NAIILANG AT hindi makakilos si Maya sa kinauupuan niya habang nararamdaman niya ang mga paninitig ng lima sa mga kaibigan ni YoRi sa kaniya. Pakiramdam niya ay matutunaw na siya sa mga titig ng mga ito, ni hindi niya alam bakit sinama siya ni YoRi sa ospital.
Sa isipan ni Maya ay puwede na naman siyang umalis, pero hindi niya nagawang ihakbang ang mga paa niya kanina hanggang alukin na siyang umupo ng mga ito. Nilingon ni Maya si YoRi na nakasandal sa may pader malapit sa salamin ng ICU at abala na naman sa cellphone nito.
Ano ba kasing ginagawa ko dito? angal ni Maya sa kaniyang isipan.
"Phantoms, stop intently staring at Ringfer's acquaintance, she's no longer comfortable in your stares, so quit that." kalmadong sita ni LAY kina Sergio, Travis, Demon, Paxton at Tad na mas hindi maka move on sa pagdating ni YoRi na may kasamang babae na never nilang nakitang ginawa noon nito.
"You can't fvcking blame them, Yvanov, they can't believe that Ringfer will bring a woman with him." saad ni Lu na ikinangisi ni ToV.
"Kuhanan ko kaya nh picture 'tong lima na 'to tapos ipakita ko sa mga asawa nila, ano kayang mangyayari?" birong ani ni ToV na sabay-sabay ikinaalis ng tingin ng lima kay Maya at masamang tingin ang ibinigay kay ToV ng mga ito.
"Huwag mong subukan Valenzuela, sasapakin kita. Ayokong magkaroon kami ng misunderstanding ng asawa ko, mahirap ma out of kulambong gago ka!" banta ni Paxton na mas ikinangisi lang ni ToV.
"Wala pa naman akong ginagawa, kalma."
"May batas bang nagsasabi na bawal titigan ang nakakagulat na pangyayari, Valenzuela? My wife knew how loyal and crazy i'm in love with her." banat naman ni Demon na ikinasang-ayon ni Sergio at Travis.
"Curious lang naman kami sa mga oras na 'to, huwag gawan ng malisya gago." ani ni Sergio.
"Alam naming curious ka din, halata lang 'yung amin." ani naman ni Travis.
"I just can't believe that Ringfer brought a woman in my hospital." pahayag naman ni Tad habang nilingon si YoRi na walang pakialam sa pinaggagagawa nila.
"Oi Ringfer! Baka gusto mong mag explain kung sino sayo ang babaeng kasama mo? Ano? Wala kang balak ipakilala sa amin matapos mong ipakita siya sa amin?" sita na ni Paxton kay YoRi na walang emosyon na lumingon sa kaniya.
"I hate explaining myself, just ask her." malamig na ani ni YoRi na binalik ang tingin sa cellphone niya.
"Ano bang aasahan niyong explanation kay Ringfer? Kailan ba maayos nagpaliwanag ang isang 'yan sa atin?" saad na kumento ni Shawn.
"Our friend hate explaining, kaya ang kasama nalang niya ang tanungin natin." ani ni Ford na mas lalong ikinakaba ni Maya sa kaniyang narinig kahit wala naman dapat siyang ikakaba.
"Sorry for making you uncomfortable at this moment, Ms. Hindi lang kami makapaniwala na may isasamang babae si Ringfer sa pagpunta niya dito. By the way, i hope hindi ka mailang sa amin, mga hindi normal ang ilan sa amin pero they don't bite." ngiting saad ni Balance kay Maya.
"Ay wow Kiosk, so ginawa mo kaming aso? Gandang intro niyan, ang galing mo diyan." pagsingit na kumento ni Paxton na ikinaakbay ni Demon sa kaniya.
"Bakit bro in law? Natamaan ka? Okay lang 'yan, atleast wala ka ng rabbies."
"Fvck you Mondragon II." mura ni Paxton na tinulak si Demon sa pagkaka-akbay sa kaniya.
"Huwag niyong patunayan ang sinabi ni Kiosk na ilan sa atin ay hindi normal, nakakahiyang ipagtanggol kayo." seryosong ani ni Lu.
"Anong nakakahiya doon? Santos ipagmalaki natin na may mga abnormal tayong mga kaibigan, simula't sapul ay mga sira ang tuktok ng mga kaibigan natin." ani ni ToV
"Grabe Santos, sana sinali mo ang sarili mo, so ikaw lang matino sa grupo? Tang ina mo!" singhal ni Paxton kaya nagsimulang mag-ingay ang Phantoms na gumulantang lalo kay Maya.
Naging maingay ang ICU dahil nagsisimula na namang mag-pikunan ang mga nakapaligid kay Maya, at nilingon niya si YoRi na walang pakialam sa nangyayari.
"Fvcking settle down, Phantoms. I won't fvcking tell this fvcking twice, show some fvcking decency damn it!" seryosong madiin na banta ni Taz na agad nawala ang ingay sa ICU at natahimik na ang lahat kaya napalingon si Maya kay Taz.
"Grew up Phantoms, your noises fvcking almost ruin my fvcking ears." pahayag ni Devil na akmang magsasalita si Sergio ng agad takpan ni Travis ang bibig ni Sergio.
"Huwag mo ng subukang pumalag, nagbanta na si Taz." sita ni Travis na agad inalis ni Sergio ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya.
"Tangna! Ang baho ng kamay mo Amadeus, tapos itatakip mo sa bibig ko!"
"Arte mo Fritz, sa banyo lang ako galing kanina." ani ni Travis na ngiwing umalis si Sergio sa tabi nito.
"Problema ---"
"Tama na Amadeus, hindi na maganda tingin ni Taz sa atin." putol ni Balance kay Travis na agad tinikom ang bibig.
"Just for this fvcking once Phantoms, stop bantering for fvcking petes sake." singhal na sermon ni Taz.
"I know it's big deal for us to saw Ringfer with woman, we're all curious. Ringfer doesn't want to speak, so let us hear answers from her." ngiting kalmadong saad ni LAY sa Phantoms.
"Yvanov was rig---"
"Anong pangalan mo?" putol ni Paxton sa sasabihin ni Shawn na deretsong nakatingin kay Maya.
"A-ako si Ma--"
"Bakit magkasama kayo ni Ringfer? Nililigawan ka ba niya?" sunod na tanong ni Sergio.
"H-huh? Hind---"
"Malabong manligaw si Ringfer, Fritz. Baka katulad siya ng lil'sis ko na matapang na hinahayag ang pag-ibig kay Ringfer." putol naman ni Demon sa dapat pagsasalita ni Maya.
"Gago Mondragon II, bakit dinadamay mo asawa ko?" singhal ni Paxton.
"Example reason lang, Ignacio, bobo nito."
Naguguluhan na si Maya kung paano niya sasagutin ang mga tanong na tinatanong sa kaniya.
"Mondragon I." seryosong tawag ni Taz kay Devil na alam na nito ang ibig sabihin ng pagtawag ni Taz sa kaniya.
Umalis si Devil sa kinatatayuan niya at nilapitan si Demon na napalingon sa kaniya.
"Bakit twinni--oi oi sandali! Kambal saan tayo pupunta!" angil ni Demon ng walang salitang hinawakan siya sa kuwelyo ni Devil at hilahin palayo sa ICU.
"Atleast nabawasan ng gago dito." ngising ani ni Paxton ng mapalingon siya kay Taz na nakalapit na sa puwesto niya.
"Follow me Ignacio." seryosong utos ni Taz bago nilingon si Balance.
"You take care of the others, don't let them fvcking bark again as they fvcking please."
"Mukhang aso tayo ngayon sa pangingin ni boss Taz." kumentong ani ni Tad.
"Copy that." ngiting sagot ni Balance bago nagsimula ng maglakad.
"Bakit damay ako Westaria? Tangna, nagtatanong lang naman ako ah?" angal ni Paxton.
"Just follow boss Taz, Ignacio." saad ni Lu.
"Damn that Mondragon II, nadamay ako sa kagaguhan niya. Yawa naman oh!" angal na reklamo ni Paxton na walang choice kundi sundan si Taz.
"Sorry about that, we're just this close kaya normal na sa amin ang ganitong scenario." ngiting ani ni Balance kay Maya.
"O-okay lang."
Ang totoo ay hindi inasahan ni Maya na may ganitong mga kaibigan si YoRi, nakikita niya na malaki ang pagkaka iba ng mga ito dito. Kung paanong tahimik si YoRi ay kabaligtaran ng mga kaibigan niya, pero ang napansin niya ay kahit nagkaka asaran na ang mga ito ay normal na tensyon lang ang nakikita niya. Parang magkakapatid kung magtalo, na parang ang lalim ng pinagsamahan ng mga ito.
"Ipapakilala namin ang mga sarili namin sayo, ako nga pala si Balance Kiosk, lahat kami na narito kasama nung apat na umalis sandali ay mga happily married na maliban kay Ringfer at sa kaibigan naming trip mag sleep over dito sa ospital." pakilala ni Balance kay Maya.
"Pa-pamilyar ang surname mo, hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig." ani ni Maya na mas ikinangiti ni Balance.
"Maybe it's familiar because of Kiosk Internation Airport, i own that."
"Oh? Tama, 'yan nga--eh?! I-ikaw ang may ari ng KIA?" gulat na bulaslas ni Maya na ngiting ikinatango ni Balance.
"Travis Lancellot Amadeus naman ako, CEO of Grande food Industry."
Teka? I know that company, kilalang-kilala ang kumpanya na 'yun sa buong Asia. sambit ni Maya sa kaniyang isipan.
"I'm Ford Rosales, a bar owner of JEYA with two adorable daughters." ngiting pakilala naman ni Ford.
"Sergio Fritz at your service, dating sikat na modelo pero ngayon ay business man at ulirang asawa at ama."
"Shawn Torres is the name, nice meeting you." pakilala naman ni Shawn.
"Ako naman si Tadeus Han, a doctor of my own Hospital which is this hospital." ani naman ni Tad na nagsisimula ng hindi makapaniwala si Maya sa klase ng katayuan sa business world ng mga kaibigan ni YoRi.
"Tork Valenzuela, a lawyer. If you want my service i can give you discount."
"Kahit magbigay ka ng discount nakakabutas parin ng bulsa ang service fee mo." kumento ni Tad.
"Atleast iwas himas ng rehas mga kliyente ko, that's more fvcking important."
"Don't mind these two fvcktard. My name is Lunova Santos, and this man beside me is Leighton Achilles Yvanov, a king literally from Greece." pakilala naman ni Lu sa kanila ni LAY na ngiting napailing nalang si LAY dito.
"Nice to meet one of acquiatance of Ringfer." ani ni LAY kay Maya na hindi makapaniwalang may kaibigang hari si YoRi.
"Iyong apat na umalis, 'yung kambal doon ay sina Demon at Devil Mondragon. Isang masungit isang gago, then the other is Paxton Ignacio, the tarantadong ewan ng grupo. Malakas mang pikon pero madalas siya ang pikunin. At ang striktong palamura na tumawag kina Ignacio ay si Taz Westaria, lider ng samahan namin." pagpapakilala ni Shawn kay Maya.
"And this one lying in this ICU is Blue Ynarez, ang gagong hindi alam ang tamang pag-iwas kaya nakahiga dito. An idiotic one in our circles." saad na pakilala ni Lu sa walang kamalay-malay na si Blue.
"Teka Ringfer, alam na ba niya ang samahan natin?" baling na tanong ni ToV kay YoRi.
"Why would i tell her?" malamig na sagot ni YoRi na sa cellphone parin nito nakatutok ang tingin.
"Uhmm, kung iniisip niyo na may ugnayan kami ni Mr. Ringfer in a romantic way, nagkakamali kayo. Wala kaming ugnayan na ganun, actually apprentice niya lang ako kasi gusto kong matuto ng tamang pagluluto ng russian cuisine. I'm a chef also at may ari din ako ng isang restaurant, hindi nga lang dinadayo masyado." pahayag na explanation ni Maya.
"Apprentice, kailan ka pa naging interesado na magturo ng coocking skill mo, Ringfer?" tanong ni Lu kay YoRi.
"She annoys me for that." sagot ni YoRi.
"Pasensya ka na sa reaksyon ng iba sa amin kanina, hindi kasi kami sanay na may kasamang babae si Ringfer, so we thought kahit malabo ay tinamaan na ng pana ng ligaw na batang may lampin ang kaibigan namin." ngiting ani ni Balance.
"Naku walang ganun, gusto ko lang talaga na mag improved pa sa pagluluto kaya pinilit kong magpaturo kay Mr. Ringfer. Tsaka, hindi ko type ang mga parang taong yelo na gaya niya, ayokong matuyuan ng laway." ani ni Maya na pigil sina Travis at Sergio na mapatawa sa sinabi niya.
"Malinaw na wala tayong pagchi-chismisan sa love life ni Ringfer dahil we all know na nahihirapan si president na tamaan 'yan." ani ni Ford.
"Well Rosales, huwag tayo pakasiguro, iba ang pana ni presidente, kahit anong tigas mo mabibiktima ka parin niya." ani ni ToV na nilingon si YoRi.
"Ringfer, bakit mo sinama si Ms. Apprenctice dito sa HIH? Did you like her?" ngising tanong ni ToV kay YoRi na hindi sila nililingon.
Binalingan naman ni Maya ng tingin si YoRi dahil sa tinanong ni ToV dito.
"Doi like her? Maybe, maybe not." malamig na sagot ni YoRi na ikinatitig ni Maya dito kasabay ng pag kabog na naman ng dibdib niya.
"He's playing with us, huwag na nating asahan na may matinong sagot si Ringfer sa tanong natin." naiiling na saad ni Tad habang nakangiting nakatingin si LAY kay YoRi at seryosong tingin naman si Lu dito.
"Then huwag na nating bigyan ng malisya ang pagsama ni Ringfer kay Ms. Apprentice. Maging proud nalang tayo dahil nakikihalubilo na si Ringfer sa iba, he's still human after all." pahayag ni Balance.
"Nagpakilala na kami sayo, baka puwede naming malaman ang pangalan mo. Ayaw mo naman siguro na Ms. Apprentice ang itawag namin sayo." pahayag ni Travis na agad na tumayo si Maya sa kinauupuan niya at yumuko kina Balance.
"H-hello! A-ako nga pala si Maya Dailyn Paraon, ako ang may-ari ng restaurant na katapat lang ng restaurant ni Mr. Ringfer. Kinagagalak ko kayong makilala." pagpapakilala ni Maya na sabay ikinakunot ng noo ni Travis at Sergio.
"Maya? Langya parang pamilyar ang pangalan mo." ani ni Sergio.
"Pamilyar din sa akin, teka saan ba natin narinig ang pangalang Maya." ani naman ni Travis na ikinalingon ni Maya sa dalawa.
"Nagsanib puwersa na naman kayong dalawa, paanong magiging pamilyar ang pangalan niya sa inyo, eh ngayon niyo lang naman siya nakita." singhal ni Tad sa dalawa.
"Anong magagawa namin eh sa pamilyar ang pangalan niya, Han. Swear parang narinig na namin ang pangalan niya." sagot ni Travis ng miya-miya ay parehas silang nagkatinginan ni Sergio ng parehas na may pumasok na ala-ala sa kanila.
*FLASHBACK*
"Are you here because of Maya?" tanong ng babaeng nasa mission na bantayan nina Travis ng minsang makasabay nila si Leroi sa restaurant na pinagtatrabahuan ng binabantayan nila.
"Yeah, where is she?" balik tanong ni Leroi dito na hindi makapaniwala sina Travis at Sergio na kilala ni Leroi personally ang binabantayan nila.
Pinaliwanag pa ni Leroi sa kanila bakit iba ang babae sa picture na hawak nila. Pero mas curious si Sergio sa pangalan ng babaeng hanap ni Leroi.
"Eh sino si Maya?" tanong ni Sergio.
"The woman i like to be with." deretsahang sagot ni Leroi na hindi nagbibiro sa sinabi nito na parehas nilang ikinagulat ni Travis.
"Eh?!"
"Why? Kayo lang ba ang may karapatan na magmahal? Kayo lang ba ang marunong umibig?" seryosong pahayag ni Leroi sa kanila na hindi nila mapaniwalaan.
*END OF FLASHBACK*
Sa pag-alala nina Travis kung bakit pamilyar ang pangalan ni Maya sa kanila, ay gulat at hindi makapaniwalang tingin ang binibigay nilang dalawa dito na napansin nina Tad.
"Oi! Anong klaseng tingin 'yan? Para kayong nakakita ng multo ah." sita ni Tad sa dalawa habang si Maya ay naguguluhan.
"Ba-bakit?"
"Ikaw si Maya?!" sabay na bulaslas ni Travis at Sergio na ikinaalis ng tingin ni YoRi sa cellphone niya at binaling iyon kina Travis.
"Ikaw 'yung Maya na tinutukoy ni Gozon?!" bulaslas ni Sergio na tinuro pa si Maya.
"Bakit napasok si Gozon dito?" takang tanong ni ToV.
"Kilala niyo si Leroi?" siya namang taka ni Maya na ikinalingin nina Lu sa kaniya
"You know Gozon?/Kilala mo si Gozon?" sabay na tanong nina Lu kay Maya habang hindi makapaniwalang nakatingin si Travis at Sergio sa kaniya.
SAMANTALA, sa Saint Petersburg, Russia, sa Mikhailnov-Romanov Palace ay nagmamakaawa ang isang royal lawyer sa harapan ng hari na huwag itong parusahan dahil hindi nito nakuha ang pabor ng Palestine king na makipag-alyansa sa kanila.
Galit na galit ang hari dahil iyon ang pang-apat na royal family sa apat na bansang binalak niyang sumapi sa kaniya, ang tumanggi sa kaniyang inilatag na pakikipag-alyansa.
"Ty bespolezen! Pochemu ty ne poluchil soglasiya korolya Akhmada na soyuz so mnoy! (You are useless! Why didn't you get King Ahmad's consent to ally with me!)" galit na bulyaw ni Haring Samuil Mikhailnov Romanov ang ama ni YoRi habang hawak-hawak ng mga kawal niya ang kaniyang abogado.
"Prostite, Vashe Vysochestvo, no korol' Palestiny ne vyskazal svoyego mneniya. Ko mne prishel tol'ko yego glavnyy sovetnik i skazal, chto korol' ne poydet s vami v soyuz. (Forgive me, Your Highness, but the King of Palestine did not express his opinion. Only his chief adviser came to me and said that the king would not ally with you.)" natatakot na paliwanag ng abogado na ikinaigting ng panga ng hari.
"Uberi etogo nikchemnogo cheloveka s glaz moikh i ubey yego. ( Get this worthless man out of my sight and kill him.)" utos ng hari na nagmamakaawa ang abogado na patawarin ng hari na hindi nito pinakinggan.
"What's the matter here, father?"
Napalingon ang hari sa kaniyang panganay na anak na si Damien Petrov Romanov, ang panganay na anak ng hari sa asawa nito ngayon, na reyna at empress ng bansang Russia.
"Those other royalties are stupid for refusing my alliance with them! All of them!" galit na sigaw ng hari.
"Don't waste your time with royalties with no such brains, father. It's their lost not ours." saad ni Damien.
"Why don't you give an orders to do that work to your bastard son." pahayag ni Damien na ikinalingon ng hari sa kaniya.
"I have more important plans for him, so leave your brother alone."
"Brother? You hid him, and all of the Russians knew that i am your only son, the only crown prince. Why would i treat him like a brother? The queen, your empress, and your wife will not like it if she heard that you have unspoken plans for that bastard." ngising ani ni Damien.
"He's your bastard son from that lowly woman of Levev family who was anhialated by you, father. They are trash father, not too valuable." pahayag pa ni Damien na iniwan na ang kaniyang ama sa trono nito.
This is the royal family who hid YoRi as another Prince of Russia.