Chapter 22: Hugs and Almost Kisses

3395 Words
MABILIS NA napabangon si Maya sa kaniyang pagkakahiga at napahawak sa kaniyang magkabilang pisngi dahil hindi niya magawang makatulog ng maayos dahil pipikit palang siya ay halik ni YoRi ang agad pumapasok sa isipan niya. Kanina pa siya hindi nilulubayan ng labi ni YoRi sa kaniyang isipan, kaya kahit pagbalik niya sa kaniyang kanina ay wala siya sa kaniyang sarili na napanasin nina Misha, pero hindi niya masabi sa mga ito ang dahilan. Kanina pa din siya napapaisip sa ginawa ni YoRi, kung bakit siya nito hinalikan sa labi niya. Hindi niya inasahan ang ginawa nito, at nagulat siya dahil si YoRi ang unang lalaking nakahalik sa kaniya sa kaniyang labi at hindi niya maiwasang hindi maapektuhan. “Ba-Bakit niya kasi ako hinalikan? A-anong problema ng isang ‘yun at basta-basta siya nanghahalik? Pero bakit tumakbo ako, dapat sinampal ko siya dahil nagnakaw siya ng halik sa akin.”ani ni Maya sa kaniyang sarili. “Pero bakit hindi ko ‘yun ginawa? Kasi nabigla ako? Hi-hindi ko inasahan na gagawin niya ‘yun, pero bakit?” naguguluhang tanong ni Maya sa kaniyang sarili na tumayo sa kama niya at naglakad palabas ng kuwarto niya dahil pakiramdam niya ay nakaramdam siya ng uhaw dahil sa pabalik-balik na naiisip niya. Dere-deretsong nagtungo si Maya sa kusina at kumuha ng tubig sa maliit niyang refrigerator at kumuha ng tubig, nakadalawang baso si Maya dahil ramdam niyang uhaw na uhaw siya bago malalim na nagpambuntong hininga. “Kasalanan ng lalaking ‘yun bakit hindi ako makatulog ng ayos, bakit kasi may pahalik-halik siya? Hindi kaya gusto niya ako?”tanong ni Maya sa kaniyang sarili na natatawang ikinailing niya. “Malabo, malabong gusto ako ng lalaking ‘yun. I’m sure hindi niya ako gusto kaya niya ako hinalikan, pero anong dahilan? Tsaka bakit ba kumakabog itong puso ko sa tuwing naiisip ko ang halik niya, ganito din ang kabog nito noong nasa Arizona kami? Hi-hindi kaya ako ang nagkakagusto sa kaniya? Pero si Leroi dapat ang gusto ko?” ani ni Maya na muli niyang ikinainom ng tubig dahil naguguluhan na siya. “Anumang rason ng kabog ng dibdib ko I’m sure hindi ‘yun dahil gusto ko na siya, si Leroi parin ang gusto ko, siya at siya lang. Siguro dapat ko ng aminin kay Leroi na gusto ko siya.” pahayag ni Maya sa kaniyang sarili bago inilagay sa lababo ang baso na kaniyang pinag-inuma at binalik sa ref ang tubig bago naglakad na muli para bumalik sa kuwarto niya ng matigilan siya ng may marinig siyang kaluskos mula sa may pintuan ng apartment niya. Natigilan si Maya sa kaniyang pagbalik sa kuwarto niya habang napatitig sa pintuan kung saan siya nakarinig ng kaluskos. Gabing-gabi na at dalawang oras na lang ay maghahating gabi na, maagang natutulog ang mga tao sa lugar nila. “Baka pusa lang.”sambit ni Maya ng magitla siya ng makita niyang gumagalaw ang seradura ng kaniyang pintuan na sa tingin niya ay parang pilit na binubuksan kaya nanlalaki ang kaniyang mga mata na napatakip siya ng kaniyang dalawang kamay sa bibig nito. Oh my gosh? Hi-hindi kaya akyat-bahay ‘yan na pilit na gustong pumasok sa apartment ko? Oh s**t! Pero hindi naman ako mayaman para pagnakawan! Ani ni Maya sa kaniyang isipan ng marinig niyang nabuksan na ang lock ng pintuan niya kaya natatarantang maingat at kinakabahan bumalik si Maya sa kusina niya at mabilis na nagpunta sa ilalim ng mesa niya upang doon magtago. Nakatakip lang ang dalawang kamay ni Bella sa bibig niya ng marinig niya ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan ng apartment niya, agad nakaramdam ng kaba at takot si Maya kung mga magnanakaw nga ang pumasok sa kaniyang apartment. At natatakot siya na sa oras na makita siya ng mga ito ay saktan pa siya at gawan ng masama tulad ng mga naririnig at napapanuod niya sa mga balita. Anong gagawin ko? kabadong ani ni Maya sa kaniyang isipan habang nakakarinig siya ng mga yabag ng mga paa na nakapasok na sa loob ng apartment niya. “Wala naman masyadong makukuha ditong mapapakinabangan na gamit Tony, maliban sa tv at ilang appliance walang ibang gamit na mababenta tayo dito sa malaking halaga.” Rinig ni Maya na ani ng isang lalaki. “Maghalughog na tayo, sa pagmamatiyag natin sa lugar na ‘to isang magandang babae ang nakatira dito. Hindi man tayo makakuha ng mamahaling gamit dito, tiba-tiba tayo ngayong gabi pag pinagsaluhan natin ang magandang babaeng nakatira dito.”rinig pa ni Maya na boses ng isa pang lalaki na mas nagpakabog sa kaniyang dibdib. Sa mga naririnig niyang usapan ng dalawang lalaking pumasok sa apartment niya ay matagal ng nagmamanman ang mga ito sa kung anong bahay ang papasukin nila, at sa kinamalasmalasan ang apartment ni Maya ang napili ng mga ito, at tulad ng naisip ni Maya ay may gagawing masama ang mga ito sa kaniya pag nakita siya ng mga ito. “Tama ka, ang ganda nga ng babaeng nakatira dito, sexy at mukhang masarap. Mabuti nalang may kalayuan angv apartment niya sa ibang bahay dito.” “Kunin mo na ang kung anong puwedeng makuha dito, sigurado akong mahimbing na natutulog ang babaeng ‘yun sa kuwarto niya.” Pilit na hindi gumagawa si Maya ng ingay dahil natatakot siyang makita ng mga ito, ngayon lang nangyari sa apartment niya na mapasukan ng masasamang tao, at nagsisisi si Maya na hindi pa tinuloy ang naisipa niya noong nakaraan na magdoble ng lock ng pintuan ng apartment niya. Naririnig ni Maya ang mga pagkuhang ginagawa ng isang lalaki sa sala niya ng mapasiksik siya sa pagkakatago niya sa mesa dahil nakita niya ang isang pares ng paa na tumigil sa mesa. Idiniin ni Maya ang pagkakatakip ng dalawang kamay niya sa kaniyang bibig at piping nagdadasal na huwag siyang makita ng kung sino ang nasa kusina niya. “Wala masyadong makukuha dito, ganito ba kahirap ang magandang babaeng ‘yun? Akala namin kahit apartment eh may magagandang gamit sa loob.”rinig ni Maya na disappointed na saad ng lalaking nasa kusina ng may makita pa si Mayang isang pares ng paa na natatakot ng ikinapikit ni Maya. “Wala sa kuwarto ang magandang babaeng nakatira dito, imposible namang umalis ‘yun dahil hindi natin siya nakitang lumabas ng apartment niya.”saad nito na mas ikinakabog sa takot ng dibdib ni Maya. “Kung wala sa kuwarto niya ang magandang babae na ‘yun? Nasaan ‘yun? Hindi kaya nakaramdam na may nakapasok sa apartment niya kaya agad nakapagtago?” “Tiningnan ko sa ilalim ng kama nito pero wala naman, kung wala doon malamang isa nalang ang pagtataguan niya.”rinig ni Maya ng magutla siya ng yumanig ang mesa na pinagtataguan niya. “Sa tingin mo nasaan kaya ang magandang babae dito?” “Mukhang nakikipag taguan sa atin Oscar.”rinig ni Maya na usapan ng mga ito ng mapalingon si Maya sa isang tinidor na bumagsak sa sahig. “Ooops, nalaglag ang tinidor na hawak ko, Tony. Teka at dadamputin ko.”nanlaki ang mga mata ni Maya sa isipin na alam na ng dalawang pumasok sa apartment niya kung nasaan siya. Hindi na mapigilan ni Maya na manginig sa kaba at takot sa gagawin ng dalawang lalaki sa oras na makita siya ng mga ito, napapikit nalang si Maya sa takot ng magulat at mapapitlag siya ng makarinig siya ng malakas na lagabog. “Si-sino ka?!” rinig ni Maya na gulat na ani ng isa sa dalawang lalaki. Hindi na alam ni Maya kung anong nangyayari dahil natatakot siyang sumilip, puro lagabog sa loob ng apartment niya ang kaniyang naririnig na hindi niya mapigilang magitla sa bawat lagabog. Naririnig na din ni Maya ang bawat daing na hindi na alam ni Maya kung anong nangyayari sa dalawang pumasok sa apartment niya dahil nawala na ang mga ito sa kusina. Lord huwag mo pong hayaan na mapahamak ako…piping dasal ni Maya habang patuloy siyang nakakarinig ng lagabog hanggang magulat siya at mapasiksik pa sa ilalim ng mesa, atb manlaki ang mga mata niya ng makita niya ang isang lalaking humandusay sa sahig at napabaling ang mukha sa kaniya na nakamulat pero hindi gumagalaw. Hindi makakilos si Maya sa puwesto niya ng makita ng mata niya ang isang pares ulit ng paa na huminto sa gilid ng nakahandusay na lalaki. Nakatutok ang mga mata ni Maya sa pares ng paa na nakikita niya ng pa squat itong umupo at makita niyang sumilip ito sa ilalim ng mesa kaya agad siyang dumukmo sa sahig. “Huwag po! Huwag niyo po akong sasaktan, m-may pera naman ako na ibibigay sa inyo huwag niyo lang po akong gawan ng masama!” naluha ng pagmamakaawa ni Maya dahil sa takot niya. “I don’t need your money, I have a lot of that in my bank account.” Rinig ni Maya na wika ng boses ng lalaking pamilyar kay Maya ang lamig ng tinig nito na dahan-dahan nitong ikinalingon at napatitig nalang siya ng guwapong mukha ni YoRi ang nakita niyang nakasilip sa ilalim ng mesa na pinagtataguan niya. “Yo…” “Are you alright? Hinawakan ka ba nila?” malamig na tanong ni YoRi sa kaniya na hindi inaalis ni Maya ang tingin niya dito. Ang takot na kaniyang nararamdaman, ang kaba na kanina lang ay pinaghaharian ang puso niya ay dahan-dahang nawawala habang nakatingin kay YoRi, pero ang mga luha niya dahil sa takot na nararamdaman niya ay hindi tumitigil. “Ligtas ka na, lumabas ka na diyan.”ani pa ni YoRi na dali-daling ikinagapang ni Maya palabas sa mesa at dahiul sa takot ay wala sa sarili itong deretsong dumamba ng yakap kay YoRi dahilan upang paupong bumagsak ito sa sahig. Nakayakap na nakadukmo si Maya sa dibdib ni YoRi habnag umiiyak dahil sa takot na kaniyang naramdaman dahil sa dalawang lalaking pumasok sa apartment niya. Hinayaan lang siya ni YoRi na umiyak sa dibdib niya habang nakayakap sa bewang niya, ramdam niya ang takot kay Maya at hinayaan niya muna itong nakayakap sa kaniya, nang maalala niya kung paano aluin ng Phantoms ang mga asawa ng mga ito sa tuwing umiiyak. “It’s fine, you’re safe now, Dailyn.” Sambit ni YoRi na inalis ang kalamigan sa boses nito, dinala ang kanang kamay nito sa likuran ni Maya at dahan-dahan iyong mabining hinaplos. Ilang minuto dumaan bago unti-unti ng tumahan si Maya at dahan-dahan na itong kumalas sa pagkakayakap kay YoRi. Nakaupo silang parehas sa sahig habang pinupunasan ni Maya ng dalawang kamay niya ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. “So-sorry k-kung ni-niyakap kita, so-sobrang natakot lang talaga ako. Hi-hindi ko kasi inasahan na may magtatangkang pumasok sa apartment ko. A-akala ko makikita nila ako at gagawan ng masa---“ hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng mapatitig siya kay YoRi na nakaupo lang din sa sahig sa harapan niya. “Pa-paano mo nalaman na….” “I just know, it’s good that you hide here before they saw you.”ani ni YoRi na bumalik na ang lamig sa tinig nito na tumayo na sa pagkaka-upo nito. Napalingon naman si Maya sa lalaking nakamulat na nakahandusay kaya agad siyang napatayo at tinuro kay YoRi ang lalaki. “A-anong nangyari sa kaniya? Ba-bakit hindi siya gumagalaw?” tanong ni Maya ng makita niya ang isa pang lalaking nakaupo sa sahig, nakasandal sa pader at nakayuko at hindi rin gumagalaw na ikinaturo din ni Maya doon. “T-tsaka siya? A-anong ginawa mo sa kanila?” balik tinging tanong ni Maya kay YoRi. “They’re fine, they’re just lost their consciousness.”walang emosyon na saad ni YoRi kay Maya na hidni makapaniwala. Nilibot ni Maya ang tingin niya sa kaniyang apartment at nakita niyang gulo-gulo at sira-sira na ang ilan sa gamit niya sa sala. At dahil hindi dikit-dikit ang mga bahay sigurado si Maya na wala sa mga kapitbahay niya ang aware sa nangyaring panloloob sa apartment niya. “You’re not safe here, come with me.”ani ni YoRi na nagsimula ng maglakad patungo sa pintuan. “S-Saan tayo pupunta?” “In my apartment, you can’t sleep here in this state, aren’t you?” malamig na saad ni YoRi na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Maya sa sinabi ni YoRi. “S-Sa apartment mo? Sa apartment mo ako magpapalipas ng gabi?” “Don’t you heard what I said? Kailangan ko bang tagalugin?” “Na-naiintindihan ko, pe-pero…” “Ayaw mo? Suit yourself.”saad ni YoRi na muling naglakad na palabas ng apartment ni Maya na walang nagawa ito kundi ang sumunod kay YoRi. Mabilis siyang lumabas ng apartment niya at sinundan si YoRi na naglalakad na pabalik sa apartment nito. “Te-teka Y-Yo, pa-paano ‘yung dalawang lalaki na pumasok sa bahay ko? Di’ba dapat tumawag ako ng pulis para damputin sila?”saad ni Maya ngb makahabol na siya sa paglalakad kay YoRi. “Don’t mind them, someone will fetch them and clean the mess.”malamig na ani ni YoRi na ikinaslaubong ng kilay ni Maya. “Sino? Teka Yo!” Dere-deretso lang si YoRi sa paglalakad nito hanggang makapasok na ito sa loob ng apartment nito, napahinto naman si Maya sa harapan at biglang nagdalawang isip na pumasok. Nilingon ni Maya ang paligid niya upang tingnan kung may kapitbahay ba siyang puwedeng mag marites at ma misunderstand pag nakita siyang pumasok sa loob ng apartment ng isang lalaki. “Are you coming inside or you’ll sleep outside?” Napalingon si Maya kay YoRi na nasa may pintuan at malamig ang tingin na nakatingin sa kaniya. “U-Uhmm, k-kasi p-parang hindi magandang tingnan kung makikita ako ng mga kapitbahay natin bukas na lalabas diyan sa apartment mo. Alam mo na baka kung anong isipin nila sa ating dalawa.” “So?”” malamig na ani ni YoRi. “Anong so? Pagtsitsismisan tayo ng mga marites nating kapitba—“ “Papasok ka ba o pagsasarhan na kita?”putol ni YoRi sa kaniya na walang nagawa si Maya kundi ang pumasok na sa loob ng apartment ni YoRi. “You sleep in my room, I’ll sleep in sofa.”malamig na ni ni YoRi na sinara na ang pintuan ng apartment niya at naglakad patungo sa kuwarto nito. Hindi katulad ng unang silipin ni Maya ang apartment ay wala pa itong masyadong laman, pero ngayon ay kumpleto na ito sa gamit at sa mga nakikita niya, masasabi niyang mamahalin ang mga ito. Napalingon si Maya kay YoRi na kakalabas lang ng kuwarto na may dalang unan at kumot at dumaretso ito sa may sofa. “Sa-Salamat pala sa pagligtas mo sa akin, hindi ko alam kung paano mo nalaman na may nanloob sa apartment ko, siguro napadaan ka lang pero salamat talaga.”ani ni Maya kay YoRi na binaling ang tingin sa kaniya. “Rest now.”saad ni YoRi na tangong ikinalakad ni Maya papuntang kuwarto ni YoRi ng matigilan ito sa tapat ng pintuan ng kuwarto at nilingon si YoRi na nakaupo na sa sofa. “Uhmm, si-sigurado ka ba na may kukuha sa dalawang nanloob sa apartment ko?” tanong ni Maya. “There is.” “O-Okay, si-sigurado ka bang diyan ka tutulog sa sofa? Alam mo kaya ko namang matulog diyan at ikaw dito sa kuwarto mo eh.” “I said rest now, Dailyn.”malamig na sita ni YoRi sa kaniya na ikinatango niya. “Y-Yeah, m-magpapahinga na ako…” Humarap na si Maya sa kuwarto at akmang ihahakbang ang mga paa ng mapahinto siya at muling nilingon si YoRi na deretsong nakatitig sa kaniya. “Puwede ko bang itanong kung bakit mo ako hinalikan kanina?” deretsong tanong ni Maya na kahit siya ay nagulat sa itinanong niya. “H-Huwag mo nalang isipan ang sinabi ko, magpapa---“ Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng mabilis na nakatayo si YoRi sa kinauupuan nito at nakalapit sa kaniya, bago hinawakan si Maya sa kanang braso nito at hinila papasok sa loob ng kuwarto na ikinalaki ng mga mata ni Maya. “T-Teka Yo!” Gulat si Maya na napatingin kay YoRi ng ipaupo siya nito sa kama habang nakatayo ito sa harapan niya. “Y-Yo…” “Lie down o ako ang maghihiga say—“ Hindi natapos si YoRi sa sasabihin niya ng mabilis si Maya na sumampa sa kama at humiga na. “Nakahiga na! Magpapahinga na ako, salamat sa pagpapahiram ng kama mo.”ani ni Maya na ipinikit na ang mga mata niya. Kung kanina ay kinakabahan siya sa takot, ngayon ay ibang kaba ang nararamdaman niya lalo pa ng maramdaman niyang gumalaw ang kama. Pinakikiramdaman ni Maya ang nangyayari ng dahan-dahan niyang imulat ang isang mata niya upang silipin si YoRi, pero napamulat na ng deretso ang kaniyang mga mata ng makita niyang nakahiga na rin sa kama si YoRi. “Bak---“ “Sleep. “putol ni YoRi na tumalikod ng pagkakahiga sa kaniya. Hindi na nagawang makapagsalita ni Maya habang nakatingin sa likuran ni YoRi, nakatitig lang si Maya habang hindi parin napapawi ang kakaibang kaba sa puso niya dahilan upang kapain niya ang tapat ng puso niya. Bakit ganito ang kabog ng dibdib ko sa kaniya? Tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng dahan-dahan niyang ipikit ang kaniyang mga mata hanggang sa unt-unti na siyang dalawin ng antok. Napapakunot ang noo ni Maya dahil nakakaramdam siya ng mabigat na nakapatong sa bandang bewang niya, at pakiramdam niya ay may niyayakap siya, kaya dahan-dahan na iminulat ni Maya ang kaniyang mga mata ng tumambad sa kaniya ang isang matipunong dibdib na dahan-dahan niyang ikinatingala. At ganun nalang ang paghigit ng hininga ni Maya ng tumambad sa kaniyang mga mata ang guwapong mukha ni YoRi na ilang inches nalang ang layo sa mukha niya. Parehas silang nakayapos sa isa’t-isa na hindi alam ni Maya kung paano sila humantong sa ganitong itsura, pero hindi maalis ni Maya ang kaniyang tingin sa guwapong mukha ni YoRi na maamo ng dahan-dahang magmulat ng mga mata nito si YoRi dahilan upang magtagpo ang kanilang tingin. “Goodmorning.” Malamig na pagbati ni YoRi na ikinailang kurap ni Maya. “G-Goodmorning…”sambit na balik bati ni Maya habang hindi nila inaalis ang tingin nila sa isa’t-isa ng bumaba ang tingin ni YoRi sa mga labi niya. Ramdam ni Maya ang malakas na kabog sa kaniyang dibdib, at hindi niya magawang makakilos habang papalapit ang mga labi nila ni YoRi na hindi alam ni Maya bakit hindi siya makakilos o itulak si YoRi. Maghihinang na ang kanilang mga labi ng tumunog ang cellphone ni YoRi na pinatong nito sa side table kagabi. “M-May tu-tumatawag yata sa-sayo…”mahinang sambit ni Maya habang magkatitigan sila ni YoRi hanggang lumayo na ito sa kaniya at tumayo sa kama at kinuha ang cellphone nito na ikinahinga ng maluwag ni Maya. “The hell with your call, Fritz.” Malamig na sagot ni YoRi sa tumatawag sa kaniya habang si Maya ay paupong bumangon sa kama. (Hindi yata maganda gising mo, Ringfer? Pero sabagay, natural na sayo ‘yan, may lakad tayo ngayon. Pupunta tayo sa US para kausapin si Uncle Luci--) “I’m not coming, Santos know why, just ask him.” Malamig na putol ni YoRi kay Sergio bago niya iyon patayin. “Use the back door, kung ayaw mong makita ng mga kapitbahay na sinasabi mo.”malamig na saad ni YORi na tuluyan ng tumayo sa kama deretsong lumabas ng kuwarto. “Saan ‘yun pupunta?” kunot noong ani ni Maya kaya dali-dali siyang tumayo sa kama at lumabas ng kuwarto pero hindi na niya naabutan si YoRi na kakalabas lang at kakasara ng pintuan. Napabuntong hininga nalang si Maya at padausdos na napaupo sa sahig at dinala ang dalawang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. “Ganito ba talaga ang pana ni kupido? May gusto na ang puso ko pero napalitan agad? The worst ‘yung taong yelo pa na ‘yun ang pumalit. Maya ang rupok mo naman para mahulog sa taong yelo na ‘yun.” Singhal na sermon ni Maya sa kaniyang sarili ng ititig niya ang mga mata niya sa pintuan ng apartment ni YoRi. “Paano ang nararamdaman ko kay Leroi?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD