"Where there is ANGER, there is always PAIN underneath.-Eckhart Tolle"
PAGKARATING ng Phantoms sa Han International Hospital ay malalaking hakbang ang ginagawa ng ilan sa kanila upang makarating agad sa ICU ni Blue. Nahuhuli naman sa paglalakad si YoRi, Devil, Tad at LAY dahil alam nilang ang pagtakbo ng mga kasama nika ay nakakabulahaw sa hallway ng ospital.
"For sure kung gising na nga si Ynarez, makakatikim siya ng madaming batok sa mga nagmamadaling Phantoms. He sure rests fvkcing lot bago maisipan na gumising." ani na kumento ni Tad na gusto mang makitakbo kina Demon ay pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang makita siya ng mga staffs niya na nagmamabilis.
"If he's really fvcking awake, is it fvcking good for him to stand up and leave his room?" seryosong tanong ni Devil na ikinalingon ni Tad sa kaniya.
"Mon was right, Ynarez incident was fatal for him. You know that Han." ani ni LAY.
"Tama naman ang sinabi niyo ni Mondragon I, tangna, don't tell me he forced himself to get up?"saad ni Tad.
" Is he? Or your staff is just hallucinating and thought it was Ynarez." malamig na kumento ni YoRi na ikinalingon ni Tad at Devil sa kaniya.
"We will see what really happens." kalmadong saad nu LAY.
Nang makarating na sila sa ICU ay naabutan nila sina Paxton sa labas nito kung saan kausap ng mga ito si Lolo Pops at dalaw sa kabanda ni Blue.
"You mean hindi pa po gising si Ynarez, lolo pops?" paniniguradong tanong ni Demon na ikinailing ni Lolo Pops.
"Hindi pa ako umaalis sa tabi ng apo ko simula nang dalawin ko siya dito at abutan sina Hoaxx at Tenth na nagbabantay. Siguro ay si Tenth ang nakita ng isang nurse at napagkamalan na si Percy, Tenth and my grandson looks twin when you'll stare at them at the side view." paliwanag ni Lolo Pops na ikinalingon nina Paxton kay Tenth na nakasuot ng black jacket na may hood.
"Should i face the side view para makita niyo ang sinasabi ni lolo pops?" saad ni Tenth na ikinalingon naman nina Sergio kay Blue na nasa higaan nito at may mga apparatus parin na nakakabit dito.
"Ibig sabihin fake news ang binalita ng nurse ni Han? Yawa, akala ko mababatukan ko na si Ynarez sa tagal ng pagkakatulog niya." saad ni Sergio na halata ang dissapoitnment sa boses nito.
"Buwisit na Ynarez 'yan, hindi pa ba gigising ang gagong 'yan?" inis na ani ni Demon na ikinatapik ni Balance sa balikat niya.
"Let's give him time, i'm sure gigising din 'yan."
"Alam kong lahat tayo ay secretly natuwa ng sabihin sa atin na gising na ang Asul na 'yan, but disappointed dahil nasa coma pa din si Ynarez." pahayag ni Ford na ikinaingos ni Paxton.
"Madulas-dulas tayo kakatakbo sa hallway tapos pikit pa pala ang mata ng hinayupak na 'yan. Puwede po bang pasapak ako ng isa sa apo niyo, lolo pops?" wika ni Paxton.
"Alam ko ang nararamdaman niyo, kahit ako ay gusto ko ng gumising ang apo ko." malungkot na ani ni Lolo Pops.
"Pasensya na po Lolo Pops, mukhang namalikmata nga po ang staff ko na nakakita sa kabanda ng apo niyo." paumanhin ni Tad ng mapalingon sila sa bagong dating na si Taz na buhat-buhat ang bunso nitong si Light.
"Where is Ynarez?" tanong ni Taz kina Paxton.
"Still in a coma, it's my staff fault. Lolo pops said that my staff might assume that Ynarez bandmate is him." pag sagit ni Tad kay Taz na hindi man ito nagsalita, kita nila ang dissapointment sa mga mata ni Taz.
"Talagang naisama mo pa ang bunso mo, Westaria, nakalimutan mo bang ibaba si Light kaya nadala mo pagpunta dito?" ngising kumento ni Paxton na poker face na nilingon si Paxton.
"We're on our way to bring the kids to Daddy Anton's house, when i received Ignacio's text." wika ni Taz na siyang kita nila kay Gail na hawak-hawak si Knight na nginitian sila.
"Doc. Han..."
Sabay-sabay na napalingon sina Tad sa isang babaeng nurse na kadarating lang sa ICU na nahihiyang hindi makatingin sa kanila.
"Doc Han, ako po 'yung nagbigay ng info na nagising na po ang pasyente po. Sorry po kung nagkamali po ako, akala ko po kasi talaga 'yung pasyente po ang nakita ko." ani nito.
"Siya ba ang nakita mo?" tanong ni Tad na tinuro si Tenth na siya namang tiningnan ng nurse.
"Ganiyan po 'yung suot niya, naka side view po kasi nung makita ko siyang lumabas ng ICU." sagot ng nurse na ikina side view ni tenth kaya nanlaki ang mga mata nitong itinuro si Tenth bago na realize ang kamalian niya.
"Sorry po Doc. Han, napagkamalan ko po ang bisita ng pasyente na siya po. Sorry po talaga." paumanhin ng nurse na agad yumuko kina Tad.
"Next time, before you make a call, siguraduhin mo muna." seryosong sermon ni Hoaxx sa staff ni Tad na ikinalingon ni Tad dito.
"Inamin naman ng staff ko ang mali niya, she apologizes so no needs to condemn her." seryosong ani ni Tad na ikinaingos lang ni Hoaxx.
"Sorry po talaga..."
"Bumalik ka na sa station mo." ani ni Tad na ikinaalis na ng nurse niya kung saan nakasalubong nito ang katulong ni Tad na doctor sa pagtingin ng kondisyon ni Blue.
"Good day Doc. Han, i checked the vitals of your friend and as i see, wala paring pagbabago sa kondisyon niya." pagbibigay alam nito na ibinigay kay Tad ang results ng ginawang check up nito kay Blue.
"Lahat naman nagkakamali, it's just may hawig sa pasyente ang isa sa kabanda niya kaya napagkamalan siya ng nurse mo." ani ni Doc. Prima.
"Mas hamak na guwapo naman ako kay Ynarez." ingos na kumento ni Tenth na naglakad na paalis ng ICU.
"Mauna na po kami lolo pops, may afternoon rehearsal pa po kasi kami." paalam ni Hoaxx na sinundan na ang kasama nito habang nakasunod ng tingin sina Paxton sa dalawa.
"Nagmama-angas ba ang isang 'yun?" kumento ni Paxton.
"Pagpasensyahan niyo na sina Hoaxx, may ugali din ang mga kabanda ni Percy pero mababait sila. It's just gusto lang din nilang gumising na si Percy." saad ni Lolo Pops.
"Doc Han pwede ba tayo mag-usap, in private?" request na ani ni Doc. Prima na ikinatango ni Tad.
"Iwan ko muna kayo." paalam ni Tad na ikinaalis na nila ni Doc. Prima.
"Aminin niyo masakit umasa na akala natin mababatukan na natin si Ynarez." ani ni ToV habang nakatingin kay Blue sa loob ng ICU.
"Ipunin nalang muna natin ang batok na deserve ng gagong Asul na 'yan." ani ni Demon.
"Pasalamat talaga ang isan--kailan pa nakapasok si Ringfer sa loob ng ICU?" saad ni Travis na sabay-sabay ikinalingon ng lahat kay YoRi na nasa loob ng ICU at nakayuko sa may bandang tenga ni YoRi na parang may binubulong.
"Tangna, hindi ko napansin na nakapasok ang isang 'yan sa loob." ani ni Demon habang tutok sina Lu kay YoRi na tumayo na ng tuwid bago naglakad palabas ng ICU.
"Oi Ringfer, anong binulong mo kay Ynarez?" usisang tanong ni Sergio kay YoRi na malamig na tingin ang,binigay sa kaniya.
"I warned him, once he woke up, i'll put him in fvcking deep sleep, again." malamig na sagot ni YoRi na nagpamulsang naglakad paalis ng ICU.
"Sa tingin niyo susubukan pa ni Ynarez magising kung binantaan na siya ni Ringfer?" ngiwing kumento ni Travis.
"Malamang piliin nalang ni Ynarez, matulog habang buhay, kung ako kay Ynarez wag na siya gumising dahil papatuligin din pala siya agad ni Ringfer." ani ni Sergio na nakatanggap ng batok kay ToV at Lu na agad niyang ikinalingon sa dalawa.
"Bakit?! Lakas ng batok niyo ah!" angal ni Sergio ng tumikhim si Lolo Pops na dahan-dahan nilingon ni Sergio bago ngumiti.
"Syempre biro lang 'yun lolo pops, joker po ako."
"Tss! Joker mo mukha mo, napaghahalataan ka Fritz." kumento ni Demon.
"Oi, sinasabi mo ba Mindragon II na ayaw kong gumising si Ynarez eh grabe nga takbo ko sa excitement ng akala ko gising na ang gago na 'yan."
"Huwag ka sa amin magpaliwanag, kay Santos ka mag explain." pang-aasar ni Paxton kay Sergio na ikinalingon nito kay Lu.
"I don't need your explanation, what you said can be used against you." saad ni Lu.
"Mahal talent fee ko Fritz, at kahit may pambayad ka ayoko maging abogado mo." ani ni ToV.
"Grabe kayo, bakit niyo ko dinidiin eh joke nga lang 'yung sinabi ko." angal ni Sergio na nilingon si Taz.
"Boss Taz..."
Poker face na pinakitaan lang ni Taz ng middle finger si Sergio dahil hindi naman ito puwedeng magmura sa harapan ni Light.
"Daddy what's that?" inosenteng tanong ni Light.
"Nothing princess, just a gesture of friendship for them." sagot ni Taz na pigil sina Balance na matawa.
"Teka? Si Ringfer ba ay uuwi na? Bakit umalis na 'yun agad? Maaga na nga umalis sa bound kanins, tapos aalis ulit ngayon?" takang mga tanong ni Travis.
"Oo nga, as far as i remembered mag stay pa 'yan dito hanggat narito tayo." kumento naman ni Sergio.
"Baka may inuuwian na kasi, parang si Han." ngising saad ni Paxton na ikinatinginan nina Demon, Sergio at Travis na ikinabuntong hininga ni Taz dahil alam niya naiisip ng mga ito.
"Kung ako sa inyo hindi ko iisipin na sundan si Ringfer para may malaman, baka may maputol sa inyo pagsisihan niyo pa." banta ni ToV na agad ikinaila ng tatlo.
SAMANTALA, nakatingin lang ang quadruplets kay Maya na hinihintay ang sagot nila sa pag-aaya nito. Nag-aalinlangan silang lumabas dahil alam nilang magagalit si YoRi sa kanila, pero bigla din silang nagkaroon ng urge na malaman kung anong meron sa labas ng bahay na matagal nilang tinitirhan pero hindi sila puwedeng lumabas.
"Ayaw niyo bang makita kung anong meron sa labas? Hindi naman tayo magtatagal eh." saad ni Maya na ikinatayo ng quadruplets at muling nagumpukan at nag-usao ng kung anong gagawin.
"Ang cute nila." ngiting kumento ni Maya sa quadruplets na pigil siyang matawa dahil naririnig din naman niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Miya-Miya pa ay humarap na ang quadruplets sa kaniya at ngiting hinintay niya ang sagot ng mga ito kahit alam na niya.
"Sige papayag kami, pero saglit lang ah. Tsaka hindi dapat ito puwedeng malaman ni kuya YoRi." saad ni Junwei na ikinatayo ni Maya sa pagkakaupo niya.
"Huwag kayong mag-alala, secret lang natin 'to. Sige na, kuha na kayo ng jacket na may hoodie para wala masyadong makakita sa inyo." ani ni Maya na mabilis ikinatakbo ng quadruplets paakyat sa hagdanan.
"Bakit naman kasi ayaw palabasin ni Yo ang quadruplets, simula noong bata pa sila ay di na sila nalabas. Nakakaboring kaya 'yun." pahayag ni Maya habang hinihintay ang apat.
Inilibot nalang muna ni Maya ang tingin niya sa kabuuan ng bahay, masasabi niya na malaki ang pagkaka-iba nito sa barn na una niyang napuntahan. Magaganda ang design at masasabi niyang mamahalin ang mga furniture sa bawat sukok ng bahay. Puro paintings pero walang makita si Maya na kahit isang nakasabit na litrato o mga picture frame.
"Wala ba siya kahit isa man lang na litrato?" tanong ni Maya ng lapitan niya ang isang estante na may mga drawer dahil nakakita siya ng isang picture frame na hindi agad makikita dahil sa mga vase na nakapatong doon.
Nilapitan ni Maya ang estante at tiningnan ang litrato, nang makita niya iyon ay natigilan at napatitig si Maya sa nakikita niya. Pakiramdam niya ay may kumurot sa puso niya habang nakikita niya ang litrato ni YoRi na may magandang babaeng nakangiting nakayakap dito.
Agad inalis ni Maya ang tingin niya at agad na tinapat ang kanang kamay niya sa tapat ng kaniyang puso dahil ramdam niyang bumigat ang puso niya sa kaniyang nakita.
"Si-sino kaya 'yung babaeng nakayakap sa kaniya?" tanong ni Maya sa sarili habang dahan-dahan na tinatapik ang puso niyang hindi niya maiwasanv makaramdam ng selos.
Napalingin nalang si Maya sa quadruplet na nakasuot na ng mga jacket nito na may excitement na makikita sa mga mukha ng mga ito. Inalis nalang ni Maya sa isipan niya ang kung anong magpapasikip sa kaniyang dibdib, ayaw niyang isipin ang kung sinong babaeng nakayakap kay YoRi. Malawak na ngiti ang binigay niya sa quadruplets ng makalapit na ito sa kaniya.
"Tara na?"
"Hindi tayo magtatagal ah, pumayag lang ako kasi gusto ng mga kapatid ko na malaman anong meron sa labas. Uuwi din tayo agad ah?" pilit na pagsusungit ni Junwei kay Maya na ngiting ikinatango ni Maya.
"Promise, uuwi din tayo agad. Malapit lang naman ang park na nakita ko kanina eh." ani ni Maya ng maghawak-hawak na ang quadruplets ng kanilang mga kamay.
"Walang bibitaw sa inyo, hindi tayo puwedeng maghiwa-hiwalay." bilin ni Junwei na sabay-sabay ikinatango ng tatlo.
"Let's go!" nakangiting pahayag ni Maya na nauna ng maglakad papuntang pintuan.
Agad naman na sumunod ang apat sa kaniyang likuran, binuksan na ni Maya ang pintuan at unang naglakad palabas. Nilingon niya ang quadruplets na sumisilip muna bago isa-isang lumabas na magkakahawak pa din ang mga kamay. Habang nakatingin si Maya sa quaddruplets ay nakikita niyang unti-unting sumisilay ang pagkamangha ng mga ito.
Nagsimula ng maglakad si Maya habang nakasunod sa kaniya ang quadruplets na sinuot na ang mga hood sa ulunan. Naririnig ni Maya ang mga manghang kumento ng apat sa mga nakikita nila. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil sa sa 15 years na existence ng mga ito ay puro sulok ng bahay ni YoRi ang nakasanayan na makita ng mga ito.
Ilang lakarin pa ay nakarating na sila sa park ng villa, wala masyadong tao na naroon kaya solo nila ang lugar. Bumakas na naman ang mangha sa mga mata ng quadruplets sa nakikita nila.
"A-ano 'yan?" turo ni Junhao sa seasaw na nakita niya.
"Seasaw ang tawag diyan, 'yun naman ay swing, at 'yun ay slide. Puwede niyo silang laruin dito habang ako ay pinapanuod kayo." ngiting ani ni Maya na mabilis na ikinalapit ng quadruplets sa sinabi niyang puwedeng laruin ng apat.
Mangha at tuwa ang nakikita ni Maya sa quadruplets, nakangiting umupo si Maya sa may bench at pinanuod ang apat. At dahil nakikita niyang nag e-enjoy ang apat ay hinayaan muna ni Maya na maglaro pa ang mga ito dahil sigurado siyang hindi ma enjoy ng quadruplets ang pagiging bata.
Kalahating oras silang nag stay sa park ng makarinig si Maya ng tunog ng isang papalapit na helicopter, nang tumingila si Maya ay nakita niya sa kalangitan ang isang itim na helicopter na pababa sa tapat nila. Napakunot ang noo ni Maya ng may makita siyang sumilip na nakaitim na suit na may hawak na baril. Napatayong nanlaki ang mga mata ni Maya na agad pinuntahan ang apat.
"Bilis magtago tayo!" sigaw ni Maya na agad niyang hinila ang apat sa ilalim ng slide kung saan niyakap niya ang apat dahil nagsimula ng magpaulan ng bala ang nasa helicopter na ikinatakot ni Maya.
Anong nangyayari?! Bulaslas ni Maya sa kaniyang isipan habang tinatakluban niya ang quadruplets ng kaniyang katawan ng mapa igil siya ng may dumaplis sa kanang braso niya na bala, dahilan upang dumugo ang braso niya.
Nakaramdam ng takot si Maya para sa kanila ng magulat siya ng may matigik ang pagpapaputok sa kanila at malaglag di kalayuan sa harapan nila ang lalaking namamaril sa kanila.
Nakarinig muli sila ng putukan pero hindi na sila ang pinauulanan, nakita agad ni Maya ang dalawang lalaking dumating na pinapuputukan ang helicopter na rinig ni Maya na lumipad paalis.
"Junwei!" sigaw ng lalaking nakita ni Maya sa bahay din ni YoRi kanina.
"Kuya Valerius!" takot na tawag ng apat dito na ikinatakbo ng quadruplets sa apat.
"Marcus, bring them back in the house!" sigaw ni Valerius na agad sinunod ni Marcus at inalalayan na isakay ang apat sa van na dala nila at nauna ng umalis.
Naiwan si Maya na lumabas sa ilalim ng slide habang sinusuri ni Valerius ang katawan ng namaril kina Maya.
"Why did you brought the quadruplets outside?" seryosong sita ni Valerius na nilingon si Maya na pigil ang panginginig ng katawan nito sa takot at hindi binigyang pansin ang daplis na nakuha niya.
"Gu-gusto ko lang naman..."
"Let's go back, you better have a good explanation to our highness." ani ni Valerius na nauna ng maglakad at kahit pakiramdam ni Maya ay matutumba siya sa panlalambot ay sinundan niya na si Valerius.
"Hi-hindi ko naman akalain na may dadating na magpapaputok---"
"The reason bakit hindi puwedeng lumabas ang quadruplets ay mabilis silang mahahanap ng mga gustong pumatay sa kanila. Why? Because there's an implant in their brain kung saan madedetect ng kalaban ang kinaroroonan nila. And our highness house deflect the signals kaya hindi sila natutunton. You put them in danger, woman." pahayag ni Valerius na agad nakaramdam ng guilty si Maya at the same time gulat sa kalagayan ng apat.
Nang makabalik sila sa loob ng bahay ay hindi nakita ni Maya ang quadruplets, nakita niya lang ang kasama ni Valerius na kababa lang ng hagdanan.
"I hide them now in the basement of their room, the signal will disabled. It's good nakabalik tayo agad." ani ni Marcus na nilingon si Maya.
"You." tawag nito kay Maya na napaayos sa pagkakatayo nito.
"I remember you, you're with prince Mikhail when he visited his adopted parents. Why are you here?" saad na tanong nito.
"Our majesty brought her here." sagot ni Valerius ng mapalingon sila sa bagong dating na si YoRi na kita nilang bahagyang hinihingal.
"I heard shoot out inside this village, i saw an helicopter. What happen?" malamig na tanong ni YoRi na agad nilingon si Maya ng mapakunot ang noo ni YoRi sa dumudugong braso ni Maya.
"What happe--"
"She brought the quadruplets in the park, the reason for the implant in their brains start giving signals to our enemies, your highness." seryong pahayag ni Valerius na ikinaputol ng sasabihin ni YoRi at ikinalingon nito kay Valerius.
"What?"
"Mabuti nalang kamahalan at malapit na kami sa park kung nasaan sila, they are under the slides while the enemies are shooting them." dagdag eksplenasyon ni Marcus.
"So-sorry Yo, hi-hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari eh. A-ang gusto ko lang naman ay ilabas ang apat kasi nalaman ko na hi-hindi pa sila nakakalabas dito simula noong bata pa sil--"
"You took them out?" walang emosyon na putol ni YoRi kay Maya na malamig ang tingin ang binigay sa kaniya na akmang magsasalita siya ng maunahan siya ni YoRi.
"Do you know what you just fvcking did!? Hindi porke't may nalaman ka ay may gagawin ka dahil lang sa ginusto mo!" malamig na sigaw ni YoRi kay Maya na nagulat sa nakikitang galit kay YoRi habang randam niya ang pag-iinit ng mga mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha.
"Hi-hindi ko naman kasi alam---"
"Ano bang alam mo?! I brought you here not to fvcking put the quadruplets in a fvcking danger! Bakit ba ang pakialamera mo!" sigaw ni YoRi na ngayon lang nakita ni Maya na magalit ito simula ng makilala ito.
Hindi na napigilan ni Maya ang paglandas ng mga luha niya, napayuko nalang siya at pilit na nilalakasan ang mga tuhod upang hindi bumagsak sa sahig. Alam niyang may kasalanan siya, pero parang pinipiga ang puso ni Maya habang ramdam niya ang galit ni YoRi sa nagawa niya.
Tahimik nalang sina Valerius at Marcus sa kinatatayuan nila.
"Where's the quadruplets?" malamig na baling ni YoRi kina Marcus.
"In the basement of their room, your highness."
"Y-Yo..."
"Leave. I don't want a troublesome woman here in my house, so fvcking leave." walang emosyon na taboy ni YoRi bago ito umakyat sa hagdanan na agad sinundan ng dalawa.
Naiwan si Maya na napaiyak sa kinatatayuan niya, nasaktan si Maya sa klase ng tingin ni YoRi sa kaniya. Gustong bumagsak ni Maya sa kinatatayuan niya pero nilakasan niya ang loob niya. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng pintuan habang pinipigilan niya ang sarili na mas maiyak sa isipin na galit si YoRi sa kaniya.