NAPANGIWING napahawak si Maya sa kaniyang ulunan dahil ramdam niya ang p*******t nito, parang inuumpog ang ulo niya sa sakit ng nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay gusto nalang niyang humiga maghapon at huwag muna magkikilos dahil sa p*******t ng ulo niya.
Dahan-dahan na bumangon si Maya sa pagkakahiga habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa kaniyang ulunan.
"Ang sakit ng ulo ko." sambit na angal ni Maya ng mapalingon siya sa may side table kung saan naglagay si Misha ng baso ng tubig, lugaw at advil sa isang tray.
"Sino ba naman kasing may sabing laklakin mo lahat ng beer kagabi? Sobrang dami mong nainom girl, parang problemado ka na ewan. Kumain ka at uminom ng gamot sa sakit ng ulo, kung hindi mo kayang pumunta sa resto huwag mong pilitin ang sarili mo, for sure naman na di ka hahanapin ni Mr. Ringfer dahil first of all di ka niya empleyado."ani ni Misha.
" Pasensya na Misha, hindi ko alam bakit ginanahan akong uminom kagabi. Wala naman akong wierd na pinagsasabi tama?"
"Wala naman, pero bukang bibig mo lagi si Mr. Ringfer at ang ginawa niyo sa Arizona."sagot ni Misha na ikinalaki ng mga mata ni Maya.
" Ta-talaga? A-anong mga sinabi ko kagabi?"
Biglang kinabahan si Maya sa isipin na nasabi niya kay Misha ang paghalik ni YoRi sa kaniya sa may elevator para pakalmahin siya, ayaw niyang mag-isip ang kaibigan niya mg iba sa nangyari.
"About sa party after ng seminar, kung paanong pinagmamalaki mo na pinagtanggol ka ni Mr. Ringfer sa isang food critic na pinahaya ka."
"I-iyon lang?" tanong ni Maya na ikinakunot ng noo ni Misha.
"Bakit? May hindi ka pa ba nakukwento kagabi? May nakaligtaan ka bang sabihin na hindi mo nasabi?" taas ang kilay na tanong ni Misha na mabilis na ikinailing ni Maya.
"W-wala, b-baka kasi may wierd lang akong nasabi kagabi dahil sa kalasingan ko."
"Ipahinga mo nalang muna 'yang pagka hang over mo, papasok na ak---"
Natigilan si Misha sa sasabihin niya ng magsalubong ang kilay nito hababg nakatingin kay Maya, nagtaka naman si Maya sa klase ng pagkakatitig ni Misha sa kaniya.
"Bakit naman ganiyan ka makatitig Misha? May muta ba ang mga mata ko?" ani ni Maya na agad tingnan ang gilid ng kaniyang mga mata ng hawakan ni Misha ang baba niya at bahagya itong igilid.
"Is this a kiss mark? Saan mo nakuha 'to? Wala ka namang ganito kagabi ah?" takang ani ni Misha na ikinapagtaka din ni Maya.
"Anong kiss mark?"
Mabilis na tumayo si Maya sa pagkakaupo niya sa kama at agad pumunta sa harapan ng salamin sa kuwarto ni Misha at agad tiningnan kung anong tinutukoy ni Misha. Nanlaki nalang ang mga mata niya ng may makita siya sa bandang leeg niya na pulang-pula na parang kinagat na agad niyang hinawakan sa gulat.
"A-ano 'to? Sa-saan ko 'to nakuha?" naguguluhan na ani ni Maya na nilingon si Misha.
"Aba malay ko sayo? Hindi naman siguro kagat ng langgam 'yan o lamok dahil ang laki oh?"
Napakunot ang noo ni Maya habang pilit niyang iniisip kung saan niya nakuha ang pulang mark sa bandang leeg niya, hindi niya maisip kung paano siya nagkaroon ng ganun samantalang sa pagkakatanda niya ay dumaretso sila sa kuwarto ni Misha.
"Saan ko 'to nakuha?" nagtatakang tanong ni Maya sa kaniyang sarili.
"Baka may kumagat lang sayo na ibang insekto kagabi kaya nagmukhang kiss mark, lagyan mo 'yan ng ointment. Pag nakita 'yan nina Nikolai baka kung ano isipin nun at ng iba, sige na papasok na ako." ani ni Misha na kinuha na ang bag nito at naglakad na palabas ng kuwarto nito at iniwan na si Maya na naguguluhan parin sa nasa leeg niya na muli niyang tinitigan.
"Kung kagat ito ng insekto, bakit hindi masakit or nangangati? Saan ko ba kasi 'to nakuha?" naguguluhang tanong ni Maya ng bahagya siyang matigila ng maalala niya ang kaniyang panaginip kagabi.
Nanaginip siya kagabi na lumabas siya ng apartment ni Misha at nagpunta sa isang playground kung saan may isang lalaki siyang nakita doon at hinalikan siya. Pero pilit man isipin ni Maya pero hindi niya maalala ang mukha ng lalaking humalik sa kaniya sa panaginip niya.
"Panaginip lang naman 'yun, tsaka bakit ako papahalik sa lalaking hindi ko naman kilala. Wala talaga akong maalala pag sobra ang naiinom kong alak, hindi kaya may nasagi ako kaya namula ng ganito ang leeg ko?" saad ni Maya na napahawak muli sa ulunan nito ng muli itong kumirot kaya bumalik siya sa kama ni Misha at pabagsak na humiga doon.
"Baka nga may ibang insekto na kumagat sa leeg ko kagabi, imposibleng kiss mark 'to." sambit ni Maya na nagpambuntong hininga.
"Ang sakit ng ulo ko."
Sandaling namahinga pa si Maya sa pagkakahiga niya bago kinain ang lugaw na ginawa ni Misha para sa kaniya, bago niya ininom ang gamot sa sakit ng ulo niya. Kumuha narin si Maya ng damit sa closet ni Misha, at dahil magsing katawan lang sila ay kasya sa kaniya ang mga damit nito.
Agad siyang nagpunta ng banyo at naligo upang mas gumaan ang pakiramdam niya. Nang matapos na siya at makapagbihis ay hindi naman mapakali si Maya dahil halatang-halata ang red mark sa may leeg niya. Alam niyang pag may nakakita nito ay iba ang magiging interpretasyon kaya agad niyang kinuha ang medical kit sa banyo ni Misha at kumuha ng isang band aid at 'yun ang nilagay upang takpan ang red mark sa leeg niya.
Nang miayos na niya iyon ay nagdesisyon na siyang lumabas ng apartment ni Misha, ni lock niya iyon. At akmang aalis na siya ng mapalingon siya sa pintuan ng apartment ni YoRi.
"For sure maagang pumasok ang isang 'yun sa restaurant niya, hindi naman siguro niya ako hahanapin dahil hindi ako nagpakita sa restaurant niya, baka nga pabor sa kaniya 'yun." saad ni Maya na nagsimula ng maglakad.
Naisip ni Maya na pumasok nalang sa restaurant niya, bahagya namang nawala ang sakit ng ulo niya after niyang uminom ng gamot kaya dederetso siya sa Rad Sluzhit. Nag-aabang si Maya ng tricycle na sasakyan niya ng matigilan siya ng makita niya ang playground sa panaginip niya.
"Ito 'yung park sa panaginip ko, at ang slide..." ani ni Maya na nilingon ang slide kung saan sa panaginip niya ay may kahalikan siyang lalaki kaya agad niyang hinipo ang kaniyang mga labi.
"Panaginip lang 'yun pero bakit parang totoo?" naguguluhang tanong ni Maya na napailing nalang at agad tinawag ang nakita niyang tricycle at sumakay na dito.
Nang makarating siya sa tapat ng restaurant niya ay sandaling binaling niya ang kaniyang tingin sa La Cuisine Russiano, agad na pumasok si YoRi sa kaniyang isipan kaya napakunot ang noo niya.
"Bakit ba bigla ko namang naisip ang taong yelo na 'yun? Bigla-bigla nalang siya sumasagi sa isipan ko." nagtatakang ani ni Maya ng matigilan siya ng makita niya ang paglabas ni YoRi sa restaurant nito at may magandang babaeng naka-angkla sa braso nito hanggang masakay ang dalawa sa magandang kotse at umalis na palayo.
Hindi mapigilan ni Maya na maghabol tingin sa papalayong kotse, ng itapat niya ang kanang kamay niya sa tapat ng kaniyang dibdib dahil biglang bumigat ang pakiramdam niya.
"May girlfriend ang taong yelo na 'yun?" sambit ni Maya.
"Boss? Boss ikaw ba 'yan?"
Agad napalingon si Maya kay Mikoy na nasa may pintuan at may hawak na mop. And asusual, wala paring costumer na pumapasok sa restaurant niya, ayaw niyang malungkot pero ilalaban niya parin ito.
"Sabi ni Chef Misha di ka makakapunta dito kasi masakit ulo mo, boss." ani ni Mikoy na ikinangiti ni Maya at inalis sa isipan niya si YoRi at ang babaeng kasama nito.
"Hindi na naman masyado masakit ulo ko kaya pumasok na ako." ani ni Maya na pumasok na sa loob at ng makita siya ng iba niyang employee ay agad lumapit ang mga ito sa kaniya at binati siya.
Nahihiya si Maya sa mga employee niya dahil sa sitwasyon ng restaurant niya, alam niyang pag hindi parin nag boom ang Rad Sluzhit ay wala na siyang magagawa kundi isara ito dahil wala siyang maipapasweldo sa mga ito.
"Mikoy, Totoy, Caloy, Pauline, pasensya na ah. Sorry kung wala pa akong maibigay na sahod sa inyo simula ng magbukas ang restaurant natin." saad ni Maya sa mga ito.
"Wala 'yun boss, naging parte na sa amin ang Rad Sluzhit kaya mas matimbang samin ang pinagsamahan kaysa sa sasahurin. Naniniwala kami na magbo- boom din itong restaurant." ngiting saad ni Caloy na ikinangiti ni Maya.
"Salamat sa sipag niyo, pero kung sakali na wala talagang mangyari, mauunawaan ko kung maghahanap kayo ng ibang restaurant na pagtatrabahuan." may lungkot na ani ni Maya sa mga employee niya.
"Boss naman..."
"Ang sabi ko magpahinga ka, hindi 'yung papasok ka dito sa restaurant mo at magda-drama."
Sabay-sabay na napalingon si Maya kina Misha at Nikolai na kakalabas lang ng kusina at sabay na naglakad palapit sa kanila.
"I thought masakit ang ulo mo, you should rest." ani ni Nikolai na pinatong ang kanang kamay sa ulunan ni Maya na agad tinabig ni Misha.
"Anong akala mo kay Maya, aso?" singhal ni Misha dito.
"Hindi na naman ganun kasakit ang ulo ko, nakatulong 'yung advil na pinainom mo sa akin Misha." ngiting ani ni Maya sa mga ito.
"What happened to your neck? Bakit may band aid?" kunot noong tanong ni Nikolai ng mapansin ang leeg ni Maya na agad tinakpan nito ng kanang kamay nito.
"A-ano kasi..."
"May kung anong insekto ang kumagat sa leeg niya kagabi, kaya namula ang leeg niyan. Akala ko nga kissmark noong unang kita ko." paliwanag ni Misha na mas lalong napakunot ang noo ni Nikolai.
"Kiss mark?"
"Mukhang kiss mark, magkasama kami kagabi. Sa apartment ko siya natulog at sa aming dalawa siya maraming nainom kaya huwag kang mag-isip ng iba. May kumagat lang sa leeg ni Maya." ani ni Misha na ngiting ikinatango ni Maya.
"O-oo, tama si Misha. Baka may kung ano lang ang kumagat sa akin hindi ko lang masyado naramdaman sa sobrang kalasingan ko kagabi."
"You should go to the clinic to check that bite, baka maging rushes 'yan." ani ni Nikolai na sinimangutan na ni Misha.
"Alam mo chef Nikolai, masyado kang nagpapahalata. Sikmuraan kita diyan eh " pagsusungit ni Misha na pairap na naglakad ito pabalik sa kusina.
"Laging masungit ang kaibigan mo, baka hindi siya makahanap ng boyfriend dahil sa ugali niya." kumento ni Nikolai na bahagyang ikinatawa ni Maya.
"But seriously? Kung hindi mo kayang pumasok, dapat nagpahinga ka nalang."ani ni Nikolai na mapang-asar na ngiting bahagyang dinanggi ni Mikoy ang braso ni Nikolai na ikinalingon nito sa kaniya.
"Ikaw Chef Nikolai ah! Umamin ka nga, may pagtingin ka ba kay boss Maya?" nang-aasar na tanong ni Mikoy na nakatanggap ng panghahampas kay Pauline.
"Ikaw talaga napaka malisosyo mo! Nag-aalala lang si Chef Nikolai gusto na niya agad si boss Maya? Utak mo nga Mikoy." sita ni Pauline.
"Kayo talaga, kami pa talaga ni Chef Nikolai ang inasar niyo." ngiting ani ni Maya na nilingon si Nikolai na nakatingin sa kaniya.
"Tara na sa kusina, kaya ko namang magtrabaho ngayon. Tsaka huwag muna tayo masyadong magluto dahil for sure naman masasay---"
Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng mapalingon sila sa may pintuan kung saan hindi makapaniwala sina Maya ng isa-isang pumasok sa restaurant nila.
"A-anong meron?" naguguluhang tanong ni Maya dahil kulang nalang ay mapuna ang restaurant niya mga dumadating na costumer.
"May himala bang nangyayari?" di makapaniwalang tanong ni Mikoy ng makilala ni Maya ang nakangiting magandang babaeng naglalakad palapit sa kaniya.
"Hi Maya!"
"Aria?" sambit na tawag ni Maya dito hanggang sa makalapit ito sa harapan nila.
"Teka? Base sa uniform mo taga La Cuisine ka ah." saad ni Caloy na ngiting bahagyang ikinayuko ni Aria sa mga ito.
"Aria, ba-bakit..."
"Too much crowded na ang La Cuisine, hindi na kayang mag accomodate ng ganitong bilang ng costumers. That's why Chef Yo told us to bring these costumers here, he announced a while ago that Rad Sluzhit is a Russian restaurant partners of La Cuisine, that's why they agreed to eat here. Kayo ng bahala sa mga costumers, and i think simula ngayon, sa inyo na pupunta ang ibang mga costumers dahil sa partnership. Sige." pahayag na paliwanag ni Aria bago nagpaalam sa kanila at naglakad na palabas ng Rad Sluzhit.
"Pa-partnership?" bulaslas ni Maya.
"May pinirmahan ka ba na partnership sa La Cuisine owner, Maya?" tanong ni Nikolai na agad ikinailing ni Maya.
"Wa-wala, hindi ko nga alam na sasabihin ni Mr. Ringfer na partner restaurant tayo ng La Cuisine." sagot ni Maya.
"Bakit parang dumami ang ing--oh my! Oh my! Am i dreaming?" hindi makapaniwalang ani ni Misha sa nakita niya dahil ilang mesa nalang ang bakante mapupuno na ang restaurant nila.
"Waiter!" tawag ng isang costumer kaya agad na nagsimula ng lapitan nina Pauline ang mga costumers.
"I think kailangan na nating magluto ng marami, magiging abala tayo ngayon." ngiting ani ni Nikolai na naglakad na papuntang kusina.
"Anong himala ang nangyayari?" bulaslas ni Misha.
Hindi naman makapaniwala si Maya sa ginawa ni YoRi, hindi niya inasahan na sasabihin nito sa mga costumers na ang Rad Sluzhit ay partner ng La Cuisine.
"Halika na Maya, madami tayong lulutuin ngayon." ngiting excited na ani ni Misha na nagmamadaling bumalik sa kusina.
"Ba-bakit ginawa niya 'to?" nagtatakang ani ni Maya habang si YoRi ang nasa isipan niya.
Buong araw ay naging abala ang Rad Sluzhit dahil sa mga costumers nila, lahat sila ay hindi parin makapaniwala lalo pa at may mga nagsisidatingan pang mga costumers sa kanila. Walang mapaglagyan ng saya ang puso ni Maya, pakiramdam niya ay nananaginip siya dahil sa mga nangyayari.
Lumipas ang maghapon, dumating na ang closing time hindi parin makapaniwala sina Maya sa nangyari sa buong hapon. Nagsasara narin ang La Cuisine sa mga oras na 'yun.
"Hindi naman tayo nananaginip diba? Talagang hindi tayo nawalan ng costumers buong maghapon." saad ni Caloy.
"Grabe! Gusto kong maiyak sa tuwa dahil napuno ang restaurant." ani naman ni Mikoy.
"So sinasabi niyo na dineklara ni Mr. Ringfer na partner ang Rad Sluzhit at La Cuisine kaya marami tayong naging costumer kanina?" saad ni Misha na ikinatango nina Pauline.
"We don't know the agenda of Mr. Ringfer, but we awe him for this." saad ni Nikolai.
Walang imik naman na mabilis na naglakad palabas si Maya sa restaurant na kahit tinatawag siya nina Misha ay dere-deretso lang siyang mabilis na naglalakad para puntahan ang La Cuisine, pagka pasok niya ay sina Tiko na nagpapatong ng mga upuan sa mesa.
"Tiko." tawag ni Maya dito na lumingon sa kaniya at agad itong nilapitan.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bumalik na ba dito si Mr. Ringfer?"tanong ni Maya.
"Usually nabalik si boss dito hanggang magsara na totally iyong restaurant, pero simula ng umalis siya kanina hindi na siya bumalik. Bakit?" sagot ni Tiko.
"Ka-kasi..."
"Tungkol ba sa mga costumers na dinala ni Aria sa restaurant niyo?Magpapasalamat ka kay boss? Hindi namin alam bakit nagdesisyon si boss na lahat ng mga costumers na hindi maa-accomodate dito ay sa inyo dalhin, usually willing naman maghintay ang mga costumers at okay lang 'yun kay boss. Pero pabago-bago naman ang isipin ng boss namin." ani ni Tiko na akmang babalik sa gingawa nito ng may maalala ito.
"Oo nga pala, dahil wala ka kanina nasayang mo ang opportunity na hinihintay mo. Alam mo bang hinihintay kang pumasok ni boss dahil may ituturo siyang dish na iluluto mo? Kung trip mo pang maging apprentice ni boss, sumulpot ka bukas." pahayag ni Tiko na iniwan na si Maya para mag-ayos ng ibang pintuan.
Hindi parin makapaniwala si Maya sa mga nangyayari, hindi parin mag sink in sa kaniya ang ginawa ni YoRi. Hanggang magsara ang restaurant niya, hanggang mag-uwian na sila ay iniisip parin ni Maya ang mga nangyari sa maghapon. Naglalakad na siya pauwi sa apartment niya, ihahatid sana siya ni Nikolai pero hindi na niya ito inabala dahil lalayo pa ito sa uuwian nito.
"Bakit ginawa 'yun ng taong yelo na 'yun?" tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng makarating na siya sa apartment niya at mapalingon sa kabilang apartment na malapit sa kaniya na may ilaw.
"Eh? Akala ko ba ngayong araw ang pag-alis nina Alibg Josie sa apartment nila, bakit parang andiyan pa sila." ani na tanong ni Maya ng lakarin niya ang katabi niyang apartment.
Agad siyang dumako sa nakabukas na pintuan para tanungin ang kapit-apartment niya.
"Aling Josie hindi pa pala---M-Mr. Ringfer?" gulat na bulaslas ni Maya na ikinalingon ni YoRi sa kaniya.
Napatulala nalang si Maya ng hindi ang mga dati niyang kapitbahay ang nakikita niya sa loob ng apartment, kundi si YoRi na half naked na nag-bubuhat ng ilang gamit.
Napakurap si Maya ng tingin kay YoRi na may matitipunong braso at walong abs na basa ng mga pawis nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Maya kay YoRi.
"I will live here starting today." malamig na sagot ni YoRi na naglakad palapit kay Maya na pilit hindi ibinababa ang tingin sa matipunong katawan nito, na lihim na napapalunok.
Deretsong tingin lang si Maya sa guwapong mukha ni YoRi na deretsong nakatingin din sa kaniya.
"Mind if you help me clean my apartment, Dailyn."