Chapter 42: COLD HEARTED MODE

2961 Words
Chapter 42- COLD HEARTED MODE SERIES 12: YO RINGFER TULALA lang si Maya sa pagkakahiga niya sa kaniyang kama habang pabalik-balik sa isipan niya ang hindi niya inaasahan na pag-amin ni Leroi sa kaniya, agad na napabangon si Maya sa kaniyang pagkakahiga na bahagya niyang ikinangiwi ng kumirot ang kanang braso niya na ginamit ni Leroi. Napahawak si Maya sa kanang braso niya pero agad muling sumingit sa isipan niya si Leroi. “T-Totoo kaya ang sinabi ni Leroi sa akin? Ma-Mahal nga ba niya ako? Se-seryoso kaya siya sa mga sinabi niya?” mga tanong ni Maya sa kaniyang isipan ng biglang mukha naman ni YoRi na galit sa kaniya ang biglang pumasok sa isipan niya. Agad na bumangon si Maya sa kaniyang pagkakahiga at agad na lumabas sa kaniyang kuwarto at dere-deretsong nagpunta sa kaniyang kusina. Kumuha si Maya ng tubig at agad iyon na ininom. “Parang sasakit ang ulo ko sa isang araw na nangyari sa akin, una si Yo ngayon naman si Leroi. Kung mahal niya na ako una palang bakit ngayon lang siya umamin? Kung sinabi niya agad sa akin, edi sana…edi sana hindi ako nasasaktan ngayon sa nararamdaman ko para kay Yo na walang patutunguhan.” Saad ni Maya na napabuntong hininga. Umalis si Maya sa kusina at naglakad palabas ng kaniyang apartment, pakiramdam ni Maya ay kailangan niya ng sariwang hangin para ihinga ang halo-halo niyang nararamdaman. Sakit na dulot ni Yo at gulat dulot ng pag-amin ni Leroi. “Bakit ba nangyayari sa akin it---“ hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng makita niya ang isang motorbike na mabilis na dumaan sa harapan ng apartment niya. Sinundan ni Maya ng tingin ang itim na motorbike hanggang makita niyang tumigil iyon sa apartment ni YoRi. Nakatingin lang si Maya ng mapatitig ssiya ng makita si YoRi ang nakasakay sa motorbike, parang may sariling mga paa si Maya na mabilis na naglakad palapit kay YoRi na kababa lang ng motorbike nito. “Y-Yo…” tawag ni Maya kay YoRi habang kumakabog sa kaba ang kaniyang dibdib. Parang bumagsak ang balikat ni Maya ng ibaling ni YoRi ang tingin nito sa kaniya na may mas kalamigan sa nauna niyang nakita ng makilala niya ito. Hindi ito naimik habang walang emosyon na nakatingin sa kaniya. “Gu-gusto k-ko lang s-sana humingi ulit ng sorry sa ginawa ko, hi-hindi ko lang talaga alam na ganun kadelikado na ilabas ang quadruplets. Ka-kasalanan ko na muntik na silang mapahamak, ka-kaya naiintindihan ko na galit ka sa akin. Sorry…” kabadong paghingi ng tawad ni Maya kay YoRi. “You won’t understand anything, woman.” Malamig na pahayag ni YoRi na akmang papasok sa apartment nito ng wala sa sariling hinawakan ni Maya ang braso nito. “So-sorry talaga, sorry…” nagpipigil na iyak ni Maya kay YoRi na inalis ang kamay niya sa pagkakahawak nito sa braso nito. “Your fvcking sorry can’t change the fvcking fact that you put the quadruplets in danger, why am I even brought you in my house?” walang emosyon na ani ni YoRi na deretso ng pumasok sa apartment niya na hindi man lang binibigyan ng tingin si Maya at agad sinara ang pintuan. Naiwang nakatayo sa labas si Maya sa tapat ng pintuan ni YoRi habang lumalandas na ang mga luha sa mga mata ni Maya dahil sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay tinutusok ng maliliit na karayon ang puso niya sa napakalamig na pakikitungo at pakikipag-usap ni YoRi sa kaniya. Pigil ni Maya ang sarili na mapahagulgol sa pag-iyak na tumalikod at nagsimula ng maglakad pabalik sa apartment niya. Nakatulugan nalang ni Maya ang kaniyang pag-iyak ng dahil kay YoRi, pag gising ni Maya ay ramdam niya ang sakit ng kaniyang mga mata. Bumangon siya sa kama niya na parang nanlalambot, pakiramdam ni Maya ay tinakasan siya ng lakas dahil sa nangyari kagabi sa kanilang dalawa ni YoRi. Pero kahit mabigat ang nararamdaman ni Maya ay pinilit niyang bumangon at ginawa ang morning routine niya para pumasok na sa restaurant niya. Nang handa na siya ay lumabas na siya sa apartment niya ng mapalingon siya sa apartment ni YoRi na may ibang mga taong naroon at nagbaba ng gamit. Dahil sa pagtataka ay agad tinungo ni Maya ang apartment ni YoRi kung saan nakikita niyang isa-isang pinapasok sa loob ang mga gamit. “E-excuse me po?” agaw pansin na tawag ni Maya sa isang lalaking nagbubuhat ng gamit sa loob ng apartment ni YoRi. “Bakit miss?” “Pu-Puwede ko po bang malaman kung bakit nagpapasok kayo ng mga gamit sa loob ng apartment na ‘yan?” tanong ni Maya. “May bago na kasing titira dito, kagabi kasi ay naging bakante na ito at itinawag agad ng may –ari ng apartment sa bagong titira dito.”sagot ng lalaki na ikinagulat ni Maya. Mabilis na tumakbo si Maya palayo habang naguguluhan kung bakit biglang lumipat at umalis si YoRi sa apartment nito. Madaming pumapasok sa isipan ni Maya sa mga oras na ‘yun, at isa na doon na maaring ang rason ay dahil sa kaniya. Parang bumigat ang pakiramdam ni Maya sa isipin na ‘yun, ng makahanap ng taxi si Maya ay agad siyang sumakay doon. Kalahating oras ng biyahe niya ng makarating na siya sa tapat ng La Cuisine Russiano. Gustong malaman ni Maya bakit biglaan ang pag-alis ni YoRi sa apartment nito, nang makababa na siya sa taxi ay dere-deretso siyang pumasok sa loob ng La Cuisine kung saan agad siyang nakita ni Aria. “Maya?”tawag nito kay Maya na agad niyang nilapitan. “A-Aria, na-narito na ba ang boss mo?” agad na tanong ni Maya. “Kakarating lang ni chef Yo sa opisina niya, pero ang alam ko aalis din siya dahil may lakad sila ngayon ng mga kaibigan niya.” Sagot ni Aria na ikinatango ni Maya. “Sa-Salamat…”ani ni Maya na mabilis na ikinalakad ni Maya papunta sa opisina ni YoRi ng malapit na siya ay siyang bukas naman ng pintuan kung saan si YoRi agad ang unang tumambad sa kaniya at sa likuran nito ay ang dalawa nitong kaibigan na si Sergio at Demon. “Oh? I know you? Maya right?” ani ba saad ni Demon kay Maya na kay YoRi nakatingin. “What are you doing here?” malamig na tanong ni Maya na ikinalingon ni Sergio at Demon kay YoRi na agad nilang pansin ang mas malamig na pakikitungo ni YoRi kay Maya. “Ba-bakit? Bakit umalis ka na sa apartment mo? Dahil ba sa akin?” deretsahang sagot ni Maya kay YoRi. “Yes, I don’t want to see a troublesome woman like you.”walang emosyon na sagot ni Leroi na agad ikinapiga ng puso ni Maya. “Oi Ringfer.”sita ni Demon na ikinalapit ni YoRi kay Maya habang magkatagpo ang kanilang mga tingin. “Don’t ever put your feet again inside my premises, if you don’t understand that---“ “---nauunawaan ko, na-narinig ko ang sinabi mo. Pa-pasensya na at sorry ulit, sorry da-dahil ipinahamak ko ang q---“ “Then just your mouth if you understand what I’m saying.” Malamig na putol ni YoRi na agad ng nilagpasan si Maya na napakagat sa kaniyang labi dahil pagpipigil ng iyak nito. Naguguluhang nagkatinginan sina Sergio at Demon sa nasaksihan nila kay YoRi, agad nilang sinundan si YoRi. Napahawak si Maya sa tapat ng kaniyang dibdib dahil pakiramdam niya ay naninikip iyon, agad ng patakbong umalis si Maya palabas ng La Cuisine kung saan nilagpasan niya pa si YoRi at sin Demon na papalapit palang sa kotse na sasakyan ng mga ito. Nang makapasok si Maya sa kaniyang restaurant ay binati siya ng mga staff niya pero hindi niya binigyang pansin. Dederetso sana si Maya sa kaniyang opisina ng matigilan siya ng makasalubong niya si Misha. “Oh? Bakit ngayon ka lang? Alam kong madalang nalang ulit ang mga nagiging costum---“ Hindi natapos ni Misha ang sasabihin niya ng magulat siya ng yakapin siya ni Maya ng mahigpit at umiyak sa kaniyang dibdib, ramdam niya ang sakit sa bawat iyak ni Maya. “Maya…” SA BIYAHE ay tahimik naman si YoRi sa backseat habang si Sergio ang nagmamaneho at si Demon ang katabi nito. Pabalik-balik ng tingin si Sergio sa rear mirror upang tingnan si YoRi na nakadekwatro sa kinauupuan nito. “Ringfer, matanong ko nga. Bakit ganun ang pakikitungo mo kanina kay Maya? Akala ko ba like mo siya pero bakit parang hindi naman?” kyuryosidad na tanong ni Sergio kay YoRi na sa bintana nakatuon ang atensyon. “It doesn’t mean I like her is I will do the same of your attentions like you all have to your wives.” Malamig na ani ni YoRi na ikinangisi ni Demon. “Ibig sabihin, interesado ka lang kay Maya pero walang romantic feelings kang nararamdaman sa kaniya, mahirap ‘yan Ringfer.” Kumento ni Demon na malamig ang tingin na ikinalingon ni YoRi sa kanila. “Romantic feeling? I don’t have such feelings towards her.” Walang emosyon na ani ni Leroi. “Sigurado ka? Pero ayaw mo palapitin kay Gozon si Maya? Anong tawag mo dun, Ringfer?” ani na tanong ni Demon na walang emosyon na ikinatingin ni YoRi sa rear mirro. “Nothing.” “Payong kaibigan lang Ringfer, siguro wala kang nararamdaman kay Maya na katulad sa nararamdaman namin sa aming mga asawa, pero isipin mong mabuti kung ‘yan talaga ang nararamdaman para kay Maya. Alam namin na mahirap sayo na magmahal, you’re always cold and emotionless pero ikaw din, pag si Gozon kumilos ang pinagkaka interesan mo ay baka mawala sa mga mata mo.” Ani ni Demon na hindi sinagot ni YoRi at inalis ang malamig nitong tingin sa kaniya. “For sure nasaktan mo si Maya sa mga sinabi mo, baka nga umiiyak ‘yun ngayon. Pero bakit nga ba iiyak at masasaktan si Maya kung wala naman siyang nararamdaman sayo, pero tao parin si Maya, below the belt ang huling sinabi mo sa kaniya.” Pahayag ni Sergio na mahinang napamura ng makaramdam ng malakas na sipa ng likuran ng upuan niya bago nilingon si YoRi na patay malisya na parang walang ginawa. “Sinipa mo ba ako Ringfer?” “Why would I?” malamig at walang emosyon na sagot ni YoRi kay Sergio na napakunot nalang ang noo at binalik ang tingin sa unahan. “Change topic tayo, mukhang hindi rin naman tayo bibigyan ng matinong sagot ni Ringfer about sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Maya. Deretso na tayo sa daungan para sa pagpunta natin sa Bangkok para personal na sadyain si Li Jinshi para tanungin tungkol sa mga sindikato na nag-aangkat ng mga babae mula sa pilipinas papuntang Lithuanian. I’m sure naroon na ang iba.” Pahayag ni Demon. “Nagtataka na ako Mondragon II, bigay ng bigay ng trabaho ang head founder sa atin. Hindi pa nga natin nahahanap si Saulo Tieves tapos ngayon maghahanap tayo ng information about sa sindikato nakumukuha ng mga babae para ibenta. Anong kinalaman ng sindikato na ‘yun sa u.s?” takang tanong ni Sergio na tuluyan ng nabago ang kanilang usapan. “Malalaman natin ang kasagutan na ‘yan pag nakaharap na natin si Li Jinshi, lahat tayo aalis kaya mga kabanda muna ulit ni Ynarez ang titingin-tingin sa kaniya.”ani na sagot ni Demon. Sa biyahe nila ay sila lang dalawa ang nag-uusap, tahimik lang si YoRi sa kinauupuan niya at sa sa labas ng binatna ulit nakatutok ang atensyon niya. Isang oras na biyahe ay nakarating na sina YoRi sa daungan, sabay-sabay silang bumaba ng kotse kung saan naghihintay ang ibang Phantoms sa kanila maliban kina Taz at Lu na nasa biyahe palang papunta sa daungan. “Kamusta ang pagsundo ng dalawa sayo Ringfer?” ngising tanong ni Paxton kay YoRi. “Hindi maganda, hindi kaya namin siya nakita sa barn niya kaya dumaretso kami sa restaurant niya. Nag-abala na nga kami na sunduin siya ni Fritz wala man lang thank you.” Angal ni Demon nang makalapit na sila kina Paxton. “Kailan niyo ba naringan si Ringfer na pasasalamat? Baka mamaga tenga niyo kakahintay wala din naman kayong maririnig.”kumento ni ToV. “Bagong misyon na naman ang gagawin natin, pahinga muna sa paghahanap kay Saulo Tieves na ayaw magpahanap. Nababawasan na ang me time ko sa asawa ko, baka itakwil na ako ng Maria ko.” pahayag ni Travis. “Kung makapag reklamo ka Amadeus parang ikaw lang ang nawawalan ng me time sa asawa ah? Alalahanin mo, minus Ynarez at Ringfer lahat tayo mga may asawa na hindi lang ikaw.” Sita ni Tad. “Pasalamat nalang tayo mga understanding ang mga asawa natin, they understand the nature of what we are doing basta…” “Huwag tayong uuwing lasog-lasog ang katawan sa kanila, mas mahalaga ‘yun sa kanila.” Pagtutuloy ni Ford sa sasabihin ni Balance. “But even our wives understand what we’re doing, alam nating hindi maalis sa kanila na mag-alala o matakot sa lahat ng mga lakad natin. “Kaya sa lahat ng misyon natin, tandaan niyo Phantoms na walang malalang masasaktan sa atin.”ani ni Paxton sa kanila. “Sino lang ba ang habulin ng disgrasya sa grupo? Kung hindi si Fritz, si Amadues.”ngising ani ni Demon na sabay nilingon ng dalawa sa kaniya. “Ang lakas ng apog mong mag pin point Mondragon II ah, sayang-saya kang banggitin epilyido ko.” sita ni Fritz na mas ikinangisi lang ni Demon. “Akala mo siya hindi habulin ng kawit ni kamatayan, sipain ko kaya gums mong gago ka.” Singhal naman ni Travis. “Saulo ko na ganitong senaryo, wala ng pagbabago.” Naiiling na kumento ni ToV na ikinangiti lang ni LAY habang tahimik lang si Devil sa puwesto nito at si YoRi na hawak-hawak na ang cellphone nito. “Phantom Dx Gang, the play toy and entertainment of underground Society head founder, Valdemor.” Sabay-sabay na napalingon sina Paxton sa isang container di kalayuan sa kanila kung saan nakaupo doon ang isang lalaking nakamaskara na sabay-sabay nilang naramdaman ang kakaibang awra nito. At nakikilala nila ang lalaking nakaupo sa may container, hindi man sa mukha pero tandang-tanda nila lalo na si Tad ang presensya ng lalaking nakikita nila. “Ikaw si Omega tama? Ikaw ang nagsadya kay Valdemor at ikaw ang nakausap ko sa ospital ko.” ani na bulaslas ni Tad na rinig nilang ikinatawa nito. “May matalas kang isipan para matandaan ako, nice meeting you again, Phantoms. Mukhang may lakad kayo, mission given by Valdemor?” ani nito na ramdam nina Paxton ang mapanganib nitong awra, habang si YoRi ay tahimik lang na nakatitig ito. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Devil. “What am I doing here? Namamasyal lang.”sagot nito na alam nina Devil na pinaglalaruan sila ng sagot nito sa kanila nila. “Anyway, nagkataon lang naman na narito kayo sa daungan kung saan din may yate akong sasakyan ko papuntang Bangkok.” Ani pa nito ng mapalingon sina YoRi na kakarating lang na mga tauhan ni Omega na natatandaan ni Tad, si Sigma at Zero na nakikilala din ni ToV na bahagyang ikinagulat nito dahil nasa pangangalaga parin nito ang ama ng asawa nitong si Karina. “Paano ba ‘yan mukhang mauuna na akong umalis sa inyo, good luck.” Saad ni Omega ng patalon itong umalis sa pagkaka-upo nito sa container na smooth na nakalapag sa semento. Nagkasalubong naman agad ang mga kilay ni Paxton na agad hinawakan ang kanang kamay ni Omega ng maglakad ito palampas sa kaniya. Kikilos sana sina Sigma sa ginawa ni Paxton pero pinigilan iyon ni Omega gamit ang pag signal lang nito sa dalawa. “Bakit may kaparehas kang bracelet ng isa sa kaibigan namin? Parehas na parehas sa bracelet ni Ynarez.” Seryosong aning tanong ni Paxton ng itaas nito ang hawak na braso ni Omega kung saan nakikita din nina Demon ang bracelet na tinutukoy ni Paxton. “Sa pagkaka-alam ko limited lang ang ganiyang bracelet, pero kung titingnan mong mabuti kamukhang-kamukha talaga ng suot ni Ynarez.” Pahayag ni Demon. “Really? Oooh, then your friend was the second one who bought the same bracelet as mine.” Kalmadong sagot nito na ikinangisi ni Paxton habang nakatingin lang sina YoRi sa mga ito. “Really kahit iisang ganiyang design ang nilabas ng company na naglabas ng ganiyang design ng bracelet? Hindi sila gumawa ng other replica tulad ng pinagyabang ni Ynarez ng ipakita ‘yan sa amin ng gagong ‘yun. At sa pagkakatanda ko, Ynarez never take off that bracelet kaya bakit may ganito kang bracelet na alam kong hindi replica.” Seryosong pahayag ni Paxton kay Omega habang nakatitig siya sa maskara na nakasuot dito. “Teka Ignacio, anong ibig sabihin ng sinasabi mo? Sinasabi mo bang maaring si Omega ay si Yna---“ Hindi natuloy ni Tad ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone nito kung saan si Doc Prima ang tumatawag na agad nitong sinagot. “Hello Doc Prima, busy ako ngayon kaya tsaka nalang tayo mag-usap dahi---“ “Isa itong himala Doc. Han, gising na ang kaibigan mo and this time totoo na!” “What?!” kunot noong may gulat na ani ni Tad na ikinalingon niya kina Paxton na hindi binibitawan si Omega. “Si-Sigurado ka ba Doc Prima?” “Ba-Bakit parang a-ayaw mo yata na magising ako, Han? Nakakadurog naman kayo ng damdamin…” Mas nanlaki ang mga mata ni Tad ng mismong marinig niya sa kabilang linya ang boses ni Blue. “Ynarez?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD