Chapter 41: FALL FOR ME

2232 Words
NAKAHAWAK lang si Maya sa kanang braso niya na bahagyang hindi parin tumitigil sa pagdurugo matapos matamaan ng balang pinaulanan sa kanila ng mga gustong patayin ang quadruplets. Naglakad lang siya palabas ng villa ng bahay ni YoRi, at dahil malaki ang impact ng naging galit ni YoRi sa kaniya dahil sa ginawa niya ay parang nawala sa sarili si Maya. Pinagtitinginan si Maya ng mga nakakasalubong niya pero hindi niya binibigyang pansin at patuloy lang siya sa kaniyang paglalakad, bahagyang namumula ang mga mata ni Maya dahil sa kaniyang pag-iyak. Nasasaktan siyang nagalit si YoRi sa kaniya, at hindi niya masisisi kung bakit. Kasalanan niya ang nangyari, kung hindi siya naging atribida at inayang lumabas ang kambal ay hindi sana malalagay sa panganib ang mga ito. Tumigil si Maya sa kaniyang paglalakad at bahagyang umupo sa may tabi ng kalsada, bahagyang nakatulala lang si Maya ng bumalik sa isipan niya ang galit na nakita niya sa mukha ni YoRi para sa kaniya na labis na naapektuhan ang puso niya. *FLASHBACK* "Do you know what you just fvcking did!? Hindi porke't may nalaman ka ay may gagawin ka dahil lang sa ginusto mo!" malamig na sigaw ni YoRi kay Maya na nagulat sa nakikitang galit kay YoRi habang randam niya ang pag-iinit ng mga mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha. "Hi-hindi ko naman kasi alam---" "Ano bang alam mo?! I brought you here not to fvcking put the quadruplets in a fvcking danger! Bakit ba ang pakialamera mo!" "Y-Yo..." "Leave. I don't want a troublesome woman here in my house, so fvcking leave." walang emosyon na taboy ni YoRi *END OF FLASHBACK* “Kasalanan ko ang nangyari, kung hindi ko inilabas ang mga quadruplets…”mahinang sambit ni Maya hindi na naman niya napigilan ang mga luha niya. “Ga-galit siya akin…galit si Yo sa akin…”lumuluhang ani pa ni Maya na ikidukmo niya sa pagitan ng kaniyang mga tuhod at tahimik na umiiyak sa kinauupuan niya. Narinig ni Maya na may sasakyan na tumigil sa harapan niya pero hindi niya binigyang pansin. “Maya?” Dahan-dahan na itinunghay ni Maya ang kaniyang ulunan ng makita niya ang isang pares ng paa sa kaniyang harapan, pagtingala ni Maya ay guwapong mukha ni Leroi ang nakita niya. “Leroi…” “What the hell are your doi—what the fvck?!” Agad na lumuhod si Leroi sa harapan ni Maya at agad tiningnan ang kanang braso ni Maya na dumudugo bago binaling ang tingin kay Maya na lumuluha. “Saan mo nakuha ang sugat na ‘to Maya? This wounds comes from a bullet! Who did this?!” mga tanong ni Leroi na hindi mapigilang mag-alala kay Maya. “Leroi…ang s-sakit…”iyak na tawag ni Maya kay Leroi na mahinang ikinamura ni Leroi bago pa bridal style na binuhat si Maya at agad na ipinasok sa kaniyang kotse. Nang maisakay na ni Leroi si Maya sa katabing upuan ng driver seat ay mabilis ang kilos ni Leroi at agad pumunta sa driver seat. Agad niyang sinuotan ng seatbelt si Maya na nakayukong umiiyak lang bago niya binaling ang tingin niya sa kanang braso ni Maya. Agad na hinawakan ni Leroi ang laylayan ng branded niyang tshirt at sinira ang ibaba nito bago kinuha ang kanang braso ni Maya at inalis ang pagkakatakip ni Maya dito na lumingon sa kaniya. “Once I treated your wound, tell me sino ang may gawa nito sayo.” Seryosong saad ni Leroi na binalingan ng tingin si Maya na bahagyang nagtiim ng panga nito habang tinatali sa sugat ni Maya ang sinira niyang tela sa damit niya. “I won’t let anyone hurt you like this, Maya.” Sambit ni Leroi bago ibinaling na ang tingin sa kalsada at pinaandar ang kotse niya paalis. Binilisan ni Leroi ang pagmamaneho niya, trenta minutos na biyahe nila ng itigil ni Leroi ang kotse niya sa tapat ng isang clinic at agad bumaba ng kotse niya. Mabilis na tinungo ni Leroi ang kabilang pintuan ng kotse niya at pinagbuksan si Maya, siya na ang nag-alis ng seatbelt nito at akmang muli niyang bubuhatin si Maya ng pigilan siya nito. “K-Kaya ko namang maglakad.” Mahinang ani ni Maya na dahan-dahan ng bumaba sa kotse ng p********e niya ay nagulat siya at agad napahawak sa balikat ni Leroi ng buhatin siya nitong muli ng pa bridal style. “You’re injured.”seryosong ani ni Leroi na nagsimula ng maglakad. “Pero braso ko lang naman ang may sugat…” “So? You’re still injured.” Sagot ni Leroi kay Maya hanggang makapasok sila sa clinic na pinuntahan nila ni Leroi kung saan bahagyang iginala ni Maya ang tingin niya sa loob ng clinic. “Gozon? Anong hangin ang nagdala sayo dito?” Agad napalingon si Maya sa isang lalaking naka lab coat na kakalabas lang ng isang pintuan na napalingon sa kaniya. “Leroi Gozon is carrying a woman in his arms, girlfriend?” ngising ani ng lalaki na ikinaalis ng tingin ni Maya dito dahil bahagya siyang nakaramdam ng kaunting hiya. “L-Leroi ibaba mo na ako…”mahinang request ni maya kaya dahan-dahan siyang ibinaba ni Leroi sa sahig. “It’s your fvcking lunch time right? Let me use your clinic.”seryosong ani ni Leroi na ikinalingon ni Maya dito. “Ang abusado mo naman Gozon, parang noong mga nakaraang buwan ay dito din kayo pumunta nina El Diente para ipagamot ang mga sugat niyo sa likod na binigay sa inyo ng mga cartier ni Valdemor para sa emperor niyo. Ngayon naman nagdala ka ng baba—“ “Ipapahiram mo ba ang clinic mo sa akin o hindi?” seryosong putol ni Leroi dito na bahagyang ikinabuga nito ng hangin at nagpamewang. “Oo na, ikaw na muna ang bahala dito. Alam mo naman kung saan mga nakalagay ang kailangan mo.” Ani nito na napapailing kay Leroi habang inaalis nito ang lab coat at isinabit sa sabitan nito. “Ipapaalala ko din sa’yo na wala na ako sa underground, hindi na ako nabibilang sa inyo kaya huwag niyo akong masyadong istorbohin.” Saad nito na naglakad na palapit sa pintuan. “Pakisabi pala kay Natievez na huwag na siyang balik ng balik dito sa clinic ko o tumambay sa harapan ng pent house ko. Hindi na ako babalik sa underground, malaki ang isinuko ko para hayaan akong umalis ng head founder. Isa pa, isang emperor lang ng north bound ang paglilingkuran ko at hindi Westaria ‘yun. Si emperor Ahmon lang ang ituturing kong lider ng us.” Pahayag nito bago tuluyang lumabas ng clinic nito. Naiwan sina Maya at Leroi sa loob ng clinic nito ng hawakan ni Leroi si Maya at iupo sa upuan bago kinuha ang mga kailanga niya para gamutin ang sugat ni Maya. “Kaibigan mo?” tanong ni Maya kay Leroi. “No, but I know him.” “Bakit hindi mo nabanggit sa akin noon na kasali ka pala sa underground kung saan kasali din si Y-Yo.”ani ni Maya na pakiramdam niya ay may bumabara sa lalamunan niya pag si YoRi ang iniisip niya. “Dahil hindi mo naman kailangang malaman na kasali ako sa isang delikadong lugar, the reason bakit hindi ako masyadong lumalapit sayo dahil ayokong ikaw ang maging target ng mga nakalaban ko. And yeah, parehas kami ng bound na kinabibilangan ni Ringfer.” Sagot ni Leroi ng umupo na ito sa harapan ni Maya at inilapag sa mesa ang mga nakuha nitong gamit. “Let me see your wound.” Saad ni Leroi na walang nagawa si Maya kundi ang ibigay kay Leroi ang kanang kbraso niya. Agad tinanggal ni Leroi ang tela ng sinira niyang damit sa braso ni Maya at agad sinuri ang daplis ng balang natamo ni Maya. “Saan mo nakuha ang sugat na ‘to?” tanong ni Leroi habang nakatutok ang tingin nito sa sugat ni Maya bago kumuha ng bulak na nilagyan niya ng kaunting alcohol para linisin ang sugat sa braso ni Maya na bahagyang napaigik dahil sa hapdi ng alcohol, na ikinalingon ni Leroi sa kaniya. “Stay still, tiisin mo ang kirot.” Ani ni Leroi na binalik ang atensyon sa paglilinis ng sugat ni Maya. “Ka-kaya ko namang linisin ang suga---“ “Tell me where did you get this? Answer honestly…”putol na ani ni Leroi habang maingat ng ginagawa ang paglilinis sa sugat ni Maya. “W-wala lang naman ‘to… “This is not just a fvcking nothing, Maya, this wounds came from a bullet, I know that. Kaya sabihin mo sa akin sino ang may gawa nito sayo?” seryosong sita ni Leroi kay Maya. “Hi-hindi ko sila kilala, b-basta pinaulanan nalang kami ng bal---“ “Kami? May kasama ka?” muling putol ni Leroi kay Maya na nakatingin na muli sa kaniya. Ayaw man sabihin ni Maya ang mga nangyari kay Leroi ay alam niyang ngayong kasama niya ito at hindi siya nito tatantanan kakatanong kung anong nangyari sa kaniya. Dahan-dahan na tumango si Maya at pinipigilan na umiyak sa harapan ni Leroi. “Sino? Si Ringfer?” “Hi-hindi, qua-quadruplets na nasa poder ni Yo ang m-mga kasama ko. I-inilabas ko sila kasi sa ba-bahay ni Yo, tapos may dumating na mga naka helicopter at pinaulanan kami ng ng bala, hindi ko naman alam na mangyayari ‘yun…” pagkukwento ni Maya na nangingilid na naman ang mga luha sa mga mata nito. “Muntik ng malagay sa alanganin ang buhay mo because of Ringfer, Maya.” Seryosong ani ni Leroi na agad ikinailing ni Maya. “Hi-Hindi, nagkakamali ka Leroi. Kasalanan ko, kung hindi ko inilabas ang quadruplest hindi sila malalagay sa panganib, ako ang may kasalanan. Naiintindihan ko na nagalit siya sa akin, dahil kasal---“ “He gets mad at you knowing that you’re fvcking wounded?!” may galit sa tinig ni Leroi na ikinahawak ni Maya sa kanang braso ni Leroi. “H-Huwag kang magalit sa kaniya…” “You fall in love with a wrong fvcking person, Maya, can’t you see that?” ani ni Leroi na ikinapatak na ng mga luha ni Maya. “A-anong magagawa ko? Hindi ko naman ginusto na sa kaniya mahulog ang puso ko eh, hindi ko naman ginusto na mahalin si Yo. A-Ayan tuloy, ang sakit-sakit kasi na-nagalit s-sya sa akin da-dahil sa ginawa ko. M-masakit sa dibdib ko na makita ang galit niya para sa akin…” humihikbing iyak ni Maya na ikinatitig ni Leroi sa kaniya. “Why did you fall for him?” sambit ni Leroi na ikinapunas niya sa mga luha ni Maya. “Don’t cry, hindi mo siya kailangan iyakan.”ani ni Leroi na tinuloy ang pangagamot sa sugat ni Maya. “Masakit pa ba ang braso mo?”pagbabagong tanong ni Leroi. “Hindi na masyado.” Sagot ni Maya habang nakatingin siya kay Leroi na naka focus sa pag gagamot ng sugat niya. Biglang pumasok sa isipan ni Maya na kung hindi siya nahulog kay YoRi, alam niyang kikiligin siya sa ganitong senaryo nila ni Leroi. Si Leroi ang unang lalaking nagustuhan niya, dito unang tumibok ang puso niya pero ng makilala niya si Yo, hindi inasahan ni Maya na mabilis na mapapalitan ang nararamdaman niya kay Leroi. At gustong tawanan ni Maya ang kaniyang sarili dahil sa lahat ng lalaking puwedeng mapagtibok ng mas mabilis sa kaniyang puso ay sa lalaki pang malamig pa sa yelo at hindi siya mamahalin kahit gusto siya nito. Dahil naniniwala si Maya na malaki ang pagkaka-iba ng gusto kita sa mahal kita. “P-Paano mo ko nakita?” tanong ni Maya kay Leroi na kakatapos lang na lagyan ng gasa ang sugat niya bago lagyan ng clinical tape. “I’m going somewhere when I saw you walking then sitting in the sidewalks. Maya, I know that you love Ringfer, but he doesn’t have the capability of falling in love. Can you avoid him? I know it will be hard for you, but you need to avoid him bago pa mas lumala ang puwede pang mangyari sayo.”seryosong pahayag ni Leroi. “Pa-paano? Hindi ko nga alam paano ko siya minahal eh, kay mas lalong wala akong ideya paano ko aalisin ang nararamdaman sa kaniya.” Sagot ni Maya kay Leroi na deretsong nakatitig sa kaniya. “Then try to fall in love with other man.”seryosong suhestiyon ni Leroi na ikinasalubong ng kilay ni Maya. “Paano ko naman gagawin ang sinasabi mo? Tsaka kanino naman ako dapat mahulog?” “Me.” Deretsahang saad ni Leroi na ikinawalan ng imik ni Maya habang nakatingin kay Leroi. “Why don’t you try to fall in love with me, Maya, fall for me and I won’t hesitate to catch you. Because I’m in love with you since we’ve met at the event were we first met.” Seryosong pag-amin ni Leroi na dahan-dahan na ikinalaki ng mga mata ni Maya kay Leroi. “Think about that, for now I will take you home.” Ani ni Leroi na tumayo na sa kinauupuan nito at inilahad ang kanang kamay nito kay Maya na hindi parin makapaniwala na nakatingin kay Leroi dahil sa pag-amin na ginawa nito sa kaniya. Ehhh?! Ma-Mahal ako ni Leroi?! Gulat na bulaslas ni Maya sa kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD