"Ano?! Sinama ka ni Mr. Ringfer sa Arizona para ikaw ang umattend ng seminar?!"
Mabilis na tinakpan ni Maya ang bibig ni Misha dahilan upang parehas silang mapahiga sa sahig.
Nasa apartment ni Misha si Maya upang mag sleep over, pagkagaling nito sa ospital ay mag-isa siyang umuwi dahil mananatili pa si YoRi kasama ang mga kaibigan nito sa ospital. Dumaretso muna siya sa kanina sa restaurant niya, di siya makapag kuwento ng ayos habang tinatanong siya nina Nikolai kung saan siya galing at nito lang dumaan sa restautant nito.
Nagsabi nalang siya ng ibang alibi na alam niyang hindi kakagatin ni Misha dahilan bakit sa apartment nito tutulog si Maya.
"Hinaan mo ang boses mo! Baka marinig tayo ni Mr. Ringfer, kapitbahay mo pa naman!" mahinang reklamo ni Maya na inalis ni Misha ang pagkakatakip ng kamay nito sa bibig niya.
"Bakit ayaw mong marinig niya?"
"Syempre, mamaya isipin niya pinag-uusapan natin siya. Sinabi ko na nga sayo ang dahilan bakit hindi ako nakapunta ng resto eh." sagot ni Maya parehas nilang ikinaayos ng pagkaka-upo nila sa sahig.
"Pinag-uusapan naman talaga natin siya, tsaka aba, 'yung kalokohan mo na maging apprentice ng kalaban mong restaurant eh nakakarating na pala ng Arizona." ani ni Misha na sinesenyasan ni Maya na hinaan ang boses nito.
"Biglaan lang 'yun, tsaka pabor sa akin 'yun kahit papaano. Ang dami ko kayang natutunan sa seminar na 'yun. Learning experience sa akin 'yun."
"Tss! Parang noong nakaraan eh asar na asar ka kay Mr. Ringfer, pero ngayon cool na cool kang pag-usapan siya ah. Okay, sige given na 'yung pagsama niya sayo sa Arizona, work related, learn experience sabi mo nga. Pero bakit ikaw? Hindi ka employee ng La Cuisine Russiano, pero bakit ikaw ang sinama niya?" pahayag na tanong ni Misha na ikinawalan ng imik ni Maya.
Natanong na niya iyon kay YoRi bago sila pumunta sa Arizona, nasagot naman nito ang tanong niya. Pero ngayong tinanong ulit ni Misha ang tungkol sa bagay na 'yun, parang gusto niya ulit tanungin si YoRi.
"Ano? Bakit natahimik ka diyan?"
"Hindi naman kasi big deal na ako ang sinama niya, buti nga ako ang naisipan niyang isama para makapunta sa mga ganung seminar." pagdadahilan ni Maya.
"Anong hindi big dea---"
"Alam mo bang madaming kaibigan si Mr. Ringfer, hindi ka maniniwala na ang taong yelong kapitbahay mo ay madaming kaibigan na kabaligtaran ng attitude niya." putil na pag-iiba ng topic ni Maya upang hindi na magsalita pa si Misha tungkol sa pagsama ni YoRi sa kaniya sa Arizona.
"Paano mo nalaman na marami siyang kaibigan? Magkasama lang kayo sa Arizona nag getting to know each other na kayo?" ani ni Misha na nakatanggap ng mahinang hampas sa braso niya mula kay Maya.
"Napaka malisosya mo, Misha. Wala namang ibang meaning 'yung pagsama sa akin ni Mr. Ringfer sa Arizona eh, seminar ang pinuntahan namin dun. Ano ka ba!"
"Fine, fine, pero paano mo nakilala ang mga kaibigan niya aber?" taas kilay na tanong ni Misha sa kaniya.
"Sa ospital, pero naisama niya lang ako doon kasi biglaan lang din. May isang kaibigan kasi siyang naka confine sa ospital, nag siezure kaya doon siya dumaretso. Syempre dahil kasama ako nakilala ko mga friends niya. Huwag mo 'yung isipan ng hindi maganda ah, nagkataon lang talaga ang lahat." paliwanag ni Maya kay Misha.
"Alam mo Maya, sa pagiging apprentice mo diyan kay Mr. Ringfer, hindi ako magtataka if dumating ang araw na sabihin mo sa akin na may pagtingin ka na sa kaniya. Baka mamaya ang pagkagusto mo kay Leroi at mapunta kay Mr. Ringfer."
"Bakit mo naman nasabi na mahuhulog ako kay Mr. Ringfer? Hindi mangyayari 'yun, for sure akong hindi mapapalitan ang pagkagusto ko kay Leroi." agad na saad ni Maya ng biglang sumingit ang paghalik ni YoRi sa kaniya sa elevator na agad niyang inalis sa kaniyang isipan.
"Let's see, pero kawawa si Nikolai." sambit ni Misha na ikinakunot ng noo ni Maya.
"Ha? Bakit anong nangyari kay Nikalai? Bakit siya kawawa?" tanong ni Maya na ngiting ikinailing ni Misha.
"Wala, don't mind what i said. Oo nga pala, nakakailang balik na si Leroi sa restautant para makita ka. Makipag kita ka kaya sa kaniya tapos umamin ka na sa nararamdaman mo, feel ko naman na gusto ka din niya eh." pagbibigay alam ni Misha na hindi tulad ng dati ay walang naging reaksyon ang puso niya pag si Leroi ang nagiging usapan nila.
"Paano ako magugustuhan ni Leroi, eh kaibigan niya lang ako. Tsaka sabi niya sa akin noon, may babae na siyang nagugustuhan."
"Paano nga kung ikaw ang tinutukoy niya? Walangang mangyayari sa feelings mo kung hindi mo sasabihin kay Leroi na gusto mo siya. Tell him bago pa may magbago sa nararamdaman mo." ani ni Misha na tumayo sa pagkaka-upo niya sa sahig.
"May mga nabili akong beer kahapon, inom tayo."
"Ha? Pero maaga tayong magbubukas ng resto diba? Baka malasing tayo, hindi rin ako puwede malate bukas sa La Cuisine." ani ni Maya na ikinapamewang ni Misha sa kaniya.
"So? Hindi ka employee ng La Cuisine, you just want to learn some cooking skills kay Mr. Ringfer. Kaya mag-iinom tayo ngayong gabi, period." pahayag ni Misha na pumunta na sa kusina para ilabas ang mga beer in can na nabili nito para sa kaniyang ref.
Nagpambuntong hininga nalang si Maya dahil hindi na siya makakatanggi kay Misha once nag-aya na ito. Tumayo nalang siya sa pagkaka-upo niya para tulungan si Misha, siya na ang kumuha ng puwede nilang gawing pulutan.
SAMANTALA, kararating lang ni YoRi sa apartment na tinutuluyan niya matapos ang mga pag-uusap ng phantoms sa mga dapat nilang gawin maliban sa task na pagbabantay kay Misha na bukas na bukas ay sina Devin at Mount ang papalit sa phantoms sa task na 'yun. Bumalik lang siya sa apartment para kunin ang mga ilang gamit niya.
Magbabalik trabaho sila sa underground society, dahil maraming pinagagawa si Valdemor sa apat na bounds. Naitawag na rin niya kanina kay Heneral ang trabaho na ginawa niya sa Arizona.
Isang dahilan bakit binigay ni Taz ang task sa pagbabantay kay Misha sa dalawang underboss nito ay dahil mas malaki ang trabaho na binigay ni Valdemor sa phantoms. Kailangan nilang mahanap si Saulo Tieves, isa sa mga datihang pioneer ng underground society kung saan may usb itong nadala ng umalis ito na pagmamay-ari ni Steven, kung saan nakalagay doon ang buong straktura ng underground.
Kailangan nilang makuha ang usb sa kamay ni Saulo Tieves, kaya ibinigay ni Taz ang paghahanap kay YoRi.
*FLASHBACK*
"Bakit ngayon lang pinapakuha ni Valdemor ang usb na hawak ni Saulo Tieves? Kung matagal ng hawak ng Tieves na 'yun ang usb bakit ngayon lang inutos ni Valdemor na kunin 'yun? Anong trip ng head founder?" pahayag na ani ni Tad matapos sabihin ni Taz ang bago nilang gagawin kung saan wala na sa kanila ang task na pagbabantay sa kaibigan ni Maya.
"Ano pang aasahan mo sa utak ni Valdemor? Kung anong maisipang ipagawa niya kahit matagal na issue na ipapagawa parin niya sa atin. Sa dami ng lumipas na taon, ngayon niya lang ata naisipan ipakuha ang usb na 'yan sa kung sino man ang Tieves na 'yan." ani naman ni Demon.
"Hindi ba nakakapagtaka naman ang ganiyang task na pinapagawa ni Valdemor?" ani naman ni ToV na ikinaingos ni Paxton.
"Sira ang ulo ng Valdemor, bakit hindi niya ipakuha sa mga cartier niya ang usb na 'yan? Lagi tayong pinahihirapan sa paghahanap." angal ni Paxton.
"Teka? Hindi ba pioneer sina Uncle Juaquin, ang tatay ng kambal at tatay ni ToV sa underground? Bakit hindi natin itanong sa kanila, baka may idea sila kung nasaan ang Saulo Tieves na 'yan." ani ni Travis na sabay-sabay ikinalingon nina Sergio sa kaniya.
"Ayan na naman, gumana na naman ang pasulpot-sulpot na IQ ni Amadeus, he's right." ngiting ani ni Balance na agad ikinasimangot ni Travis.
"Anong pasulpot-sulpot na IQ? Sadyang may IQ ako Kiosk."angal ni Travis na ikinatapik ni Shawn at Sergio sa magkabila niyang balikat.
" Huwag niyong minamaliit ang IQ ni Amadeus, atleast gumana ngayon."ani ni Shawn.
"Nasa mood utak mo ngayon Amadeus ah, kaunti nalang bibilib na ako sa IQ mo." ani naman ni Sergio na parehas tinabig ni Travis ang pagkaka-akbay ng dalawa sa kaniya.
"Mga gago!"
"But seriously speaking, tama si Amadeus. Bakit hindi natin tanungin ang mga magulang niyo." ani ni Ford kina Paxton.
"I will ask my father about him." ani ni ToV.
"Tatanungin din namin ni kambal ang tatay namin, hindi siya puwedeng walang isagot sa amin." ani ni Demon na nakatanggap ng batok kay Devil.
"Bakit nambabatok ka twinnie?" angal ni Demon na poker face na tingin ang binigay ni Devil sa kaniya.
"Paanong hindi ka babatukan ni Mondragon I, sa sinabi mo parang ipe-pressure mo tatay niyo na magsalita." ani ni ToV.
"Masama ba 'yun twinnie kung makakatulong ng malaki sa bago nating task?"
"Just zip your fvcking mouth, Denver." singhal ni Devil.
"Just ask your father's about that Saulo Tieves, whatever they said can help us to find that man." ani ni Lu na ikinatango nina Paxton.
Tahimik lang si LAY sa puwesto nito, habang si YoRi ay may sarili ding mundo sa kinatatayuan nito.
"We don't fvcking know why Valdemor gave this fvcking task to us again, but whatever the fvcking reason is we need to fvkcing comply. Our task is to find and take back the usb that Saulo Tieves is holding right now. Ringfer will do the searching, I will leave the guarding task to Natievez and Chen." seryosong ani ni Taz sa lahat.
"Just taking the usb? Wala tayong gagawin kay Saulo Tievez?" ani na tanong ni Paxton.
"Nothing, just find him and take the usb." sagot ni Taz.
"Paano pag lumaban ang Tievez na 'yan? Do we need to counter him? Hindi naman big deal kay Valdemor if ever mapatay natin si Saulo Tievez di'ba?" ani ni Travis kina Taz.
"Then you'll regret it if you'll kill him." walang emosyon na ani ni YoRi na ikinalingon ng lahat sa kaniya.
"What do you mean, Ringfer?" tanong ni Lu dito.
"Oo nga Ringfer? Bakit namin pagsisisihan if mapatay natin ang Saulo Tievez na 'yan." seryosong tanong ni Paxton na ikinibit balikat lang ni YoRi at hindi sinagot ang tanong nila.
*END OF FLASHBACK*
Kahit anong tanong ng Phantoms tungkol sa sinabi ni YoRi ay wala siyang sinagot, tanging sina Travis, Sergio, Demon at Paxton ang pilit siyang pinapasagot pero hanggang mag-uwian sila ay wala silang narinig mula sa kaniya.
Pagkapasok ni YoRi sa apartmen niya ay natigilan siya ng mapalingon siya sa may pader kung saan naghahati ang tinutuluyan niyang apartment sa apartment ni Misha, kung saan dalawang boses na nagtatawanan ang naririnig niya at ang isa doon ay pamilyar sa pandinig ni YoRi.
Kinuha ni YoRi ang laptop niya at binuhay iyon, umupo siya sa sahig at sumandal sa pader habang inaantay ang pagbukas ng kaniyang laptop. Nang magbukas na 'yun ay agad tiningnan ni YoRi ang nakukuhanan ng nakatagong cctv sa apartment ni Misha na nilagay niya.
Agad niya nakita si Maya na tumatawa habang nakikipag kuwentuhan kay Misha, at base sa mga nakikiyang can ng beer na nakikita ni YoRi sa monitor ay nakakadami na ng inom ang mga ito at lasing na.
Nakatutok lang ang tingin ni YoRi kay Maya, he stares at the beautiful face of her hanggang maalala niya ang ginawa niyang paghalik dito. Sa dami ng puwede niyang gawin para mapakalma si Maya sa sitwasyon nila sa elevator, ngunit ang paghalik niya dito ang unang pumasok sa isipan niya.
It's weird for him but the first thing na pumasok sa isipan niya is mapakalma si Maya dahil sa takot na nakita sa mukha nito.
YoRi closed his laptop at tumayo na siya sa pagkaka-upo niya sa sahig. Inayos na niya ang mga gamit na kukunin niya at ng makuha na niya ay lumabas na siya sa apartment. Binalingan niya ng tingin ang pintuan ng apartment kung nasaan si Maya bago nagsimula ng maglakad. Dere-deretso lang siya hanggang matigilan siya at napalingon sa kaniyang nadaanan.
RAMDAM ni Maya na naparami siya ng kaniyang inom ng beer dahil ramdam niya pagkahilo, pero hindi niya magawang makatulog. Walang ibang napasok sa isipan niya kundi si YoRi, kahit anong pag-taboy niya sa mga iniisip niya, humahantong pa din ang utak niya sa pag-iisip kay YoRi.
"Bakit hindi ako makatulog? Pumapasok lagi sa isip ko ang kiss na ginawa ni Mr. Ringfer, ayaw na akong dalawin ng antok. Nahihilo na ako pero di ako makagawa ng tulog." mahinang angal ni Maya na bahagyang napasinok at na napatingin sa wall clock sa kuwarto ni Misha.
Mag-a-ala una na ng madaling araw pero hindi parin makagawa ng tulog si Maya dahil bigla-bigla nalang sumisingit sa isip niya si YoRi, lalo na ang guwapo nitong mukha. Naguguluhan si Maya bakit si YoRi ang nagiging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay gising pa siya. Ang alam ni Maya pag lasing ang isang tao ay agad itong nakakatulog, pero hindi sa case siya.
"Bakit ba kashi iniisip 'yun ng utak ko? That kissh is for emergency purposes to distract me para iwas trauma, pero bakit sa halik na yata ng taong yelo na 'yun ako mash naaapektuhan? Ano 'to? Maya anong ibig sabihin nito?" naguguluhan at naiinis na tanong ni Maya sa kaniyang sarili.
Buntong hiningang nilingon niya ang mahimbing na natutulog na si Misha.
"Buti ka pa shi Misha nasa dreamland na, ako parang makakaipon ng eye bags ngayong gabi." saad ni Maya na ikinababa niya sa kama at walang ingay na lumabas ng kuwarto ni Misha, kahit pagewang-gewang ang lakad niya ay tahimik siyang nakalabas ng kuwarto ni Misha.
Nadaanan pa ni Maya ang mga pinag-inuman nila ni Misha, tiningnan niya bawat nakatayong can ng beer at ng may makuha siyang may laman pa ay deretso niyang ininom iyon dahil pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya.
"Kashalanan ni Misha ito, dapat kashi hindi na kami nag-inom." sambit ni Maya na napalingon sa pintuan.
Naisipan ni Maya na lumabas ng apartment upang magpahangin para kumalma ang takbo ng isip niya, alam niyang delikado ang oras ng paglabas niya, pero lumakas loob niya dahil lasing siya. Nagsimula siyang maglakad-lakad ng maalala niya na may malapit na playground di kalayuan sa apartment ni Misha.
Hindi inisip ni Maya na madilim pa ang paligid, tinungo niya ang playground at ng makarating siya doon ay agad siyang umupo sa swing. Mag-isa lang siya doon at hindi man lang makaramdam ng takot si Maya kahit madaling araw palang.
Huminga ng malalim si Maya at naisipan na doon maghintay hanggang antukin siyam
"Sana naman kumalma na ang mga ugat sha ulo ko para makatulog na ako, hirap kaya ng kulang sa tulog. Pero kashalanan ko din, dapat hindi ako masyhadong nag inom. " saad ni Maya ng mapatayo siya sa gulat at biglang kinabahan ng may marinig siyang kaluskos sa may bandang slide.
"A-ano 'yun?" napatanong na ani ni Maya sa kaniyang sarili na biglang umurong ang tapang niya dahil sa alak ng makarinig lang ng kaluskos.
Nakatingin lang si Maya sa may slide na pambata ng magulat siya ng may lumabas na paa sa slide na ikinalaki ng mga mata niya.
"Mu-multo..." kabadong ani ni Maya na akmang tatayo ng makita niya kung sino ang may-ari ng paa na nakikita niya na bumangon sa pagkakahiga nito sa slide.
"Eh? Ta-tao ba 'yun?" inaaninag na tanong ni Maya ng mamukhaan niya kung sino ang nasa slide na nagbigay kaba sa kaniya.
Hindi alam ni Maya kung namamalikmata lang ba siya dahil lasing siya at ito ang kanina pa sumisira sa tulog niya, pero alam niyang hindi maaring magkamali ang mga mata niya sa nakikita niya kahit nahihilo siya dahil sa mga nainom niya.
"Mr. Ringfer?" tawag niya dito na wala sa sariling ikinalakad niya palapit dito.
"Mr. Ringfer, ikaw ba 'yan?" tanong ni Maya ng makalapit siya sa harapan ng kung saan lumingon na si YoRi sa kaniya.
"Ikaw nga! Akala mo multo na nakita ko, ikaw lang pala Mr. Ringfer."
"Going outside at this late hour is not good for you woman, did you know that?" walang emosyong ani nu YoRi.
"Alam ko, kaya lang di ako makatulog kakaisip say---" agad tinakpan ni Maya ang bibig niya ng marealize niya kung anong sasabihin niya ng biglas siyang muling sinukin.
"You're drunk?"malamig na tanong ni YoRi na agad inalis ni Maya ang kamay niyang nakatakip sa bibig niya.
" Hindi ah! Shinong lasing, ako? Nakakainom lang pero hindi ako lashing."pahayag na sagot ni Maya na pilit na tumayo ng ayos sa harapan ni YoRi na nakaupos sa dulo ng slide.
"See? I'm just sober but not drunk." saad pa ni Maya na pa squat na umupo sa harapan ni YoRi at nagpangalumbaba habang nakatingin dito.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito ng ganitong orash ng gabi?"
"I don't know, i just saw this place." malamig na sagot ni YoRi sa kaniya na bahagyang ikinangiti ni Maya.
"Shiguro gusto mo maglaro dito kasi di ka pa nakakapaglaro sa gabito noh? Ayaw mo lang may makakita sayo." pang-aasar ni Maya habang deretsong nakatutok sa kaniya ang walang emosyon na tingin ni YoRi.
"I've never played something like this, you're right."
Bahagyang natigilan si Maya sa sinagot ni YoRi sa kaniya.
"Talaga? Ibig shabihin malungkot childhood mo?"
"Yeah."
"Kaya shiguro mashungit, shige laro ka lang dito kunwari di kita nakita. Pag nahulasan ako i'm sure hindi ko din matatandaan na nakita kita dito. I can't remember a thing pag sobra akong nalashing. Sabi ni Misha sa akin, noong nag-inom kami sa bar dati sayaw ako ng sayaw sa stage to the point pinapalapit ko mga lalaki sa akin. Dumating lang shi Ler--"
Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng hilahin siya ni YoRi dahilan upang mapahiga siya dibdib ni YoRi na nakahiga na sa may slide. Nang tingnan niya si YoRi ay nagkasalubong ang mga mata nila ng muling sinukin si Maya.
"Then you'll forget that this will happen, right?"malamig na tanong ni YoRi.
" Huh? A-anong--"
Muling hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng ilapat ni YoRi ang labi nito sa labi niya, na miya-miya pa ay gumalaw na. Nakailang kurap si Maya sa paghalik ni YoRi, nang kusang dahan-dahan na pumikit ang kaniyang mga mata niya at wala sa sariling tinugon ang halik ni YoRi na mas nilaliman nito.
They kissed fervently in the slide, habang ang buwan ang nagsisilbing ilaw nila sa playground na 'yun, pakiramdam ni Maya ay mas nalalasing siya sa halik ni YoRi.
Ang halik na dahilan kung bakit nahihirapan siyang makatulog, ang halik na hindi na basta dampi, kundi halik na parang uhaw sa labi ng isa't-isa.