtataboy ni Maya.
Mabigat sa kaniya ang ginagawa niya, wala siyang maisip na tamang gawin pero unang nagiging reaksyon niya at gawin ang sinabi ni Alexei sa kaniya lalo pa at nanliliit na siya sa katayuan niya dahil sa pagiging dugong bughaw ni YoRi.
“That mouth of yours won’t tell anything to me huh.” Ani ni YoRi ng magulat at manlaki ang mga mata ni Maya ng sakupin ni YoRi ang mga labi niya na agad niyang itinulak ito palayo.
“Ano ba?! Bakit nanghahalik ka na naman?! Hindi ka dapat basta-basta nanghahali---“ hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng muling sakupin ni YoRi ang mga labi niya.
Pilit na tinutulak ni Maya si YoRi pero hindi na niya ito maitulak lalo pa at nakahawak na ito sa batok nya at nakayakap naman sa bewang niya ang isa pa nitong kamay. Napapikit nalang si Maya dahil halik ni YoRi na nagsimula ng gumalaw hanggang wala sa sariling nagsimula ng tumugon si Maya ng halik kay YoRi.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay agad nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa, si Maya ang unang nagbawi ng tingin ang pinatong ang noo niya sa may dibdib ni YoRi.
“Ba-bakit mo ba ako hinahalikan?”
“I like you.” Deretsahang sagot ni YoRi na mapait na ikinatawa ni Maya bago muling nilingon si YoRi.
“Bakit mo ako gusto? Anong dahilan bakit sinasabi mo na gusto mo ako? Madaming ibig sabihin ang like alam mo ba ‘yun?!” singhal ni Maya habang nakatitig ang malamig na mga mata ni YoRi sa kaniya.
“All I know is I like you, that’s all I know for now.” Saad ni YoRi na gamit ang kanang kamay nito ay hinawakan nito ang kabilang pisngi ni Maya habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Maya.
“…and I liked kissing you.” Sambit pa ni YoRi bago niya muling sinakop ang mga labi ni Maya na hindi na pumalag at dahan-dahan na pumikit at hinayaan si YoRi sa paghalik sa kaniya.
Hindi na niya magawang itulak si YoRi dahil bumibigay ang puso niya, wala siyang magawa kundi ang gumanti sa halik ni YoRi kung saan binuhat siya nito at iniupo sa may labo habang hindi nito pinuputol ang halikan nila. Alam ni Maya na tumutugon siya sa halik ni YoRi dahil mahal niya ito, at kahit hindi clear para kay YoRi bakit gusto siya nito, para kay Maya tatanggapin niya ang sinabi ni YoRi kahit walang kasiguraduhan ang nararamdaman nito sa kaniya.
Maya give in on her feelings for YoRi, wala siyang nagawa kundi ang gumanti sa mga halik nito. She even encircle her arms through YoRi's neck at hinayaan ang sarili na malunod sa halik ni YoRi sa kaniya.
Nawala sa isipan ni Maya ang mga sinabi ni Alexei sa kaniya dahil dinadarang siya ng mga labi ni YoRi. Ilang minuto ang tinagal ng halikan nila ng dahan-dahan na maghiwalay anv kanilang mga labi. Nagkatitigan silang dalawa ng lumayo na si YoRi sa kaniya at inalalayan siyang bumaba sa pagkakaupo niya sa lababo. Agad namula ang mukha ni Maya ng marealize niya ang nangyari sa kanila ni YoRi kaya agad na napayuko si Maya sa hiya.
"Whatever Alexei told you, don't listen to him. And i'm not a prince, I don't hold that title since i'm born. And I won't listen to you, you still have more things to learn about Russian cuisine. You started the apprenctice thing, so finished it." malamig na pahayag ni YoRi.
Ano bang dapat kong gawin? Dapat ko bang gawin ang sinabi ng guard niya, o ang sinabi niya? Dahil kung pipili ako, mas gusto ko ang sinabi ni YoRi. Isa pa, mas gusto kong malaman kung paanong pagkagusto ang nararamdaman ni YoRi sa akin, gusto kong malaman kung kaya ko nga bang ma fall sa akin si YoRi. ani ni Maya sa kaniyang isipan.
"Now come with me." ani ni YoRi na hinawakan ang kanang kamay niya at hinila na siya ito palabas ng apartment niya.
"Te-teka Yo, saan tayo pupunta?" tanong ni Maya hanggang mailabas na siya ni YoRi sa apartment niya kung saan naroon ang motorbike na dala nito kanina ng iwan siya ni YoRi kay Alexei.
"Sa bahay ko." malamig na sagot ni YoRi ng isuot na nito kay Maya ang helmet bago siya sumakay sa motorbike ni Alexei
"Hop in." ani ni YoRi na wala ng choice si Maya kung hindi ang sumakay sa likuran ni YoRi.
"Wala kang helmet." ani ni Maya kay YoRi.
"Don't worry about me."
"Hindi ba nananakit ang kanang braso mo?" tanong ni Maya dahil ng paandarin na ni YoRi ang makina ng motorbike niya.
"I'm fine, just hold tight." ani ni YoRi na kinuha ang dalawang kamay ni Maya at ipinayakap sa bewang niya na ikinagulat ni Maya.
"Just hold unto me." bilin pa ni YoRi bago nito pinatakbo ang motorbike paalis kung saan napapatingin ang mga kapitbahay ni Maya sa kanila.
Sinubukan ni Maya gawin ang sinabi ni Alexei sa kaniya, pero hindi rin naman niya nagawa dahil kay YoRi. Ang tingin pa ni Maya ay wala na siyang magagawa kundi ang mas mahulog pa kay YoRi.
Isang oras na biyahe nila ay nakarating na sila sa tapat ng bahay ni YoRi na ikinakunot at ikinasalubong ng kilay ni Maya dahil sa pagkakatanda niya ay wala sa loob ng village ang bahay ni YoRi. Nakatigil sila sa tapat ng isang malaking bahay kung saan pinababa na siya ni YoRi. Naguguluhang inalis ni Maya ang suot niyang helmet habang nakatingin sa malaking bahay na nakikita niya.
"Nasaan tayo? Sabi mo pupunta tayo sa bahay mo?" nagtatakang tanong ni Maya na ikinalingon nito kay YoRi.
"This is my freaking house, the one you know is just my barn. A place where me and Phantoms are sometimes staying at. Follow me." malamig na ani ni YoRi na nauna ng naglakad.
Agad sumunod si Maya na naguguluhan parin, hindi siya makapaniwala na may iba pang bahay si YoRi. Alam niyang mayaman si YoRi, nakadagdag pa sa kaalaman niya na prinsipe ito kaya mas nagtataka si Maya bakit kinuha ni YoRi ang katabing apartment niya para tirahan nito.
Nang makarating na sila sa tapat ng pintuan ay akmang kakatok si YoRi ng kusang magbukas ang pintuan at tumambad sa harapan nila ni YoRi ang isang guwapong lalaki na agad yumuko kay YoRi.
"Your highness." bati nito kay YoRi.
"Where are you going?"
"The quadruplets are asking me to buy their stuffs they list to the mall. As per your command your majesty, i do whatever they want me to do." ani nito habang nakatingin dito si Maya kung saan napadako ang tingin ng guwapong lalaki sa kaniya.
"Go back inside, and you Alexei, come inside." malamig na utos ni YoRi na bahagyang nilakasan nito ang huling sinabi nito kung saan napalingon si Maya sa may bandang gilid kung saan lumabas doon si Alexei at seryosong tingin ang binigay sa kaniya.
"Stop staring at her or I'll gauge your eyes out, Alexei." walang emosyon na banta ni YoRi na agad inalos ni Alexei ang tingin kay Maya.
"Let's get inside." pahayag ni YoRi na hinawakan si Maya sa kamay nito at hinila na papasok sa loob.
Hindi naiwasan ni Maya na igala ang tingin sa loob ng bahay na masasabi niyang expensive ang design at instraktura ng bahay ni YoRi na pinagdalhan sa kaniya.
"Kuya Yo!"
Agad naman napalingon si Maya sa may hagdanan kung saan nanlaki ang mga mata niya habang nakikita ang apat na mga binatang mga lalaki na may iisang mukha na dali-daling bumababa sa hagdanan hanggang makalapit ang mga ito sa harapan ni YoRi.
"Bakit bumalik ka dito kuya Yo? May nakalimutan ka ba?" tanong ni Junpei kay YoRi ng mapalingon silang quadruplet kay Maya.
"Si-sino siya kuya Yo?" tanong ni Junhao habang nakatutok ang tingin nilang apat kay Maya na nakaramdam ng kaba.
"Entertain my visitor, but don't do things unnecesarry against her." malamig na ani ni YoRi na hinila si Maya palapit sa quadruplets na awkward na ikinangiti niya sa mga ito with matching kaway pa sa apat.
"H-Hi?"
"Valerius, Alexei, follow me on my office." walang emosyon na utos ni YoRi na unang naglakad papunta sa hallway kung kung nasaan ang opisina nito.
Agad naman na sinundan nina Alexei si YoRo at naiwan si Maya sa quadruplets na clueless na nakatingin sa kaniya
PAGDATING naman nina YoRi sa opisina nito ay tumigil si YoRi sa tapat ng mesa niya at walang emosyon na binalingan ng tingin sina Alexei at Valerius na may pag galang na yumuko sa kaniya.
"Do you want us to do something, your highness?" saad na tanong ni Valerius kay YoRi na deretsong tonutok ang tingin kay Alexei.
"What did you say to Dailyn, tell me and don't you dare answer me in fvcking lies." malamig na pagtatanong ni YoRi kay Alexei na ikinalingon ni Valerius dito.
"Why did you brought her in her apartment when i clearly told you to bring her here in my fvcking house." malamig na dagdag na tanong ni YoRi kay Alexei.
"I'm sorry for disobeying you my highness for what you ask me to do a while ago, i just think of that woman should not know this personal house of yours that even Phantoms doesn't know. " sagot ni Alexei.
"My command to you is clear yet you disobey me, Alexei."
"Forgive me your highness." yukong saad ni Alexei kay YoRi na ikinalakad ni YoRi palapit kay Alexei na umayos na sa pagkakatayo nito.
"What did you fvcking told her?"
"I told her that she must not come near to you again your majesty, i told her that she was a distraction for you. I told her to leave you alon---" hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng malakas na suntok sa kanang pisngi niya ang natanggap niya mula kay YoRi dahilan upang pabagsak na napaupo si Alexei sa sahig kung saan pumutok ang gilid ng labi nito.
Nakatingin lang si Valerius sa nangyayari at walang balak mangialam.
"Who the fvck are you to tell her to leave me alone? How dare you told him things i didn't ask you to do. Fvcktard!" malamig na pahayag ni YoRi na agad nilapitan si Alexei at patayong hinawakan si Alexei sa kuwelyo nito at pahigit na itinayo si Alexei.
"The next time you told her words i didn't ask you to do, i will cut your tounge out in your fvcking mouth, do you hear me?!" malamig na banta ni YoRi kay Alexei.
"I apologize your highness, but that woman is distracting you---" hindi natapos ni Alexei ang sasabihin niya ng takpan ni YoRi gamit ang kanang kamay niya ang bibig ni Alexei at may diin na hinawakan iyon.
"I will be the fvcking one to fvcking tell if she is distracting me or not, Alexei. The next time you warn her or tell something that will make her awkward towards me, even your one of my trusted guard, i will kill you, do you fvcking understand me?" malamig na banta ni YoRi na hindi mapigilan ni Valerius na mapatitig kay YoRi dahil napapahaba na ang mga salitang sinasabi nito.
"Yes your highness, again i apologize for my mistake." saad ni Alexei bago bitawan ni YoRi ang pagkakahawak nito sa kuwelyo niya bago nilingon si Valerius.
"Valerius."
"Yes your highnes." agad na pag sagot ni Valerius sa tawag ni YoRi sa kaniya.
"Bring Marco here." utos ni YoRi.
"As you wish your Highness."sagot ni Valerius na agad lumabas ng opisina ni YoRi.
" Leave now." malamig na ani ni YoRi kay Alexei na yumukod sa kaniya bago lumabas ng opisina ni YoRi.
Akmang lalabas na si YoRi sa opisina niya ng tumunog ang cellphone niya kung saan nakikita niyang si Tad ang tumatawag.
"What?" malamig na sagot ni YoRi sa tawag ni Tad.
"Papunta kami ngayon sa ospital ko, nakita daw ng isang staff ko si Ynarez na gising na at lumabas ng ICU. We are now on our way para tingnan kung totoo ang nakita ng staff ko, are you coming?" balita ni Tad sa kabilang linya.
"I'm coming." malamig na sagot ni YoRi na pinagpatayan na si Tad bago deretsong lumabas ng opisina niya.
Dere-deretso si YoRi hanggang makarating siya sa sala kung saan pinapalibutan ng quadruplets si Maya na napalingon sa kaniya.
"Stay here." tanging nasabi ni YoRi bago deretsong lumabas ng pintuan ng bahay nito at naiwan si Maya sa quadruplets na mapanuring nakatingin sa kaniya.
Wahhh Bakit naman iniwan ako ni YoRi dito! angal ni Maya sa kaniyang isipan na hindi alam ang gagawin sa harapan ng quadruplets na kanina pa walang imik at matiim na nakatitig sa kaniya.