Chapter 12- Arizona Trip!

4034 Words
SAMANTALA, matapos ang kalahating oras na biyahe ni YoRi ay nakarating na siya sa underground society, dere-deretso niyang pinasok ang loob hanggang makarating na siya sa north bound. Bumaba siya sa kotse niya at dere-deretsong naglakad papunta sa kanilang pavilion. Napapalingon ang mga miyembro ng north bound sa pagdating ni YoRi, most of northenian citizen ay hinahangaan ang bawat members ng Phantoms DX Gang. Ang iba namam ay naiingit pero hindi nila masabi dahil ayaw nilang magalit ang emperor nila. Pagkarating ni YoRi sa Pavilion, pagkapasok na pagkapasok niya ay nadatnan niya sa sala si Audimus na nakasalamin at may binabasang mga papel sa mga kamay nito, pansin ni YoRi ang kaseryosohan nito na hindi nito masyado pinapakita pag magkakasama sila. Alam niyang may pabara-bara din itong magbitaw ng salita, pero may kaseryosohan na tinatago din ito maliban kay Devin na talagang puro kalokohan ang alam. Hindi nalang pinansin ni YoRi ang nananahimik na si Audimus sa pwesto nito, dere-deretso lang siya sa kaniyang paglalakad paakyat sa hagdanan upang pumunta sa opisina ni Taz na alam niyang naroon ngayon. Si Taz ay may iba ng nalalaman sa ilan sa mga tinatago niya pero hindi lahat, ang tanging nalalaman lang ng kanilang lider ay regarding sa personal na tinatago niya sa Phantoms. “Kung ang pakay mo ay si emp, he’s in an important meeting right now with the new sponsors of our bound.”pagbibigay alam ni Audimus na hindi tinatapunan ng tingin si YoRi na hindi natuloy sa pag-akyat nito sa hagdanan. “Is that so.”malamig na ani ni YoRi na tinapunan niya ng malamig na tingin si Audimus sa kinauupuan nito. “Why did you come here at our bounds when you have a mission to do?” tanong ni Audimus na hindi parin nililingon si YoRi. “Should I tell you my reason for coming here?” walang emosyon na balik tanong ni YoRi na ikinalingon na ni Audimus sa kaniya. “No, you have the right to not answer me. Nagtatanong lang naman ako Ringfer, nasa sayo pa din kung sasagutin mo o hindi. Hindi mo basta-basta makakausap si emp, malalaking sponsor ang kausap niya ngayon sa loob ng opisina niya.” Sagot ni Audimus na naglakad na pababa sa hagdanan. “Then just tell him that I dropped by.”walang emosyon na ani ni YoRi. “Hindi mo hihintayin matapos si emp sa meeting niya?”ani ni Audimus na inalis ang salamin na suot niya. “I have things I need to do, I just want to tell him personally.”sagot ni YoRi na tinalikuran na si Audimus na habol tingin sa kaniya ng may maalala si YoRi na ikinatigil niya sa paglalakad at ibinalik ang walang emosyon niyang tingin kay Audimus. “You know the woman we’re guarding, aren’t you?” malamig na tanong ni YoRi kay Audimus. “Oo kilala ko, actually mas kilala siya ni Natievez at Gozon. Bakit mo naitanong ang tungkol sa kaniya?” “Nothing, I just ask.”ani na sagot ni YoRi na nagsimula ng maglakad palabas ng pavillion. “Oh! The woman you are guarding has a friend that’s always with her, if things get complicated and she gets involved if some enemies suddenly appear and try to hurt the woman in your mission, will you protect her too?”pahabol na ani ni Audimus na ikinatigil muli ni YoRi sa kaniyang paglalakad. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ni Audimus dahil iisang babae lang ang pumasok sa isipan niya na malapit na kabigan ni Misha na binabantayan nila. “Why would I?”balik tanong ni YoRi na hindi man lang tinapunan ng tingin si Audimus. “Espesyal kasi kay Gozon ang isang ‘yun, gustuhin man niya na tumulong sa pagbabantay ng Phantoms para mabantayan din si Maya ay hindi pwede dahil may iba siyang dapat gawin. Sinasabi ko lang naman sayo ito if ever madamay siya, kaibigan ko si Gozon at malapit sa puso niya ang babaeng tinutukoy ko. Protect her also if she gets invo---”paliwanag ni Audimus na bahagyang ikinasalubong ng kilay ni YoRi. “We’re just given one mission, we don’t accept plus one work that we don’t covered.”malamig na putol ni YoRi kay Audimus na walang emosyon nitong binalingan ng tingin si Audimus. “Ringfer?” Sabay na napalingon si Yo at Audimus ng makita nila si Taz sa may taas ng secondfloor na may cellphone sa may tenga nito. “What are you doing here?” seryosong tanong ni Taz na rinig nila ni Audimus na nagpaalam ito sa kausap nito sa cellphone na sa pagkakarinig nila ay ang asawa nito, si Gail. “I leave the guard for now to the Mondragon twins, I need to do something.”sagot ni YoRi kay Taz. “And you go here in our bound just to tell me about that?” “To assure you that I’d still go back in Phantoms.”walang emosyon na sagot ni YoRi na ikinabuntong hininga ni Taz. “If that is important, then go. If the twins will be your exchange in guarding, then you may go.”ani ni Taz na tuluyan ng ikinalakad ni YoRi palabas ng pavillion. “I really don’t like the mysterious side of him emp, hindi mo alam kung totoo ba siya sa pinapakita niya o hindi.”kumento ni Audimus sa kakaalis lang na si YoRi. “That’s a 50/50 of him Smith, he might fvcking letting us see some part of him but not mostly the real him. Right now, he gives me a fvcking hint.” “Hint? Anong hint emp?” naguguluhang tanong ni Audimus na hindi sinagot ni Taz at binalikan na ang mga kausap niya na sandali niyang iniwan dahil tumawag si Gail sa kaniya. Dere-deretso si YoRi sa kaniyang paglalakad para puntahan ang kotse niya ng tumunog ang cellphone niya, kinuha niya ‘yun sa bulsa ng pants niya at walang tinging-tinging sinagot tumatawag sa kaniya, dahil alam niya na isa sa mga kaibigan niya ang tatawagan siya. “Oi Ringfer, totoo ba ang nirereklamo ni Mondragon II na sila muna ang pinagbabantay mo sa mission natin ngayong gabi? Pinagsama mo pa talaga ‘yung kambal ni Lucifer sa duty.” “Is there a fvcking problem with that Ignacio?” malamig na tanong ni YoRi hanggang makarating na siya sa nakaparada niyang kotse. “Wala akong sinabi na problema ‘yun, pero bakit? Do you have a reason? Sa pagkaka-alam ko kasi pag may mission ka ay tuto---“ “Personal matter that I need to do, Ignacio.”malamig na putol na ani ni YoRi bago siya deretso ng sumakay sa loob ng kotse niya. “Iyang personal matter na ‘yan pasulpot-supot pero kadalasan wrong timing, alam na ba ni Westaria ang personal matter na ‘yan?” “No, but I let him know that I’m not in duty in guarding that woman.”malamig na sagot ni YoRi na pinaandar na ang kaniyang kotse. “Sasabihin mo ba sa akin kung anong personal matter ang lalakarin mo?” “No.”maikling malamig na sagot ni YooRi bago niya pinatay ang tawag ni Paxton bago niya mabilis na pinaandar ang kaniyang kotse palabas ng underground society. YoRi trusted the Phantoms, pero may bagay siya na hindi niya pwedeng sabihin sa mga kaibigan niya. At tulad ng lagi niyang binabanggit sa mga ito, mas mabuting kamuhian siya ng Phantoms pagdating ng oras kaysa ang mga natagpuan niyang mga kaibigan ay mahaharap sa sitwasyon na baka wala siyang magawa kundi saktan ang mga ito. He’s cold, emotionless in their group, but Phantoms are special to him for all those years he’s with them. Mabilis ang pagpapatakbo na ginawa ni YoRi sa kaniyang kotse, tahimik lang siya sa kaniyang pagmamaneho ng bigla-biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Audimus sa kaniya. “Gozon knows her, he knows that woman.” malamig na pahayag ni YoRi na mas bumilis ang pagpapatakbo niya sa kaniyang kotse. Sa buong biyahe ni YoRi ay ngayon lang may ibang isipin na omukopa sa isipan niya, hindi niya nagugustuhan na may ibang gumugulo sa utak niya maliban sa mga task na dapat niyang gawin at sa pinaka goal na dapat niyang magawa. Ayaw panatilihin ni YoRi ang iniisip niya sa kung anong meron kay Leroi at Maya kaya agad niya iyon inalis sa kaniyang isipan. Ilang sandali pa ay nakarating na si YoRi sa kaniyang bahay na hindi pa napupuntahan ng phantoms dahil madalas lang siya sa barn nag-stay at umuuwi. Dumaan lang siya para kunin ang kailangan niya sa pag-alis niya sa mission na pinapagawa ni Heneral sa kaniya, though kaya niyang pumunta doon kung gagamit siya ng private plane, pero lowkey lang si YoRi gumawa sa mga trabaho niya upang hindi rin mapansin ng pakay niya ang pagdating niya, na alam niyang alam nito na papatrabahuin ni Heneral ang ginawa nito mali. Pagbaba ni YoRi sa kaniyang kotse ay dere-deretso lang siyang naglakad palapit sa pintuan, akmang bubuksan niya iyon ng makarinig siya ng mga boses na nag-uusap mula sa loob malapit sa pintuan. “Akala ko ba sa malayo mo pinapunta si Kuya Valerius? Bakit nakabalik agad siya?” “Wǒ dāngrán zuòle (of course I did) malay ko bang makakabalik agad siya. Teka? Gaano ba kalayo ang Malaysia dito sa Philippines?” “Bakit kasi pabibilhin niyo lang ng meryenda si Kuya Valerius bakit sa Malaysia pa, pag nalaman ni Kuya Yo ang pinagagawa natin kay Kuya Valerius baka magalit ‘yun sa atin.” “Pero hindi naman malalaman ‘yun ni Kuya Yo dahil hindi naman siya madalas umuuwi dito sa bahay, di’ba?” Sa usapan na naririnig ni YoRi mula sa loob, sa tingin niya ay may kalokohang ginawa ang mga nasa loob ng bahay niya kaya walang katok-katok na binuksan niya ang pintuan dahilan upang tumambad siya sa paningin ng apat na magkakamukhang mga batang lalaki na nasa labingtatlo ang mga edad. Nang makita ng mga ito si YoRi ay parang nakakita ang mga ito ng multo dahil sa gulat na makikita sa mukha ng mga ito. Agad na humanay ng isang deretso ang apat sa harapan ni YoRi na walang emosyon lang na tingin ang binibigay sa mga ito. “Xiànzài tā zhīdào wǒmen zuòle shénme… (now he knows what we did…)” mahinang ani ng isa sa apat na kambal na nakatayo sa kanang dulo na may kahabaan ang buhok. “H-Hello Kuya Yo…”ngiting bati ng isa sa quadruplets na bahagyang blonde ang kulay ng buhok nito. “Binibisita mo ba kami kuya? Okay naman kami eh, grabe nga kami bantayan at alagaan ni Kuya Valerius tulad ng bilin mo sa kaniya.”ani ng isa pa sa apat na may hikaw na itim ang kanan nitong tenga. “Patay na tayo.”mahinang ani naman ng nasa panghuli sa kaliwa na sinikosiko pa ang tagiliran ng kambal nito na blonde ang buhok. Isa sa dahilan kung bakit sa barn palaging umuuwi si YoRi, at hindi alam ng Phantoms ang bahay niya ay dahil sa quadruplets sa bahay niya na ayaw niyang malaman ng Phantoms. Dahil kilala niya ang mga kaibigan niya, samu’t-saring mga tanong ang ibabato sa kaniya at hindi forte ni YoRi ang magsasagot sa mga tanong ng kaniyang mga kaibigan. Walong taon palang ang quadruplets ng mapunta ito sa poder ni YoRi, natagpuan niya ito sa kagubatan ng Chengdu, isang bayan sa China. Magkakayakap ang mga ito at umiiyak sa takot ng natagpuan nila ang quadruplets, kasama ni YoRi si Alexei ng makita nila ang quadruplets sa kagubatan. Minsan lang binibigyan ng mission si YoRi ni Heneral, at nagkataon na pinapunta siya nito sa China na akala ng Phantoms ay business ang ginagawa nito kaya may pagkakataon na wala si YoRi pag nagkikita sila. Walang balak si YoRi na tulungan ang mga ito pero nakita niya ang sarili niya sa quadruplets kaya sinama niya ang apat palabas ng gubat ng Chengdu, ibabalik sana ni YoRi ang mga ito sa kung sino ang pamilya ng quadruplets ng malaman niyang karumal-dumal na pinatay ang mga magulang ng mga ito. Pinatay ang emperor ng Chengdu na ama ng quadruplets at itinakas lang ang mga ito ng mga loyal guards ng pamilya Shui, upang hindi mapatay ang mga ito. Ngayon limang taon ng nasa poder niya ang quadruplets na pinababantayan niya dahil patuloy na pinaghahahanap ng namumuno ngayong emperor ng Chengdu ang mga ito upang mapatay, dahil sa oras na malaman na buhay pa ang apat na anak ng dating emperor ng pamilyang Shui na pinasalang dahil sa korona ay mawawala dito ang puwestong hawak nito. Noong una ay naging mailap ang quadruplets sa kaniya, pero ng tumagal ay naging malapit na ito sa kaniya kahit malamig siyang makitungo sa quadruplets at paminsa-minsan lang niya pinupuntahan ang mga ito. Si Junpei ang may kulay blonde ang buhok, si Junwei naman ang may kahabaan ang buhok, si Junrei naman ang may hikaw sa kanang tenga, at Junhao naman ang pangalan ng katabi ni Junpei. Parehas makukulit, at parehas matitigas ang mga ulo. “Stop sending away your guard, I give Gorbachev to guard the four of you not to do errands just he leave the four of you alone.”walang emosyon na sermon ni YoRi sa apat na sabay-sabay na ikinayuko ng mga ito. “Duìbùqǐ, (Sorry) kuya YoRi.” Sabay-sabay na paghingi ng paumanhin ng apat kay YoRi ng itulak pauna ni ni Junwei si Junpei na ikinagulat nito. “Si Jun po talaga ang nakaisip na utusan si kuya Valerius na bumili ng miryenda sa Malaysia, nakisang-ayon lang kami kuya.” “Seryoso Wei? Laglagan ba ‘to?”angal nito sa kambal. “Ikaw naman talaga ang nakaisip ng kalokohan na ‘yun Jun, pumayag lang kami kasi sabi mo hindi naman ito malalaman ni kuya Yo.”pagsang-ayon ni Junrei sa pagsusumbong ni Junwei na hindi mapaniwalaan ng kapatid nila sa kanila na ikinalingon nito kay Junhao na iniwas ang tingin sa kaniya. “Nǐ zhège pàntú! (You traitor!) “Enough.”malamig na sita ni YoRi na sabay-sabay ikinatahimik ng apat. “Gorbachev is being nice to the four of you, you don’t want to see him mad when he snaps. Or do you want Leone to be your appointed guard.”babala ni YoRi na sabay-sabay ikinalaki ng mga mata ng quadruplets sa pangalang binanggit niya. “Hindi na mauulit kuya Yo, basta huwag si kuya Marco ang maging bantay namin.” Mabilis na angal ni Junwei na may pailing-iling pa kay YoRi. “Magbe-behave na kami kuya.”ani naman ni Junhao na ikinasang-ayon ni Junpei at Junrei. “B-Bakit ka pala narito kuya Yo?” pag-iibang tanong ni Junpei kay YoRi. “I need one of my passport, I have a mission to do.”malamig na sagot ni YoRi. “Alin sa apat mong passport ang kailangan mo kuya?”tanong ni Junrei. “Theodor Robinson.”sagot ni YoRi na agad na ikinatakbo ni Junhao paakyat sa hagdanan upang kunin ang kailangan ni YoRi. “Kuya Yo, hindi ba talaga kami puwedeng lumabas kahit sandali lang?” nagbabakasaling tanong ni Junhao kay YoRi. Sa limang taon na inuwi sila ni YoRi sa bahay nito ay kahit isang beses ay hindi sila pinayagang lumabas nito, hanggang pagsilip lang sila sa bintana at tanging naabot lang ng mga mata nila ang kanilang nakikita, kaya minsan nagse-search nalang sila sa google ng mga lugar na hindi nila puwedeng mapuntahan. “If you want the person who hunts the four of you find where you are hiding, then I don’t mind. Go.”malamig na ani ni YoRi sa tatlo na hindi ikinaimik ng mga ito hanggang sa makabalik na si Junrei dala-dala ang passport at mga ID na iisa ang pangalang nakalagay. “Heto na kuya Yo.”saad ni Junrei na kinuha ni YoRi ang mga kailangan niya. “Lock the door and don’t open until Gorbachev comes back.”ani ni YoRi bago iwan ang apat sa loob ng bahay at isara niya ang pintuan. Dere-deretso si YoRi na sumakay sa loob ng kotse niya at hindi na tinapunan ng tingin ang quadruplets na nakasilip na sa may bintana habang nakatingin sa kaniya bago siya umalis at tuluyan ng umalis. He acts cold towards the quadruplets, ayaw niyang mapalapit sa mga ito dahil sa oras na puwede ng bumalik ang mga ito sa dapat na lugar na dapat sa mga ito ay hindi siya manghihinayang, katulad kung paano napalapit ang loob niya sa Phantoms. NAKAPANGALUMBABA naman si Maya sa mesa niya malapit sa bintana ng restaurant niya at deretso lang siyang nakatingin sa La Cuisine Russiano na patuloy na dinarayo ng mga costumer. Naudlot ang training na dapat gagawin niya dahil sa ginawa ng isang employee ni YoRi sa kaniya na hindi niya alam kung bakit nagawa siyang ikulong nito sa pinaglalagyan ng mga barrel ng wine. Nanghihinayang si Maya pero wala na siyang nagawa ng pauwiin siya ni YoRi. “Kung nakakatunaw ang tingin kanina pa siguro natutunaw ang La Cuisine sa paninitig na ginagawa mo, nakailang buntong hininga ka na rin sa kinauupuan mo. Mind if you share with me what happened sayo sa loob ng kalaban nating restaurant, bakit maaga ka yatang pinaalis sa so called training mo?” ani ni Misha na tinabihan si Maya sa kinauupuan nito na lumingon sa kaniya. “Wala, bigla kasing umalis si Mr. Ringfer kaya pinauwi na niya muna ako.”sagot ni Maya na pinili niyang huwag sabihin kay Misha ang tunay na nangyari dahil mag-aalala lang ito sa kaniya. Ayaw din niya na maging dahilan iyon para hindi na siya hayaan ni Misha na bumalik sa La Cuisine Russiano upang magtrain at matuto ng mga dapat niyang matutuhan mula kay YoRi. “Bakit kasi pinipilit mong mag train kay Mr. Ringfer? Maya kaya mong i-enhance ang skill mo by yourself, hindi mo need ng tulong ng iba.”ani ni Misha. “Pero may mga bagay kasi na hindi ko kaya na maituturo ni Mr. Ringfer sa akin, okay lang naman ako Misha.” “Hindi lang ako ang nag-aalala sa trip mo, kahit si Nikolai hindi pabor sa naisip mo pero wala siyang magawa kundi hayaan ka.”pahayag ni Misha na nagpangalumbaba sa harapan ni Maya. “Ang haba ng buhok mo Maya, baka gusto mong ibahagi sa akin ang iba.”ani pa ni Misha na ikinakunot ng noo ni Maya dahil hindi niya nagets ang sinabi ni Misha. “Ha?” “Wala, don’t mind what I said, kung desidido ka talaga sa apprentice plan mo kay Mr. Ringfer, wala kaming say ni Nikolai kundi suporthan ka. Anyway, this past few days, I have this feeling na parang may nagmamatiyag sa akin, hindi kaya may stalker ako na palihim akong sinusubaybayan?”pahayag ni Misha. “Baka feeling mo lang ‘yan Misha, nasosobrahan ka siguro sa kape na iniinom mo kaya ganiyan nararamdaman mo.” “Para kasing may mga mata kasing nakatingin sa akin, I kinda felt it creepy.”saad ni Misha na ikinatitig lang ni Maya sa kaniya na bahagya niyang ikinaingos. “Huwag mo nalang din pansinin ang sinabi ko, teka? Wala ka bang ibang gagawin kundi titigan ang restaurant ni Mr. Ringfer?”pag-iibang tanong ni Misha. “Wala naman tayong pagkakaabalahan ngayon, puwede bang maaga akong umuwi?”ani ni Maya. “Ikaw ang boss dito, I’m just your sous chef, so bakit kita pipigilan. Sige na, umuwi ka at magpahinga. Pag wala pa din tayong costumer, maaga nalang kaming magsasara ni Nikolai.”ani ni Misha na ikinatayo ni Maya sa kinauupuan niya at nilapitan si Misha at niyakap. “Salamat Misha, kayo na muna ni Nikolai ang bahala. Mauna na ako.”ngiting ani ni Maya na kinuha ang bag niya at kumaway-kaway kay Misha bago siya tuluyang lumabas ng restaurant niya. At dahil hindi niya dala ang sira-sira niyang kotse ay pumara nalang si Maya ng taxi. Nasa biyahe na si Maya ng makita niya ang palad niyang sinulatan ni YoRi, nakakunot ang noo ni Maya habang binabasa ang address na isinulat ni YoRi doon. Hindi maintindihan ni Maya kung bakit may address na binigay si YoRi at may oras pang kasama, mag-a-alas singko palang ng hapon at 6pm ang oras na sinulat ni YoRi sa palad niya. “Ano kayang ibig sabihin nito? Bakit nagsulat ng address at oras ang taong yelo na ‘yun? Ano ba ito pupuntahan ko?”pagkausap ni Maya sa kaniyang sarili na tiningnan ang suot niyang relo. “Pupunta ba ako?”tanong niya pa sa kaniyang sarili na ikinabuntong hininga niya dahil iniisip man niya na huwag puntahan ang address na isinulat ni YoRi sa kaniya ay parang may sariling buhay ang bibig niya dahil sinabi niya sa taxi driver ang address na nakasulat sa palad niya. “Wala naman sigurong mawawala sa akin kung puntahan ko ‘to, kung power trip lang ‘to ng lalaking ‘yun humanda siya sa akin.”ani ni Maya na sumandal nalang sa kinauupuan niya at nagtiyaga sa biyahe niya. Kalahating oras ang lumipas ng makarating na siya sa address na binigay ni YoRi, nagbayad na siya sa taxi at lumabas. Hindi alam ni Maya kung tama ang address na napuntahan niya dahil iisang bahay na kakaiba ang disenyo ang nakikita niya at malayo ito sa ibang mga bahay. “Tama ba itong napuntahan ko?”naguguluhang ani ni Maya ng titigan niya ang bahay na ang style ay parang sa nakikita niya sa mga farm kung saan sa loob ay mga kabayo ang makikita. “Bakit kasi nagpunta ako dito, mamaya pinaglololoko lang ako ng taong yelo na ‘yun. Malayo pa naman ito sa may kalsada, paano ako aalis dito?”ani pa ni Maya ng mapalingon siya sa magandang kotseng paparating na agad niyang nakilala. Nang makarating na ang kotse ay agad itong tumigil, miya-miya ay nakita na ni Maya si YoRi na lumabas ng kotse bago ito naglakad palapit sa kaniya at malamig na tingin ang ibigay sa kaniya. “You’re thirty minutes early in the given time I wrote.”walang emosyon na ani nito sa kaniya. “Na-curious lang kasi ako sa sinulat mo sa palad ko, pero bakit pinapunta mo ako dito?”agad na tanong ni Maya kay YoRi. “Your passport?” “Passport ko? A-anong meron sa passport ko?”balik tanong ni Maya na naguguluhan na. “Where?” “N-Nasa bahay malamang, te-teka bakit mo tinatanong pati passport----“ “Stay here, don’t you dare move even an inch.”putol na saad ni YoRi bago ito mawala sa harapan ni Maya at maglakad patungo sa bahay na nawiwirduhan siya sa style. “Ba-bahay niya ba ‘yun? Imposible naman na ganiyan ang bahay ng katulad niyang successful master chef?”nagtatakang ani ni Maya na hindi magawang ikilos ang mga paa niya dahil sa bilin ni YoRi. “Bakit ba sumusunod ako sa sinasabi ng taong yelo na ‘yun?”takang tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng makita niya ang paglabas ni YoRi sa bahay na iba na ang suot. Naka khaki short lang ito, tshirt na plain blue at rubber shoes na bumagay naman dito, at kahit ganitong kasimpleng ayos ay hindi nabawasan ang kapogian ni YoRi. “Let’s go.”ani nito na deretsong naglakad pabalik sa kotse nito na mabilis na sinundan ni Maya. “Teka saan tayo pupunta?”tanong ni Maya ng buksan ni YoRi ang pintuan sa shotgun seat ng kotse nito. “Sa bahay mo, kukunin natin ang passport mo.”malamig na sagot ni YoRi sa salitang tagalog na mas ikinakunot ng noo ni Maya. “Ba-Bakit? Bakit kailangan ng passport? Saan ba tayo pupunta Mr. Ringfer?” “We are going to Arizona woman, so get inside. Now.”sagot na ani ni YoRi na ikinalaki ng mga mata ni Maya sa gulat dahil sa sinabi ni YoRi. “Sa Arizona?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD