Chapter 25: His different side part II

2817 Words
“Siya nga pala anak, siya si Dada. Hindi ko nakuwento sayo pero malaki ang naitulong niya sa akin, lagi pa niya kaming dinadalhan ng pagkain pag hindi siya abala. Dada, siya ang nag-iisa naming anak, si Yo.”natutuwang pagpapakilala ni Aling Luisita kay Maya at YoRi. “U-Uhmmm, kilala---“ “Kinagagalak kitang makilala, Dada. Salamat sa kabutihan na pinapakita mo sa aking mga magulang.”pahayag na putol ni YoRi na bahagya pang yumuko sa kaniya na ikinatunganga ni Maya sa gulat dahil walang lamig sa boses ni YoRi sa mga sinabi nito, para itong normal na nakipag-usap sa kaniya at higit sa lahat ay nakangiti ito sa kaniya na ngayon niya lang nakita ang ganitong genuine na ngiti kay YoRi. Napatunganga si Maya kay YoRi na may lambing na binabati si Aling Luisita dahil kaarawan nito na sobrang bago sa paningin ni Maya, dahilan upang hindi niya alam kung anong ire-reak niya dahil ang nakikita niyang YoRi na magalang, nakangiti at mabining kinakausap ang dalawang matanda ay iba sa YoRi na kaniyang nakilala. Eh?! Anong nangyayari?!! “Sandali lang at aayusin ko na ang hapagkainan natin para makakain na tayo, sakto at nagdala si Dada ng bago niyang recipe na natutunan na lutuin. Mag-usap muna kayong dalawa, sigurado ako na magkakasundo kayo dahil parehas kayong mahilig magluto.”malawak na ngiting ani ni Aling Luisita sa dalawa. “Gusto niyo po ba na tulungan ko kayo nanay? Kaarawan niyo ngayon dapat kayo ang pinagsisilbihan namin ni tatay.”mabining ani ni YoRi na bahagyang ikinatawa ni Manong Kanor. “Iyan nga ang sinasabi ko sa iyong ina, kaya lang ayaw pumirme.” “Ano ba kayo, gusto ko kayong inaasikaso. Siya, tatawagin ko nalang kayong dalawa pag okay na ang mga kakainin natin, magkailanlan muna kayong dalawa ha, Dada, Yo anak.”matamis na ngiting ani ni Aling Luisita na iniwan na ang dalawa at hinila ang asawa upang magpatulong sa mga aayusin nito. Hindi parin maka get over si Maya sa kaniyang nakikita, hindi niya nakikita ngayon ang parang yelo sa lamig na presensya ni YoRi, ibang tao ang nakikita niya kaya naninibago siya at pakiramdam ni Maya ay nananaginip siya. “Y-Yo…”mahinang tawag ni Maya kay YoRi na lumingon sa kaniya na ikinakurap ni Maya dahil ang malamig na YoRi naman ang kaharap niya. Kanina ay parang ibang tao ito, ngayon ay bumalik ito sa YoRi na nakilala niya. Seryoso ang mukha at malamig na naman ang tingin na binibigay sa kaniya. “…pa-pag-akyat mo ba dito sa burol ay nanuno ka?” kyuryosidad na tanong ni Maya dito dahil baka nadu-duwende si YoRi. “Don't be surprised by my treatment of my parents, I’m being like what you saw just for them.”malamig na ani ni YoRi kay Maya. Sinong hindi magugulat sa nakita ko? Taong yelo ang pagkakakilala ko sa kaniya tapos masasaksihan ko na may ganitong side siya. Ani ni Maya sa kaniyang isipan. “H-Hindi ko lang inasahan, p-pero hindi ko inakala na ikaw pala ang anak nila na nababanggit nila sa akin noon pag dumadalaw ako sa kanila.”ani ni Maya na ikinaalis ng tingin ni YoRi sa kaniya at walang sinabi sa kaniya. Naguguluhan si Maya lalo sa attitude ng katabi niya, minsan nakakaya niya ang cold attitude nito, naguguluhan bakit hinalikan siya nito lalo na ang eksena nila kaninang umaga sa kama nito. Ngayon, parang ibang tao siya dito at hindi maiwasan ni Maya na makaramdam ng awkwardness. “How did you met them?’ malamig na tanong ni YoRi habang sa mag-asawa nakatuon ang atensyon niya na masayang nagpe-prepare ng mesa para sa mga kakainin nila. Napalingon na din si Maya sa mag-asawa at hindi naiwasan na mapangiti sa mga ito. “Nakilala ko si Aling Luisita sa palengke sa bayan, namimili sila doon ni Manong Kanor ng mga gulay at prutas. Iyong binanggit ni Aling Luisita na pagtulong ko sa kaniya, muntik na kasi siyang masagi noon ng jeep car ng anak ng mayor sa bayan. I was there kaya naiiwas ko siya, kahit ang sarap sapakin ng mukha ng lalaking ‘yun dahil hindi man lang tumigil at humingi ng sor---“ “When did it happen?” malamig na putol ni YoRi sa kaniya na ikinalingon ni Maya dito. “Hi-hindi ba ‘yun nabanggit ni Aling Luisita sayo?” “They didn’t.” walang emosyon na sagot ni YoRi na bahagyang inalis ang tingin kay YoRi at mahinang pinalo ang bibig. “I’m asking you, when did that happen?”baling ng malamig na tingin ni YoRi kay Maya. “Matagal na naman ‘yun, baka kaya hindi na sinabi sayo ni Aling Luisita ay para hindi ka mag-alala. Kalimutan mo nalang ‘yung sinabi ko.”ani ni Maya na ngiwing ngiti ang pinapakita niya kay YoRi na hindi nito ikinaimik. “Uhmm, matanong ko lang. Kung magulang mo sina Aling Luisita bakit narito sil---“ “They are my adoptive parents, sila ang nagpalaki sa akin.”putol na sagot ni YoRi. “Oh, kaya pala malambing ka sa kanila dahil sila na ang kinalakihan mong mga magulang. Hindi mo pinapakita sa kanila ang cold side na nakikita ko sayo.”kumento na ani ni Maya na bahagyang natawa at tinapik-tapik ang braso ni YoRi. “Joke lang ‘yung last na sinabi ko, pinapatawa lang kita.”ani ni Maya na bahagyang tumikhim at umayos sa kinatatayuan nito ng may maalala siya. “Oo nga pala, salamat ulit sa pagpapatuloy mo sa akin kagabi sa apartment mo, nagtataka lang ako kasi pag-uwi ko sa apartment ko nabago ‘yung pintuan ko. I’m just wondering kung…” “I ask someone to change the design and lock of your doors, not just the front but also the back door.” “S-Sana hindi mo na ginawa ‘yun, ang laki na nga ng natulong mo sa akin. Babayaran kita sa mga nagast---“ “Sinisingil ba kita?” malamig na putol ni YoRi na ikinatitig ng mga mata nila sa isa’t-isa. “Hi-hindi pero—“ “Kung hindi kita sinisingil, just say thank you.”puto pa muli ni YoRi na bahagyang napasimangot si Maya. “Patapusin mo kaya mga sinasabi ko, lagi mong pinuputol mga dapat kong sabihin. Pero kung libre mo sa akin ang pagpalit ng mga lock sa pintuan ng apartment ko, salamat. Mabait ka rin pala kahit papaano.”ani ni Maya na bahagyang napangiti si Maya. “Nagulat man ako sa ibang side mo sa harapan ng mga magulang mo, pero natutuwa ako kasi napaka coincidence na mga nagpalaki sayo ay nakilala ko. Napalapit na kasi ako sa kanila kaya pag may time ako ay pinupuntahan ko sila. Ang totoo Yo, dahil ulila na ako sa magulang, ng makilala ko silang mag-asawa para sa akin naging magulang ko na sila. Ang swerte mo at sila ang nagpalaki sayo.” “I know that, they accept me when my father didn’t.”malamig na ani ni YoRi na takang ikinatitig ni Maya kay YoRi. “Anong ibig mong sabihin?” “Hala! Nakalimutan kong bumili ng pakwan sa bayan.” Bulaslas ni Aling Luisita na ikinalingon nila ni YoRi dito. “Sinabi ko na sayo kanina kung may nakalimutan kang bilhin, sabi mo ay ayos na. Ikaw talaga mahal, makakalimutan ka na.”saad ni Manong Kanor. “Sayang naman, maganda sana kung nakabili ako ng pakwan. Paborito ko pa naman ‘yun kainin after kumain.” “Bibili po ako.”ngiting presinta ni Maya na ikinalingon nina Aling Luisita sa kaniya. “Naku Dada, huwag na. May kalayuan ang bayan dito sa burol. Kahit siguro wala ng pakwan.” “Sasamahan ko po siya nanay, dala ko naman po ang motorbike ko.” magalang at nakangiting pag-presinta ni YoRi na napalingon si Maya dito dahil nag change na naman ito into soft side na sa adoptive parents lang nito pinapakita. “Sigurado ka ba anak? Ayos lang naman kung wala tayong pakwan sa mesa.” “Paborito niyo po ang pakwan, isa pa kaarawan niyo, ano man po ang gusto niyo ibibigay ko.”ngiting pahayag ni YoRi na ngiting nilingon si Maya na napatitig sa kaniya dahil hindi maiwasan ni Maya na mapansin na mas gumaguwapo si YoRi pag nakangiti ito. “Ayos lang ba na samahan kita?”magalang na tanong ni YoRi. “O-Okay l-lang naman…”sambit ni Maya kay YoRi. Nang magpa-aalam na ito ay nauna itong lumabas ng kubo kaya agad ding nag-paalam si Maya at sinundan si YoRi. Naabutan niya ito sa labas na hinihintay siya, at ngayong sila lang dalawa at hindi nila kaharap sina Aling Luisita ay cold mode naman uli ang bumabalot kay YoRi. Sasakit ata ang ulo ko sa pabago-bagong ugali ng lalaking ‘to, talaga bang nahuhulog ang puso ko sa taong yelo na ‘to? Baka nagkakamali lang ako, baka nami-misunderstand ko lang ang puso ko. pagka-usap ni Maya sa kaniyang sarili habang nakatingin kay YoRi. “Why are you staring at me?” kumentong sita ni YoRi na agad ikinailing ni Maya. “Wala, naninibago lang siguro ako. Paano ba naman, cold ka pagkausap ako tapos change mood ka pag kausap sina Aling Luisita, straight tagalog ka pang magsalita sa harapan nila. Hayae na nga, halika na.”ani ni Maya na nauna ng maglakad pababa ng burol na nagpamulsang ikinasunod ni YoRi sa kaniya. “Maingat ka bang magpatakbo ng motor? Hindi ako sanay sumakay sa ganiyan, kaya dahan-dahan lang ang takbo natin mamaya ah.”request na ani ni Maya ng masabayan na siya ni YoRi sa paglalakad niya. “Do you want me to talk with you in straight tagalog?” malamig na tanong ni YoRi na ikinalingon ni Maya dito. “Magandang ideya ‘yan, kasi baka dumugo ang tenga at ilong ko sa kaka English mo.” Biro ni Maya ng bahagya siyang magulat ng hawakan ni YoRi ang kanang kamay niya. “Bilisan natin.”malamig na ani ni YoRi na nauna ng naglakad ito dahilan upang maging hila-hila nito si Maya na hindi na naman nito napigilan na kumabog ang dibdib sa kamay ni YoRi na hawak-hawak siya. “Te-teka, kaya ko namang maglakad, hindi mo na ako kailangang hilahin.”bahagyang angal ni Maya na akmang aalisin niya ang pagkakahawak ni YoRi sa kaniya ng hindi nito pakawalan ang kamay niya. “Anong gusto mo Dailyn, ang hawakan ko ang kamay mo o buhatin kita hanggang makababa tayo ng burol.”pahayag ni YoRi na hindi nagawang ikaimik ni Maya, dahilan upang hindi na siya nakaangal sa paghila ni YoRi sa kaniya. Naguguluhan naman si Maya sa ginagawa ni YoRi, hindi na niya malaman kung bakit minsan ay ganito ito sa kaniya. Pakiramdam ni Maya ay may pagbabago sa pagitan nila ni YoRi, at clueless si Maya sa ganitong side ni YoRi. Hinayaan nalang ni Maya ang pagkakahawak ni YoRi sa kaniya kahit ayaw papigil ng puso niya sa pagkabog nito. Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Maya na ganun kabilis napalitan ang pagkagusto niya kay Leroi ng makilala niya si YoRi. Nang makababa na sila ng burol ay binitawan na siya ni YoRi at tinungo nito ang motorbike nito na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Maya dahil nakikita niya na sa design palang ng motor ay masasabi niyang mamahalin ito. “Sa-Sasakay ako diyan?”sambit na tanong ni Maya habang nakatingin sa mamahaling motor ni YoRi. “Bakit? Kaya mo bang sabayan sa paglalakad ang takbo ng motorbike ko?”malamig na ani ni YoRi sa kaniya na bahagyang ikinasimangot ni Maya. “Nagtatanong lang naman ako.”ani ni Maya na lumapit na sa motor ni YoRi ng isuot nito sa kaniya ang helmet nito bago ito sumakay. “Sakay na.” “Bakit ikaw walang helmet? Hindi ba dapat mas need mong magsuot ng driver dahil ikaw ang magmamaneho?” takang saad ni Maya. “Sasakay ka ba o magtatanong ka nalang ng magtatanong diyan. Pili ka.”walang emosyon na pagbibigay choices ni YoRi. “Alam mo nagtatanong lang ako taong yelo, bakit ang sungit mo?” “May pangalan ako, hindi ba?”sita ni YoRi na bahagyang ikinatikhim ni Maya. “Umalis na nga tayo, Yo, happy?” ani ni Maya na wala ng nagawa kundi sumakay sa likuran nib YoRi bago huminga ng malalim at humawak sa likuran ng motor. “Bagalan mo lang ang takbo mo ah, tsaka dahan-dahan lang.”bilin ni Maya kay YoRi na bahagyang sumilip sa kaniya gamit ang malamig na mga mata nito. “Bakit ayaw mo pang paandarin?”tanong ni Maya dahil nakatingin lang si YoRi sa kaniya. “That’s no—hindi diyan ang tamang hawak, Dailyn.”sita ni YoRi na ikinakunot ng noo ni Maya. “Ha? Eh saan ako hahawak?” takang tanong ni Maya na naghanap ng makakapitan pero wala naman itong makita. “Wala naman akong ibang mahahawakan sa motor mo.” “Ibigay mo sa akin ang dalawang kamay mo.”saad ni YoRi na walang tanong-tanong na ipinakita ni Maya ang dalawang kamay niya kay YoRi ng hawakan nito ang mga kamay niya at ipayakap sa bewang nito na bahagyang ikinagulat at ikinalaki ng mga mata ni Maya. “Kumapit kang mabuti, sa oras na bumitaw ka at nahulog ka, hindi ko kasalanan.”malamig na ani ni YoRi na mas pinayakap sa bewang niya ang mga braso ni Maya bago niya paandarin ang motor niya at umalis na patungong palengke, habang si Maya ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso hindi dahil sa pagsakay niya ng motor, kundi sa pagkakayakap niya kay YoRi mula sa likuran. At kahit hindi mapigilan ni Maya ang bilis ng pagtibok ng puso niya ay ginawa niya ang bilin ni YoRi, ayaw niya din na mahulog pero hindi maiwasan ni Maya na kung ano-ano ang pumasok sa kaniyang isipan mula sa katawan ni YoRi na minsan niya ng nakita. Nang makarating sila sa palenge sa bayan ay agad ipinarad ni YoRi ang motorbike niya, pagkababa naman ni Maya ay agad siyang nagpaalam kay YoRi na maghahanap na ito ng stall ng pakwan. “Bakit hindi ka kumalma pag malapitan sayo si Yo? Pag ako nahalata sayo, kung puwede lang papapalitan kita.”sermonna pagka-usap ni Maya sa kaniyang puso. Gustong mas ikumpirma ni Maya kung tunay na si YoRi na ang gusto niya, at hindi na si Leroi pero hindi niya alam kung paano magsisimula. Bahagyang kinalma ni Maya ang kaniyang puso bago inikot ang kaniyang mga mata sa palengke upang maghanap ng pakwan ng may tatlong lalaki na humarang sa kaniya, at dahil hindi makakalimutan si Maya ay natandaan niya ang lalaking nasa harapan niya. Sa pagkaka-alamn niya ang lalaking preskong nakatayo at humarang sa daraanan niya ay ang lalaking anak ng mayor ng bayan na muntik ng makasagas noon kay Aling Luisita. “Hi! Mag-isa ka lang ba dito?” ani na tanong ng anak ng mayor habang nakatayo sa likuran nito ang dalawang alipores. “Hindi, may kasama ako kaya umalis na kayo sa daraanan ko.” “Puwede mo naman sigurong iwan ang kasama mo at sa akin nalang sumama, anak ako ng mayor dito, I can give you whatever you want.”ani nito na poker face si Maya na tinitigan ito. “Kahit anak ka pa ng governor o presidente hindi ako sasama sayo, mawalang galang na pero puwede bang umalis ka sa daraanan ko.” singhal ni Maya na ikinalapit ng anak ng mayor sa kaniya. “Ang tapang mo naman, pero bagay sayo dahil sa ganda mo. Isa pa, gusto ko sa babae ang pakipot, challenging kasi ‘yun. My name is Gelo, wanna have fun with me?”ngising ani nito na itinaas ang kanang kamay para hawakan si Maya sa braso nito ng hindi iyon natuloy ng may humawak sa braso ng anak ng mayor, na paglingon ni Maya ay si YoRi na ang nakatayo sa bandang likuran niya at walang emosyon na nakatingin sa anak ng mayor. “Yo…”sambit na tawag ni Maya kay YoRi habang binibigay nito ang kalamigan ng paninitig nito sa anak ng mayor. Hindi maiwasan ni Maya na mapatitig kay YoRi na ikinababa niya ng kaniyang tingin sa kaniyang bewang ng nakahawak na doon ang isang kamay ni YoRi, na muling ikinatibok ng mabilis ng puso niya, pero hindi niya magawang alisin o tabigin iyon dahil pakiramdam ni Maya ay safe siya sa tabi nito. “Sino k aba ha?!” singhal ng anak ng mayor na pilit man na kunin ang braso niyang hawak-hawak ni YoRi ay hindi nito magawa. “I’m hell, wanna fvcking have fvcking fun with me?” walang emosyon na tanong ni YoRi dito gamit ang walang emosyon nitong tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD