Chapter 16- She Meets the Phantoms

2579 Words
TULALA AT hindi makakilos si Maya sa kinauupuan niya sa lounge ng hotel habang kausap ni YoRi ang mga kapulisan ng Arizona District. Matapos ang ilang minuto na pagkakakulong nila sa loob ng elevator ay nakalabas din sila, nalaman nina Maya na nagkaroon ng kalakasang lindol kaya nagkaroon ng bahagyang problema sa system ng hotel. Imbis na ma-trauma si Maya sa nangyaring pagkakakulong nila ni YoRi sa elevator, at pagbagsak nito na kung hindi tumigil ay maaring nasa ospital silang dalawa, ay mas nagpapabalik-balik sa isipan ni Maya ang paghalik ni YoRi sa kaniyang labi. Naguguluhan si Maya kung bakit ginawa 'yun ni YoRi, sobrang bumilis ang t***k ng puso niya habang magkalapat ang labi nilang dalawa kanina. Gusto niyang magtanong pero hindi niya alam kung paano dahil after ng kiss na 'yun ay parang walang nangyari dahil pansin ni Maya na hindi naging big deal iyon kay YoRi. "Ba-Bakit niya ako hinalikan?" mahinang tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng itaas niya ang kanang kamay niya at idampi sa kaniyang mga labi. Agad na ipinailing ni Maya ang kaniyang ulunan dahil ayaw niyang ma bothered ng paghalik ni YoRi sa kaniya kahit first kiss niya iyon. She likes Leroi, pero hindi niya alam bakit nakakalimutan niyang may nagugustuhan na siya pag si YoRi ang kasama niya. "I should ask him para hindi ako nag-iisip ng ganito, ako lang ang masisiraan ng ulo ko hindi ko itatanong sa kaniya bakit niya ako hinalikan." saad ni Maya ng ibalik niya ang tingin niya kay YoRi na may kausap na sa cellphone nito. "Did you hear the news? There are many dead bodies found in the middle of the forest, one of them is Mr. Anastacio Petrival the software Engineer of a big compwny here in Arizona." Napabaling ang tingin ni Maya mga nasa likuran niyang dalawang foreigner na babae na may pinag-uusapan. Hindi inasahan ni Maya na kahit sa ganiting bansa ay uso ang pagpatay. "I heard that a while ago, the police received a call to a unknown caller about the crime, but they didn't know who's the caller, that's creepy and weird." ani ng kasama nito na umagaw sa atensyon ni Maya. "The murder was planned said the polices, all the cctv's found useless, so it will be hard for the police to capture the murderer." "Grabe din pala dito sa Arizona, sino kaya ang pumatay sa kanila?" curious na tanong ni Maya ng ialis niya na ang tingin niya sa dalawang babae na siya namang ikinagulat niya ng nasa harapan na niya si YoRi. "Gosh!" Napahawak si Maya sa kaniyang dibdib sa gulat, hindi niya napansin o narinig ang paglapit ni YoRi sa kaniya. Ang akala niya ay abala pa ito sa cellphone nito pero hindi niya akalain na nakatayo na ito sa harapan niya. "Ka-kanina k-ka pa di-diyan?" bahagyang nauutal na ani ni Maya kay YoRi na plain look na tingin ang binibigay sa kaniya. "Are you already calm down now?" malamig na tanong nito sa kaniya na hindi malaman ni Maya kung concern ba ito o sadyang ganito talaga magtanong ni YoRi. "O-oo, okay na ako." "Good, let's go." ani ni YoRi na tinalikuran na siya kaya agad tumayo si Maya at sinundan ito hanggang makarating sila sa labas ng hotel na bahagyang ikinakunot ng noo ni Maya. "Saan tayo pupunta?" "We're going back to the philippines." maikli at walang emosyon na saad ni YoRi sa kaniya hanggang may tumigil na itim na kotse sa tapat nila. Binuksan ni YoRi ang pintuan at plain look na binalingan ng tingin si Maya. "Get in." "Hindi ba muna tayo magpapalit ng dami---" "Get inside, Ms. Paraon." malamig na putol ni YoRi sa kaniya na walang nagawa si Maya kundi ang sumakay na sa backseat. Naka dress pa siya na pinahanda ni YoRi para sa kaniya at naka formal suit parin si YoRi, at babalik na sila sa pilipinas. Nag-enjoy siya sa Arizona kahit papaano, lalo na sa seminar minus the humiliation and earthquake dahilan para sandali silang makulong ni YoRi sa elevator. Nang makapasok na si YoRi at umupo sa backseat na may distansya sa kanilang dalawa ay umandar na ang kotse paalis sa hotel, habang dahan-dahan na nilingon ni Maya si YoRi. Kailangan ko 'tong itanong para hindi ako nag-iisip, kailangan kong malaman bakit ginawa niya 'yun. pagkausap ni Maya sa kaniyang sarili na bahagyang huminga ng malalim. "Mr. Ringf--" "Forget about the kiss, Ms. Paraon. Don't think about it." malamig na putol ni YoRi kay Maya. "H-huh?" Walang emosyon na tingin ang binaling ni YoRi sa kaniya na ikinatitig ni Maya dito. "I kissed you to distract your brain from the falling elevator, if i didn't occupy your mind so you can't focus on that scenario, it will become a trauma for you that will make you scared of riding an elevator again." pahayag na paliwanag ni YoRi sa kaniya. "A-Ahhh, actually itatanong ko nga sana kung bakit mo ko hinalikan, 'yun pala 'yun. Para maiwasan na ma trauma ako, you distract my mind. Saan mo natutunan 'yun?" tanong ni Maya na nakahinga ng maluwag sa narinig niyang rason ni YoRi pero pakiramdam niya ay may kaunting bigat siya sa kaniyang dibdib na nararamdaman na hindi nalang niya pinagtuunan ng pansin. Sa isipan ni Maya ay may dahilan ang ginawan ni YoRi, at para 'yun sa kapakanan niya upang hindi siya matrauma, kahit papaano na appreciate niya ang ginawa ni YoRi kahit nakuha nito ang first kiss niya na gusto niyang ibigay sa gusto niyang lalaki, kay Leroi. "Psychology says." malamig at maikling sagot ni YoRi na ikinatango ni Maya. "S-Salamat Mr. Ringfer, kahit papaano naisip mo ang kalagayan ko kanina." may ngiting ani ni Maya na ikinaalis ng tingin ni YoRi sa kaniya. "I brought you here, so you're my obligation. No need to thank me, and it's just a kiss."saad ni YoRi na bahagyang ikinangiti nalang ni Maya bago inalis ang tingin kay YoRi. Just a kiss? Patang normal lang sa kaniya na sabihin 'yin pero para kay Leroi kaya ang first kiss ko tapos napunta sa kaniya. Hindi ko naman siguro iyon i-consider na first kiss, parang sa CPR lang ang ginawa niya. No big deal. pagka-usap ni Maya sa kaniyang isipan. Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa, nang mabalik ni Maya ang tingin niya kay YoRi ng hubarin nito ang suit nito, ang necktie at alisin ang una at pangalawang butones ng suot nitong polo. Ginulo naman nito ang nakaayos nitong buhok na hindi mapigilang pagkatitigan ni Maya hanggang maoadako ang tingin niya sa labi ni YoRi. Nang marealize ni Maya ang ginagawa niya ay agad niyang inalis ang tingin niya kay YoRi at humarap sa bintana niya at bahagyang dinikit ang noo niya sa salamin at bahagya itong inuntog-untog. Alisin mo 'yan sa isipan mo, Maya Dailyn, hindi maganda 'yan. sita ni Maya sa kaniyang isipan ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone ni YoRi. " What?" rinig niyang malamig na sagot ni YoRi sa tumawag dito. "Don't fvcking panic, he'll be fvcking fine, Amadeus. I'm coming." pahayag ni YoRi ng ibaba na nito ang cellphone nito at prenteng sumandal sa kinauupuan niya matapos ang tawag ni Travis na rinig niyang natataranta dahil sa biglaang pagka-cardiac arrest ni Blue sa mga oras na 'yun. "As if he'll fvcking die." malamig na sambit ni YoRi na ikinalingon ni Maya dito. "M-May problema ba?" usisang tanong ni Maya. "Nothing." Iniayos nalang ni Maya ang pagkaka-upo niya at nanahimik nalang sa kinauupuan niya. Aaminin ni Maya na hindi niya magets minsan ang ugali ni YoRi, naguguluhan siya dahil kahit may kalamigan ang bawat salita nito at bawat mga tingin nito, pansin niya na may times na nag-iiba ang mood nito. Itinuon nalang ni Maya ang tingin niya sa bintana, inaliw nalang niya ang sarili niya sa mga nadadaanan nila. Pakiramdam ni Maya matutuyaan siya ng laway pag si YoRi ang nakasama niya ng matagal, ayaw na ayaw pa naman ni Maya ng masyadong tahimik, pero alam niyang kailangan niyang tiisin dahil hindi fan ng kadaldalan ang kasama niya. Ilang minuto pa ay hindi na makatiis si Maya na manatiling tahimik sa kinauupuan niya. Kaya agad siyang lumingon kay YoRi na tahimik na nakatingin sa cellphone nito. "Uhmm, Mr. Ringfer, kailan mo ako tuturuan ng tamang lasa at sarap ng mga russian food?" pagbubukas ng topic ni Maya kay YoRi na hindi man lang lumingon sa kaniya, at parang binging hindi siya pinakinggan. "Di'ba pag apprentince, tinuturuan siya ng teacher niya ng mga bagay na dapat niyang malaman. Sabi mo tuturuan mo ko pero first day ko pinaghugas mo lang ako ng pinggan." ani pa niya na hindi parin siya pinapansin nito na bahagya niyang ikinainis. "Hindi ka naman siguro bingi Mr. Ringfer, hindi ka rin pipi, tahimik nga lang pero hindi mo man lang ba sasagutin ang mga tanong ko?" pigil na inis ni Maya na wala paring kibo si YoRi sa kaniya na akmang hahampasin niya ng biglang gumewang ang kotse dahilan upang mapasubsob siya kay YoRi dahilan upang mabitawan at malagalag ang cellphone nito, na ikinalaki ng mga mata ni Maya sa puwesto niya sa ibabaw ng mga hita ni YoRi. Pero naramdaman din niya na ang bandang ulunan niya ay tumama sa may pintuan, pero hindi ganun kalakas ang impact dahil naharangan ng palad ni YoRi ang ulunan niya. "Apologize sir, i just avoided a stray cat that passes by the road." rinig ni Maya na paghingi ng sorry ng driver nila. "There's no water here for you to dive into me, Ms. Paraon " pahayag ni YoRi na agad na ikinaalis ni Maya sa pagkakasubsob sa mga hita ni YoRi. "So-sorry, hindi ko naman sinasadya."nahihiyang saad ni Maya ng makita niyang may alisin si YoRi sa tenga nito na parang earpiece pero hindi ganun ka visible pag nasa tenga. "You interrupt what i'm watching." malamig na ani nito na dinampot ang nahulog na cellphone nito. Hindi ba niya ako naririnig kanina? Kaya ba hindi siya sumasagot sa mga tanong ko? Bakit kasi ang liit ng earpiece, akala ko dinededma niya lang ako. saad ni Maya sa kaniyang isip. Umayos nalang ng pagkaka-upo si Maya at pinilit nalang na manahimik sa pagkakaupo niya hanggang makarating sila sa isang malawak na ground na ikinapagtaka ni Maya. Hindi na siya nakapagtanong kay YoRi ng lumabas na ito ng kotse. "Saan pupunta 'yun?" takang tanong ni Maya. "Ma'am, we're already arrived in our destination. You can get out of the car now." saad ng kotse sa kaniya. "O-oh? Thank you." Agad na bumaba si Maya sa kotse at agad sinundan si YoRi na nakatayo sa may ground. "Hindi man lang sinabi na bababa na, tsaka akala ko ba babalik na kami ng pilipinas?" tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng lapitan na niya na si YoRi. Magtatanong palang siya ng mapatingala siya sa hangin at makarinig ng tunog ng isang helicopter. Napakunot ang mukha ni Maya ng makita niyang papalapit at pababa sa ground ang helicopter, dahilan upang magliparan ang mga alikabok na akmang tatakpan ni Maya ang mga mata niya ng itago siya ni YoRi sa malapad nitong likuran. Nang makababa ang helicopter ay agad naglakad si YoRi palapit doon kaya agad na sumunod si Maya. Nagkakaroon na siya ng idea sa kung anong meron hanggang parehas na sila makasakay ni YoRi sa loob ng helicopter. "Uuwi tayo sa pilipinas galing 'to?" "Isn't it obvious?" malamig na ani ni YoRi na inayos muna ang mga seatbelt niya bago nito senyasan ang piloto na guwapo. Miya-miya ay unti-unti ng umaangat ang helicopter, unang beses iyon ni Maya pero hindi siya kinabahan. Namangha pa siya sa nakikita niya mula sa baba, nang makarating na sila sa pilipinas ilang oras ang lumipas ay unti-unting bumaba ang helicopter sa tuktok ng isang building. Hindi alam ni Maya kung nasaan sila ni YoRi pero sumunod siya dito hanggang makapasok kami sa loob ng building na pinagbabaan namin, na napagtanto kong ospital. "Anong gagawin niya dito?" tanong ni Maya na tuloy-tuloy lang siyang nakasunod kay YoRi. Sinusundan lang ni Maya ang nilalakaran ni YoRi hanggang makarating sila sa tapat ng ICU kung saan nakakita si Maya ng mga nag-uumpukan na mga guwapong nilalang sa tapat ng ICU. "Ringfer! Tangna bakit ngayon ka lang? Alam mo bang muntik na kaming takasan ng mga kaluluwa namin kanina, peste, I thought Ynarez already gave up?" saad na sermon ni Paxton kay YoRi. "I'm here already, how is he." malamig na tanong ni YoRi. "He's stable already, pero hindi ko na maguhustuhan ang trip ni Ynarez na magtagal sa ganitong sitwasyon." ani ni Tad. "Masasapak ko talaga si Ynarez pag nagising na siya, yawa! Pinapakaba niya tayong gago siya!" singhal naman ni Sergio. "I will remind you that, Fritz, i will fvcking punch him too." pahayag naman ni Lu na ikinatapik ni LAY sa balikat niya. "Lahat tayo kinabahan sa nangyari kanina kay Ynarez, but he's already fine now. Lumalaban parin naman si Asul, that's more important." saad ni Shawn. "Torres was right, na excite lang siguro si Ynarez." saad naman ni Ford na bahagyang ikinaingos ni ToV. "Naiwan ko ang trabaho ko ng tawagan ako ni Amadeus na nag cardiac arrest si Ynarez. That asshole is a s**t for not waking up already." ani naman ni ToV habang si Taz ay tahimik lang na nakatayo sa may salamin ng ICU at ponakatititigan si Blue. "Mato-trauma ata ako, langya! Kitang-kita ko paano mangisay ang gagong 'yan, bwisit 'yang Ynarez na 'yan. Try ko kayang bunutin oxgen ng isang 'yan." angal naman ni Travis na ikinabato ng ballpen ni Tad. "Ang utak mo Amadeus hindi na naman nagpa function, ipa deep cleaning mo na kaya 'yan." "Ilista nalang natin ang araw na 'to sa dapat bayaran ni Ynarez sa atin, gawin nalang nating punchig bag pag bumalik." saad naman ni Demon na nakasandal sa pader. Nawiwindang naman si Maya sa mga kalalakihang nakikita niya, hindi niya alam kung dapat pang naroon siya dahil wala naman siyang kilala kahit isa sa mga kalalakihang kakilala ni YoRi. "Are you lost, Ms?" Napalingon si Maya kay Balance ng mapansin siya nito dahilan upang mapatingin ang lahat sa kaniya maliban kay Taz at Devil. "H-Ha? A-ano kasi..." "She's with me." plain na sagot ni YoRi sa tanong ni Balance. "She's with Ringf--eh?" napakunot ang noo na ani ni Balance na lahat ng mga mata nila ay nakatutok na kay Maya. "You brought a woman, Ringfer." ani ni Lu na hindi mapaniwalaan na may babaeng kasama si YoRi. "Tangna! Tama ba narinig ko, may kasamang babae si Ringfer?" sambit ni Paxton. "Nakikita mo na Ignacio, huwag tanga." sita ni Demon na sinamaan ng tingin Paxton sa kaniya. "Are you sure na kasama mo siya Ringfer?" paniniguradong tanong ni Balance dahil sa tagal na nilang kilala si YoRi, wala itong kahit sinong babae ang dinadala sa tuwing nagkikita sila, at alam nila na imposibleng ma-inlove si YoRi na pinakahuli sa kanilang expected nilang mahuhulog o magkaka interes sa isang babae. "Kung ganun, kasama mo siyang bumalik sa pilipinas galing sa pinuntahan mo?" tanong ni ToV kay YoRi na ikinapamulsa nito. "Yeah." malamig na sagot ni YoRi bago naglakad palapit sa kinatatayuan ni Taz at Devil at agad tinuon ang tingin sa nakaratay na si Blue. "Eh?! Si Ringfer may kasamang babae?!" sabay-sabay na may kalakasang sigaw dahil sa hindi sila makapaniwala na hindi pinansin ni Taz, Devil at LAY na nakatuon ang tingin kay Maya na nabigla sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD