Chapter 11- HIS QUESTION MARK BEHAVIOR

2875 Words
NAGUGULUHAN at nagtataka ang mga staff at employees ni YoRi ng ipatawag niya ang mga ito, kahit mga chef niya ay naguguluhan kung bakit nasa kusina lahat ang mga ito. Ito ang unang beses na tinawag ni YoRi ang lahat habang maraming mga costumers ang La Cuisine Russiano ng mga oras na 'yun. Nakatayo lang si YoRi sa harapan ng lahat, nakacross-arms habang nakatingin sa kaniya ang mga empleyado niya. "Master Chef, what is meaning of calling all of them in the midst of our work?" ani ni Matveis nang lapitan niya si YoRi sa kinatatayuan nito. "You think i call them without a fvcking reason, Alekseev?" malamig na ani ni YoRi na bahagyang ikinawalan ng imik ni Matvei. "No, hindi ikaw ang klase ng boss namin na basta-basta magpapatawag ng meeting ng walang dahilan. It's just, we're in the middle of serving our costumers." "If they fvcking want to eat here, they must learn to fvcking wait." malamig na ani ni YoRi. Bawat mga staff at employee ay kinakabahan sa kinatatayuan nila dahil wala silang idea kung bakit sa kalagitnaan ng trabaho nila ay pinatawag silang lahat ni YoRi. Iyon ang unang beses na ginawa iyon ng boss nila, at sa awra nito palagay nilang hindi maganda ang rason ng pagpapatawag ni YoRi sa kaniya. "Eh boss, ano bang dahilan bakit pinatawag niyo kaming lahat"? usisang ani ni Tíko kay YoRi. Umalis si YoRi sa kaniyang kinatatayuan at naglakad palapit sa mga employee niya, nakatingin lang silang lahat sa boss nila nang huminto ito sa harapan ng waitress na nagkulong kay Maya sa barell stock room. Napatingin ang waitres kay YoRi na walang emosyon na nakatingin sa kaniya. " What's your name again?" malamig na tanong ni YoRi dito habang nakatingin ang lahat sa dalawa. "U-Uhmmm, Li-Liezel po..." "I saw you staring at the direction of the barell stock room, smirking. Why is that?" walang emosyon na tanong ni YoRi na nagpakunot sa noo ni Matvei dahil iyon ang unang pagkakataon na pumuna si YoRi sa nakikita nito sa mga employee nito. Isa pa, kilala nila ang boss nila na man in one word, or sometimes a man without a word. Pero sa mga oras na 'yun ay napapadami ang salitang lumalabas sa bibig nito. "W-Wala po, napalingon lang naman po ako dun." sagot ng waitress na bahagyang namula ang mukha ng bahagyang ipantay ni YoRi ang mukha niya sa mukha nito. "CCTv's..." "P-Po?" naguguluhang sambit ng waitress habang hindi nito maalis ang mga mata nito sa gwapong mukha ni YoRi. "If you keep playing innocent, then i'll check the cctv's of my restaurant. So don't play fvcking dumb at me." malamig na ani ni YoRi dito. "Hi-Hindi ko po maintindihan boss ang gusto niyong sabihin, maayos naman po akong nagtatrabaho." ani ng waitress na ikinaayos ng tayo ni YoRi sa harapan nito. "Master Chef, ano bang nangyayari?" usisang tanong ni Matvei dahil naguguluhan silang lahat sa nangyayari. "My apprentice, Ms. Paraon almost died inside the barell stock room, someone locked her up inside." ani ni YoRi na ikinakunot ng noo ni Matvei. "And you are trying to accuse one of your employee? Paano kung kusang pumasok ang babaeng 'yun sa stock room ng mga bariles natin at na lock siya doon. Master Chef, accusing our employee is unfair if that's fault should be blame to your so called apprenti---" "Unfair you said?" putol na ani ni YoRi na kinuha anh cellphone niya at tahimik na pinasok ang system ng cctv ng kaniyang restaurant gamit lamang ang cellphone nito. Napalingon naman si Aria sa waitress na pansin niyang biglang namutla at parang tinakasan ng dugo sa katawan habang kita niya ang panginginig ng mga kamay nitong magkadaupang palad sa harapan nito. Hindi pa man tuluyang nakikita ni YoRi ang footage sa may barell stock room ng mapalingon ang lahat sa waitress na napaluhod sa sahig at takot na nagdaupang palad sa tapat ng dibdib nito. "Bo-boss, bi-binibiro ko lang naman po siya pero wala po akong intensyon na mapatay ang apprentice niyo po." naluluhang pag-amin ng waitress na malamig ang tingin ni YoRi na binagsak dito. "Liezel kinulong mo siya dun?! Alam mong walang hangin na pumapasok sa loob ng barell stock room!" bulaslas ni Aria. "Bibiruin ko lang naman siy---" "You intentionally locked her up, because if its a joke for you, you won't leaved her inside the barell stock room for fifteen minutes." walang emosyon na putol ni YoRi sa waitress na mas lalong namutla sa pagkakaluhod nito. "Why did you do that? Naisip mo ba sa ginawa mo na pag sakaling namatay ang babaeng 'yun for losing her breath ay kasiraan iyon sa La Cuisine Russiano at sa boss natin? Nag-iisip ka ba?!" masungit na sita ni Matvei sa waitress na tuluyan ng naiyak sa pagkakaluhod dito. "Sorry po, naunahan lang po ako ng inggit kasi nakakapasok siya sa kusina na bawal naman kami. Patawad po Chef Matvei, boss..." iyak ng waitress habang nakatingala ng tingin kay YoRi. "Hu-huwag niyo po akong paalisin boss, promise hindi na po mauulit. Hihingi po ako ng tawad sa kan--" "What for? If I didn't find her and died inside the barell stock room, would your sorry will fix that?" malamig na putol ni YoRi sa waitress na hindi nakaimik. "You almost ruined my business because of your jealousy for a nonsense fvcking reason. Leave my restaurant this instance." ani pa ni YoRi na akmang aalis na sa harapan ng lahat ng wala sa sariling napayakap ang waitress sa kanang binti ni YoRi na ikinagulat ng mga kasamahan nito. "Parang awa mo na boss, huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho ko...hindi na po talaga mauulit..." iyak nito nang tingnan ito ni YoRi sa pinakamalamig at walang emosyon nitong mga mata. "Move. Your hands." Dahil sa takot sa klase ng tingin ni YoRi ay dahan-dahan na bumitaw ang waitress sa hita ni YoRi bago ito muling naglakad palabas ng kusina. Hindi magawang lapitan ng ibang employee ang waitress na umiiyak sa pwesto nito. Kahit sila ay nagulat sa ginawa nito, lalo na at unang beses nagtanggal si YoRi ng empleyado sa restaurant nito. "Why did you fvcking do that!" singhal na sermon ni Matvei sa waitress. "So-sorry po Chef M-Matvei..." "Bumalik na kayong lahat sa trabaho niyo, and you." ani ni Matvei sa waitress "Leave the premises of La Cuisine Russian immidiately, matagal ka na dito for sure. Alam mo na once makita ka pa ni Master Chef dito sa restaurant, it won't be good in your record." seryosong saad ni Matvei na ikinaalalay ng dalawang lalaking waiter dito upang alalayan ito palabas papunta sa locker room ng mga ito. Isa-isa namang nagbalikan ang mga staff at employee sa kani-kanilang trabaho. DERE-DERETSO si YoRi sa paglabas niya sa kaniyang restaurant, binaling niya ang tingin niya sa normal na kotse na nakaparada di kalayuan sa restaurant ni Maya. Nagsimula na si YoRi maglakad palapit dito, bahagya siyang napalingon sa restaurant ni Maya na wala na namang costumers na pumapasok. Inalis din ni YoRi ang tinggin niya doon at deretso ng lumapit sa may kotse at kinatok ang bintana sa kanan nito na dahan-dahang ikinababa ng bintana ng kotse, kung saan sumilip agad ang ulo ni Demon sa labas ng bintana. "Yo Ringfer! Ano 'to, mag-i-in charge ka na? Papalitan mo na ba kami ni kambal sa pagbabantay sa prin---" "Tonight, replace me in guarding." putol na ani ni YoRi kay Demon. "Ha? Ang sinasabi mo ba kami na din ang magbantay ngayong gabi sa kan--oi! Ringfer ano 'to? Wala man lang unacceptable reason? Valid explanation? Ringfer!" sigaw na tawag ni Demon kay YoRi na walang paalam na iniwan na sila, nakatanggap naman si Demon ng suntok sa balikat niya mula kay Devil na ikinabaling niya ng tingin sa kambal niya. "Do you hear him, twinnie?"ani na parang nagsusumbong na saad ni Demon kay Devil na poker face itong nakatingin sa kaniya. " I heard what he fvcking said, stupid!" "Pinagbabantay niya tayo ngayong gabi, paano ang night time natin sa mga asawa natin kambal?"angal ni Demon. " If you're complaining then you better go back being a cartier of your wife. This is a fvcking short sacrifice Phantoms do when we have missions, you should fvcking knew that or you need a fvcking reviewing you damn asshole."sermon ni Devil na napakamot nalang si Demon sa batok nito. "Ang harsh ng wordings mo kambal, masama bang magbigay ng comment? Hindi ko naman nakakalimutan 'yun, in love lang ako sa asawa ko oh." "And i'm fvcking not?" sitang ani ni Devil. "Ayyy kambal, wala akong sinasabi ah! Hayag sa akin na patay na patay ka sa asawa mo, i know that. Ganun din ako eh." ani ni Demon na ikinaingos lang ni Devil na kinuha ang cellphone upang tawagan si Heaven at magpaalam dito. Napabuntong hininga nalang si Demon na inilabas na din ang cellphone niya upang tawagan ang kaniyang kumander. Pagkabalik ni YoRi sa loob ng kaniyang restaurant matapos niyang kausapin ang kambal na naka assign na magbantay kay Misha matapos nina Sergio at Travis, ay deretso siyang naglakad pabalik sa opisina niya. Pagkapasok niya sa kaniyang opisina ay naabutan niya si Alexei na nakaupo sa pang-isahang sofa habang hawak-hawak nito ang cellphone nito na napalingon sa pagdating niya. Dere-deretsong naglakad si YoRi hanggang makalapit siya sa mahabang sofa kung saan nakahiga si Maya na mahimbing na nakatulog. "Her breathing is back to normal your higness, she was just sleeping because of tirediness mentally. I won't shock if she will gain closthrophobic syndrome after she was locked up in the barell store room." seryosong pahayag ni Alexei. Alexei is YoRi's right hand and guard, lihim itong nakasunod kay YoRi pero hindi lumalabas o nangingialam dahil alam nito ang kapabilidad ng kaniyang 1pinaglilingkuran. Sa bawat pinagdaanan ng mga kaibigan nito, nanunuod lang ito mula sa malayo. Lalabas lang siya sa pinagtataguan niya kung nagbigay na ng hudyat si YoRi o inutos sa kaniya. Alexei is a doctor, may sariling ospital sa Russia pero piniling bantayan si YoRi bilang utos ni Heneral sa kaniya. At sa tagal niyang naglingkod kay YoRi, ang loyalty niya ay dito na niya binibigay. "Your highness, may i ask who is this woman?" usisang tanong ni Alexei kay YoRi na deretsong nakatitig sa mukha ni Maya bago ito naglakad sa may mesa niya at umupo sa upuan niya. "Go to Palestine palace, replace me in my meeting with King Ahmed Al Najjar. Make sure he won't join handed with the king of Russia, sdelay eto s tishinoy (do it with silence)." malamig na pahayag ni YoRi na ikinatayo na ni Alexei sa pagkaka-upo nito at tinago na sa bulsa ang cellphone nito. "Kak pozhelayete, vashe velichestvo. (As you wish, your majesty.)" agad na sagot ni Alexei kahit wala siyang sagot na nakuha sa kaniyang tanong. Yumuko si Alexei kay YoRi bago ito wala ng tanong na dere-deretsong naglakad na palabas ng opisina ni YoRi. Nang tuluyan ng nakalabas si Alexei ay siyang pagtunog ng cellphone niya na kinuha niya sa pants nito, at mg makitang si heneral ang tumatawag ay agad niya itong sinagot. "Heneral." "I have a task that i will assign to you, i need you to find and kill Anastacio Petrival who was hiding in the forest of Arizona. He tries to collaborate with Pelinggan family using the system he took from my possession. I already book your ticket to fly in Arizona, this evening. At 7pm." "Got it." malamig at maikling sagot ni YoRi na ikinawala na ni Heneral sa kabilang linya. Hindi madalas bigyan si YoRi ng task ni Heneral, bibigyan lang siya ng mission pag walang ibang pwedeng gumawa kung hindi siya lamang. That's why may ilang pagkakataon noon na hindi nakakasama si YoRi sa lakad ng Phantoms. Sumandal si YoRi sa kinauupuan niya at tumingala upang titigan ang kaniyang kisame. Nakipagtitigan si YoRi sa ilaw ng ng kaniyang opisina na nakatapat sa kaniya. Ilang taon na ang ginugol niya kasama ang Phantoms, at sabihinan niyang ayaw niyang mas mapalapit sa samahan na kinabibilangan niya ay hindi rin niya napigilan ang sarili. Akmang pipikit si YoRi sa pagkaka-upo niya ng makarinig siya ng sunod-sunod na pag-ubo. Ibinagsak niya ang tingin niya kay Maya na unti-unti ng nagigising hanggang sa makita niya ang pagbalikwas niya ng pagbangon. "Eh? Na-nasaan ako?" naguguluhang ani ni Maya na inikot niya ang tingin niya sa opisina ni YoRi hanggang sa makita niya ito na hindi niya naiwasang ikagulat. "M-Mr. Ringfer? Ba-bakit narito ka? Nasaan ako?" sunod-sunod na tanong ni Maya. "At my office, i took you here after i take you out in my barell store room." malamig na ani ni YoRi na sandaling natigilan si Maya sa sinabi niya. Agad naalala ni Maya ang nangyari sa kaniya, kung paanong nakulong siya sa madilim na kwarto na puro bariles, at walang hangin na pumapasok. Nakahinga ng maluwag si Maya dahil habang nasa loob siya ng barell room ay nagsisimula na siyang mataranta at matakot. Nahihirapan na din siyang huminga sa loob, akala ni Maya katapusan na niya at nagha-hallucinate lang siya kanina. "Pa-paano mo nalaman na naroon ako?" "I just know, what happened?" ani na tanong ni YoRi. "Hindi ko alam kung galit ba sa akin ang isa sa employee mo dito o lahat sila may galit sa akin dahil kinulong nila ako dun. Wala naman akong ginagawa na masama kundi gusto ko lang mas may malaman at maimprove sa pagluluto ng mga russian foods." ani ni Maya na bahagyang natawa sa kinauupuan. "Pero grabe naman 'yung joke na ginawa sa akin, pwede kaya akong mamatay sa loob nung barel---" "I already fired her." putol na ani ni YoRi na ikinatayo niya sa pagkaka-upo niya. "Go back to your restaurant." ani pa nito na ikinatitig ni Maya. "Hi-hindi mo na ba ako tuturuan?" "Just rest for now, what happened to you is not simple." saad ni YoRi na ikinatayo na din ni Maya sa pagkaka upo niya. "Pero hindi ba lulutuin ko pa 'yung onion vzvar? Bakit pinababalik mo na ako sa restaurant ko?" "Don't be a fvcking stubborn right now." sita ni YoRi na naglakad na palabas ng opisina nito. "Ganun nalang 'yun? Kaya ko naman magluto after ng nangyari ah." pahayag ni Maya na mabilis na lumabas sa opisina ni YoRi at agad itong hinanap. Nang makitang papalabas na ito sa restaurant nito ay agad itong hinabol ni Maya. "Teka Mr. Ringfer! Promise kaya ko talagang magluto ngayo---" Hindi natapos ni Maya ang sasabihin niya ng humarap si YoRi sa kaniya matapos nilang makalabas ng restaurant nito. "Hindi ka ba marunong makinig, Ms. Paraon?" walang emosyon na saad ni YoRi "Marunong akong makinig, pero kasi kung hindi matutuloy ang pinapaluto mo sa akin baka mawalan ulit ako ng chance to learn more in cooking the cuisine of Russia. Baka magbago ang isip mo, baka hindi mo na ako tulungan." ani na paliwanag ni Maya na ikinatitig ng malamig na mga mata ni YoRi sa kaniya. "Did i told not to come back? Sinabi ko lang na magpahinga ka ngayong araw, magkaibang bagay 'yun." malamig na ani ni YoRi na napapansin na niya sa kaniyang sarili na napapagsalita siya ni Maya ng mahaba pag ito ang kausap niya. Napatikom ng bibig si Maya at hindi na nakapagsalita pa, nakikita niya na talagang pinababalik muna siya ni YoRi sa restaurant niya. Ayaw niyang maging makulit lalo na at sinabihan na siya ni YoRi. "O-Okay, see you bukas Mr. Ringfer." may kalungkutang ani ni Maya. Magsisimula na sana siyang maglakad para bumalik sa restaurant niya na nakabagsak ang kaniyang mga balikat sa lungkot, dahil sa pagkaka-udlot ng pinagagawa ni YoRi sa kusina nito. Natigilan lang si Maya ng may humawak sa kanang kamay niya na agad niyang ikinalingon, bahagya siyang magulat ng hindi niya inasahan na si YoRi ang hahawak sa kamay niya. Naibaba ni Maya ang tingin niya sa kamay niyang hawak ni YoRi ng bahagyang kumabog ang dibdib niya. "Do you have a passport?" malamig na tanong ni YoRi sa kaniya. "O-oo naman, t-teka? Bakit tinatanong mo kung may passport ako?" takang tanong ni Maya na ikinabitaw ni YoRi sa pagkakahawak sa kamay niya. Walang salitang lumabas sa bibig ni YoRi na sandaling pumasok sa loob ng restaurant niya, naguguluhan si Maya pero hindi niya alam bakit hindi siya umalis sa kinatatayuan niya ng bumalik si YoRi na dere-deretsong kinuha ang kanang kamay niya. Bahagya nalang siyang nagulat ng sulatan ni YoRi ang palad niya na naguguluhang ikinatitig niya dito. "A-ano bang sinusulat mo sa kamay ko?"tanong ni Maya ng ipahawak ni YoRi sa kaniya ang ballpen na sa tingin niya ay kinuha pa nito sa loob ng restaurant niti kaya ito bumalik kanina. "I despise late comers." malamig na pahayag ni YoRi na naglakad palapit sa kotse nito, sumakay bago umalis kung saan naiwan si Maya sa kinatatayuan nito na naguguluhan. "Ano daw?" tanong ni Maya sa kaniyang sarili bago agad na tiningnan ang palad niyang sinulatan ni YoRi na ikinasalubong ng kilay niya. "Eh? Address ba 'to? Wait? Bakit nagsulat siya ng address ng isang lugar sa palad ko? Kailangan ko bang puntahan 'to? May time pa, 6pm..." ani ni Maya na naguguluhan sa sinulat ni YoRi sa kaniyang palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD