PARANG TUOD at hindi makakilos si Maya sa kinauupuan niya habang pasulyap-sulyap siya kay YoRi na tahimik na nakadekwatrong nakaupo sa tabi niya. Nasa hall parin sila at hindi na nakaalis dahil hindi inasahan ni Maya na after the seminar ay may party iyon na kasunod, kaya na stuck sila ni YoRi doon dahil narin sa ibang mga chef at head president ng seminar na hindi sila hinayaan na makaalis, lalo na si YoRi na lahat ay namangha ng makita nila ito.
Kahit si Maya ay hindi naiwasang magulat ng dumating ito, hindi niya inisip na pupunta sa hall si YoRi na naka suit na at guwapong-guwapo sa porma nito. Guwapo na ito sa simplehang suot, pero mas umangat ang kagwapuhan nito sa expensive na ayos nito, kaya karamihan sa mga kababaihan sa hall ay laging napapatingin sa mesa nila.
Napabuntong hininga nalang si Maya sa kinauupuan niya dahil hindi rin naman siya kinakausap ni YoRi, tahimik lang itong nakaupo sa upuan nito at deretsong nakatingin sa unahan. Hindi tuloy mapigilan ni Maya na maisip ang di inaasahang pagdating ni YoRi kung saan naabutan nito si Zhang Wei Cheng na kinakausap siya.
*FLASHBACK*
"Why don’t you quit at La Cuisine Russiano and work for me instead. I can treat you better than Robinson, or you want to date a Chinese man?”
" W-what?"
“I got interested in you, not because your part of La Cuisine. You’re just a type of woman I want to date you.”ani nito na itinaas ang kanang kamay upang hawakan ang nakalabas na buhok ni Maya sa mya bandang tenga nito.
“If you touch a single hair on her head, yours will be on the ground next.” Malamig na banta ni YoRi na ikinailang kurap ni Maya dito.
"Oh? It's shocking that i got to see you here in this Seminar for the first time, Mr. Theodore Robinson." ngising pahayag ni,Zhang Wei na tumayo sa pagkakaluhod nito kung saan lahat ng mga tao sa hall ay napalingon sa kanila, at nagulat sa pagkakita nila kay YoRi.
"Mr. Robinson! Wow, it's so great to finally see you in one of the seminars that we have been lost in the count of inviting you." pahayag ng nasa likod ng seminar na pinuntahan ni Maya na isang famous food critic sa Asia.
Mga naglapitan na rin ang ibang mga chef na namamanghang makita si YoRi, pati mga media ay agad tinutok ang mga camera nito sa umagaw ng atensyon ng lahat.
"Zhège hóngwěi de rùkǒu shì nǐ de jìhuà ma? (Is this grand entrance your plan?)" sambit ni Zhang Wei na nagseryoso na ang ekspresyon ng mukha.
"Wǒ wèishéme yào nàme zuò? Wǒ shì lái jiē túdì de. (Why should I do that? I'm here to pick up my apprentice.)" malamig na sagot ni YoRi dito.
"Xuétú? (Apprentice?)"
"Wǒ bù huì làngfèi wǒ tā mā de shíjiān hé wǒ tā mā de shēngyīn xiàng nǐ jiěshì, chéng xiānshēng. (I'm not going to waste my f*****g time and my f*****g voice explaining to you, Mr. Cheng.)" malamig na saad ni YoRi kay Zhang Wei.
Wala namang maunawaan si Maya sa mga naririnig niya, nao-overwhelmed na din siya dahil sa dami ng mga nakapalibot sa kanila na napansin naman agad ni YoRi. Nagpunta si Yori sa harapan ni Maya at hinawakan ito sa kanang braso at itayo ito kaya napatingin ito sa kaniya.
"Let's go."
Akmang hihilahin ni YoRi si Maya upang makaalis na ng hall ng agad silang harangan ng ibang mga chef at ang sikat na food critic upang pilitin si YoRi na mag stay sa hall para sa party na hinanda ng hotel para sa kanila. Napaingos naman na umalis nalang si Zhang Wei at naglakad pabalik sa mesa niya.
"Move." walang emosyon na suway ni YoRi sa mga nakaharang sa kanila pero in the end wala silang nagawa dahil pinabalik na sila ng upo sa mesa nila.
*END OF FLASHBACK*
"Mr. Ringfer, kung nabo-bored ka na dito puwede naman siguro tayong umalis." mahinang ani ni Maya kay YoRi na walang emosyon na napalingon sa kaniya.
"Why?"
"A-anong why? Kitang-kita naman kasi sayo na ayaw mo sa ganitong party, mukha namang nabaling na sa iba ang atensyon ng mga tao dito kaya makakaalis na tayo." sagot ni Maya dito.
"I already bothered myself to come here, so let's stay for a fvcking bit." malamig na ani ni YoRi na inalis na ang tingin kay Maya na nagpambuntong hininga.
Ibig sabihin, ilang oras pa ako magtitiyaga sa katahimikan niya at pagka OP ko sa party na 'to. Kung sikat lang din sana ang restaurant ko edi sana baka invited din ako dito at nag-eenjoy hindi katulad ngayon. pagkausap ni Maya sa kaniyang sarili.
"...nakakainip kaya ng walang kausap..." mahinang bulaslas ni Maya na akala niya ay sa isipan niya lang nasabi.
"How's the seminar?" tanong ni YoRi na ikinabalik ng tingin niya dito.
"Huh? Tinatanong mo ko kung kamusta ang seminar?"
"Sino bang katabi ko at dapat kong tanungin?" malamig na baling na tingin ni YoRi na ikinabalik din nito ng tingin kay Maya na bahagyang nawalan ng imik ng maramdaman na naman niya ang kakaibang kabog sa dibdib niya.
Hala! Eto na naman siya, bakit ba bigla-bigla itong kumakabog? ani ni Maya sa isipan niya na bahagya niyang tinapik ang dibdib niya.
"O-okay naman, nag enjoy ako. Ang dami kong natutunan lalo na sa mga nagsalita sa unahan, pinag activities pa kami at pinaggawa ng isang dish. Hindi lang nagustuhan ni Mr. Amano 'yung gawa ko." ngiting pag kuwento ni Maya na bahagyang nahiya na sabihin kay YoRi ang mga nangyari sa seminar matapos siyang mabigyan ng negative comments ng food critic na pumigil kay YoRi na umalis kanina.
"Sorry Mr. Ringfer, mukhang napahiya ko ang La Cuisine Russiano dahil sa kapalpakan ko kanina. Ngayon, nauunawaan ko nang malayo pa ang tatahakin ko in terms sa pagluluto." saad ni Maya.
"Wow! Chef. Takamichi, this food you brought is definetly awesome. I love all the spices that i'm tasting right now."
Sabay na napalingon sina Maya at YoRi sa food critic na tuwang-tuwa sa luto ng isang Japanese Chef, na natuwa naman sa pamumuri nito.
Naibaling ni Maya ang tingin niya kay YoRi ng tumayo ito sa kinauupuan nito at nagsimulang maglakad palapit sa food critic.
"Anong gagawin nun? Akala ko anti-social ang taong yelo na 'yun." nagtatakang ani ni Maya habang nakatingin siya kay YoRi.
Hindi naman kalayuan ang puwesto ng Japanese chef at food critic sa kinauupuan ni Maya, deretso siyang nakatingin sa mga ito lalo na at naroon na si YoRi na ikinatuwa ng mga ito sa paglapit sa kanila. Nakita nalang ni Maya na tinikman ni YoRi ang pagkain na gawa ng japanese chef na todong pinupuri ng food critic.
Ang ibang mga chef at bisita na nakiusyoso ay naglapitan pa at hinintay ang sasabihin ni YoRi, matapos nitong tikman ang nilutong pagkain ng japanese chef.
"What do you think, Mr. Robinson? Chef Takamichi cooked a very exequite dish to share for all of u---"
"Now i know why you are not the top food critic globally, Mr. Amano." malamig na putol ni YoRi bago nito iluwa ang sinubong pagkain at binalik sa hawak ng pinggan ng Japanese chef na ikinagulat ng lahat, kahit si Maya ay napatayo pa sa pagkaka-upo niya.
"Excuse me, Mr. Robinson?"
Walang emosyon na tingin ang ibinigay ni YoRi sa food critic na naguguluhan sa sinabi ni YoRi.
"As i fvcking remembered, you Mr. Amano is in the middle rank of best food critic globally. Mr. Takamichi's dish is not that good for you to praise." malamig na ani ni YoRi.
"What? Wait Mr. Robinson, are you insulting and degrading the way of my critic in terms of foods?" napikong tono ng food critic kay YoRi.
"Not enough spices, the chicken bits are overcooked, too much vinegar, and i'm afraid he forgot to put red wine in his dish. Yet you praise his dish like he did very well?" walang emosyon na pahayag ni YoRi na kita ni Maya na ikinapahiya ng food critic at hindi naman nakapagsalita sa hiya ang japanese chef sa sinabi ni YoRi.
Mga nagbulungan ang mga nakakasaksi sa usapan nina YoRi at ng food critic, na namula sa kahihiyan.
"Ano bang sinasabi ng taong yelo na 'yun? Bakit niya sinasabi 'yun kay Mr. Amano?" ani ni Maya na agad pinuntahan si YoRi sa kinatatayuan nito.
"Mr. Ring--Robins---"
"Before you negatively said your critic to some chef who has a dream of being good in their chosen field, make sure to critic yourself ability. Or yet, go first in the top as best food fvcking critic before you harshly ruined the beginners." malamig na pahayag ni YoRi sa food critic bago nito tinalikuran ang napahiyang food critic at nilagpasan si Maya na natigilan sa narinig niya kay YoRi.
"Te-teka? P-para sa akin ba ang sinabi niya?" naguguluhang ani ni Maya na mabilis na lumabas ng hall para sundan si YoRi.
Nang makalabas soya ay agad hinanap ng kaniyang mata si YoRi, ng makita niya itong nasa tapat na ng elevator, patakbong pinuntahan ni Maya si YoRi na bahagyan hiningal siya ng makatayo na siya sa tabi nito. Hindi siya binabalingan ng tingin ni YoRi habang hinihintay nitong bumukas ang elevator.
"Akala ko ba Mr. Ringfer mag stay pa tayo ng ilang saglit sa loob ng hall?" tanong ni Maya dito.
"I'm getting bored." malamig na sagot ni YoRi.
"Parang ang harsh mo naman sa sinabi mo kay Mr. Amano, base sa mukha niya parang napahiya siya sa mga sinabi mo."saad ni Maya ng magbukas ang elevator at pumasok na doon si YoRi na agad niyang ikinasunod sa pagpasok sa loob.
"It's not harsh Ms. Paraon, it's fvcking fact."
Bahagyang napangiti si Maya sa kinatatayuan niya, kahit alam niyang hindi lang para sa kaniya ang pagkakasabi ni YoRi ay bahagyang gumaan ang dibdib niya. She was really affected sa negative comments na binigay ng food critic sa kaniya kaya kahit papaano ang ginawan ni YoRi ay katumbas na pinagtanggol siya nito.
"Salamat Mr. Ringfer, sa mga sinabi mo kanina kay Mr. Amano parang dinefend mo ako, though alam kong hindi lang naman para sa akin ang mga sinabi mo sa kaniya. Kahit taong yelo ka may nagmamalasakit ka palang puso."
"I just said that because he's really not a good food critic, his fvcking praise is bias." malamig na sagot ni YoRi na bahagyang ikinatawa ni Maya.
"Alam mo Mr. Ringfer, simula ng makilala kita parang kanina lang kita narinig na magsalita ng may kahabaan talaga. Pagdating sa pagluluto dumadami ang mga sinasabi mo."ngiting ani ni Maya na hindi ikinaimik ni YoRi ng mapatili at mapahawak si Maya sa kanang braso ni YoRi ng umalog ang elevator at namatay ang ilaw.
" A-anong nangyari?" kinabahang tanong ni Maya na wala masyadong makita sa loob ng elevator dahil sa pagkakawala ng ilaw nito.
"It stopped." malamig na ani ni YoRi.
"H-huh? A-ano ang tumigil?"kinakabahang tanong ni Maya kay YoRi na napahigpit siya ng pagkakahawak sa braso ni YoRi.
"You're holding my arm too tight, Ms. Paraon." walang emosyin na sita ni YoRi na agad inalis ni Maya ang pagkakakapit niya sa braso nito.
"So-sorry, nagulat lang ako. Ba-bakit namatay ang ilaw sa elevator, tsaka parang di na ito gumagalaw?" mga tanong ni Maya ng magkaroon ng liwanag sa elevator dahil sa pagbukas ni YoRi sa phone nito.
Nakahinga ng maluwag si Maya ng magkaroon na ng liwanag sa loob kahit galing lang 'yun sa flashlight ng cellphone ni YoRi, nabawasan ang kaba niya dahil sa dilim.
"Bakit kaya huminto ang elevator? Hindi kaya nasira 'to? Hala! Paano tayo makakalabas? Paano pag naubusan tayo ng hamgin dito sa loob Mr. Ringfer, ayoko pa mamatay!" natataranta ng angal ni Maya na hindi maiwasang matakot sa nangyari sa kanila sa elevator.
"Will you calm down, kahit mataranta ka diyan this elevator won't open." malamig na sitang saad ni YoRi.
"Kinakabahan ako Mr. Ringfer! Nakulong lang naman tayo sa elevator, this is a serious matter. Sinong hindi matataranta?" reklamo ni Maya na teary eye na dahil sa pag-aalala niya para sa lagay nila ni YoRi sa loob ng elevator.
"We're not dying here so just calm down." sita ni YoRi na nilapitan ang pintuan ng elevator at sinubukan itong buksan.
Hindi ba natataranta ang lalaking 'to? Parang kalmado lang sa nangyari, na stranded kaya kami sa loob ng elevator tapos sasabihan niya akong calm down? ani na angal ni Maya sa kaniyang isipan.
"Anong gagawin natin?" natataranta pa ding ani ni Maya kahit sinita na siya ni YoRi.
"Tumawag ka kaya ng tutulong sa atin, gamitin natin 'yang cellphone mo."
"There's no fvcking signal inside the elevator, so what's the fvcking use of your suggestion?" sagot ni YoRi.
"Eh ano ngang gagawin natin? Paano tayo makakalabas dito?" nag-aalalang tanong ni Maya ng hubarin ni YoRi ang suot niyang suit.
"Oi oi Mr. Ringfer anong ginagawa mo?" sita ni Maya na tinuro pa si YoRi na malamig ang tingin na binigay sa kaniya.
"Ang ingay mo." reklamo ni YoRi ng ilapag nito sa sahig ng elevator ang mamahalin nitong suit.
Naguguluhan si Maya sa ginawa ni YoRi lalo na at sa itsura palang ng suit ay expensive ang price nito. Nagtatakang ibinalik ni Maya ang tingin niya kay YoRi dahil sa ginawa nito.
"Hindi ka ba namamahalan sa suit mo at ginawa mong panlatag sa sahig ng elevator?"
"Sit." ani ni YoRi na binalewala ang tanong ni Maya sa kaniya na napakunot ang noo at itinuro ang suit ni YoRi na nilapag nito sa sahig.
"Pinapaupo mo ako sa suit mo?"
"May iba pa? For a tiny woman like you, you have so many fvcking questions to ask instead doing what i said." walang emosyong sita ni YoRi sa kaniya.
"Excuse me? Sinong tiny ang sinasabi mo diyan? Parang ilang meter lang ang tangkad mo sa akin maka tiny ka naman diyan. Nagtatanong lang naman ako eh." angal ni Maya na ikinaalis nalang ng tingin ni YoRi sa kaniya at ginala ang paningin sa elevator.
Umupo nalang si Maya sa nilatag ni YoRi na suit nito, at dahil naka dress siya ay upong babae ang ginawa niya. Hindi niya alam bakit pinaupo siya ni YoRi habang ito ay tahimik na at abala sa kung anong tinitingnan nito.
Pinapanuod lang ni Maya si YoRi mapahawak sa hawakan ng elevator si Maya at mapahiyaw ng muling gumalaw ang elevator pababa, pero natigilan siya ng makita niyang nasa harapan niya si YoRi na nakaluhod na sa harapan niya at sinubsob nito ang ulunan niya sa dibdib nito na parang piniprotektahan ang ulunan niya habang patuloy ang pababang pag galaw ng elevator.
"This won't stop." rinig na ani ni YoRi na ikinalaki ng mga mata ni Maya na napatingalang tumingin sa kaniya.
"A-ano? Kung hindi ito titigil anong mangyayari sa atin?" kabadong tanong ni Maya ng ibaba ni YoRi ang tingin nito sa kaniya dahilan upang ilang inch ang naging lapit ng mukha nila sa isa't-isa.
"We will hit the ground if this won't stop." malamig na sagot ni YoRi na bahagyang ikinatakot ni Maya.
"A-ano? Ma-mamatay ba tayo pag hindi tumigil ang elevator?" takot na tanong ni Maya na napahawak sa braso ni YoRi.
"No." maikling sagot ni YoRi na agad hinila si Maya pahiga sa sahig ng elevator.
"A-anong gagawin natin?"
"Just lie down." sagot ni YoRi ng parehas ng nakalapat sa sahig ng elevator ang likuran nila habang ipinatong ni YoRi ang ulunan ni Maya sa kanang braso niya.
"Mr. Ringfer..."
"In this case, it's better to lie down at this falling elevator." ani ni YoRi na bahagyang ikinalunok ni Maya.
"I-is it safe?"
"Maybe, maybe not."sagot ni YoRi na kabado at takot na pinagdaupang palad ni Maya ang mga kamay niya.
"Lord, huwag naman sa ganitong klaseng sitwasyon ang kamatayan ko. Ang dami ko pang pangarap sa buhay para kunin niyo ako ng maaga!" teary eye na dasal ni Maya na napapikit pa habang patuloy ang pagbagsak ng elevator.
Ramdam ni YoRi ang tense ng katawan ni Maya dahil sa takot, at maaring magbigay trauma iyon sa dalaga kaya agad na bahagyang itinayo ni YoRi sa sarili niya bahagyang umibabaw sa harapan ni Maya na napapaluha na sa takot at kaba.
"Dailyn..." tawag ni YoRi na dahan-dahan na ikinamulat ni Maya ng matigilan siya at mapakurap ng maramdaman niya ang paglapat ng labi ni YoRi sa labi sa labi niya dahilan upang doon matuon ang atensyon niya.
Napahiwalay nalang ang labi ni YoRi sa labi ni Maya ng tumigil ang elevator ng wala masyadong impact na hindi dumaretso sa pinakababa nito, bumukas ang ilaw at bumukas ang pintuan nito kung saan naabutan sila ng mga staff at maintenance ng hotel sa puwesto nila.
Habang si Maya ay hindi makakilos sa ginawa na paghalik nito sa kaniya.e