HINDI PARIN makapaniwala si Maya sa nangyayari sa mga oras na ‘yun, nasa biyahe na sila ni YoRi papuntang KIA after nilang dumaan sa apartment niya para kunin ang kaniyang passport na hindi niya nadala ng puntahan niya ang barn ni YoRi. Hindi parin mag sink in sa kaniya kung bakit kasama siya ni YoRi na lalabas ng bansa at papuntang Arizona, kanina pa tahimik si Maya sa biyahe nila dahil naghahanap ng tamang itatanong si Maya kay YoRi dahil hindi parin siya maka get over.
Tahimik lang din naman si YoRi habang nagmamaneho siya, pero pinakikiramdaman niya si Maya na hindi alam ni YoRi bakit ayaw niyang natatahimik ito. He met Maya as a loud woman, but she's started to become quiet after they got her passport in her apartment.
“Ask me.”malamig na maikling tanong ni YoRi kay Maya na lumingon sa kaniya.
“H-Ha?”
“You’re wondering why you’re coming with me in Arizona, aren’t you?” tanong ni YoRi na deretso lang na naka focus sa pagmamaneho niya.
“B-Bakit nga ba ako sasama sa pagpunta mo dun? A-anong gagawin ko dun? Alam mo kanina ko pa iniisip anong rason bakit isasama mo ako sa pagpunta mo sa Arizona, hindi ko talaga magets Mr. Ringfer. Pwede bang paki-explain? I'm really curious here." mga tanong ni Maya dito.
Nagtataka lang si Maya bakit hindi siya nakareklamo ng biglaan siyang isama ni YoRi sa out of town na labas nito. Hindi man lang siya nakipag argumento dito, hindi niya nagawang talak-talakan ito dahil nabigla siya sa biglaang pagsama nito sa kaniya.
"I told you to ask me but you throw many questions at me, Ms. Paraon."
"Malamang na magtanong ako ng madami sayo dahil hindi ko makuha ang dahilan bakit isasama mo ako sa pagpunta mo sa Arizona. Dapat nga nagpapababa na ako dahil bakit ako sasama sayo eh diba nga cut ang training ko sayo? Sabi mo umuwi na ako at magpahinga, pero nagtanong ka kung may passport ako tapos nagsulat ka pa ng address sa palad ko and viola, nakasakay na ako sa kotse at papunta na tayo ng airport na hindi ko man lang alam ang rason bakit mo ako isasama." lintanyang pahayag ni Maya kay YoRi na napakunot ang noo dahil sa dere-deretsong pagsasalita ni Maya.
"Ang dami mong sinabi." walang emosyong angal ni YoRi na bahagyang ikinasimangot na ni Maya.
"Kung walang magandang rason bakit isasama mo ako sa pagpunta mo sa Arizona, pakitigil nalang sa gilid ng kotse mo at bababa ako."ani ni Maya na ikinahawak niya sa upuan niya ng igilid nga ni YoRi ang kotse niya at itigil iyon na ikinalingon niya dito.
"Get off."
"Ano?"
"Sabi mo ibaba kita, now that I stop my fvcking car do what you want, get off." malamig na ani ni YoRi na hindi makapaniwala si Maya na nakatingin dito.
"Seryoso ka Mr. Ringfer? Papababain mo ako sa kotse mo matapos mo akong papuntahin sa weird mong bahay, kunin ang passport ko sa apartment ko at isakay sa kotse mo? Nahingi lang naman ako ng ras---"
"Arizona will hold a cuisine seminar and I’m invited to attend." malamig na putol ni YoRi sa sasabihin ni Maya.
"Cuisine seminar? Teka? Anong kinalaman ng seminar na 'yan sa pagsama mo sa akin doon?" naguguluhang tanong parin ni Maya, though biglang napukaw ang atensyon niya ng seminar na binanggit ni YoRi.
"I can't attend that seminar because I will do some other important matters in Arizona, you as my apprentice will be my representative, and will attend." sagot ni YoRi na malamig na tingin ang pinukol sa kaniya.
"A-ako? Ako ang gusto mong umattend sa cuisine seminar na sinasabi mo? Hindi nga? Seryoso Mr. Ringfer?" sunod-sunod na tanong ni Maya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni YoRiI
Biglang nakaramdam ng excitement si Maya na maka attend ng isang cuisine seminar na puwedeng makadagdag sa kaalaman niya sa pagluluto. At hindi siya makapaniwala na isasama siya ni YoRi upang maging reprisentante nito dahil hindi ito makakapunta dahil may iba itong gagawin.
"You think I’m lying? Kung ayaw mo, lumabas ka na ng kot---"
"OMG Mr. Ringfer! Bakit ko aayawan ang ganiyang opportunity? Dapat kasi pinaliwanag mo ng maayos na a-aatend ako ng isang seminar, siyempre hindi ko tatanggihan 'yan. Sige na, paandarin mo na ulit ang kotse mo baka mahuli tayo sa flight." malapad na ngiting pahayag ni Maya na tumingin na sa unahan habang wala namang emosyon si YoRi na nakatingin sa kaniya.
Biglang nabuhayan ng excitement ang katawan ni Maya sa sinabi ni YoRi, minsan lang may ganitong opportunity na dadaan sa kaniya kaya hindi niya ito puwede tanggihan. Hindi siya masyadong nakaka attend sa mga international seminar dahil walang nag-iinvite sa kaniya dahil narin sa katayuan niya sa fine dining restaurants. At ngayong may chance na makaranas siya ng out of the country seminar ay hindi na siya mag-iinarte.
Ibinalik ni Maya ang tingin niya kay YoRi ng mapansin niyang hindi pa nito pinapaandar ang kotse nito na bahagyang ikinakunot ng noo niya dito.
"Tara na Mr. Ringfer baka maiwan tayo ng flight."
"You cut me off when I’m talking." malamig ani ni YoRi.
"Iyon ba? Na excite lang naman ako, sorry na. Sige na magmaneho ka na ulit, hindi mo naman kasi ipinaliwanag ng maayos pero goods na tayo." ngiting ani ni Maya na napaingos nalang si YoRi bago nito muling paandarin ang sasakyan nito.
"Saan gaganapin ang seminar? Anong oras, teka lang wala akong dalang damit na susuotin para doon. Dapat kasi sinabi mo na sa akin na seminar pala ang pagdadalhan mo sa akin edi sana nagprepare ako ng bongga."angal na reklamo ni Maya na bumalik ang tingin kay YoRi.
"Puwede bang dumaan muna tayo sa mall para makabili naman ako ng susuotin ko, restaurant mo ang ire-represent ko kaya dapat presentable akong tingnan. Pero mas okay sana kung restaurant ko ire-represent ko." ani pa ni Maya na ibinulong nalang niya ang huli niyang sinabi dahil kahit papaano ay nasasayangan siya dahil opportunity ng restaurant niya na ma recognize, ang problema, hindi invited ang hindi kilalang restaurant na katulad ng hawak niya.
"Just keep your mouth shut Ms. Paraon, and let me fvcking drive in peace." sitang singhal ni YoRi na bahagyang ikinaingos ni Maya dito.
"Siguro gusto mo akong mapahiya kaya ayaw mo akong maging prepared. Hello! International seminar ang pagdadalha---"
"I'll fvcking kiss you when you don't zip your noisy mouth, Ms. Paraon."malamig na banta ni YoRi kay Maya na natigilan at parang nabingi sa sinabi ni YoRi.
Hindi alam ni Maya bakit biglang nag-init ang mukha niya sa sinabi ni YoRi, na bigla ding ikinaurong ng kaniyang dila at hindi makuhang nakapagsalita. Hindi alam ni Maya kung tama ba siya ng narinig niya o nagkamali lang siya ng dinig sa sinabi ni YoRi.
Inaantay ni Maya na magsabi si YoRi na nagbibiro lang ito sa sinabi nito, pero seryoso lang ang ekspresyon ni YoRi habang nagmamaneho.
“Joke ba ‘yun?” tanong ni Maya na walang sagot siyang nakuha kay YoRi.
Natahimik nalang si Maya sa kinauupuan niya kahit gusto niyang magreklamo dahil hindi siya nakapaghanda sa seminar na pupuntahan niya. At hindi niya alam bakit bahagya siyang nainis dahil sa casual na pagkakabigay ng babala ni YoRi sa kaniya, na parang di pinag-isipan at pinagti-tripan siya.
Pinili nalang ni Maya na manahimik kahit alam niyang hindi tototohanin ni YoRi ang banta nito, alam niyang nasabi lang 'yun ni YoRi dahil ayaw nitong mag-ingay siya sa biyahe nila na hindi naiwasan ni Maya na bahagyang maapektuhan.
Naging tahimik na muli ang biyahe nilang dalawa, at tatlong oras ang lumipas sa biyahe nila ay nakarating na sila sa KIA. Agad na pinarada ni YoRi ang kotse niya sa VIP parking lot na nilaan ni Balance para sa phantoms, dahil sa tuwing may mission sila na labas ng bansa ay iniiwan nila ang mga kotse nila sa parking lot at binabalikan nalang pag nakauwi na sila.
Pagkaparada ng kotse ni YoRi ay agad siyang lumabas, kaya mabilis na binuksan ni Maya ang pintuan ng kotse at lumabas na din. Walang sali-salitang naglakad na si YoRi papasok sa loob ng KIA gamit ang VIP way na dinaanan ni YoRi upang hindi hassle sa pagpasok nila sa entrance ng KIA, na laging madaming nagpapasukan at naglalabasan.
"Hindi ba marunong maghintay ang patay na batang 'yun? Isasabit niya ako sa trip niya sa Arizona para umattend ng seminar pero parang walang kasama kung makalakad. Pasalamat siya gusto ko 'yung seminar na pagdadalhan niya sa akin." angal ni Maya na napailing nalang bago agad na sinundan si YoRi na nawala na sa pangingin niya, na sandaling natigilan siya sa pagpasok ng bigla siyang harangan ng isang guard.
"Bakit sir?" takang tanong ni Maya sa guard.
"Hindi ka puwedeng dumaan dito Ms. sa kabilang entrance ka pumasok, para sa mga VIP ang daan na 'to." ani ng guard kay Maya.
"Ha VIP? P-pero may kasama kasi ako na dito pumasok." ani ni Maya na bahagyang ikinatawa ng guard.
"Lumang modus na 'yan Ms. hindi 'yan uubra sa akin. Pasensya na pero hindi dito ang dapat mong daanan, sa kabilang entrance nalang." saad ng guard na bahagyang nainis si Maya sa guard.
"Bakit 'yung sinundan ko hinayaan niyong dito pumasok? Dadaan lang naman ako eh."
"Sinabi ko na sayo Ms. para sa VIP ang entrance na ito. At 'yung sinundan mo ay si Mr. Ringfer, isa sa kaibigan ng may ari ng airlines na ito, VIP siya kaya puwede siyang dumaan dito." paliwanag ng guard na naiinis na ikinaingos ni Maya.
"Ang bias naman, eh kilala ko naman si Mr. Ringfer bakit hindi mo nalang ako hayaan dumaan dito kuya, naiwanan na kaya niya ako. Pag ako sinungitan ng taong yelo na ‘yun ikaw sisisihin ko."
"Kilala si Mr. Ringfer sa buong Asia, kaya malamang na kilala mo rin siya dahil napapanuod mo mga interview niya. Tsaka, imposible na kilala ka ni Mr. Ringfer, sige na Ms. kung may flight kang hahabulin sa kabilang entrance ka nalang dumaan."ani ng guard na nakikita ni Maya na hindi niya puwedeng ipilit ang pagdaan niya sa VIP way.
Tss! Bakit pakiramdam ko niyayabangan ako ng guard na 'to? ani ni Maya sa kaniyang isipan na ikinabuntong hininga nalang niya bago niya tinalikuran ang guard.
"Hindi ko naman puwedeng isipan ng masama ang airlines dahil lang sa isang employee na niyayabangan ako. Kasalanan ng taong yelo na 'yun eh, parang walang kasama kung maglakad. Kung iiwan din pala niya ako bakit sinam---"
Hindi natapos ni Maya ang pagrereklamo na lumalabas sa bibig niya ng may humawak sa braso niya at paikot siyang pinaharap, kaya nabunggo siya sa matipunong dibdib na pagtingala niya ay seryoso at guwapong mukha ni YoRi ang tumambad sa mga mata niya.
“M-Mr Ringfer…”
“Where the hell you think you’re going, Ms. Paraon?”walang emosyon na tanong ni YoRi Sa kaniya na bahagyang napalunok ng kaniyang laway si Maya dahil sa pagkakalapit ng katawan nya kay YoRi.
“S-sa kabilang entrance para dumaan? P-Pang VIP daw kasi ‘yung entrance na dinaanan mo, so doon ako dadaa---t-teka Mr. Ringfer!”
Hindi nakapalag si Maya ng hilahin siya ni YoRi dere-deretso silang pumasok sa VIP entrance na hindi na rin nagawang pigilan ng guard dahil nakita nito paghila ni YoRi sa kaniya papasok sa loob. Hindi makapaniwalang tingin ang binibigay ng guard sa kanila na bahagyang ngiti ang pinakita ni Maya dito.
I told you kilala ko ang taong yelong ‘to…ani ni Maya sa kaniyang isipan habang nakangiti sa guard hanggang mawala na ito sa paningin niya dahil sa pagliko nila YoRi papuntang counter.
Nang naroon na sila ay dinala ni YoRi si Maya sa mga bench at iniupo doon, hindi na naman nakapagsalita si Maya ng dalhin siya doon ni YoRi.
“Stay here.”malamig na ani lang ni YoRi bago siya nito iwan at deretsong nagpunta sa counter dala-dala ang mga passport nila.
“Bakit pansin ko parang kaladkarin ako ng lalaking ‘yun ngayon? Walang pag-angal Maya ha, bago ‘yan.”pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili bago sumandal sa kinauupuan niya, napabaling nalang ang tingin niya sa isang babae na may dalang traveling bag na nakaupo at nagre-retouch ng make up.
“Wala man lang kaming dala kahit ano, a-attend ako ng isang seminar na ganito ang suot at sa Arizona pa.”ani ni Maya na tiningnan ang sarili bago nagpambuntong hininga.
Natigilan lang si Maya ng may umupo sa katabi niyang bench, pag lingon niya ay isang guwapong lalaki ito na napalingon sa kaniya at matamis siyang nginitian. Agad niyang inalis ang tingin dito at dinala ang tingin niya kay YoRi na nasa counter na, habang may kausap na ito sa cellphone nito.
“I can’t believe that Ringfer will brought a woman in his given task.”rinig na ani ng guwapong katabi niya na ikinabalik ng tingin ni Maya dito ng marinig niyang banggitin nito ang surname ni YoRi.
“I know him.”ngiting ani nito sa kaniya.
“I doubt na nobya ka ni Ringfer, he doesn’t interested in women, I think? So, anong relasyon mo kay Ringfer?” tanong nito sa kaniya na pakiramdam niya ang kakaibang awra nito.
“H-Hindi niya ako girlfriend, a-apprentice niya lang ako…”sambit na sagot ni Maya sa guwapong lalaki.
“Apprentice? That’s new. Oh well, sorry kung nakikiusosyo ako. I’m just a curious handsome ally—I mean friend ni Ringfer, I’m Camden Denali by the way. Five years older than him, interesado ka ba sa isang relasyon na mas ma edad sayo?”pahayag nito na hindi magawang makasagot ni Maya dito na bahagyang ikinatawa naman nito.
“I’m just kidding, hindi ako mahilig sa mas bata sa akin. That’s a pedophile case for me, anyway, huwag mong sabihin kay Ringfer na nilapitan kita. Isipin mo nalang hindi kita nilapitan at kinausap, okay?”ngiting ani nito na nag gesture pa ng ‘silence sign’ ng itapat nito ang kanang hintuturo sa bibig nito bago tumayo at nagpamulsang naglakad palayo sa kaniya.
Nakahabol tingin lang si Maya dito hanggang makita niyang may sumalubong pang isang lalaki dito na bumaling din ang tingin sa kaniya, bago sabay na umalis ang dalawa at nawala sa paningin niya.
“Let’s go.”
Bahagyang napaigtad si Maya na napalingon kay YoRi na hindi niya napansin na nakabalik na sa kinauupuan niya. Agad na tumayo si Maya at akmang magtatanong siya kay YoRi tungkol sa lalaking lumapit sa kaniya ay naalala niya ang bilin nito.
“What?”malamig na tanong ni YoRi sa kaniya.
“W-wala naman…”pag-iling ni Maya na kita niyang iniikot ni Ringfer ang tingin niya sa paligid nila.
“M-May hinahanap ka ba?” tanong ni Maya na ikinabalik ng malamig na tingin nito sa kaniya.
“No, let’s go.”ani nito na nauna ng naglakad kaya agad itong sinundan ni Maya.
Hanggang makasakay sina Maya sa eroplano ay tahimik lang siya, ganun din si YoRi kaya hindi na nag-abalang magsalita si Maya. Napapaisip lang siya sa lalaking lumapit sa kaniya, na ayaw nitong ipaalam kay YoRi ang tungkol sa paglapit at pakikipag-usap nito sa kaniya.
Ilang oras din ang biyahe sa himpapawid ng makababa na ang eroplano nila sa Phoenix Sky Harbor international Airport dahil wala pang KIA sa bansang ito. Gabi na ng umalis sila sa pilipinas, at dahil iba ang time differences ng oras ng dalawang bansa ay dumating sila sa Arizona na sisikat palang ang araw dito. Labing walong oras din ang naging biyahe nila, nakatulog naman si Maya kahit papaano sa eroplano.
Pagkalabas nila sa PSHIA ay agad na may tumigil na itim na kotse sa harapan nila, bumaba ang driver nito at pinagbuksan sila ng pintuan. Bahagya siyang itinulak ni YoRi papasok sa loob ng kotse bago ito naman ang sumakay.
“Kaya ko namang sumakay dito sa kotse bakit may pagtulak ka?” bahagyang angal ni Maya ng makaupo na ng ayos si YoRi na may agwat ang layo sa upo niya.
“Don’t talk to me.”ani lang ni YoRi na bahagyang ikinasimangot ni Maya dito.
“Edi huwag.”
Inirapan ni Maya si YoRi bago ibinaling sa bintana ang paningin niya hanggang sa umandar na ang kotse at bumiyahe na sila paalis.
Mag-a-alas siete ng umaga ng makarating sila sa malaking hotel sa Arizona, sabay silang lumabas ni YoRi sa kotse, ng makita niyang dere-deretso sa pagpasok si YoRi kaya sinundan nalang niya ito. Lumapit ito sa accommodation area at nagtataka si Maya dahil agad na inasikaso ng mga ito si YoRi. Agad na sinamahan sila ng staff ng hotel papunta sa suite na tutuluyan nila.
Napahanga at napanganga si Maya sa suite na dinalhan sa kanila ni YoRi, malawak ito at makikita ang buong city ng Arizona, napatakbo si Maya sa transparent wall at gandang-ganda sa view mula sa suite na kinalalagyan nila.
“The seminar will start at 10 am in the conference room of this hotel, I ask the staff to prepare a dress for you.”malamig na ani ni YoRi na ikinalingon ni Maya sa kaniya.
“Teka lang? Kung hindi ka aattend sa cuisine seminar dito, anong gagawin mo? Bakit ako ang pinapa-attend mo eh narito ka nalang rin naman.”naguguluhang tanong ni Maya dito.
“Side Agenda that you don’t have to know. Listen Ms. Paraon, when you go in the conference, tell them that you are invited by Theodore Robinson.”walang emosyon na instruction ni YoRi na ikinakunot ng noo ni Maya.
“Ha? Sino naman si Theodore Robinson na ‘yan? Bakit hindi panga—“
“Ang dami mong tanong, just do what I told you. Understand?” putol na sita ni YoRi sa kaniya na hindi niya mapigilan na maguluhan at magtaka.
“They know me here as Theodore Robinson, that’s my international name I used here. Still, you will represent the La Cuisine Russiano, so don’t fvcking confused, Ms. Paraon.”paliwanag ni YoRi habang nakakunot ang noo nito kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaguluhan sa nababasa niya sa mukha ni Maya.
“Ahhhh, so itong Theodore na pangalan ang gamit mo for international affairs mo? Ipaliwanag mo kasi agad ng hindi ako naguguluhan.”ani ni Maya.
“I’ll go now.”saad ni YoRii na tinalikuran na siya at dere-deretsong naglakad palabas ng suite na kahit nakailang tawag si Maya ay hindi siya nito nilingon.
“Tingnan mo ang taong yelo na ‘yun, basta-basta ako iniwan. Tss!”aning reklamo ni Maya na tiningnan ang wall clock, at dahil may ilang oras pa siya ay inikot niya ang buong suite na parang bahay na sa lawak.
PAGKABABA naman ni YoRi sa hotel, ay dere-deretso siyang lumabas at sumakay sa back seat ng itim na kotse kung saan sabay na tinapunan siya ng tingin ni Camden at Edge sa pagdating niya.
“So? What’s the idea of bringing a woman here, Falcon?” ngising tanong ni Camden kay YoRi.
“Business, Denali.”malamig na sagot ni YoRi dito.
“Huwag ka ng makiusosyo Denali, patakbuhin mo na ang kotse dahil madami-dami din ang lilinisin natin sa kagubatan ng bansang ‘to. We need to clear the path for Falcon so he can go straight and kill Anastacio Petrival.”suway na ani ni Edge ng buksan na ni Camden ang makina ng kotse na sinasakyan nila.
“Falcon can clear the path of those trash on his own, sadyang ayaw lang mapagod ni Heneral ang kaibigan ng kaniyang a---“
“Just fvcking drive and zip that mouth of yours Denali. Move.”walang emosyon na putol ni YoRi na natatawang pinatakbo na ni Camden ang kotse.
“Ang ikli ng pasensya mo, I’m driving now, your highness.”ani ni Camden na sinipa ni YoRi ang upuan nya na bahagyang ikinaalog ng kinauupuan ni Camden na parang walang ginawang binaling ni YoRi ang tingin niya sa bintana.
“You don’t have to do that, Falcon.”bahagyang angal ni Camden.
“Manahimik ka na Denali, kanina ka pa maingay sa biyahe natin sa eroplano pati ba naman dito.”singhal na sermon ni Edge na hindi nalang binigyang pansin ni YoRi ang dalawang nag diskusyunan pa ng pumasok sa isipan niya si Maya na iniwan niya sa hotel.
“She’ll be fvcking fine.”mahinang ani ni YoRi sa kaniyang sarili.