“Eh? Wala kang idea kung sino si Saulo Tieves? Sigurado kayo dad?” ani na tanong ni Demon sa kaniyang ama na ngayong umaga lang nila nakausap dahil kababalik lang nito galing Japan.
Nang ipagbigay alam ng ina ng kambal na nakauwi na ang kanilang ama ay agad silang nagtungo sa bahay ng mga magulang nila kasama ang ibang Phantoms upang tanungin ang ama ng kambal. Tanging sina Taz, LAY, Lu at Balance ang hindi kasama nina Demon dahil may ginagawa ang mga ito sa kanilang bound katulong sina Leroi, Ribal, Audimus at Exxon.
“Kakasabi ko lang Denver, bingi ka bang bata ka?”sermon ni Uncle Henry habang lahat sila ay nakaupo sa opisina nito.
“Sandali lang, kayo bang kambal ay pinuntahan lang ako dito para dalawin ako o para itanong lang ang tungkol sa taong may-ari ng pangalan na ‘yan?” sita ni Uncle Henry sa kambal.
“Siyempre kasama na ang pangangamusta namin ni kambal sayo at kay mama kaya kami narito, pero mahalaga din ang tinatanong namin sayo.”ani ni Demon na bahagyang ikinaingos ni Uncle Henry sa kaniya.
“Nagtataka lang ako Uncle Henry, hindi niyo kilala kung sino si Saulo Tieves pero isa siya sa pioneer ng underground.”ani ni Travis kay Uncle Henry na nagsalubong ang dalawang kilay.
“Wala akong matandaan na may nakasabayan kaming Saulo Tieves sa underground, kung katulad namin siya na nakakalapit kay Mr. Wright hindi puwedeng hindi ko makikilala ang pangalan ng tao na ‘yan.”
“You’re not hiding secrets with us, dad?” seryosong tanong ni Devil na ikinalingon ng kaniyang ama sa kaniya.
“Oo naman, bakit naman ako magsisinungaling sa inyo?”
“You did it once.” sagot ni Devil na bahagyang natahimik si Uncle Henry sa sinabi ni Devil.
“Mondragon I, grabe ka kay dad. Hinuhusgahan mo agad dahil sa isang beses na may nilihim siya sa inyo, you’re hurting dad’s feelings.”pahayag ni Paxton na nakatanggap ng pambabato ng throw pillow mula kay Uncle Henry.
“Thank you for standing up for me, pero hindi ba at sinabi ko na sayo na tawagin mong kuya ang kambal?! Ikaw talaga na bata ka.”sita na sermon ni Uncle Henry kay Paxton na dinampot ang throw pillow.
“I tried dad, pero ‘yung kambal ang nag-iinarte.”ani ni Paxton na napangisi ng si Demon naman at Devil ang sabay na nambato ng throw pillow sa kaniya.
“Maliban sa nilihim ko sa kambal na galing ako sa underground society, maliban doon ay wala na akong tinatago pang iba. That Saulo Tieves, wala talaga akong maalala na may nakasama kami na may ganiyang pangalan. Did you ask your father about that, ToVy? Paxton?” tanong ni Henry sa dalawa.
“May old man doesn’t recognize also that Saulo Tieves, wala siyang maalala tungkol sa pangalan na ‘yan.”sagot ni ToV.
“Same sa tatay ko, hindi niya kilala ang taong ‘yan. Kilala ko naman ang tatay ko kung hindi ‘yun nagsasabi ng totoo.”saad naman ni Paxton.
“Kung hindi sila kilala nina Uncle Henry, ibig sabihin may ibang tauhan si Mr. Steven Wright na tiyuhin ni Valdemor na nakakalapit sa kaniya noon at may hawak ng usb ng structure ng us?”naguguluhang ani ni Sergio.
Akala nila ay mabilis nilang mahahanap ang bago nilang mission na si Saulo Tieves, pero mas lalong gumulo ang paghahanap nila dahil walang kilala ang ama nina Demon, ToV, at Paxton sa taong hinahanap nila ngayon. Wala silang nakuhang clue dahil walang maalala ang mga dating pioneer ng us tungkol sa taong hinahanap nila.
“Nakakapagtaka naman na ipahanap sa atin ni Valdemor ang taong ‘yan kung hindi siya naging part ng us, pero sinabi niya kay boss Taz na isa ‘tong pioneer ng us at kailangan nating makuha ang usb na hawak nito. Hindi ba tayo pinaglalaruan ng head founder?” ani na saad ni Tad.
“Bakit naman tayo paglalaruan ni Valdemor sa mission na binigay niya sa atin, baka hindi lang nakakasama nina Uncle Henry ang Saulo Tieves na ‘yan kaya hindi nila kilala.”pahayag na ani ni Ford na ikinatango ni Shawn.
“Rosales might be right, I’m sure hindi magbibigay si Valdemor ng mission kung saan nilalaro niya lang tayo. I think he’s serious in giving mission especially pag may kinalaman sa mga underground.”
“Mukhang mahihirapan tayo sa isang ‘to.”ani ni Travis na nilingon si YoRi na tahimik lang na nakasandal sa may tabi ng pintuan at nakatutok ang mga mata nito sa hawak nitong cellphone.
“Ringfer, sa tingin mo makakahanap ka ng clue kung saan natin matatagpuan ng Saulo Tievez na ‘to? Wala tayong nakuhang impormasyon kina Uncle Henry kahit nakakapagtaka na hindi nila nakasama ang Tieves na ‘yan.”ani na tanong ni Travis kay YORi na malamig ang tingin na nilingon sila nito.
“I dunno, its pain in the ass to search a person that is near from us.”malamig na ani ni YoRi kina Travis habang nakatitig ito sa kaniya.
“Magsabi ka nga sa amin, Ringfer, kilala mo ba si Saulo Tieves? Sa mga sinasabi mo sa amin kahapon pa may laman eh, parang may alam ka na ayaw mo lang sabihin sa amin.”saad ni Paxton.
“Am I?”walang emosyon na wika ni YoRi kina Paxton.
“If you know something about our fvcking mission, Ringfer, fvcking tell us.”seryosong ani ni Devil na ikinalingon ng malalamig na mga mata ni YoRi sa kaniya bago ito nagkibit balikat sa kanila.
“Huwag ka naman maging pa misteryoso ngayon Yo, mapapabilis ang pagtapos sa mission natin kung may alam ka at sasabihin mo sa amin.”ani ni Sergio na ikinaalis ng tingin ni YoRi sa kanila at binalik ang tingin sa cellphone nito.
“Don’t lean on me always Phantoms, learn to find answers by yourselves. Time will come that I will stop finding clues.”malamig na pahayag ni YoRi na naguguluhan sina Travis sa nakakagulong mga binitawang salita ni YoRi sa kanila, habang seryoso lang na nakatingin sina Tad, ToV at Paxton sa kaniya.
“Walang maintindihan ang utak ko pag ganito kausap si Ringfer, lalo ata akong mabobobo.”angal ni Travis na ikinalingon ni Demon sa kaniya.
“Bobo ka naman talaga, Amadues, swerte na nga kami pag gumana ‘yang IQ mo.”pang-iinis ni Demon kay Travis na ikinasimangot ni Travis sa kaniya.
“Wow naman Mondragon II, makabobo kang letse ka. Fr your fvcking Information, matalino ako baka nga mas mataas pa IQ ko sa IQ mong gago ka.”pikong singhal ni Travis kay Demon buntong hiningang napailing nalang si Uncle Henry sa mga kasama niya sa opisina niya.
“Puwede bang pigilan niyo muna ang pagsasalpukan ng asaran ngayon? Hindi ‘yan makakatulong sa mission natin. Minsan itago niyo muna ang pagiging abnormal niyo.” Sitang ani ni ToV kina Demon na sabay na lumingon sa kaniya.
“Ipapaalala ko lang sayo Valenzuela, ganito na talaga tayo sa mga mission na hinahawakan natin. Tsaka teka? Batay sa sinabi mo, sinasabi mo bang abnormal kami, Valenzuela?” ani ni Paxton na ikinangisi ni ToV sa kaniya.
“Kung ‘yan ang understanding mo sa sinabi ko Ignacio, kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo? Baka ma realtalk lang kita, masaktan ka pa.”ani ni ToV na bahagyang ikinasimangot ni Paxton sa kaniya.
“Normal lang na naman sa atin ang ganitong tagpo, hindi tayo phantoms kung walang buwisitan. Kaya lang pili tayo ng lugar, mahirap na dahil baka mamaya makadampot pa si Uncle Henry ipambabato sa inyo. Minsan pa naman, nakakabutas ng ulo ang puwedeng lumipad satyo.”saad naman ni Sergio na ikinalingon ni Uncle Henry sa kaniya.
“Eh? Base on experience ba ‘yan, Fritz?” ngising ani ni Demon dahil naalala nito ang pambabato ng sapatos ng kaniyang ama kay Sergio noon.
"Sinasabi ko lang na mas magandang sa harapan ni Uncle Henry ay umakto tayong matino, sinasabi ko sa inyo phantoms, matigas ang suwelas ng sapatos ni Uncle Henry." ani ni Sergio ikinatikhim ni Uncle Henry kaya agad na nagtago si Sergio sa gilid ni Ford.
"Trust me kids, kahit na pioneer ako ng underground ay hindi ko natatandaan ang Saulo Tieves na pinapahanap sa inyo ng pamangkin ni master Steven. I have no clue about him, but De Leon might know him dahil ang matandang hukluban na 'yun ang pinaka nakakalapit kay master Steven." pahayag ng ama ng kambal.
"Can you ask him, Uncle Steven? We just really need some information para mahanap si Saulo Tieves at makuha ang usb na kailangan ng head founder." saad na request ni Shawn kay Uncle Henry.
"If i'm not mistaken, nakabalik na si Uncle Lucian sa US. Can we contact him if he's already gone?" saad na tanong ni Paxton na poker face na binalingan ng tingin ng kaniyang father-in-law.
"What do you think of your father-in-law? Do you think i have no means to call him? You think i can't contact him, Paxton?"
"Ayy dad, wala akong sinasabi na hindi mo kaya. Sinabi ko lang naman na nakauwi na si Uncle Lucian sa bansa niya at nagtanong lang ako kung matatawagan natin siya, pero hindi ko sinabi na hindi niyo kaya. Of course alam kong walang imposible sa father-in-law ko." agad na pahayag ni Paxton na sabay-sabay ikinalingon nina Demon sa kaniya maliban kay YoRi na nakatutok na ang atensyon sa cellphone nito.
"Sipsip na gago." kumento ni Demon.
"Pabidang langhiya." ani naman ni Sergio.
"Plastic na tarantado." ngising ani naman na kumento ni Tad kay Paxton na sinamaan sila ng tingin.
"Eh mga gago pala kay--"
Hindi natuloy ni Paxton ang gagawin niyang paninighal kina Demon ng mapalingon silang lahat kay YoRi na tumayo sa kinauupuan nito.
"I'm leaving,I have some important work i need to do in my restaurant." malamig na pahayag ni YoRi bago dere-deretso ng naglakad palabas ng opisina ni Uncle Henry.
"Anong meron kay Ringfer? Sa pagkakatanda ko hindi siya basta-basta umaalis pag hindi pa tapos ang ginagawa natin. Ako lang ba o patagal ng patagal, pa wirdo ng pawirdo ang tahimik nating kaibigan?" kumentong ani ni ToV.
HUMINGA NG malalim si Maya habang nakatayo siya sa pintuan ng La Cuisine Russiano, halo-halo ang emosyon na nararandaman niya simula nung gumising siya kanina hanggang ngayon sa kinatatayuan niya. Nakakaramdam siya ng excitement dahil babalik siya sa restaurant ni Yo hindi oara maghugas ng pinggan kundi ang matuto na ng mga tamang timpla at pagluluto ng russian cuisine, at the same time kinakabahan siya dahil si YoRi ang makakasama niya.
Napahawak tuloy siya sa kaniyang dibdib ng bigla niyang maalala ang eksena nila kagabi ng malaman niyang si YoRi ang bago niyang kapitbahay.
*FLASHBACK*
Hindi makapaniwala si Maya sa kaniyang nakikita, at hindi naman niya maiwasan na pagmasdan ang matipunong dibdib ni YoRi na basang-basa ng pawis nito. Agad na bahagyanh napailing si Maya upang bumalik sa huwisyo niya.
Bakit kasi walang suot na pang-itaas ang lalaking 'to? ani ni Maya sa kaniyang isipan na bahagyang napalunok.
"A-anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Maya kay YoRi.
"I will live here starting today." malamig na sagot ni YoRi na naglakad palapit kay Maya na pilit hindi ibinababa ang tingin sa matipunong katawan nito, na lihim na napapalunok.
Deretsong tingin lang si Maya sa guwapong mukha ni YoRi na deretsong nakatingin din sa kaniya.
"Mind if you help me clean my apartment, Dailyn." malamig na pahayag ni YoRi na pinatong ang kanang braso nito sa hamba ng pintuan.
Napalingon naman agad si Maya sa paligid niya dahil naalala niyang mga tsismosa at marites ang ilan sa kapitbahay niya, at nasisiguro siya na ilan sa mga dalagang kapitbahay niya ay pagpapantasyahan si YoRi lalo na sa itsura nito ngayon.
"Pumasok ka nga sa loob, akala mo ba macho ka para ibalandra 'yang katawan mo!" sita ni Maya na bahagyang tinulak si YoRi papasok sa loob ng apartment nito bago siya pumasok sa loob at bahagyang sinara ang pintuan, pero iniwanan niya ng kaunting awang.
"Are you planning something on me?" malamig na ani ni YoRi na bahagyang sinamaan ng tingin ni Maya.
"Excuse me! Anong akala mo sa akin manyak? Nililigtas lang kita sa mga mata ng mga marites at tsismosa dito sa lugar namin. At hindi ka papatahimikin ng mga malalanding kadalagahan dito pag nakita ka nila. Ano ba kasing ginagawa mo sa apartment nina Aling Josie?" pahayag ni Maya na agad inalis ang tingin kay YoRi.
"Ma-magdamit ka nga." suway ni Maya dito.
"Do i care about if they see me like this? Ngayon lang ba sila nakakita ng hubad na katawan?" walang emosyon na pahayag ni YoRi na dinampot ang gray na tshirt na hinubad niya kanina bago siya magsimulang maglinis.
"I-ikaw na ba talaga ang bagong titira dito? Hindi ba at nangungupahan ka ng apartment malapit sa apartment ng kaibigan ko?" tanong ni Maya na pasilip-silip kay Yo kung nagbibihis na ito.
"You saw me here cleaning my stuff, it means i'm the new tenant here. What's the fvcking big deal?" ani ni YoRi na nakapagbihis na bago dinampot ang martilyo at nagsimula na muling pukpukin ang na parang binubutas nito.
"Bakit ka lumipat?" tanong ni Maya na nilingon na si YoRi.
"I just want to. Masama ba?" malamig na baling na tingin ni YoRi kay Maya na agad nitong ikinailing.
"Hi-hindi, nagtatanong lang naman ako eh. Nakakagulat lang kasi dahil magiging kapitbahay kita, bakit ka nga ba nangungupahan? Mayaman ka naman diba, i'm sure may sarili kang bahay o mansion." usisang tanong ni Maya kay YoRi na inalis ang tingin sa kaniya at hindi sinagot ang tanong ni Maya at nagpupukpok ulit.
"Ay? Walang sagot sa tanong ko?"
"If your not going to help me, just leave." malamig na sita ni YoRi kay Maya.
"Tutulungan kita, pambawi na rin dahil sa ginawa mo para sa restaurant ko. Hindi ko alam bakit ginawa mo 'yun, pero salamat ah, nagkabuhay kanina ang restaurant namin ng sa amin mo papuntahin ang mga excess costumers ng restaurant mo " ngiting saad ni Maya.
"It just happen that my restaurant can't accomodate too much costumers, there's no need to say thank you "
"Kahit na, the fact na sa aking restaurant mo sila pinadala, malaking bagay 'yun sa amin. Paano ba ako makakatulong sayo dito?" ani ni Maya na binaba ang dala niyanh shoulder bag sa kahoy na bangkuan dahil wala pang matinong sofa si YoRi.
"Hand me the box over there." utos ni YoRi na agad hinanap ng mata ni Maya ang box na tinutukoy ni YoRi.
Nang makita niya iyon ay agad na kinuha ni Maya ang box na bahagyang ikinasalubong ng kilay niya.
"Camera? CCtv camera ba 'to?"tanong ni Maya bago niya iyon iabot kay YoRi.
"Isn't it obvious?"
"Sungit. Hindi naman delikado sa lugar namin, walang magnanakaw dito kaya bakit maglalagay ka pa ng cctv camera diyan? Teka saan ba nakatapat 'ya--oh my!" gulat na napatakip ng kaniyang bibig si Maya ng mabilis siyang naisandal ni YoRi sa pader kung saan kaunting distansya nalang ang layo ng mga katawan nila.
Biglang kumabog ang dibdib ni Maya habang dahan-dahan siyang tumingala kung saan nagkasalubong ang mga mata nila ni YoRi.
"Learn to keep your curiousity, Dailyn." malamig na ani ni YoRi.
"Ti-tingnan ko lang nama--"
Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng bahagyang umurong ang dila niya at bahagyang manlaki ang mga mata niya kasabay ng mas lalong pagkabog ng dibdib niya ng hawakan ni YoRi ang bandang leeg niya kung saan naroon ang band aid na pinangtakip niya sa parang hickey na nakuha niya sa kung anong insekto.
"Go home, i don't need your help now. I can do it alone." malamig na pahayag ni YoRi na kita ni Maya na bumaba ang tingin nito sa may bandang leeg niya kaya bahagya niyang tinulak si YoRi at umalis sa pagkakasandal niya sa pader.
"So-sorry kung nakaabala ako, si-sige, uuwi na ako. We-welcome pala sa lugar namin." ani ni Maya na agad kinuha ang shoulder bag niya at mabilis na naglakad patungong pintuan.
"Come at my restaurant tomorrow." ani ni YoRi na ikinatigil ni Maya sa paglalakad niya at nilingon si YoRi na bumalik sa ginagawa nito.
"Ba-bakit?"
"You want to learn the right way how to cook russian cuisine, right? I'll start teaching you the basic." malamig na sagot ni YoRi na ikinasilay ng ngiti ni Maya.
"Ta-talaga? Sigurado ka? Walang bawian 'yan Mr. Ringfer ah."
"In one condition." ani ni YoRi.
"Bakit may kondisyon? Pero sige, alang-alang sa restaurant ko, anong kondisyo---"
"Call me Yo, just Yo." putol ni Yo sa kaniya na binaling ang malamig na tingin nito sa kaniya dahilan upang magkasalubong muli ang mga mata nila.
*END OF FLASHBACK*
Huminga ng malalim si Maya upang pakalmahin ang kaniyang halo-halong nararamdaman. Malaking chance ang binigay ni YoRi sa kaniya, at upang makuha na niya ang puso ng ibang mga costumers ni YoRi ay kailangan niyang mas matuto ng panlasang papatok sa mga ito.
Hinayaan na siya nina Misha at sinabihan na susuportahan siya nga mga ito, at masaya na si Maya na nakasuporta ang mga kasama niya kahit kay Nikolai ay hindi parin nito gusto ang ginagawa niya.
"Kaya mo 'to Maya, para sa future ng restaurant mo. Para sa road to success ng career mo, you need to exce--"
"Pagkakamalan kang baliw sa ginagawa mo."
Gulat na agad napalingon si Maya sa kaniyang likuran kung saan nakatayo roon si YoRi na ikinapagtaka niya dahil hindi man lang niya napansin ang pagdating nito, at hindi niya inaasahan na wala ito sa loob ng resto nito.
"Ka-kanina ka pa diyan?" takang tanong ni Maya dito.
"Let's go inside, time is precious." malamig na ani ni YoRi na akmang papasok na sa loob ng humarang si Maya sa harapan niya.
"Uhmmm, to make sure lang Mr. Ringfer talaga bang tutur--"
"What did you call me?" putol ni YoRi sa kaniya na bahagyang ikinasalubong ng kilay ni Maya.
"H-huh?"
"I set the condition to this cooking lesson, remember? If you want me to teach you, what should you call me?" pahayag ni YoRi na bahayag naumid ang dila ni Maya dahil hindi niya alam paano gagawin ang gusto nitong kondisyon.
Madaling kondisyon pero hindi alam ni Maya bakit nahihirapan siyang gawin.
"Uh-uhmmm, di-diba dapat chef ang itawag ko sayo bilang respeto, dahil tuturuan mo ako ng tamang way ng paglulu--"
"Just come here in my restaurant when you ready to do my condition." malamig na putol ni YoRi na nilagpasan si Maya at akmang papasok na sa loob ng kusang kumilos ang kamay ni Maya at hinawakan ang kanang braso ni YoRi.
"O-oo na sige na, gagawin ko na." ani ni Maya na huminga ng malalim bago binitawan ang braso ni YoRi.
"Hi-Hindi mo naman ako binibiro na tuturuan mo na talaga ako ng tamang way ng pagluluto ng russian cuisine, hindi na ako maghuhugas ng pinggan, Y-Yo?" pahayag ni Maya kahit di niya alam bakit hirap siyang tawagin si YoRi sa pangalan nito.
"I'm not fond of jokes, so take my words. Come with me." pahayag ni YoRi na pumasok na sa loob.
Bumalik ang excitement sa dibdib ni Maya bago pumasok sa loob ng restaurant ni YoRi, kung saan may isang pares ng mata na nakatingin sa restaurant ni YoRi na nakasakay sa isang black sedan na kotse bago iyon pinaandar paalis.