“Maya hindi ka ba titigil diyan sa pabalik-balik a paglalakad na ginagawa mo? Kanina mo pa ginagawa ‘yan simula ng makapasok tayo dito sa loob ng apartment ko, hindi ka ba nahihilo sa ginagawa mo?”
Paharap kay Misha na huminto si Maya sa pabalik-balik na paglalakad niya at mabilis na naglakad palapit sa kaibigan. Agad itong yumakap sa braso nito na ikinasalubong ng kilay ni Misha dahil sa ginagawa ni Maya simula ng makita nito ang bagong nakatira sa katabing apartment niya. Pansin ni Misha na gulat na gulat si Maya ng makita nito ang lalaking kinaiinisan nito at tinuturing na karibal sa parehas na business meron ang mga ito.
“Misha, gusto mo bang lumpat ng apartment?”
“Ha? Bakit naman ako lillipat ng apartment?” takang tanong ni Misha kay Maya na umayos ng pagkakatayo at inalis ang pagkakayakap nito sa mga braso niya. Itinaas ni Maya ang kanang kamay niya at itinuro sa may pader kung saan nakapwesto ang kabilang apartment na tinitirhan ngayon ni YoRi na kinaiinisan niya.
“Kapitbahay mo ang patay na bata na ‘yun, Misha, paano kung may gawin siyang masama sayo, hindi pa naman katiwa-tiwala ang mukha ng isang ‘yun.”ani ni Maya.
“Kung makapambintang ka naman diyan Maya, akala mo serial killer ang bago kong kapitbahay. Alam kong bwisit ka sa kaniya lalo na at tinitingnan mo as your rival pero sa gwapo ng may ari ng La Cuisine sinong magsasabing hindi siya katiwa-tiwala? Madaming mahuhumaling sa mukha ng rival mo, tsaka bakit naman niya ako gagawan ng masama?”ani ni Misha na muling ikinabalik nito sa pabalik-balik na paglalakad.
“Hindi k aba nagtataka? He’s restaurant was very famous, at sa dami ng branches niya malamang mayaman ‘yan pero bakit sa isang apartment siya titira? Hindi ba at nakakapagtaka?” ani ni Maya na muling tumigil at nilingon si Misha.
“Maybe your right, pero paano kung gusto niya lang tumira sa simpleng apartment? It his freedom naman at nagkataon na dito siyia kumuha ng apartment.”sagot ni Misha na ikinataas ng isang kilay ni Maya sa kaibigan.
“Teka Misha? Bakit parang okay lang sayo na kapitbahay mo ang lalaking lumait sa restaurant at pagkain na niluluto natin? Wait? Don’t tell me crush mo ang patay bata na ‘yun?” saad ni Maya kay Misha na natawa sa sinabi niya.
“Seriously? Maya, gwapo si Mr. Ringfer, malakas ang charm at karisma kahit patay na bata siya sayo, pero I assure you na hindi ko siyai crush okay? I have someone that I already like kaya hindi dahil okay lang sa akin na kapiptbahay ko siya eh crush ko na siya.”paliwanag na ani ni Misha.
“May nagugustuhan ka na?” tanong ni Maya na naagaw ang atensyon nito at agad na lumapit kay Misha.
“Tama ba ang narinig ko na may nagugustuhan ka na Chef Misha?” mapang-asar na ngiti ni Maya kay Misha.
“Babae ako Maya, natural na may magustuhan ako.”ani ni Misha na naglakad patungong kusina para maghanda ng hapunan nilang dalawa na ikinasunod ni Maya dito.
“Sino ang swerteng lalaki na gusto mo? Mind if I know about him?”
“Gusto ko mang sabihin sayo pero secret muna, tsaka ko na sasabihin pag mutual na ang nararamdaman namin. Pero hindi ako umaasa dahil sa nakikita ko, may gusto siyang iba.”ngiting ani ni Misha.
“Ano?! Aba, kung hindi ka magugustuhan ng lalaking gusto mo, malas niya. Big catch ang isang Chef Misha V. Ishmael, magsisisi siya pag hindi ka niya ni like back.”pahayag ni Maya na natatawang bahagyang binunggo ni Misha ang balikat niya.
“Thank you sa pagbi-build-up pero magsisisi siya kung hindi niya ipu-pursue ang babaeng gusto niya.”ani ni Misha na bahagyang lungkot na titig ang binigay ni Maya dito.
“Hindi mo lang ba sasabihin sa lalaking gusto mo ang nararamdaman mo?”tanong ni Maya na ngiting ikinailing ng kaibigan niya.
“Hindi ko muna sasabihin sa kaniya, but don’t worry I will let him now para alam niyang may isang Misha Ishmael na sasayangin niya.”
“That’s the spirit, Misha!”pagpapalakas na ani ni Maya na nawala totally sa isipan niya ang kapitbahay ng kaniyang kaibigan na kinaiinisan niya.
“How about you? Hindi mo pa ba aaminin kay Leroi ang feelings mo?” mapang-asar na ngiti ni Misha kay Maya na bahagyang namula ang mukha nito.
“Hi-hindi, mas okay na hindi alam ni Leroi na gusto ko siya. Ayokong dahil sa nararamdaman ko ay mabago ang turing niya sa akin.”ani ni Maya na ikinahawak ni Misha sa magkabilang balikat niya.
“Maya listen to me, kung hindi mo ipapaalam paano mo malalaman ang side niya? No feelings will come across to person you like if you don’t put them into words.”payo ni Misha na bahagyang ikinabuntong hininga ni Maya.
“Alam ko naman ‘yan Misha, kaya lang, alam kong kapatid lang ang turing ni Leroi sa akin.”malungkot na ani ni Maya na ikinatapik ni Misha sa balikat niya.
“Alam mo, naawa ako sayo at sa lalaking gusto ko kasi parehas kayo ng sitwasyon. Anyway, tulungan mo nalang ako magluto ng hapunan natin, bakit hindi mo iluto ‘yung specialty mo na gustong-gusto ko?”ngiting pagbabago ng usapan ni Misha kay Maya.
“Ngayon? May sapat ka bang ingredients ng pagkain na ni-re-request mo?”tanong ni Maya na agad ikinabukas ni Misha sa ref nito, at miya-miya sa cabinet nito bago bagsak ang balikat na binalik ang tingin kay Maya.
“Wala akong mga ingredients, sayang, ang tagal ko na din na hindi nakakain ang specialty mo.”disappointed na ani ni Misha na ikinabuntong hininga ni Maya bago ngumiti.
“May malapit na tindhan dito hindi ba? Lalabas ako para bumili, hindi pwedeng matulog ka ngayon na hindi nakakain ang specialty ko.”
“Madaming luko-luko sa lugar na ‘to, Maya, sasamaha---“
“Hep! I can manage myself, gawin mo nalang ang ibang lulutuin mo, Huwag kang mag-alala tinuruan kaya ko ni Leroi ng self-defense.”ngiting pahayag ni Maya na hindi na hinintay ang sasabihin ni Misha ng naglakad na siya, kinuha niya ang bag niya bago dere-deretso na lumabas sa apartment ni Misha.
Pagkalabas ni Maya sa apartment ni Misha ay nakatayo lang siya sa tapat ng pintuan habang iniisip ang sinabi ni Misha at ang tinatago niyang nararamdaman para kay Leroi.
“Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Paano kung masira ang friendship namin dahil umamin ako sa kaniya? Masaya naman ako kahit papaano dahil kaibigan ko si Leroi, ayos na sa akin na maging kaibigan lang niya.” Pahayag na ani ni Maya sa kaniyang sarili.
Nagsimula nang maglakad si Maya para puntahan ang tindahan na napansin niya kanina sa ppaglalakad nila ni Misha ng pauwi na sila sa apartment nito. Bibili siya ng mga ingredients na ngayon niya lang ulit lulutuin para kay Misha.
Hindi lang Russian food ang alam na lutuin ni Maya, may isa siyang dish na niluluto na itinuro pa ng kaniyang ina noong nabubuhay pa ito. Pinagbutihan niyang maging perfect ang pagluluto ng dish ng kaniyang ina dahil ‘yun nalang ang naiwan ng kaniyang ina na pinahahalagahan niya, at tanging kay Misha niya lang niluluto ang dish na ‘yun.
Napangiti si Maya sa kaniyang paglalakad ng matigilan siya kasabay ng pagkawala ng ngiti niya sa kaniyang mga labi, dahil nakasalubong niya att tumigil di kalayuan sa harapan niya ang rival at kinaiinisan niyang kapitbahay na ngayon ni Misha.
Si Yo Ringfer, na pabalik na sa apartment nito na may dalang dalawang plastic bag.
“Kung mamalasin ka nga naman talaga ang araw ko, sa dami ng pwede kong makita ‘yung patay na bata pa at masakit sa mata ang makakasalubong ko.”ani ni Maya.
“Are you referring to me?” walang emosyon na ani ni YoRi na ikina cross arms ni Maya kasabay ng pagtaas ng kilay nito.
“Depende kung ikaw lang ang pwedeng patay na bata sa paningin ko. Honestly, Mr. Ringfer, hindi ko gusto ang ideya na katabi ka ng apartment ng kaibigan ko. Nakakapanghinala kasi na ang katulad mong mayaman ay uupa at titira sa isang maliit na apartment, pero sino nga ba ako para mag conclude agad. But remember this, I’m watching you.”ani ni Maya na na inirapan si YoRi bago naglakad ng muli hanggang malagpasan nito si YoRi.
“Bakit kasi sa lahat ng pwedeng maging kapitbahay ni Misha, ang mayabang pa na ‘yun? Hindi kaya nagustuhan niya si Misha kaya stalker na ito ngayon? Teka? Bakit ko ba iniisip ang patay na bata na ‘yun? Lalo lang masisira ang gab---“
“You’re going out alone at this night?”
Mahinang napatalon at napamura si Maya sa gulat dahil sa biglang nagsalita sa kaniyang likuran na agad niyang ikinalingon at makita si YoRi na malapit sa kaniya. Gulat si Maya dahil alam niya nakakalayo na siya ng kaniyang paglalakad pero hindi man lang niya napansin na nakasundo pala ito sa kaniya.
“May lahi ka bang kabute? Muntik na akong atakihin sa puso sayo, teka? Ano namang pakialam mo kung lalabas ako ngayong gabi?”pagtataray ni Maya dito.
Hindi siya mataray, ayaw niyang may tinatarayan pero dahil bad impression ang dating ni YoRi sa kaniya lalo na sa ginawa nito ay hindi niya maiwasan na mainis kay YoRi. Hindi din alam ni Maya kung bakit naiinis siya sa mga mata nitong walang emosyon pag tumitingin sa kaniya.
“You should not go at this hour, at this night alone Ms. Troublemaker. You might encounter trouble and no one might save you.”malamig na ani ni YoRi kay Maya na tinalikuran na siya at naglakad na ito pabalik sa apartment nito.
“Troublemaker? Ako troublemaker?!” ani ni Maya na naiinis na natawa sa itiniwag ni YoRi sa kaniya na agad sinundan ng tingin si YoRi na kakapasok lang sa apartment nito.
“Iniinis talaga ako ng patay na bata na ‘yun, hindi ka lang hambog at mayabang nakakainis ka pa!” may kalakasang ani ni Maya na pairap na tumalikod na at naglakad na para mapuntahan na nito ang tindahan habang naiinis pa rin siya kay YoRi.
“Gwapo nga pero nakakainis ang attitude, sarap pang pitikin ng mga mata niya para huwag niya akong tingnan gamit ang walang emosyon niyang mga mata. Bakit ba hinahayaan ko ang sarili kong mainis sa lalaking ‘yun, Leroi was right. Hindi ko dapat pinapansin ang lalaking ‘yun na may problem attitude, pero hindi maalis na karibal ko siya at lalampasuhin ko talaga ang restaurant niya in right time.”pahayag ni Maya nang magpambuntong hininga siya bago nagsimula muling maglakad.
“Bakit hindi ko mapigilang hindi mainis sa lalaking ‘yun, alam ko naman na walang kasalanan ang restaurant niya kung bakit wala kaming makuhang costumers. Unang-una, matagal na siya sa pwesto na ‘yun, pangalawa, talagang dinadayo ang La Cuissine. Bakit ba nakikipag kumpitensya ako sa kaniya gayong marami na siyang napatunayan kaysa sa akin?” sambit ni Maya sa kaniyang sarili.
“Ano bang problema mo sa lalaking ‘yun, Dailyn? Dapat sinusunod ko ang sinasabi ni Leroi sa akin, pero hindi ko talaga maiwasang hindi makipag kumpetensya sa patay na batang ‘yun lalo pa at hindi magaganda ang mga sinabi niya sa mga luto namin.”ani pa ni Maya na napapailing nalang sa kaniyang sarili.
Nang malapit na si Maya sa tindahan ay napatigil siya sa kaniyang paglalakad nang makita niyang may mga nag-iinumang mga kalalakihan na dapat niyang lagpasan bago siya makarating sa tindahan. Biglang nakaramdam ng kaba si Maya dahil naiisip niya na harangin siya ng mga ito gayong sa mukha palang ng mga nag-iinom ay hindi na gagawa ng mabuti.
“Paano kung harangin nila ako at pagkatuwaan? Mukhang mga lasing pa naman ang mga ‘yun, maganda ako para sa sarili ko pero, hindi naman siguro ganitong ganda ang tipo nila.”ani ni Maya na huminga ng malalim.
“Kailangan kong makabili ng mga kailangan ko para maipagluto si Misha ng bulalo na gustong-gusto niyang niluluto ko. Sana naman hindi ako harangan ng mga ito.”ani ni Maya na nagsimula ng maglakad.
Deretso lang ang tingin ni Maya sa kaniyang nilalakaran, hindi niya sinusulyapan ang mga kalalakihang nag-iinom na ramdam niyang nakatingin na sa kaniya. Pilit na normal na naglakad lamang si Maya at ng lalagpas na siya sa mesa ng mga nag-iinom ay napamura nalang siya sa kaniyang isipan ng harangan siya ng isa sa mga nag-iinom.
Bakit?! Iyak ni Maya sa kaniyang sarili na hindi niya pinahahalata sa lalaking humarang sa kaniya na may malaswang ngiti na pinapakita sa kaniya.
Sinubukan ni Maya na lagpasan ang lalaking nakaharang sa kaniya pero kahit anong gawin niya ay hinaharang siya nito.
“Sandali lang Ms. magpapakilala lang naman ako, ngayon lang kasi kita nakita dito.”ani ng lalaking amoy na amoy ni Maya ang alak sa bibig nito.
“Pasensya na pero hindi kasi ako nagpapakilala kung kani-kanino.”tangging saad ni Maya na bahagya niyang ikinaatras ng naglakad palapit sa kaniya ang lalaki habang rinig niya ang kantiyawan ng mga kasama anito at sipol na para kay Maya ay pambabastos para sa kaniya.
“Bakit naman? Sasabihin mo lang sa akin ang pangalan mo, may magagalit ba? Single ako kaya walang magagalit, sabihin mo na sa akin ang pangalan mo.”pangungulit nito na alam ni Maya ang mangyayari pag hindi niya pinagbigyan ang gusto ng lalaki at lalong lalala ang sitwasyon niya.
“Ano kasi…hindi ako pwedeng magpakilala kasi ano…kasi magagalit ‘yung boyfriend ko. Actually, pasunod na sa akin ‘yun kaya huwag niyo na akong harangan, masama pa naman magalit ‘yun.”ngiwing ngiti ni Maya na pagdadahilan kahit kasinungalingan ang sinabi niya padaanin lang siya ng lalaking nakaharang sa harapan niya.
“May syota na pala Harold.”rinig ni Maya na pang-aalaska ng mga kaibigan nito.
“Baka naman lampa ang syota mo, Ms? Baka hindi ka kayang ipagtanggol nun, pero ako kinatatakutan ako dito. Pag ako syinota mo safe ka.”ngising ani nito na mabilis na ikinailing ni Maya dito.
“No thanks, bibili lang ako at hindi naghahanap ng syota kasi meron na nga ako at hindi lampa ang boyfriend ko. Baka nga kaya kang lampasuhin nun eh!” ani ni Maya na hindi na napigilang magsalita ng kung ano-ano.
Shet ka Maya! Ano bang pinaglalabas mo diyan sa bibig mo?!
“Talaga? Sige nga Ms. tingnan natin kung kaya akong pabagsakin ng syota mo. Sabi mo susundan ka niya di’ba, hintayin natin siya.” Ani ng lalaki na nag-uumpisa ng kabahan si Maya.
“P-pero kailangan ko na kasing bumili ng kailangan kong bilhin, sinasabi ko sa inyo hindi niyo kakayanin ang nobyo ko kaya habang wala pa siya magsi-uwi nalang kayo.”pahayag ni Maya na akmang lalagpasan ang lalaki ng mapatili siya ng hilahin at akbayan siya ng lalaki na rinig niyang ikinatawa at palakpak ng mga kaibigan nito.
“Ano ba?! Sinabi ng bitawan mo ako! Pag dumating ang nobyo ko talagang bubugbugin ka nun, bahala ka!”pananakot ni Maya kahit natatakot na siya sa nangyayari sa kaniya.
Misha tulong….
“Hintayin natin ang nobyo mo, masyado mong pinagmamalaki kaya tingnan natin kung may ibubuga, at pag siya ang nilampaso ko, Ms. akin ka na.”ngising ani ng lalaki na ramdam ni Maya ang pagkakilabot ng amuyin ng lalaki ang buhok niya.
“Bitawan mo na nga ak----“
Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng mapahiyaw siya ng may humila sa kaniya sa pagkaka-akbay ng lalaki. Deretsong tumama ang katawan ni Maya sa isang matipunong dibdib kung saan biglang kumabog ang dibdib niya ng maramdaman niya ang pagpulupot ng isang braso sa bewang niya na ikinatingin niya bago nilingon ang lalaking humila sa kaniya. May gulat at napatitig nalang si Maya sa gwapong mukha ni YoRi na hindi niya akalaing na magliligtas sa kaniya, na hindi niya alam kung bakit ramdam niyang maiiyak siya sa pagdating nito.
“Mr. Ringfer….” Nagpipigil na iyak na mahinang sambit ni Maya kay YoRi na walang emosyong bumaba ang tingin sa kaniya.
“At sino ka naman? Ikaw ba ang syota na sinasabi niya?” singit na pahayag ng lalaking ikinalipat na ng tingin ni YoRi dito.
“Ako nga, may problema ba kayo if that’s the case?” malamig na pagsagot ni YoRi na hindi inasahan ni Maya ang sinagot niya lalo na at narinig niya itong bahagyang magsalita ng tagalog na kahit malamig ang pagkakabigkas ay hindi alam ni Maya kung bakit tumagos sa kaniya ang sinabi nito.