NAKATAYO lang si Maya sa tabi ng motorbike ni YoRi habang hawak-hawak ang dalawang pakwan na si YoRi ang bumili, hinihintay ni Maya na bumalik si YoRi matapos nitong magpa-alam dahil nagsabi ito na may gagawin lang ito sandali. Pero kalahating oras na ang lumilipas ay hindi pa bumabalik si YoRi sa pinag-iwanan nito sa kaniya.
“Nasaan na ba ang taong yelo na ‘yun? Sabi niya sandali lang siya?”ani ni Maya habang hinahanap ng mga mata niya si YoRi sa mga tao na nasa palengke.
“Saan kaya nagpunta ang isang ‘yun?” tanong pa ni Maya sa kaniyang sarili ng maalala niya ang nangyari kanina kung saan bahagyang nagkaroon ng gulo dahil sa anak ng mayor na sinubukan siyang pormahan, na pinahiya naman ni YoRi.
*FLASHBACK*
“Sino ka ba ha?!” singhal ng anak ng mayor na pilit man na kunin ang braso niyang hawak-hawak ni YoRi ay hindi nito magawa.
“I’m hell, wanna fvcking have fvcking fun with me?” walang emosyon na tanong ni YoRi dito gamit ang walang emosyon nitong tinig.
“Hell? Eh gago ka pala eh! Hindi mo ba ako kilala ha?! Panira ka ng diskarte!” galit na singhal ng anak ng mayor kay YoRi habang puwersadong inaalis nito ang pagkakahawak ni YoRi sa braso nito, na kusang binitawan ni YoRi dahilan upang mawalan ito ng balanse na muntik na nitong ikataob pero agad naalalayan ng dalawa nitong kasama.
Hindi narin maiwasan mapatingin ng mga tao sa palengke kina YoRi dahil sa pang-aamok ng anak ng mayor ng bayan na ‘yun.
“Sino ka ha? Kilala mo ba ang binabangga mo?” gigil na ani ng anak ng mayor habang plain na tingin at walang emosyon lang ang mga mata ni YoRi na nakatingin sa mga ito.
“Do I need to know you?” malamig na ani ni YoRi na ikinatapik ni Maya sa balikat nito dahilan upang bumaba ang tingin nito sa kaniya.
“Huwag ka ng makipagtalo sa kanila, bumili na tayo ng pakwan na gusto ng nanay mo.”ani ni Maya kay YoRi.
“Sa tingin mo ba paaalisin ko kayo ng ganun-ganun nalang? You disturb me with this woman as if you fvcking know he—aaahhh!” daing sa sakit ng anak ng mayor habang pinipilipit ni YoRi ang daliri nito na dinuro si Maya.
“You don’t fvcking cuss her and called her woman, and don’t point her with your shity finger.” Malamig na ani ni YoRi sa anak ng mayor na napapangiwi sa pamimilipit ni YoRi sa daliri nito na wala namang magawa ang dalawang kasama nito.
“Bi-Bitawan mo nga ako! Hindi mo ba alam na anak ako ng mayor sa bayan na ‘to?! Kaya kitang ipakulong for hurting me you asshole!” sigaw ng anak ng mayor kay YoRi.
“Y-Yori, tama na ‘yan baka mapahamak ka sa ginagawa mo eh.” Pagpigil ni Maya kay YoRi dahil ayaw niyang ireklamo o umabot ang nangyayari sa mga pulis na puwedeng maging kasiraan sa pangalan ni YoRi.
“Do I fvcking care if you’re a fvcking son of a fvcking mayor? Bastard.”walang emosyon na ani ni YoRi na binitawan ang daliri nito pero malakas na sipa sa dibdib ang binigay niya dito dahilan upang bumagsak ito sa lupa na agad tinulungan ng dalawang kaibigan nito.
Dahil sa nangyayari at dahil ayaw ni Maya na lumaki pa ang nagsisimulang gulo ay agad niyang hinawakan ang braso ni YoRi at hinila na ito palayo.
“Hahanapin kita! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin na gago ka!” galit na sigaw ng anak ng mayor habang papalayo sina Maya.
Nang makalayo na sila ay agad na hinarap ni Maya si YoRi at may kalakasang na hinampas ang kanang braso na hindi man lang natinag sa ginawa niya.
“Siraulo ka ba?! Bakit mo naman sinaktan ‘yung anak ng mayor? Yo, anak ‘yun ng mayor ng bayan na ‘to at puwede ka nilang ipakulong. Sana pinabayaan mo na lang ‘yung lalaking ‘yun.” Panenermon ni Maya dito.
“Pinabayaan? He clearly being rude to you, Dailyn.”
“Alam ko, pero sana nga pinabayaan mo nalang. Paano kung magsumbong ‘yun sa tatay niyang mayor at idiin ka na sinaktan mo siya.”saad ni Maya na hindi maiwasan na magpakita ng pag-aalala kay YoRi.
“I’m not scared of that.”malamig na ani ni YoRi
“Hindi ka natatakot? Yo puwedeng masira ang pangalan mo, ang pangalan ng restaurant mo pag nalaman at nabalitaan ng lahat ang pagpatol mo sa anak ng mayo—“
“Hindi mo kailangang mag-alala sa akin, Dailyn, kaya ko ang sarili ko.”walang emosyon na putol ni YoRi na nakatitig sa kaniya.
“He push himself to you rudely, he tried to touch you.”malamig na ani pa ni YoRi na walang imik na ikinatitig ni Maya dito.
Bakit? Dahil sa akin kaya pinatulan niya ang lalaking ‘yun? Sambit na tanong ni Maya sa kaniyang sarili.
Natapos na ang usapan nila sa nangyari at ito na ang unang umalis sa harapan niya upang maghanap ng pakwan na kailangan nila. Agad na sumunod nalang si Maya kay YoRi na tahimik na naglalakad, sinabayan ni Maya ito sa paglalakad nito at panaka-nakang nililingon niya ito. Hindi malaman ni Maya kung anong iniisip ni YoRi sa mga oras na ‘yun, nahihirapan siyang basahin ito dahil wala siyang ibang makitang emosyon sa mukha nito.
Nang makabili na sila ng pakwan ay wala parin silang imik sa isa’t-isa habang naglalakad na sila pabalik sa pinagparadahan ni YoRi ng motorbike nito. Nang makarating sila sa paradahan ay akmang magsasalita si Maya ng ipahawak ni YoRi ang nabili nilang dalawang pakwan sa kaniya.
“Stay here, huwag kang aalis. May gagawin lang ako.” Malamig na ani ni YoRi na iniwan si Maya sa tabi ng motorbike nito.
“Saan ka pupunta? Yo?!”
Naguguluhan si Maya kung anong gagawin ni YoRi at umalis pa ito, napababa nalang ng tingin si Maya sa dalawang pakwan na hawak nito.
“Anong gagawin ng lalaking ‘yun?” tanong ni Maya sa kaniyang sarili matapos siyang iwan ni YoRi sa tabi ng motorbike nito.
*END OF FLASHBACK*
“Magkakalahating oras na simula ng umalis ang taong yelo na ‘yun, hindi pa ba siya babalik?” ani ni Maya ng mapalingon siya sa dalawang ambulansya na dumating sa may palengke.
“Anong nangyayari?” clueless na ani ni Maya na nakatingingin sa may ambulansya. dalawa sa sakay ng dalawang ambulansya ay nagbaba ng stretcher at miya-miya, ay may mga kalalakihan na may buhat-buhat na tatlong lalaki na walang malay, bahagyang duguan at puro pasa ang mga mukha, nang magulat si Maya ng mamukhaan nito ang anak ng mayor sa tatlong parang binugbog habang isinasakay sa ambulansya.
“A-anong na-nangyari sa kanila?” nagtatakang ani ni Maya ng makita niyang mula sa nagkukumpulang mga tao ay nakita niya si YoRi na pabalik na sa kinatatayuan niya hanggang makarating ito sa tapat niya.
“Tara na.”malamig na ani ni YoRi na kinuha ang helmet at ito na ang nagsuot sa ulunan ni Maya ng mapatingalang tingin ito sa kaniya.
“Hu-huwag mong sabihin na…”
“…sasakay ka ba o mauuna na akong bumalik sa kubo ng mga magulang ko?” pahayag na malamig na tanong ni YoRi na sumakay na sa motor nito.
Hindi alam ni Maya pero sa tingin niya ay may kinalaman si YoRi sa nangyari sa anak ng mayor at sa dalawang kaibigan nito, pero ayaw niyang mag-isip ng kakaiba kay YoRi na puwedeng nagkataon lang ang nangyari sa anak ng mayor.
Nagpambuntong hiningang sumakay nalang si Maya sa motorbike ni YoRi, at kahit nahihiya siya ay wala siyang choice kundi ipulupot ang isa niyang kamay sa bewang ni YORi habang hawak niya ang dalawang pakwan na binili nila ni YoRi.
Pinaandar na ni YoRi ang motorbike niya at pinatakbo na ‘yun paalis sa bayan, hindi mawala kay Maya na mag-alala na baka si YoRi ang idiin sa nangyari sa anak ng mayor dahil maraming nakakita sa ginawa ni YoRi dito bago mangyari ang pambubugbog sa mga ito.
Kalahating oras na biyahe ay nakabalik na sila sa burol, ibinalik ni YoRi sa pinagpaparadahan niya ang motorbike niya. Bumaba na si Maya, ganun din si YoRi. Akmang uuna na si Maya ng matigilan siya sa paglalakad nito ng hilahin siya pabalik ni YoRi dahilan upang mabunggo niya ang dibdib nito at ikinatingala niya dito.
“Kung nag-aalala ka dahil sa nangyari sa lalaking nambastos sayo---“
“Hindi naman ako sa bastos na ‘yun nag-aalala, hindi ko maiwasang maisip na baka idiin ka ng lalaking ‘yun at sabihin na ikaw ang bumugbog sa kaniya.”putol ni Maya kay YoRi.
“There’s wrong wrong in that accusation, I beat them.”malamig na ani ni YoRi.
“Yo, hindi mo dapat ginawa ‘yun.”
“I did what I already did, don’t think those assholes. Let’s go.”ani ni YoRi na binitawan na si Maya bago kinuha ang pakwan na dala nito at nauna ng maglakad.
“Wala bang kinakatakutan ang lalaking ‘yun? Hindi niya ba nauunawaan na anak ng isang mayor ang sinaktan niya?” ani ni Maya na hindi makapaniwalang wala itong makita kay YoRi na pag-aalala sa ginawa nito.
Napapailing nalang na sumunod si Maya kay YoRi, pagbalik nila sa kubo ay agad muling nakita ni Maya ang ibang side nito na ibang-iba sa YoRi na kasama niya lang kanina. Kumpara sa YoRi na kasama niya kanina ay isang mabait, magalang at palangiti na YoRi ang kaharap ng mga magulang nito.
Sa tingin ni Maya ay ayaw ipakita ni YoRi sa mag-asawa ang cold nitong ugali na pinapakita nito sa ibang tao, at nakakahalubilo nito.
Sabay-sabay na silang kumain, hindi man sanay si Maya pag magalang siyang kinakausap ni YoRi dahil katabi nila sa mesa ang mag-asawa ay sinasakyan niya nalang ito.
“Ang sarap naman ng dala mong pagkain Dada, puwedeng-puwede ka ng mag-asawa nito. Bakit hindi ka pa bumuo ng pamilya mo.”ani ni Aling Luisita na ikinangiti ni Maya.
“Naku Aling Luisita, hindi pa naman po pumapasok sa isipan ko ang pag-aasawa, pero darating din naman po ako diyan.”
“Matanong ko lang Dada, meron ka na bang napupusuan? O nobyo?” tanong ni Aling Luisita.
“Ikaw talaga asawa ko, kumain muna tayo at huwag ng tanungin ng tanungin si Dada.”suway ni Mang Kanor.
“Ang totoo niyan Aling Luisita may gusto po akong lalaki, kaya lang parang kumplikado.”ani ni Maya ng mapalingon sila kay YoRi na nagtaob ang baso nito.
“Okay lang anak?”
“Opo nay, natabig ko lang po ang baso ko. Pasensya na.”ngiting ani ni YoRi.
“Sayang, may napupusuan na pala ang puso mo Dada, ang aking anak kasi ay single pa. Naisip ko lang na baka bagay kayong dalaw---“
“Tama na ‘yan asawa ko, bago mailang silang dalawa sa isa’t-isa sa sinasabi mo. Huwag niyo nalang pansinin ang asawa ko, hala sige magsikain na uli tayo.”pahayag ni Manong Kanor na nilagyan ng pagkain ang plato ng asawa nito.
Napalingon naman si Maya kay YoRi na bahagya siyang natigilan ng seryoso ang malamig nitong mga mata ay nakatingin sa kaniya.
Makatingin naman ang isang ‘to? I’m sure naman na hindi niya na gets ang sinabi ko kay Aling Luisita, hindi ko naman sinabi ang pangalan niya eh. Ani ni Maya sa kaniyang isipan ng maisip niya si Leroi.
Nawala na talaga ang pagtingin na meron ako kay Leroi, at napunta sa taong yelo na ‘to. Pambihira.. Ani pa ni Maya sa kaniyang sarili bago niya iniiwas ang tingin niya dito.
Bumalik lang ang tingin niya kay YoRi ganun din ang mga magulang nito ng tumayo ito sa pagkaka-upo nito.
“Oh anak? Hindi ka pa tapos kumain.” Punang kumento Aling Luisita na ikinangiti ni YoRi habang nakatitig si Maya dito.
“May gagawin lang po ako nay, puwede ko bang mahiram saglit si Dada.”ani ni YoRi na ikinaturo ni Maya sa kaniyang sarili.
“A-Ako? Bakit?” takang tanong ni Maya ng hawakan ni YoRi ang kaliwang braso niya at itayo siya sa pagkaka-upo niya.
“Babalik din kami nay.”ani ni YoRi na wala ng naging imik ang mag-asawa ng hilahin na siya ni YoRi palabas ng kubo.
“Teka Yo, saan tayo pupunta? Kumakain pa kaya tayo.”ani ni Maya ng makita niyang nagpunta sila ni YoRi sa isang malaking puno bago siya bitawan nito.
Naguguluhan na nakatitig si Maya kayb YoRi habang nakatitig ang malamig nitong mga mata sa kaniya.
“Alam mo mas okay pa ‘yung attitude mo na pinapakita mo sa mga magulang mo, though wala namang masama kung kasing lamig ka pa ng yelo, pero bakit ba tayo lumabas?”pahayag ni Maya ng mapasandal siya ng puno ng ikorner siya doon ni YoRi.
“Y-Yo…A-anong…”
“Sino?”
“Huh?” takang balik tanong ni Maya dito habang deretso ang titig nito sa kaniya na akmang iiwas ng tingin si Maya ng magulat siya ng dalawang kamay na ni YoRi ang kumokorner sa kaniya sa may puno.
“A-ano ba kasi ‘yun, Yo? Kumakain lang tayo kanina eh…”
“Who is the guy you like?” malamig na tanong ni YoRi na napatunganga si Maya kay YoRi.
“Ba-Bakit mo tinatanong?” ani ni Maya na biglang kumabog ang puso niya dahil sa pagtatanong ni YoRi sa kaniya.
Bakit tinatanong niya? As if naman sabihin ko na siya?
“I’m asking you, sino?” walang emosyon na ulit na tanong ni YoRi.
“B-bakit ko naman sasabihin sayo? Inabala mo pagkain ko para itanong ‘yan?”ani ni Maya na ikinatitig ni YoRi sa kaniya,
“Kailangan ko pa bang ulitin ang tanong ko, Dailyn?”malamig na tanong ni YoRi kay Maya.
Nawalan naman ng imik si Maya dahil nakikita niyang seryoso si YoRi sa pagtatanong nito sa kaniya, hindi niya alam kung bakit interesado itong malaman sa kung sinong lalaking gusto niya. Ramdam ni Maya ang mabilis na kabog ng kaniyang puso, ayaw niyang sabihin kay YoRi ang nararamdaman niya na para kay Maya ay napakabilis na pangyayari na ang puso niya ay kay YoRi na tumitibok.
Gusto niyang itago nalang ang nararamdaman niya, ayaw niyang mapahiya higit sa lahat ay masaktan sa dahil alam niyang siya lang ang may nararamdaman.
“A-Ayoko ngang sabihin, bakit ba pinipilit mo?”saad ni Maya ng makita niyang bahagyang matigilan si YoRi bago ito pahakbang na lumayo sa kaniya at tinalikuran.
“Let’s go back inside.”ani nito bago bumalik papasok sa loob ng kubo at iniwan si Maya sa may puno.
“Nakakahiya kayang sabihin na siya ang tinutukoy ko kina Aling Luisita na lalaking gusto ko. Ano bang problema ng taong yelo na ‘yun at bigla niya akong tinanong?”ani ni Maya sa kaniyang sarili na nagpambuntong hininga habang kapa-kapa niya ang kaniyang dibdib dahil sa kaba at pagkabog nito dahil kay YoRi.