PAGKAPARADA ni YoRi sa kaniyang Ducati 1299 Panigle R Final Edition black matte motorbike sa tapat ng kaniyang bahay ay agad siyang bumaba doon at deretsong nilakad ang papuntang pintuan. Kakalapit niya pa lang sa may pintuan ng magbukas iyon salubungin siya ni Alexa ang kakambal ni Alexei na malawak ang ngiting sumalubong sa kaniya.
“Vashe Velichestvo! (Your Majesty!)” masayang bati ni Alexa kay YoRi na walang salitang dumaretso ng pagpasok sa loob ng bahay nito na minsan niya lang uwian.
Agad sinara ni Alexa ang pintuan at sinundan si YoRi na dere-deretsong umakyat sa hagdanan.
“Natutulog pa kamahalan ang quadruplets, si Valerius naman ay sandaling lumabas dahil tumawag si Alexei sa kaniya.” Pagbibigay alam ni Alexa kay YoRi.
“Why are you not at your place in the restaurant?” malamig na tanong ni YoRi habang tuloy-tuloy ito sa paglalakad sa hallway sa ikalawang palapag.
“Alexei called me last night your highness, he told me na huwag munang pumasok at ako muna ang maiwan sa quadruplets. Mabuti nga at hindi pa nagigising ang apat na makukulit na ‘yu---“
“Prepare them their breakfast, they’ll start to annoy you if they don’t see a meal for them.”malamig na putol ni YoRi kay Alexa na mahinang napamura bago mabilis na patakbong iniwan si YoRi upang bumaba ng second floor upang maghanda ng umagahan para sa apat na apon ni YoRi.
Pagkarating ni YoRi sa kaniyang silid ay deretso siyang nagpunta sa banyo at naligo, hindi siya sa barn umuwi dahil mas mauuna niyang madaanan ang lugar ng bahay niya. Agad hinubad ni YoRi ang kaniyang mga suot at agad na umilalim sa shower niya at Binuksan iyon dahilan upang bumagsak na sa kaniya ang tubig at tuluyan na siyang nabasa,
YoRi stay under his shower, while his two hands are placed in the wall. Nakayuko lang si YoRi habang nakatutoik ang malamig niyang tingin sa sahig habang ang maamong mukha ni Maya ang nasa isipan niya. YoRi is not dumb not to know what is happening to him when it comes with Maya, pero hindi niya alam bakit ganito siya dito. Malakas ang nagiging hatak ni Maya sa kaniya kaya may pagkakataon na pag malapit ito sa kaniya, he can’t control his urge to kiss Maya’s soft lips. He knows the idea of what’s happening to him, and he doesn’t want to entertain it most especially that his time is running out.
Nilakasan ni YoRi ang shower niya upang maalis sa isip niya si Maya, ayaw ni YoRi na may puwedeng maging distraksyon sa kaniya para sa mga dapat niyang gawin, pero minsan ay hindi niya maiwasang madistract lalo na pag nakikita na niya si Maya.
Matapos ang pagbababad ni YoRi sa shower ay agad na siyang lumabas ng banyo at deretsong pumasok sa malawak niyang closet, simpleng tshirt, pants na hindi branded ang sinuot niya para sa pagpunta niya sa bahay ng kaniyang magulang. Sa closet ni YoRi ay hiwalay ang mga branded shirt at local shirt na sinusuot niya. Nang makapagbihis na si YoRi ay lumabas na siya ng closet niya ng paglabas niya ay bumungad ang isang lalaking prenteng nakaupo sa kama niya na tumayo ng makita siya at bahagyang yumukod sa harapan niya.
“Vashe Vysochestvo, ya prishel syuda za informatsiyey, kotoruyu sobral vo dvortse. (Your Highness, I came here for the information I collected in the palace.)” saad nito naikinalakad ni YoRi sa may bintana ng kuwarto niya kung saan dumaan ang isa sa loyal niyang tauhan na palihim na pinagmamasid niya sa palasyo sa Russia. Si Marco Leone, ang isa sa guard niyang ayaw maging bantay ng quadruplets.
“govorit. (Speak.)”
“Koroleva-imperatritsa teper' prosit korolya prikazat' vam vernut'sya vo dvorets. (The Queen Empress now asks the King to order you to return to the palace.)”pagbibigay alam ni Marco na walang emosyon ang mga ekspresyon ng mukha ni YoRi habang nakatutok ang tingin nito sa labas ng bintana.
“Posle togo, kak ona skazala etomu stariku spryatat' menya, kak zapretnogo rebenka, teper' ona prosit menya vernut'sya? Litsemer. (After she told that old man to hide me like I was a damn forbidden child, now she's asking me to come back? Hypocrite.)” walang emosyon na pahayag ni YoRi na binaling ang malamig na tingin kay Marco.
“How about my biological mother?”
“Forgive me your majesty, I can’t still find a clue about the queen.”sagot ni Marco na ikinalakad ni YoRi papunta sa pintuan ng kuwarto niya.
“Keep searching.”
“As you wish your majesty.”pagkakayukong ani ni Marco bago tuluyang lumabas si YoRi sa kuwarto niya at muling naglakad sa hallway ng bumukas ang pintuan ng kuwarto ng kambal at lumabas doon si Junpei na halatang bagong gising.
Dere-deretso lang si YoRi sa kaniyang paglalakad hanggang lagpasan niya si Junpei na napalingon sa kaniya at nanlaki ang mga mata na hinabol siya.
“Kuya Yo! Dito ka po ba natulog kagabi?” masayang tanong ni Junpei.
“No.”
“Kung ganun umuwi lang po kayo ngayon, aalis rin po ba kayo?”tanong pa nito.
“Yes.”
“Hindi ka po ba mag stay sa bahay? Namimiss na po namin ang stake na niluluto niyo para sa aming apat.”ani ni Junpei.
Hanggat maari ayaw ma-attached ni YoRi sa quadruplets dahil ibabalik niya ito sa dapat na lugar kung nasaan ito, bago magdesisyon ang kaniyang ama na pabalikin siya sa Russia ay sisiguraduhin muna ni YoRi na maibabalik sa quadruplets ang trono na dapat sa kanilang apat.
“Ask Alexa.” Malamig na ni ni YoRi na dere-deretso ng bumaba ng hagdanan kaya tumigil na si Junpei sa pagsunod dito na nalungkot sa kinatatayuan nito.
Nang makababa na si YoRi sa hagdanan ay dere-deretso narin siyang naglakad palabas ng bahay niya at hindi na pinakinggan o binigyang pansin ang pagtawag ni Alexa sa kaniya na abala sa pagluluto sa kusina. Nang makalabas na si YoRi ay siyang pagtunog ng cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay wala siyang choice kundi sagutin iyon dahil alam niya ang ugali ng bawat phantoms.
“You called Ignacio?”
“Nasabi na sa amin ni Santos ang dahilan bakit hindi ka sumama sa biyahe papuntang US, pero sana sinabi mo na kaarawan ng nanay mo para naman nag-adjust kami ng lipad at nakikain muna kami.”
“Did you just call me for that?” malamig na ani ni YoRi kay Paxton na rinig niyang tumawa sa kabilang linya kung saan narinig pa niya ang boses nina Sergio at Travis na ikinakunot ng noo ni YoRi.
“Tell to Fritz that he’s a fvcking asshole, I will cut his guts for calling me early in the fvcking morning.”saad ni YoRi.
“Teka teka, anong kagaguhan ang ginawa ni Fritz sayo ha? Ramdam ko ang inis mo kahit malamig ang pagkakabigkas ng iyong mga salita, Ringfer. Napahaba din ang mga sinabi mo, anong pang-iistorbo ang ginawa ni Frit—“
“Just tell him to never fvcking call me, ever fvcking again..” Malamig na putol ni YoRi bago pinatay ang tawag ni Paxton sa kaniya.
Agad niyang ibinulsa ang cellphone niya at sumakay na sa motorbike niya at pinaharurot na ‘yun paalis upang puntahan naman ang lugar kung nasaan sina Alexei.
At dahil Mabilis ang pagpapatakbo ni YoRi ay mabilis siyang nakarating sa isang masukal na gubat, ipinasok niya ang motorbike niya hanggang makarating siya sa pinakagitna ng gubat kung saan naroon sina Alexei at Valerius na katatapos lang sa kanilang paghuhukay. Itinigil ni YoRi ang kaniyang motorbike at bumaba doon at naglakad palapit sa dalawa na pagkakita sa kaniya ay agad yumukod bilang pagbati sa kaniya.
“Your highness, we’re almost done.” Ani ni Alexei kung saan sinilip ni YoRi ang hukay na ginawa ng dalawa na may lipang talampakan na ang lalim.
“That is enough, take those two and throw in the pit.” Malamig na ani ni YoRi na agad binitawan ng dalawa ang hawak nilang pala at hila-hila sa parehas na paa ang dalawang lalaking pumasok sa apartment ni Maya na wala ng buhay.
“May I speak your majesty.” Ani ni Valerius na ikinalingon ni YoRi sa kaniya.
“Speak.”
“Who are these two trash? I mean, they look normal to me. They’re not like those enemies we’ve been annihilated.” Ani ni Valerius kay YoRi.
“Oni vkhodyat v dver', v kotoruyu ne dolzhny osmelit'sya voyti. (They enter a door they should not dare enter.)” malamig na sagot ni YoRi ng maalala niya ang unang beses na gawin niya ang bagay na wala naman siyang kinalaman, ang mangialam sa mga taong nasa paligid niya.
*FLASHBACK*
ON THE SALA were YoRi is calmly sited in his sofa, his one of his laptop was in his lap while his eyes are in the monitor of Maya’s apartment. Isa sa napapansin ni YoRi sa kaniyang sarili ay hindi na niya maiwasang alamin ang kung anong ginagawa ni Maya sa mga oras na ‘yun. His mind is totally full of Maya’s face, and her lips that he already been kissed by him twice.
Alas-dies na ng gabi pero gising na gising si YoRi habang tinitingnan ang kabuuan ng apartment ni Maya na nakikita niya sa cctv camera na Inilagay niya sa kaniyang ding-ding, at bago malaman ni Maya na siya ang bago nitong kapitbahay ay lihim niyang kinabitan ng cctv ang sala ng apartment ni Maya. He’s insane for doing that without the consent of Maya, but he did it.
Isang pindot lang ni YoRi sa keyboarding laptop niya ay makikita na niya ang sala ni Maya, alam ni YoRi na maaring tulog na ito, but YoRi tap of his keyboard dahilan upang ang cctv sa loob ng bahay ni Maya na kinabit niya ang nakikita na niya sa kaniyang monitor. At saktong paglabas ni Maya sa kuwarto nito ang nakita niya, agad na nag stick kay Maya ang mga mata ni YoRi kung saan nagderetso ito sa kusina at kumuha ng tubig upang uminom.
Ang ginagawa ni YoRi ay maaring maihalintulad sa isang creepy stalker, pero walang ibang intensyon si YoRi sa paglagay nito ng cctv sa apartment ni Maya. Napabuntong hininga si YoRi at akmang papatayin na niya ang laptop niya ng mapansin niya si Maya na nakatigil sa kinatatayuan nito at nakaharap sa may pintuan. Muling napatitig si YoRi dito ng magsalubong ang kilay niya ng makita niyang mabilis na bumalik si Maya sa kusina at mabilis na nagtago sa ilalim ng mesa. Hindi naiwasan ni YoRi na magtaka hanggang sa makita niya sa screen ng laptop niya na may dalawang lalaking nakapasok sa loob ng apartment nito.
YoRi closed his laptop at walang imik na deretsong naglakad palabas ng apartment niya at tuloy-tuloy na naglalakad para puntahan si Maya. Nang makarating siya sa may pintuan ay walang ingay na sumilip si YoRi sa nakabukas na pintuan. Madilim-dilim ang sala ni Maya at naririnig niya at nababanaag niya ang dalawang lalaking pumasok sa apartment nito.
“Mukhang nakikipag taguan sa atin Oscar. Ooops, nalaglag ang tinidor na hawak ko, Tony. Teka at dadamputin ko.” rinig ni YoRi na ani ng isa sa dalawang lalaki na walang paligoy-ligoy niyang ikinapasok sa loob.
At dahil sa pagpasok niya ay agad siyang nakita ng dalawang lalaki na nagulat sa kaniyang pagdating.
“Si-sino ka?!” sigaw ng lalaki kay YoRi na walang sagot na sa isang iglap ay nakalapit si YoRi sa dalawa.
Sanay si YoRi gumalaw kahit sa may kadiliman na lugar, agad na sinakal ni YoRi ang lalaking una niyang nilapitan na napaigik ng diinan niya ang pagkakasakal nito kaya napahawak ito sa braso niya. Malakas na hinila ni YoRi ang sakal-sakal niya palayo sa mesa bago niya bitawan kasabay ng malakas na pagsipa sa dibdib nito na malakas nitong ikinalagapak sa sahig.
Ramdam ni YoRi ang yabag ng kasama nito na papalapit sa kaniya kaya agad siyang gumilid pakanan dahilan upang maiwasan niya ang pagsugod nito. Agad na hinawakan ni YoRi ang buhok nito at malakas na hinila at inihampas sa pader na daing na ikinangiwi nito. Nang makita ni YoRi na nakatayo na ang isang lalaking una niyang napatumba ay nakita ni YoRi ang kutsarahan ni Maya sa mesa nito at agad na nadampot ang tinidor at walang pasubaling itinarak iyon sa sikmura ng lalaki, bago niya iyon sipain dahilan upang mas lumubog ang tinidor na tinusok niya sa sikmura nito na deretsong paupong bumagsak sa sahig na napasandal pa sa pader at walang buhay na napayuko sa pagkaka-upo nito.
Nakita ni YoRi na akmang tatakas ang isa sa mga pumasok sa kuwarto ni Maya ng mabilis niya itong mahablot mula sa likuran at ipulupot niya ang kanang braso niya sa leeg nito at madiin iyong isinakal. Pilit na kumakawala ang lalaking sakal-sakal niya ng gamit ang kaliwang kamay niya ay hinawakan ni YoRi ang ulunan ng lalaking hawak niya bago malakas na pinilig paikot dahilan upang bawian ito ng buhay at ihagis sa sahig na deretsong bumagsak sa tabi ng mesa kung saan nagtatago si Maya.
Wala dapat pakialam si YoRi, pero sumugod siya ng hindi niya napag-iisipan at tinapos ang buhay ng dalawang lalaking pumasok sa apartment ni Maya.
*END OF FLASHBACK*
“Throw them and burn their bodies before you buried them.”mnalamig na instruction ni YoRi na sabay na inihagis ni Alexei at Valerius ang dalawang katawan sa hinukay nilang dalawa.
Binalingan ng tingin ni Alexei si YoRi, alam niya ang dahilan kung bakit pumatay si YoRi para sa ibang tao, para sa isang babae na pansin ni Alexei na nag-iiba ang kilos ng kaniyang prinsipe pag ito ang usapan. Binuhusan naman ni Valerius ng gasoline ang dalawang bangkay sa hukay bago nito kunin ang pospora at maglaglag ng isang palito na may apoy na pagkabagsak ay agad itong umapoy ng malaki.
“After this, continue the plan for taking down the Chengdu family.” Utos ni YoRi kay Valerius.
“As you wish your highness.”
Umalis naman si Alexei at kinuha ang dalawang paper bag na dala-dala niya na isinabit niya sa may puno bago bumalik kay YoRi at iniabot ang mga ito dito.
“Here’s the gift for your mother, Prince Yo.”ani ni Alexei na kinuha iyon ni YoRi sa pagkakahawak niya bago naglakad na pabalik sa motorbike nito. Sumakay na si YoRi bago umalis sa gitnang gubat na kinalalagyan nina Alexei.
“I see, there’s a woman that can make our highness sane.” Kumentong ani ni Alexei habang pinagmamasdan si YoRi na malayo na sa kanila.
“Hey! Alexei, kaysa tumunganga ka baka naman, kaunting tulong.”bulyaw ni Valerius kay Alexei na napapailing na pinuntahan na si Valerius upang tulungan na tabunan ang nasunog na katawan ng dalawang lalaking namatay sa kamay ni Yori.
Isa’t-kalahati ang biyahe ni YoRi nang marating niya ang burol kung saan nakatira ang kaniyang mga tinuturing na mga magulang, alam niyang walang pang ginagawang muli ang hari sa kaniyang tinuturing na magulang na ikakapahamak ng mga ito, dahil palihim na nagbabantay ang ilan pa sa tapat na tauhan na sumumpa ng katapatan sa kaniya, sina Grigori at Sha-Sha na alam niyang nasa paligid ng burol at nagbabantay.
Iniwan ni YoRi ang motorbike niya sa babang burol na lagi niyang pinag-iiwanan sa tuwing dadalawin niya ang kaniyang magulang, nang iparada na ni YoRi ang motorbike niya ay bumaba na siya at kinuha ang dalawang paper bag na pinabili niya para sa kaniyang ina na may kaarawan ngayon dahilan upang hindi siya sumama sa lakad ng phantoms.
Inakyat na ni YoRi ang burol, nang makarating siya ay nakikita na niya ang simpleng bahay ng kaniyang mga magulang. Inalok niya noon ang mga ito na lumipat ng mas magandang bahay, pero pinili ng mga ito na manirahan sa tahimik na burol, malayo sa syudad.
Nang makalapit na si YoRi sa bahay ng kaniyang mga magulang ay bahagyang napakunot ang noo ni YoRi dahil nakakarinig siya ng tawanan mula sa loob ng bahay, tatlong boses ang naririnig niya sa loob, boses ng kaniyang magulang, at isang boses na pamilyar na sa kaniyang pandinig. Deretsong pumasok si YoRi sa loob ng bahay kung saan agad na tumambad sa kaniyang mga mata ang kaniyang mga magulang at ang babaeng nagpapa-iba sa kaniya na kasama niya lang kagabi, na may gulat din sa mukha nito na nakatingin sa kaniyang pagdating.
“Oh! Andito na ang aming anak.”masayang ani ni Aling Luisita na tumayo sa pagkaka-upo nito at nilapitan si YoRi at niyakap ito.
“Nag-aalala ang iyong nanay kanina na baka gabihin ka na naman ng punta dito anak, mabuti at maaga kang dumating.”saad naman ni Mang Kanor habang si YoRi at Maya ay magkatitigan.
“Siya nga pala anak, siya si Dada. Hindi ko nakuwento sayo pero malaki ang naitulong niya sa akin, lagi pa niya kaming dinadalhan ng pagkain pag hindi siya abala. Dada, siya ang nag-iisa naming anak, si Yo.”natutuwang pagpapakilala ni Aling Luisita kay Maya at YoTi.
“U-Uhmmm, kilala---“
“Kinagagalak kitang makilala, Dada. Salamat sa kabutihan na pinapakita mo sa aking mga magulang.”pahayag na putol ni YoRi na bahagya pang yumuko sa kaniya na ikinatunganga ni Maya sa gulat dahil walang lamig sa boses ni YoRi sa mga sinabi nito, para itong normal na nakipag-usap sa kaniya at higit sa lahat ay nakangiti ito sa kaniya na ngayon niya lang nakita ang ganitong genuine na ngiti kay YoRi.
Napatunganga si Maya kay YoRi na may lambing na binabati si Aling Luisita dahil kaarawan nito na sobrang bago sa paningin ni Maya, dahilan upang hindi niya alam kung anong ire-reak niya dahil ang nakikita niyang YoRi na magalang, nakangiti at mabining kinakausap ang dalawang matanda ay iba sa YoRi na kaniyang nakilala.
Eh?! Anong nangyayari?!!