Chapter 14- The Other Side of Him

3246 Words
KARARATING LANG nina YoRi sa malaking gubat ng Arizona na papasukin nila upang makita at mapatay ang taong iniutos ni Heneral sa kaniya. Sabay na bumaba sa kotse sina Camden at Edge habang ginagala nila ang kanilang tingin sa paligid na wala masyadong sasakyan na dumadaan. “Sa lawak ng gubat na ‘to saan natin mismo makikita ang Petr—“ Hindi natuloy ni Camden ang sasabihin niya ng mapalingon sila kay YoRi na kababa lang ng kotse na nakasuot na ng itim na get-up, at natatakpan na din ng tela ang mukha na dere-deretsong pumasok sa gubat. “Nakalimutan mo yata kung sino ang kasama natin Denali, he’s a Ringfer. He knows what we didn’t know.”ani ni Edge na ikinalakad na nito upang sundan si YoRi, nangingiting sumunod na rin si Camden na nakapamulsa pa habang nasa unahan nila si YoRi na ilang distansya ang layo sa kanila. “Kailan ko ba nakitang magbalot ulit ng ganiyan kasuotan si Falcon? Ah! If I’m not mistaken, he wear that black get-up when he helped one of his friend in Phantoms in his mission para makapasok sa sindikato ng hindi ito nahuhuli. Kasing talino ng ama niya, pero siya ang piniling itago at hindi ipakilala. Kawalan sa hari ng Russia ang desisyon niya, sabagay, naging bobo ang hari sa part na ‘yan.”ani ni Camden. “Don’t talk about that pag kasama natin si Falcon, he might cut out your tongue, Denali.”sita ni Edge dito na ngising tinakpan ang bibig na ikinailing nalang ni Edge. Dere-deretso lang si YoRi sa kaniyang paglalakad habang tinatahak ang daan kung saan nagtatago ang kaniyang pakay, miya-miya ay natigilan siya ng may marinig siyang mga yabag na papalapit sa kanila. “Anong meron Falc---“ “There are many cameras here.”malamig na putol ni YoRi kay Edge na agad ikinaikot ng mga mata nito sa paligid ng kagubatan. “Cameras?” “I saw one kanina, wala kang napansin Edge?” normal na tanong ni Camden kay Edge na nilingon siya. “You think maisip kong may camera silang ikakabit sa ganitong kalawak na gubat? I’m not that fvcking smart Denali.”singhal ni Edge. “They’re coming.”malamig na pagbibigay alam ni YoRi na nilingon sina Camden gamit ang malamig nitong tingin na tanging ‘yun nalang ang nakikita sa pagkakatakip sa mukha nito. “Clear the pathway, am I right?” walang emosyon na ani ni YoRi na nag-iba na ng daan at iniwan sina Camden, saktong pagdating mg mga tauhan ni Petrival at agad na pinalibutan ang dalawa habang si YoRi ay mabilis ang kilos na dumaan sa ibang way upang makarating sa pakay niya. “He doesn’t want to work with us, am right, Edge.”ani ni Camden habang inihahanda nila ang kanilang sarili sa mga kalaban na nakapalibot sa kanila. “Beats me, Denali. Damn it!”ani ni Edge ng simulan na silang sugurin ng mga kalaban nila. Matapos naman ang ilang pasikot-sikot na dinaanan ni YoRi ay nakarating na siya sa bahaging gitna ng kagubatan, kung saan agad niyang namataan ang isang may kalakihang safe house kung saan alam niyang naroroon ang kaniyang pakay. Sa isang malaking puno di kalayuan sa safe house ay itinago ni YoRi ang kaniyang sarili, at hindi binibigyang pansin ang ingay ng mga putok ng baril, kung saan hinaharap nina Camden at Edge ang mga tauhan ni Petrival. Bahagyang sinilip ni YoRi ang safe house mula sa pinagtataguan niya, madami-dami din ang nakabantay doon habang ang iba ay may hawak na mga baril at ang iba ay mga espada. Mataman na nakatutok ang malamig na tingin ni YoRi sa safe house ng makita niya ang paglabas ni Petrival mula sa terrace ng ikalawang palapag na humawak sa railings, na mapapansin ang galit sa mukha nito. "Make sure that those intruders will face their death! No one can leave this forest alive." rinig ni YoRi na pahayag ng target niya ng may ilan pang mga tauhan ang nagtatakbo upang puntahan sina Edge. "I am." walang emosyon na mahinang pag sagot ni YoRi bago niya kinuha mula sa likuran niya ang dala-dala niyang Glock 17 pistol, na nakakabit ang Griffin 22M Resistance 22LR/223 Suppressor silencer. Binalingan muli ni YoRi ng tingin ang kinalalagyan ni Petrival na patuloy na binibigyan ng instruction ang mga tauhan nito, habang nagbibilang naman siya ng tahimik na mga mata niya lang ang gamit. "I'll count my bullets." walang emosyon at boring na ani ni YoRi bago niya tinutok sa isang tauhan ni Petrival ang hawak niyang silencer na nasa terrace kung nasaan ang target niya. Nagmamatiyag ito mula sa taas habang may hawak na baril, itinutok ni YoRi ang hawak niyang pistol sa sa tauhan ni Petrival na kasama nito sa terrace. At dahil asintado si YoRi kahit may kalayuan sa kaniya ang mga kalaban niya, hindi pa ito nagmimintis kahit na kailan. He trained himself to do a long range shooting to kill his enemy in the distance. He can also end a life in his fighting skill that he obtained on his self-training. At sisiw lang kau YoRi ang bumaril ng walang mintis kahit walang telescope ang baril na gagamitin nito. Nang maitutuok na ni YoRi ang hawak niyang baril sa parte ng katawan ng kasamang tauhan ni Petrival sa terrace na gusto niyang patamaan, ay agad na niyang pinindot ang gatilyo kung saan deretsong tumama sa noo ng kalaban ang bala niya na deretsong bumagsak mula sa terrace ng safe house. “One.” Bilang ni YoRi sa unang napatay niya. Hindi naman agad nakakilos si Petrival sa nangyari, kahit mga tauhan niyang napalingon sa kasamahan nilang bumagsak galing second floor ay nakatingin lang sa kasamahan nilang nakahandusay sa lupa, at dumadaloy na ang dugo nito sa kinasasalampakan nito. “Sinong may gawa nito! May kalaban sa paligid!” sigaw ni Petrival ng marealize na niya ang nangyari kaya agad na naging alerto ang mga tauhan nito at walang pakialam si YoRi. Muli niyang itinutok ang hawak niyang pistol sa isa pang tauhan ni Petrival na nasa baba at deretsong lumusot sa noo nito ang bala niya na pabagsak nitong ikinahandusay sa lupa. “Two.” “Anong nangyayari?! Mga inutil, hanapin niyo kung sino ang palihim na gumagawa nito!” galit na sigaw ni Petrival na mabilis nitong ikinapasok sa loob ng safe house, at nagsimula namang magpa-ulan ng bala ang mga tauhan nito. “They are wasting their bullets.”malamig na sambit ni YoRi na lumabas sa malaking punong pinagtataguan niya at isa-isa ng binaril mula sa puwesto niya ang mga kalaban niyang may mga hawak na baril, na isa-isang bumabagsak sa sahig na wala ng buhay. Nagugulantang naman ang ibang mga tauhan ni Petrival na espada ang mga hawak sa nakikita nilang pagbagsak ng kanilang mga kasamahan na may tama ng baril sa parte ng mga katawan nito na agad ikinamamatay ng mga ito. Wala silang ibang nagawa kundi manuod hanggang sa huling kasamahan nilang may hawak na baril ang walang buhay na humandusay sa lupa. “One bullet are left.”walang emosyon na sambit ni YoRi bago niya itinago sa likuran niya ang pistol niya at nagsimula ng maglakad paalis sa kaniyang pinagtataguan. Nang mapansin na siya ng mga tauhan ni Petrival na mga espada ang hawak ay agad humanda ang ito sa pagsugod sa kaniya. Dalawa ang unang sumugod palapit sa kaniya kaya sinabayan niya ang mga ito, sumugod din si YoRi pasalubong sa dalawang naunang sumugod sa kaniya. Agad na naiwasan ni YoRi ang pagwasiwas ng espada ng kalaban niya sa right, na malakas niyang binigtan ng sipa sa tagiliran nito na pagulong na bumagsak sa lupa. Mabilis din niyang nahawakan ang dalawang kamay ng isa pa niyang kalaban bago siya nagpaikot-patalikod sa kalaban niya, at plain ang ekspresyon ang makikita sa mukha ni YoRi bago niya malakas na binalibag ito sa lupa. Ngiwing napaigtad ang kalaban niya sa lakas ng pagkakatama ng likuran nito sa pagbagsak nito sa lupa, pero hindi narin nagtagal ang buhay nito ng itarak ni YoRi ang espada nito sa dibdib nito. Muling kinuha ni YoRi ang espada na may bahid na ng dugo at hinarap ang mga makakalaban niya pa na sabay-sabay ng sumugod sa kaniya. Bawat kalaban ni YoRi na naunang lumapit sa kaniya ay deretsong tumatarak sa katawan nila ang espada ni YoRi. Kung hindi sa dibdib, sa tiyan ang landing ng hawak na espada ni YoRi ay pumuputol naman ito sa mga braso ng mga kalaban niya na apat sa mga ito ay humihiyaw sa sakit habang namimilit na nakahandusay sa lupa at dumadaloy ang dugo sa mga braso nilang napuputol ni YoRi. Hindi naman maiwasan na magkaroon ng talsik ng dugo ang suot ni YoRi, pero balewala ito sa kaniya. Winasiwas ni YoRi ang hawak niyang espada upang alisin ang nakakapit na dugo dito bago nilingon ang natitirang kalaban niya sa labas na hinaharangan ang pintuan papasok ng safe house. “Stay back intruder, I won’t let you get in and hurt our boss.” Pahayag nito kay YoRi na malamig na tingin ang binibigay ni YoRi dito. Binitawan ni YoRi ang hawak niyang espada bago nagsimulang maglakad palapit sa natitira niyangkalaban na mababakas sa mukha ang takot at kaba lalo pa sa nakita nito kung paanong napatay at napabagsak ni YoRi ang mga kasamahan niya. “I s-said stay b-back!” sigaw nito kay YoRi na hindi pinapakinggan nito kaya wala syang naging choice kundi sugurin si YoRi, na ikinalaki ng mga mata niya ng biglang mawala ito sa harapan niya. “I’m here.”malamig na ani ni YoRi na nakatayo na sa likuran nito na bago pa makaharap sa kaniya ang lalaki ay agad hinawakan ni YoRi ang kwelyo sa likuran nito at malakas na hinagis sa may pintuan na pabagsak na ikinasira nito. Napapaungol sa sakit ang lalaki dahil sa masakit na pagkakabagsak nito sa nasira at bumagsak na pintuan, at bago pa ito makakilos ay nakalapit na agad si YoRi dito at inapakan ang leeg nito kaya bahagya itong nahirapan sa paghinga. “Where is Petrival?” “I w-won’t sa----“ Hindi pa natatapos ng lalaki ang isasagot niya ng bumagsak sa noo nito ang isang punyal na deretsong tumusok sa noo nito. Nakamulat itong nawalan na ng buhay habang dumadaloy ang dugo sa noo nito, bago inalis n YoRi ang pagkaka-apak ng paa niya sa leeg nito. “I’ll find him my own.”malamig na ani n YoRi na deretso ng pumasok sa loob at umakyat sa hagdanan. Nang makarating siya sa ikalawang palapag ay isang kuwarto lang ang nakikita niya, agad niya itong pinuntahan at walang paligoy-ligoy na pumasok sa loob. Natigilan lang si YoRi dahil sa pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay may tumamang bala ng baril sa pader na dumaplis ng daan sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Bumagsak ang tingin ni YoRi kay Petrival na may hawak na baril at nakatutok sa kaniya, mababakas ang takot nito pero nagpapanggap na matapang sa harapan ni YoRi. “Try go near to me asshole and the next bullet in my gun will hit you in your forehead.” Banta nito kay YoRi. “That’s scares me.”walang emosyon na saad ni YoRi na nag-isang hakbang palapit kay Petrival kaya pnaputukan siya nito sa lalakaran niya kaya napatigil siyang muli. “I said don’t come near to me?! Hindi na ako magdadalawang isip na ibaon ang susunod na bala sa katawan mo! Sino ka ba?! Sino ang nagpadala sayo para patayin ako?! You’re here to kill me right?!””sigaw nito kay YoRi. “Heneral.”plain na sagot ni YoRi. “Huh?” “You took the system made by Heneral and try to collaborate it to Pelinggan family, sounds fvcking familiar?” malamig na pahayag ni YoRi na dahan-dahan na ikinalaki ng mga mata ni Petrival. “Ta-tauhan ka ni Heneral?” “I hate explaining myself Mr. Petrival, I’m here to kill you. So let me finish my fvcking task.”ani ni YoRi dito. “Ikaw ang un akong papatayin pag lumapit ka sa akin! Hindi ko alam bakit pinapapatay ako ni Heneral gayong may part ako sa system na ginawa namin.”ani nito. “But you do know that Pelinggan family is a traitor, they will kill you if they have the system they need.” “Maganda ang usapan namin, sa oras na maibigay ko sa kanila ang system na kailangan nila malaking pera ang ipapasok nila sa account ko. Hindi ako habang buhay magiging taga sunod ni Heneral na gustong pabagsakin ang Brit---“ Hindi natapos ni Petrival ang sasabihin niya dahil sa mabilisang paglapit ni YoRi sa harapan niya kaya paupo siyang bumagsak sa sahig sa gulat, nabitawan niya din ang hawak niyang baril na inapakan ng kanang paa ni YoRi. “No more talks.”malamig na sambit ni YoRi, ng mabilis na tumayo si Petrival at deretsong nagtungo sa terrace at tumalon pababa doon. Nilakad ni YoRi ang terrace kung saan sinilip niya si Petrival na kakatayo lang sa pagkakabagsak nito sa lupa habang hawak-hawak ang nabali nitong braso at nagsimula ng tumakbo palayo sa safe house na pinapanuod ni YoRi. Nilakad ni YoRi ang pinakadulo ng terrace at kinuha ang pistol niya, tiningnan niya ang natitirang bala doon bago niya binalik ang tingin kay Petrival na napapalayo na sa pagtakbo nito. Nakatutok lang ang mga walang emosyon na mata ni YoRi dito ng may pumasok sa isang ala-ala sa isipan niya na nagpakunot sa noo niya. “They also did it to me.”malamig na ani ni YoRi bago niya tinutok ang hawak niyang pistol sa tumatakbong si Petrival at pinutok iyon. Ang tumatakbong si Pertival at natigil sa pagtakbo at miya-miya at deretsong bumagsak sa damuhan. Bumalik na si YoRi sa loob ng kuwarto at dere-deretsong naglakad pababa ng second floor kung saan pagbaba niya ay siyang pagdating nina Edge. “Where’s Petr---“ Hindi natuloy ni Edge ang sasabihin niya ng sambutin niya ang baril ni YoRi na hinagis nito sa kaniya. “We’re done here.”walang emosyon na ani ni YoRi bago dere-deretsong lumabas ng safe house. KAKATAPOS LANG ng seminar na naganap sa malaking hall ng hotel kung saan iba’t-ibang mga chef’s from different countries, and different restaurant ang nakasama ni Maya. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya dahil sa dami ng mga natutunan niya sa seminar, at hindi rin siya maka move on na kilalang-kilala at special treatment ang binigay sa kaniya dahil part siya ng La Cuisine Russiano. Naiilang siya noong una lalo dahil sa binibigay na atensyon sa kaniya, at bawat chef ay tinatanong si YoRi sa kaniya gamit ang international name nito. Alam ni Maya na kilala globally ang restaurant ni YoRi, pero hindi niya inasahan na ganito kasikat ang restaurant at ang binata sa iba’t-ibang restaurant. Nakakaramdam ng inggit si Maya sa achievements ng La Cuisine na gusto din niyang ma achieve ng restaurant niya, pero alam niyang malabo pang mangyari ‘yun ngayon. “Natapos na lahat ang seminar hindi pa bumabalik si Mr. Ringfer, ang dami ng naghahanap sa kaniya na mga chef dito. Teka? Babalik na ba ako sa room namin?” pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili. Gusto pa sana niyang kumausap ng bang chef, pero nangunguna ang hiya niya dahil hindi niya alam paanong approach ang gagawin niya. “Excuse me.” Agad na napabaling ang tingin ni Maya sa isang guwapong lalaki na malapad ang ngiting nakatayo sa may mesa niya. Sa pagkakatanda niya ito ang tinawag sa unahan para bigyan ng excellency award na tinanggihan ni YoRi a.k.a Theodore Robinson sa three weeks ago. “H-Hi!” bati ni Maya dito. Aaminin niya na guwapo ito lalo pa at Chinese ang nationality nito, maganda din ang tindig pero sa tingin ni Maya ay mas angat pa din sa kagwapuhan si YoRi at sa tindig lalo pa at ilang female chef ay lumagpak ang balikat ng siya ang tawagin as representative ng La Cuisine at hindi si YoRi. “If I’m not mistaken the host called you Maya Dailyn Paraon, right?” ani nito na umupo sa harapan ko. “Ah, y-yeah, that’s me.” “Hi! I’m Zhang Wei Cheng, master chef of Pei Wei Diner restaurant. It’s nice to meet the beautiful representative of Mr. Robinson.”magiliw na pagpapakilala nito. “Where is he? Though he always not attended in this kind of seminar, this is the first time he sent a representative for his restaurant, I’m quite amaze of that.”saad pa na tanong nito kay Maya. “Uhmm, Mr. Ring—I mean Mr. Robinson has other things to do so he sent me here.”sagot ni Maya. Napapatanong naman si Maya sa kaniyang isipan dahil sa sinabi ng kausap niya sa kaniya, kung hindi napunta si YoRi sa mga seminar na ganito, nagtataka siya bakit siya ang pinapunta nito ngayon. “Other things to do eh, the reason he declined the award that has given to me now. He’s insulting me”ani ng kausap ni Maya na Intsik na mahahalata sa boses nito ang bitterness towards YoRi. “Excuse me Mr. Cheng, but why did you approach me?” tanong ni Maya na ikinangiti nito sa kaniya. “Well, your boss pissed me off. He’s my rival, and I will surpass him.” Anong kinalaman ng sinagot niya sa tinanong ko? Anong kinalaman ko kung inis siya sa taong yelong ‘yun? Ani ni Maya sa kaniyang isipan. “But you are gorgeous, and when I saw you and called as Robinson’s representative, I can say that you’re too beautiful to stand beside that cold man.”pahayag nito na tumayo sa pagkaka-upo nito at bahagyang lumuhod sa harapan ni Maya na bahagya nitong ikinagulat kaya napatingin siya sa paligid nila dahil baka makita sila ng mga tao sa loob ng hall. “M-Mr. Cheng, what are you doing? Please stand up, people might see you kneeling in fro---“ “Why don’t you quit at La Cuisine Russiano and work for me instead. I can treat you better than Robinson, or you want to date a Chinese man?” pahayag nito kay Maya na hindi makapaniwalang ikinatunganga ni Maya dito. “W-what?” “I got interested in you, not because your part of La Cuisine. You’re just a type of woman I want to date you.”ani nito na itinaas ang kanang kamay upang hawakan ang nakalabas na buhok ni Maya sa mya bandang tenga nito. Hindi natuloy ni Zhang Wei Cheng ang gagawin niya ng mapatingala siya ng tingin sa likuran ng kinauupuan ni Maya, at agad na napangisi sa kaniyang nakita na siyang ikinakunot ng noo ni Maya. Akmang lilingon si Maya sa likuran niya para tingnan kung anong nakita ni Zhang Wei Cheng ng matigilan siya ng may dalawang kamay na humawak sa magkabilang balikat niya, kaya agad siyang napatingala at nanlaki ang mga mata niya ng makita si YoRi na nakasuot ng suit at nakaayos ang buhok nito na mas bumagay sa guwapong mukha nito. “Mr. Ringfer?” “If you touch a single hair on her head, yours will be on the ground next.” Malamig na banta ni YoRi na ikinailang kurap ni Maya dito kasabay ng biglang pagkabog ng kaniyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD