HINDI MAITAGO ni Maya ang excitement niya habang hinahanda ni YoRi ang mga ingredients ng Russian dish na ipapaluto ni YoRi sa kaniya. Nakatayo lang siya sa harapan ng pupuwestuhan niya station habang nilalagay na ni YoRi ang mga gagamitin niya. Isa-isang pinapanuod ni Maya ang mga nilalapag na sangkap ni YoRi kung saan hindi niya maalis ang tingin niya sa mga ito.
Aaminin ni Maya na hindi pa ganun kalawak ang kaalaman niya sa mga Russian cuisine, nag-aaral pa siya at ilan pa sa mga Russian dish ang hindi niya niluluto, kaya hindi pamilyar kay Maya ang kung anong ipapagawang dish ni YoRi sa kaniya.
Ang mga abalang chef naman sa loob ay hindi maiwasang mapatingin sa kanila, lalo na si Matvei na hindi maintindihan kung anong naisip ng kanilang boss at ginagawa niya ang bagay na nakikita nila ngayon sa kusina nito. Para sa kaniya, malinaw na nakakagulo sa trabaho ni;la ang pagtanggap ni YoRi kay Maya bilang apprentice nito.
“Chef Matvei, sa tingin niyo po ba bakit binibigyan ng panahon ni boss YoRi ang may-ari ng kabilang resyaurant na maturuan sa pagluluto ng mga dish natin? Hindi po ba at Russian cuisine din po ang ino-offer nila sa tao?” mahinang bulong ng isang che de Partie o station chef ng kusina ni YoRi.
“Why would I know? This is the first time he welcomed a stranger inside his kitchen, anong pumasok sa isip niya para magdala ng abala sa loob ng kusina niya.”sagot na ani ni Matvei na nilingon ang bumulong sa kaniyang station chef.
“Stop gossiping here, we have many plates to serve to our costumer. Everyone! Sosredotoch'tes' na svoyey rabote! (Focus on your work!)”malakas na pahayag ni Matvei na mabilis ikinabalik ng mga station chef sa kanilang mga ginagawa.
Napalingon naman si Maya kay Matvei na poker face ang tingin na bumaling sa kaniya, agad na iniwas ni Maya ang tingin dito dahil alam niyang sa umpisa palang ay hindi na maganda ang tingin sa kaniya ng assistant chef ni YoRi. Para kay Maya, gusto niya lang lumawak pa ang kaalaman niya sa Russian cuisine at nilunok niya ang pride niya para magpatulong kay YoRi dahil aaminin niya mas malaki ang nalalaman nito kaysa sa kaniya.
“This is your ingredients.”malamig na pahayag ni YoRi matapos nitong mailagay lahat sa station ni Maya ang mga gagamitin nitong sangkap sa dish na ipapaluto niya.”
“1/2 lb fresh Cod filet fresh, 4 cups fish stock, ½ lb Salmon filet, for the produce you will use 3 bay leaves, 2 carrots cut in medium, 1 fresh parsley, 1 onion cut in medium, 3 potatoes cut also in medium. This is for the pasta and grains, 1/3 cup millet. For baking and spices, 10 peppercorns, use this black and 1 salt. 2 tbsp olive oil and 4 cups of water. This is all the ingredients you will use.” Pahayag na pag-iisa isa ni YoRi sa mga ingredients kay Maya na muling ikinabalik ng mga kasama nilang chef sa loob ng kusina dahil sa mahabang pagpapakilala ng boss nila sa mga sangkap na gagamitin ni Maya.
Kilala nila ang boss nila na hindi mahilig mag explain ng mahaba, they know that YoRi is not fond of speaking long but that is the first time they heard their boss speaking continuously.
“A-ano bang lulutuin ko?” baling na tanong ni Maya kay YoRi na malamig ang tinging lumingon sa kaniya.
“Fish soup of Russian dish, it’s called Ukha. I will tell you the procedure you will do, you better listen carefully, I won’t repeat myself, Chef Paraon, understand?” pahayag ni YoRi na agad ikinatango ni Maya.
“Nauunawaan ako, makikinig ako ng maayos.”
“Excuse me master chef, does she not know the procedure of that fish soup for you to dictate the step by step proc—“
“Do you know the procedure?” malamig na tanong ni YoRi kay Maya dahilan upang maputol ang sinasabi ni Matvei.
“Hi-hindi ako pamilyar, actually wala ito sa menu namin.”sagot ni Maya na walang emosyong ikinabaling ng tingin ni YoRi kay Matvei.
“You heard her Alekseev, prosto delay svoyu rabotu. (just do your job.)”ani ni YORi na ibinalik ang tingin kay Maya.
“Get your apron, after you cook this soup, make one hundred servings of it.”saad ni YoRi na bahagyang ikinagulat ni Maya.
“O-one hu-hundred serving? Seryoso ba?”
“Mukha ba akong nagbibiro, chef Paraon?” balik tanong ni YoRi na hindi inasahan ng mga kasama nilang chef ang pagsasalita ng tagalog ni YoRi na ngayon lang nila narinig.
“That fish will serve for free for the one hundred costumers of La Cuisine, if they liked it I will teach you more Russian dish. Kaya mo?”pahayag ni YoRi na bahagyang ikinahinga ng malalim ni Maya at nacha-challenge na tinitigan siya ni Maya.
“Kaya ko.”
“Good. Now here’s what you will do…”
Agad na nag focus si Maya at humarap na ng ayos sa station niya at hinanda na ang sarili sa lulutuin niya ng magsimula ng idikta ni YoRi ang mga dapat niyang gawin. Tahimik, seryoso at maiging pinakikinggan ni Maya ang bawat sinasabi ni YoRi sa kaniya, she makes sure na wala siyang makakaligtaan. Nasa likuran niya lang si YoRi habang sinasabi nito ang mga susunod niyang gagawin, ramdam ni Maya na nakatitig ito sa likuran niya pero mas nag focus siya sa pagluluto niya dahil ayaw niyang pumalkpak, ayaw niyang madissapoint ang mga costumer na hahainan niya ng fish soup na niluluto niya.
Panaka-naka namang nanunuod ang mga kasama niyang chef sa loob ng kusina, namamangha din sila dahil dere-deretso kung magsalita ang boss nila sa salitang ingles at tagalog.
After ilang minutong pagluluto ay natapos na ni Maya ang fish soup na pinagbutihan niyang gawin ng maayos, sinigurado niya na lahat ng sinabi ni YoRi ay ginawa niya. Pinagpag ni Maya ang dalawa niyang kamay sa apron niya at nilingon si YoRi na nakasandal sa may sink sa bandang likuran niya.
“Tapos na ako.”
“Chef Louvel, give her one hundred bowl and call Aria to serve this for the one hundred costumers.” Instruction ni YoRi na agad ginawa ng tinawag niyang chef ang inutos niya.
Inilagay ng chef ang isang daang mangkok sa malaking tray at agad na dinala sa station ni Maya.
“Hi-hindi mo lang ba titikman ang niluto ko?” takang tanong ni Maya kay YoRi.
“No, I will let the hundred costumers to give their comments in your dish. Make the serving.”malamig na ani ni YoRi na bahagyang kinabahan si Maya.
Inalis ni Maya ang tingin niya kay YoRi at nagsimula ng lagyan ng niluto niyang soup ang mga mangkok, kinakabahan si Maya na sa oras na hindi magustuhan ng mga isang daang costumer na susubok sa fish soup na niluto niya, pangalan ng restaurant ni YoRi ang masisira niya, at kahihiyan din iyon para sa kaniya bilang isang chef. Nang makapaglagay na si Maya sa isang daang mangkok ay Inilagay na iyon ng isang waiter na dumating sa malaking serving cart para ibigay na ‘yun sa mga costumers.
Bahagyang hindi mapakali si Maya sa kinatatayuan niya habang nakatingin siya sa waiter na nilalabas na ang serving cart.
“Follow me.”malamig na ani ni YoRi na nagsimula ng maglakad papunta sa labasan ng kusina.
Agad hinubad ni Maya ang apron na suot niya at mabilis na sinundan si YoRi, nang makalabas na sila sa kusina ay nakita ni Maya na isa-isa ng binibigyan ng mga waiter ang mga costumer ng niluto niyang fish soup, at mga nakangiti ang mga ito dahil sinasabi ng mga waiter na on the house ang soup na hinahain sa kanila. Hindi naiwasan ni Maya na pagsiklupin ang dalawang kamay niya at piping nagdasal sa magandang outcome na napansin ni YoRi.
“Praying for good outcome?” malamig na kumento ni YoRi kay Maya.
“Oo naman, kinakabahan nga ako eh. Sigurado ako na wala akong nakaligtaan sa mga sinabi mo, lahat ginawa ko pero paano kung hindi nila magustuhan? Baka kung anong sabihin nila? Ayokong mapahiya ang restaurant mo dahil sa kapalpakan ko.”kabadong saad ni Maya habang nakatitig si YoRi sa kaniya.
“Do you think that you’ll embarrass my restaurant?”
“Hindi ko maiwasan, nakakatawa nga dahil dineklara ko ang sarili ko na kakalabanin ka pero in reality wala akong laban. Kasi kung meron hindi ko ibaba ang pride ko para lang magpaturo sayo ng tamang pagluluto ng Russian cuisine. Gusto ko talaga ang pagluluto, lalo na ng Russian dishes pero nakikita ko na hindi yata sa ganitong cuisine ako nababagay. Nakakahiya kay Leroi kung mapupunta sa wala ang mga tinulong niya sa akin.”may lungkot na ani ni Maya na ikinaalis ng tingin ni YoRi sa kaniya matapos nitong marinig ang pangalan ni Leroi.
“Who’s that Leroi you mention?” malamig na tanong ni YoRi na ikinalingon ni Maya sa kaniya.
“Kaibigan ko siya, tinulungan niya ako noon na training camp sa Russia, binigay niya sa akin ang slot na hawak niya. Siya din ang nagpahiram sa akin ng pera para mabili ang restaurant sa tapat ng restaurant mo, malapit siya sa pus---“
“How much?” malamig na putol ni YoRi sa sasabihin niya na ikinakunot niya ng kaniyang noo.
“Huh? Anong how much?”
“How much is your debt to him?”
“Kay Leroi? Bakit mo natanong---“
“Magkano?”putol na malamig na tanong ni YoRi na hidni maiwasan ni Maya na magtaka bakit tinatanong iyon ni YORi.
“Five hundred thousand---o-oi…” naguguluhan si Maya na sinundan ng tingin si YoRi na naglakad paalis sa tabi niya at tinungo ang daan papunta sa opisina nito.
Naguguluhan si Maya sa biglang pag-alis nito pero naalis ang tingin ni Maya kay YoRi ng marinig niya ang mga costumer na nagbibigay na ng magandang feedback sa fish soup na ginawa niya. Magagandang feedback ang naririnig ni Maya dahilan upang hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya, at parang nakakaramdam ng kilig ang puso niya sa kaniyang naririnig, may ibang mga costumer na hindi nakatanggap ng fish soup ang nagre-request na mabigyan din sila.
“Ano pang tinutunganga mo diyan.”
Bahagyang nagulat si Maya na napalingon sa kaniyang likuran ng makita niya si Matvei na seryosong nakatayo at naka cross arms sa likuran niya.
“C-Chef Matve---“
“You hear the costumer isn’t? Others are asking for the fish soup you made, back your station and make another hundred serving of it. Pronto.”ani na putol ni Matvei na bumalik na sa loob ng kusina na dahan-dahang ikinalabas ng ngiti sa labi ni Maya.
“Yes chef!”
Malawak ang ngiting bumalik si Maya sa loob ng kusina upang muling magluto ng fish soup na itinuro ni YoRi sa kaniya, masaya ang puso niya dahil nagustuhan ng mga costumer ang gawa niya. Pakiramdam ni Maya ay nililipad ng mga narinig niyang comment ang puso niya ng may pumasok sa isipan niya.
“Tama, ipapatikim ko ito sa kanila bukas, gagawa ako para sa kanila. Ipagmamalaki ko ang bagong dish na natutunan ko.” masayang sambit ni Maya ng marinig niya ang pagtuktok ni Matvei ng sandok sa nakasabit na kaldero na ikinatingin niya dito.
“Rejoice later chef Paraon, cook your fish soup, now.”
“Yes chef!” sagot ni Maya na agad ng hinanda ang mga ingredients na muli niyang gagamitin habang nakatingin sa kaniya ng seryoso si Matvei.
“Tss! Why did Ringfer teach this woman his way of cooking, she might use it against his restaurant.”mahinang kumento ni Matvei bago niya inalis ang tingin niya dito.
PAGKARATING at pagkasok ni YoRi sa opisina niya ay dere-deretso siyang nagtungo sa may mesa niya, hindi niya pinansin si Alexei na tahimik na nakahiga sa mahaba niyang sofa. Nang makalapit si YoRi sa mesa niya kinuha niya ang cellphone niya at agad na may tinawagan.
Dalawang ring ang lumipas ng sagutin siya ng kaniyang tinawagan.
“What is the reason for your call, Ringfer? I’m fvcking busy at this moment.”
“Give me your bank account Gozon, pronto.”malamig na ani ni YoRi kay Leroi sa kabilang linya.
“My bank account? Why are you asking my bank account, Ringfer?”
“Just give it to me.”hindi pagsagot ni YoRi sa tanong ni Leroi ng marinig niyang sabihin nito ang numero ng hinihinga niya.
“I don’t understand why you were asking my fvcking bank account, you just call me for tha—“
“I will send five hundred thousand to your account, take it. And I will not explain why, just take it.”walang emosyon na putol ni YoRi dito bago pinagpatayan ng tawag si Leroi bago inasikaso ang pagsend ng pera sa bank account nito.
Hindi alam ni YoRi bakit ginawa niya ‘yun, but he still do it.
“It’s unusual to you, your majesty to give such money without a reason.”sambit ni Alexei na paupong bumangon sa pagkakahiga nito sa sofa na ikinaupo ni YoRi sa upuan niya.
“You saw him?” malamig na pag-iibang tanong ni YoRi kay Alexei na umayos sa kaniyang pagkaka-upo.
“Yeah your highness, he was watching from a far.” Sagot ni Alexei.
“He’s enjoying watching me.”
“He’s waiting for the king and empress command of taking you back in Russia, your highness.”wika ni Alexei na ikinalingon ni YoRi sa bintana ng opisina niya.
“Taking back someone they hide.”walang emosyon na ani ni YoRi na ikinatayo ni Alexei sa kinauupuan niya.
“Anyway your highness, tomorrow is your adoptive mother’s birthday. Are you coming?”pag-iibang tanong ni Alexei na ikinaalis ni YoRi ng tingin sa bintana niya.
“Yeah.”
“What about the mission you are doing with your friends, Phantoms?”
“They’re still not know who’s Saulo Tieves, I won’t help them this time.”malamig na ani ni YoRi.
“Are you sure of not helping them, your majesty? Saulo Tieves is your frie---“
“Go outside, buy gifts for my mother. Leave.” Malamig na putol ni YoRi sa sasabihin ni Alexei.
“As you wish, your majesty.”
Yumuko si Alexei kay YoRi bago ito umalis sa harapan niya at dumaan sa isang pintuan kung saan doon siya pumapasok at lumalabas sa restaurant ni YoRi. Naiwan si YoRi sa opisina niya ng magbukas ang pintuan na ikinalingon niya kung saan pumasok doon si Maya na may dala-dalang mangkok sa isang tray. Dere-deretso itong naglakad palapit sa mesa niya ta dahan-dahan na inilapag doon ang tray habang malawak na nakangiti sa kaniya.
“Alam mo bang natuwa at nagustuhan ng mga costumer mo ang niluto kong fish soup? Kinikilig parin ako hanggang ngayon sa mga comment nila sa niluto ko, syempre dahil ‘yun sa turo mo. Salamat Yo ah, kaya gusto kong tikman mo ang Ukha na ginawa ko.”malawak ang ngiting ani ni Maya na ikinababa ng tingin ni YoRi sa mangkok na nasa harapan niya.
Nakatingin lang doon si YoRi na dahan-dahan nawawala ang ngiti ni Maya dahil tinitingnan lang ni YoRi ang dala niyang fish soup na niluto niya.
“A-ayaw mo ba? O-Okay lang naman kung ayaw mo, atleast nagustuhan naman ng mga costum—“ hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng damputin ni YoRi ang kutsara at ilapit ang mangkok sa harapan nito at sinimulang tikman.
Biglang kinabahan si Maya sa magiging kumento ni YoRi sa niluto niya, naalala niya ang mga critic nito sa mga hinain niya dito noon, biglang naalala din ni Maya ang negative critic na natanggap niya sa isang kritiko ng nagpunta sila ni YoRi sa Arizona.
Bahagyang napalunok si Maya habang hinihintay ang ikukumento ni YoRi sa niluto niya, dahil kahit nagustuhan iyon ng mga costumers sa labas ay iba parin pag si YoRi ang titikim.
“A-ano? O-Okay lang ba?” kabadong tanong ni Maya kay YoRi na lumingon sa kaniya.
“You’re a fast learner, but make sure next time to reduce the heat you will use. You over cook the fish. But it’s good.”malamig na kumento ni YoRi na ang kabang nararamdaman ni Maya ay napalitan ng tuwa sa mga sinabi ni YoRi.
“Ta-talaga?” ani ni Maya na pilit pinipigilan na magtatalon sa tuwa pero hindi niya nagawa, nagpatalon-talon siya sa galak at napapalakpak dahil sa tagumpay ng pagluluto niya.
Nakatitig naman si YoRi sa natutuwang si Maya, hindi niya maalis ang mga mata niya sa masayang dalaga. Tumayo si YoRi sa pagkakaupo niya at naglakad palapit kay Maya, hinawakan ni YoRi ang kanang braso nito at hinila palapit sa kaniya kaya gulat na napadait si Maya sa kaniya at gulat na napatitig sa kaniya.
“Ba-Bakit?”
“Don’t show your smile on me.”malamig na ani ni YoRi na bahagyang ikinasalubong ng kilay ni Maya.
“B-Bakit naman? Panget ba akong ngumiti?”takang tanong ni Maya ng mapagtanto niya ang puwesto nila ni YoRi na ramdam niyang ikinait ng pisngi niya.
“Ma-masyado naman a-ata tayong malapit sa isa’t-is—“
“Close your lips.”malamig na putol ni YoRi na hindi alam ni Maya bakit agad niyang tinikom ang bibig niya tulad ng sinabi ni YoRi.
Hindi alam ni Maya ang nangyayari pero ganun nalang ang gulat niya at panlalaki ng mga mata niya ng idampi ni YoRi ang labi nito sa nakatikom niyang labi na ikinakabog ng dibdib ni Maya at hindi niya magawang ikagalaw.
Nang ilayo na ni YoRi ang labi nito sa labi niya ay ito na ang kusang lumayo sa kaniya na hindi makapagsalitang ikinatunganga niya dito.
“Leave my office, I will call you again for another dish that you will cook.”walang emosyon na ani ni YoRi na walang salitang ikinatakbo ni Maya palabas ng opisina nito.
Pagkalabas ni Maya sa opisina ni YoRi ay natutulala siyang napahawak sa kaniyang labi habang naiisip ang paghalik na ginawa ni YoRi sa kaniya.
“Ba-Bakit n-niya ako hi-hinalikan…” mahinang sambit ni Maya na dali-daling nagtatakbo palabas ng restaurant ni YoRi ng pagkalabas niya ay natigilan siya ng may guwapong lalaking nakasalubong niya sa entrance na bahagyang napatitig sa kaniya bago ito malawak na ngiti ang binigay sa kaniya, kasabay ng pagrtaas ng kanang kamay nito bilang pagbati.
“Yoho! I’m amazed to see you here, lady Maya. Oh? I forgot, I’m not supposed to call you with honor, have a nice day.” Ani ng guwapong lalaki sa kaniya bago siya nilagpasan at pumasok sa loob ng restaurant ni YoRi na naguguluhang sinundan iyon ng tingin ni Maya.
“Sino ‘yun? Bakit kilala niya ako?” takang tanong ni Maya ng bumalik sa isipan niya ang pagdampi ng labi ni YoRi sa labi niya kaya agad siyang nagmamadaling tumakbo papunta sa restaurant niya.