Chapter 24- FLIGHT WITH PHANTOMS
“Bakit patagal ng patagal mas lalong nagiging misteryoso ang kaibigan nating si Ringfer? Ako lang ba na parang palayo ng palayo ang isang ‘yun sa atin?” nagtatakang ani ni Travis habang magkakasama silang lahat sa private plane ni Balance papuntang USA, sa teritoryo ng Heldrich mafia clan upang puntahan ang ama ni Trace na si Uncle Lucian upang kausapin sa alam nito patungkol sa kanilang kailangang mahanap, si Saulo Tieves.
Tanging si Taz at YoRi lang ang hindi nakasama sa lakad nila at si Blue na nasa ICU pa din at hindi pa nagkakamalay kung saan iniwan muna nila ito sa kabanda nito ang pagdalawa dito habang wala sila, labing dalawa silang dadayuhin si Uncle Lucian upang magkaroon na ng usad ang paghahanap nila sa taong wala silang solid na clue kung sino ito, at kung saan nila makikita upang bawiin ang usb na pinapakuha ni Valdemor sa kanila.
“Hindi pa ba kayo nasasanay sa isang ‘yun? Sadyang misteryoso talaga ang kaibigan natin na ‘yun una palang natin siyang nakilala at naging parte ng Phantoms. Besides, nagiging misteryoso si Rinfer sa atin dahil marami siyang alam na mga bagay na hindi niya sinasabi sa atin. Example, sa misyon natin ngayon, malakas ang kutob ko na may alam na ‘yun sa taong hinahanap natin.”pahayag ni Demon habang abala ang mga daliri sa pagsagot ng mga messages ni Ayane sa kaniya.
“Sa tingin ko sa sinabi niya sa atin na hindi sa lahat ng oras ay tutulungan niya tayo ay parang nagpa-paalam siya.”saad naman ni Travis ng mapalingon ito kay Sergio na hindi mapakali sa kinauupuan nito.
“Bulate ka ba noong past life mo, Fritz? Kanina ka pa di mapalagay diyan sa kinauupuan mo, iisipin ko na ba na takot ka ng sumakay ng eroplano?”kumentong sita ni Travis na ikinalingon nina Tad sa puwesto ng mga ito.
“Huwag mo nga muna ako pakialaman, kung naiingit ka mag-ala bulate ka din diyan sa kinauupuan mong gago ka.”singhal ni Sergio na ikinasilip ni ToV sa kinauupuan nito at nginisian si Sergio.
“I’m sure kinakabahan lang si yakult boy dahil sa banta ni Ringfer sa kaniya, inalisan tuloy siya ng karapatan ni Ringfer na tumawag sa kaniya.”
“Huwag mong susubukan Fritz, putol ang dila mo.”pang-aasar pa ni Shawn kay Sergio na napalunok sa kinauupuan nito na napatayo pa at nilingon ang upuan ni Paxton na napalingon sa kaniya.
“Kasalanan mo ‘to Ignacio.”
“Tangna? Bakit ako sinisisi mong gago ka? Ako ba ang may atraso kay Ringfer?”singhla ni Paxton dito.
“Hindi mo na dapat sinabi sa akin ang banta ni Yo, edi sana tahimik ang pagkaka-upo ko dito. Tsaka wala nga akong maisip kung anong ginawa ko para bantaan ako ni Yo ng ganun. Yawa, sasabog na utak ko kakaisip kung anong ginawa ko.”ani ni Sergio na pabagsak na umupo sa upuan niya at ginulo ang buhok.
“Laki ng problema mo Fritz, iwasan mo nalang tawagan si Ringfer para intact pa din ‘yang dila mo.”pang-aalo ni Travis with matching hawak sa balikat ni Sergio na masamang tingin ang pinukol sa kaniya kasabay ng pagtabig nito sa kamay niya.
“Gusto mong ako ang maghila ng dila mo palabas diyan sa bibig mong alam kong pinipikon lang ako?”
“Kumalma ka na nga Fritz, safe naman ang dila mo kung hindi mo tatawagan si Fritz. Besides, maputol man ‘yang madaldal mong dila, I can stitch it back so don’t worry.”ani ni Tad.
“Tang ina mo Han! Salamat sa word of fvcking wisdom mo!”singhal ni Sergio na pigil sina Demon na matawa.
“Balik tayo kay Ringfer, sa tingin niyo may gustong iparating ang lalaking ‘yun sa sinabi niya sa atin kahapon?” ani ni Demon sa lahat.
“Whatever he wants to tell us, its fvcking pain our fvcking ass to fvcking decode that.”seryosong ani ni Devil sa kinauupuan nito.
“Madaming nililihim sa atin si Ringfer, even his my cousin, pakiramdam ko hindi ko siya kilala ng buo.”ani naman ni Lu.
“Whatever he hides, let’s just trust him like what our leader told us. He’s a phantom after all.”ngiting kalmadong ani ni LAY na ikinabuntong hininga ni Paxton.
“He’s leaving the gang sooner or later.”pagbibigay alam ni Paxton sa phantoms sa nalalaman niya na sinabi lang din ni Taz sa kaniya, dahilan upang silipin siya nina Sergio, Travis, Demon mula sa upuan nila.
“What do you mean na iiwan ni Ringfer ang Phantoms?” kunot noong tanong ni Balance na katabi ni Paxton sa upuan.
“May dapat ba kaming malaman, Ignacio?” usisang tanong naman ni Ford.
“Masasapak ako ni Westaria pag nalaman niyang sinabi ko sa inyo ang nalalaman niya, pero tangna deserve niyong malaman ang plano ni Ringfer.”saad ni Paxton na ikinatayo ni Lu sa kinauupuan nito at nilapitan ang upuan ni Paxton.
“Elaborate to us what you are talking about right now, Ignacio.”seryosong ani ni Lu na muling ikinabuntong hininga ni Paxton.
“Wag kayong umasa na madami akong alam sa sinabi ni Westaria sa akin, he just told me that sooner or later Ringfer will leave the phantoms. Maliban doon wala na akong alam, but I think ‘yun ang ibig sabihin ng sinabi ni Ringfer sa atin kahapon. And Ynarez, that putang inang asul na trip na trip mag-ala tangnang sleeping beauty, siya ang traydor na ipinapahanap ni Valdemor sa atin para ligpitin.”ani ni Paxton na ikinagulat nina Balance.
“Ano?!” sabay-sabay na sambit nina Travis, Sergio, Tad at Demon sa narinig nila kay Paxton.
“What the?! Paanong si Ynarez ang traydor na pinapahanap ni Valdemor sa atin? Bakit siya?” naguguluhang ani ni Demon.
“Hindi ko alam, hindi rin masyadong ipinaliwanag ni Westaria sa akin ang tunay na rason. SUmasakit na nga ang ulo ko, at namomorblema si Westaria kung paano niya mapipigilan ang balak na pag-alis ni Ringfer at ang tungkol kay Ynarez. Langya, ikimkim niyo muna ang sinabi ko sa inyo. Hindi pwedeng malaman ni Westaria na may alam na kayo, mabubugbog talaga ako ng isang ‘yun.”pahayag ni Paxton sa lahat.
“Kung ganun, may chance na si Valdemor ang nagpabangga kay Ynarez? Tingin niyo?” wika ni Sergio.
“That’s impossible, sa atin niya pinapagawa ang pagligpit sa sinabi niyang traydor. Hindi nangingialam ang head founder sa mission na binibigay niya.”ani ni Ford.
“Kung si Ynarez ang pinapahanap na traydor ni Valdemor sa atin, i-ibig sabihin gusto niya na tayo ang pumatay sa kaibigan natin?” bulaslas na ani Travis na nagpawindang sa kanilang lahat maliaban kay Devil na tahimik lang sa kinauupuan nito at kay LAY na nawala ang ngiti sa labi nito.
“Fvck?! Ano bang nangyayari?”sambit ni ToV.
“Hindi natin magtatanong ang gagong Ynarez na ‘yun kung anong katraydoran ang ginawa niya para ipapatay siya sa atin ni Valdemor, and as if ngayong alam na natin ang pinapatrabaho niya sa atin ay gagawin natin ang gusto niya. Even boss Taz, nilihis niya ang isipin natin sa traydor na sinabi ni Valdemor sa atin dahil alam---teka? Paano nalaman ni boss Taz na si Ynarez ang pinapahanap na traydor ni Valdemor, at paano niya nalaman ang binabalak na pag-alis ni Ringfer sa phantoms? I’m fvcking sure hindi naman magsasabi si Ringfer.”ani ni Tad.
“As boss Taz always told us, he knew everything when it comes to us. He hide this for us because he knows that we will react like this, like how he hide to us that punishments he received instead of us, that only Ignacio and Yvanov knew that. Should we say that we are proud of you Ignacio dahil nagagawa mong makatulog habang ikaw lang ang nakakaalam ng mga natatanggap na parusa ni boss Taz na dapat sa atin, at sa mga sinabi ni boss Taz sayo regarding kay Ynarez at Ringfer?” saad ni Lu na bahagyang ikinaingos ni Paxton.
“Talagang nakakatulog ako ng mahimbing dahil niyayapos ako ng asawa ko, pero ramdam ko ang guilt na ako lang ang may alam ng mga bagay na ‘yan pag gising ako at pag nakikita ko ang mga pagmumukha niyo. So sorry Santos, mahimbing akong nakakatulog sa gabi.”
“Papayag ba tayong masira ang phantoms dahil sa mga problema na ‘yan?” tanong ni Sergio.
“Sinong may sabing hahayaan natin na ang mga nabanggit ko ang magiging dahilan para masira ang phantoms? Ngayon pa ba? Madami na tayong pinagsamahan at pinagdaanan, hindi masisira ang samahan natin.”deklara ni Paxton.
“We won’t let Ringfer leave the phantoms, and we won’t let Valdemor kill that shitty Ynarez.”saad naman ni Lu.
“Nakakasakit nga ng ulo ang mga ‘yan Ignacio, mabuti nagpa-function pa ‘yang utak mo.”kumento ni Demon kay Paxton na ngising tinapik-tapik ang ulo nito.
“Nakakasakit sa ulo ang mga sinabi ko sa inyo pero inborn na malakas ang bungo ko para sa mga ‘yan. Besides, hindi hahayaan ni Westaria na masira ang pamilyang ‘to.”
“Should we try to find some of things that Ringfer hiding from us?” suhestiyon na ani ni Tad.
“That’s useless, matalino si Ringfer, tingin niyo hahayaan niyang may malaman tayo sa mga tinatago niya? If we try what you are thinking Han, he will find out, and he will lead us astray so that we will not know anything about what he is hiding.”tutol na saad ni Lu sa naiisip ni Tad.
“Santos was right, let’s just wait for him to tell us those secrets on his own.”pag sang-ayon ni LAY sa sinabi ni Lu.
“Tss! Kung may balak ang isang ‘yun na sabihin sa atin, hindi na ako aasa.”naiiling na ani ni ToV.
“Wala ka ba talagang alam kahit bahagya kay Ringfer, Santos?” tanong ni Travis kay Lu.
“Maliban sa magpinsan kami, that his father and my mother are siblings that is hiding him as another crown fvcking prince of their country, that he had an adopted parents, maliban sa mga nabanggit ko ay wala na akong alam.”sagot ni Lu.
“So technically isa ka ding kamahal---“
“I’m not, binitawan ng aking ina ang title na ‘yan, ang karapatan niya at ang royal family niya para sa tatay ko. So technically Amadeus isa lang akong hamak na citizen ng pilipinas.”poker face na putol ni Lu kay Travis.
“Kambal wala ka bang sasabihin?”baling na tanong ni Demon kay Devil na sinamaan siya ng tingin.
“You think I have a fvcking words I need to fvcking say, Denver?”singhal ni Devil sa kaniyang kambal.
“Sabi ko nga speechless ka eh. Pinagdarasal ko talaga na hindi mahawa ng kasungitan mo si Aven, twinnie. Laging naka on ang sungit mod---sabi ko nga ititikom ko na ang bibig ko eh.”ani ni Demon na agad tinakpan ang bibig ng masamang tingin ang ibato ni Devil sa kaniya.
“Ang mabuti pa phantoms, isantabi muna natin ang mga sinabi ni Ignacio sa atin, at para hindi madagdagan ng alalahanin si Taz, ilihim na muna natin na alam na natin ang mga bagay na ‘yan. For now, ituon muna natin ang paghahanap sa kung sino ang Saul Tieves bago natin harapin ang dalawang problema na ‘yan.”saad ni Balance.
“Kiosk was right, wala tayong matatapos kung iisipin natin ang mga bagay na hindi pa nangyayari, at hindi naman natin gagawin.”ani naman ni Ford.
“Kalma na muna tayo phantoms, let’s solve this arising situations one by one.”ani ni Shawn.
“Mahaba-haba pa ang biyahe natin, we still have 10.68 hrs in our flight. Anong gusto niyong gawin pampalipas oras?” pagbabago ng usapan Demon na ikinatayo nina Paxton maliban kay Devil at Shawn bago nagpunta sa may kaluwagang parte ng eroplano na sinasakyan nila at isa-isang pabilog na umupo bago inilabas ni Travis ang uno cards na dinala nito.
“Laro tayo with pustahan.”ani ni Travis.
“Magpupustahan tayo sa larong uno?” salubong ang kilay na ani ni Demon.
“Why Mondragon II? Natatakot kang matalo? Puwede ka namang hindi sumali, pangmatatalino lang ang laro na ‘to.”ngising ani ni Paxton na ikinalingon ni Demon kay LAY.
“Sasali ka, Yvanov?”
“Yeah, this is a good way to enjoy our flight.”ngiting ani ni LAY na ikinalingon naman ni Demon kay Lu.
“Ikaw din Santos?”
“Why? Nakakababa ng p*********i ang paglalaro ng uno cards? If you don’t want to fvcking play just sit on your fvcking sit.”singhal ni Lu.
“Hindi ka na inform na maglalaro sila ng larong ‘yan iwas boring sa biyahe? Ah, oo nga pala, Ignacio take you out in our group chat.”saad ni Shawn.
“Ano?!” sambit ni Demon na agad kinuha ang cellphone upang tingnan ang group chat nilang phantoms na pagbukas niya ay hindi na siya puwedeng mag sent ng message.
“Tangna! Ignacio bakit inalis mo ako sa group chat na gago ka?” sigaw ni Demon na ngising ikinalingon ni Paxton sa kaniya habang may hawak na itong uno cards.
“Sorry brother-in-law, I slipped my finger.”
“Sumali ka nalang sa amin Mondragon II, ang dami mong ebas diyan. Bahala ka, ipupusta ni Yvanov ang bago niyang biling bagong model ng ducati motorbike. Sinabi niya ‘yun sa group chat.”saad ni Travis na mabilis na ikinatayo ni Demon at agad lumapit sa kanila at sumingit sa tabi ni Sergio at Tad.
“Ang rupok mong gago ka, huwag ka nga ditong makisiksik!”reklamong singhal ni Tad na naging dahilan ng hindi na natapos na ingay ng phantoms na balewala lang kay Devil na pinikit ang mata sa kinauupuan nito at si Shawn na tumayo sa kinauupuan niya para panuorin ang mga naging isip bata na phantoms.