Chapter 05- The Girl he will Guard

1720 Words
MALALIM na nagpambuntong hininga si Maya sa kaniyang kinauupuan sa pinakasulok ng kaniyang restaurant kung saan nakatutok ang tingin niya sa dalawang tao na tanging costumer nila sa oras na ‘yun. Tiningnan ni Maya ang wall clock nila at muling nagpambuntong hinga ng makitang mag-a-ala una na pero mabibilang sa kaniyang daliri ang kanilang costumer. Tatlong araw na din simula ng magsimula siyang buksan ang restaurant niya pero kumpara sa dating lugar na pinag-alisan nila ay halos hindi man lang napuno o nadagdagan ang costumer nila. Ayaw man mawalan ng fighting spirit si Maya dahil sa nakikitang hindi effectiveness ng Rad Sluzhit’ ay ‘yun ang nararamdaman niya sa mga oras na ‘yun, ay mas lalong nawawalan na siya ng pag-asa pag nakikita niya ang La Cuisine Russiano na dinadayo at napupuno parin ng mga costumers. “Don’t take a look again to that restaurant of him, Maya, hindi healthy sayo.”saad ni Maya sa kaniyang sarili nang maalala niya ang nangyaring tagpo sa kanila ni YoRi tatlong araw na ang nakakalipas sa palengke. Hindi ipagkakaila ni Maya na napahanga siya ni YoRi dahil marunong itong makipagbugbugan, ang problema lang ay sa tuwing naiisip niya ang ugali nito towards sa kaniya ay nabubuhay ang inis niya para kay YoRi, kaya iniiwasan niyang lingunin ang restaurant nito dahil dumadagdag sa inis niya ang nakikita niyang pagkapuno ng resto nito samantalang ang kaniya ay kulang nalang ay langawin. “Ano ba kasing pinagkaiba sa luto ng mga dishes niya? Same Russian foods naman ang ino-offer namin, kaya anong iba sa luto ko sa luto ng hambog na patay na bata na ‘yun?”angal ni Maya na ikinadukmo niya sa mesa na ikinauupuan niya. Hindi naman siya nilalapitan ng mga staff niya, nakasilip lang din sa kaniya si Misha at Nikolai mula sa may pintuan ng kitchen. “Kung magpapatuloy ang ganito, pwedeng magsara ang restaurant ko.”nalulungkot na sambit ni Maya sa kaniyang sarili nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa kaniyang bulsa at sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang caller, iginilid niya sa kaliwa ang ulunan niya bago niya nilagay sa tenga ang cellphone niya. “Rad Sluzhit’ Restaurant, Dobroe utro (Good morning) this is Chef Maya. What can I d---“ “That’s not a nice way too greet someone in a call, Maya.” Agad na napaayos ng pagkaka-upo si Maya at tiningnan ang screen ng cellphone niya nang makita niyang si Leroi ang tumawag sa kaniya. Binalik niya sa tenga niya ang cellphone at bahagyang nag inhale at exhale bago sagutin si Leroi. “Ikaw pala, Leroi, hindi k aba busy ngayong umaga kaya nakatawag ka?” “I’m always busy. How’s your restaurant?” tanong ni Leroi sa kabilang linya na ikinabuntong hininga ni Maya. “Honestly, ‘yung fighting spirit ko sa umpisa ay unti-unti ng bumabagsak. Mali ba talagang pumwesto ako ng restaurant ko sa lugar na ‘to katapat ang La Cuisine Russiano?” “La Cuisine Russiano was been known for so long, even in other places nor countries. I didn’t say that you did wrong choose a not applicable spot but you’re just starting, Maya. Marami pang pwedeng mangyari sa Rad Sluzhit’ you just need to wait, but don’t take La Cuisine as your rival.” “Anong magagawa ko Leroi? Naiinis ako lalo na sa may-ari ng restaurant na ‘yun na akala mo kung sino. Gusto kong bawiin niya lahat ng pang-iinsulto niya sa mga luto namin, na i-acknowledge niya ang restaurant ko. I wanted to compete against him pero ngayon palang nakikita ko na ang resulta at naiinis ako.”saad ni Maya. “You became a chef not to compete with others, but to cook dishes for people who will eat the food you cook. Cooking is not a game, it’s your passion.”paalala ni Leroi kay Maya na hindi nito nagawang ikaimik. “—Gozon! Aalis na tayo kaya tama na ang telebabad mo! We have snake that we need to remove the fangs before eventually poisoning the entire bound.” Rinig pa ni Maya sa isang boses sa kabilang linya na rinig niya ang pagbuntong hininga ni Leroi. “Nanghuhuli ka na ba ngayon ng ahas, Leroi?” naguguluhang tanong ni Maya sa kaniyang narinig. “Not the snake you were thinking, I’ll call again.” Agad na nawala sa kabilang linya si Leroi na ikinababa na at itinago ni Maya sa kaniyang cellphone, ayaw man niya pero dahan-dahan niyang nilingon ang La Cuisine Russiano kung saan may naglalabasana na costumers pero may mga pumapasok naman agad sa loob. “Tss! Maswerte lang ang patay na bata na ‘yun, abangan niya ang pagbulusok ng restaurant ko. Hindi man ngayon pero mangyayari ‘yun.”pahayag ni Maya na pilit niyang binabangon anng fighting spirit niya bago inirapan ang restaurant ni YoRi. At dahil wala ng costumer na sumunod sa huling kumain sa restaurant nila, ay nagpasya muna si Maya na maagang magsara. Hindi man iyon inasahan ng mga staff niya pero pinaliwanag niya na babawi naman sila bukas, at dapat mas doblehin nila ang sipag at promote mapa social media o labas ang gawin nila. Nang masara na ni Maya ang restaurant niya ay nagsi-uwian na ang mga staff niya at si Misha at Nikolai nalang ang kasama niya. At dahil nasa pagawaan ang kotse ni Maya ay wala siyang choice kundi mag commute na hindi naman siya hinayaan nina Misha na umuwi siya mag-isa kaya sinabayan siya ng mga ito. “Alam niyo okay lang naman ako, bakit kailangan niyo pa akong sabayan sa pag commute.”punang saad ni Maya sa dalawa na pinanggigitnaan siya sa upuan nila sa MRT. “Commuter naman talaga ako, Maya, sadyang sumabay lang ako sayo.”sagot ni Misha na ikinasilip nito kay Nikolai na nasa left side ni Maya. “Hindi ko lang alam sa lalaking katabi mo bakit nakisabay din siya, gayong may kotse naman siyang dala.” “I decided to commute for today, wala namang masama kung paminsa-minsan ay tumulong ako sa bansa.”sagot ni Nikolai na ikinaingos lang ni Misha bago kay Maya ibinalik ang tingin niya. “Alam kong malungkot ka dahil sa nakikita mong result ng three days na pagbubukas natin sa Rad Sluzhit’ kaya sasamahan kita ngayon. You know what, bakit hindi ka muna sa akin matulog ngayong gabi? Wala din naman akong kasama sa apartment ko, tingin mo?”ngiting suhestiyon ni Misha na bahagyang ikinataas ng kamay ni Nikolai na sabay ikinalingon ni Maya at Misha dito. “Should I join?” “Duh! Girl’s night out ‘yun, wag kang epal.”panunungit ni Misha kay Nikolai na ikinalingon ni Maya dito. “Nik, nakikita mo ang sitwasyon ni RS sa tatlong araw na nagbukas tayo, magaling kang chef kaya kung naiisip mo na lumipat ng ibang restaurant, okay lang sa akin. Ayokong amagin ang skills mo dahil sa RS.”saad ni Maya kay Nikolai na ikinatitig nito sa kaniya. “I’m loyal, I chose to be one of your chef. Besides, tatlong araw pa naman ang lumilipas buhat ng magbukas ang RS. I’m sure unti-unting mapapansin ang RS, we just need to have a long patient. Remember, Thomas Edison? He failed several times before he reach his success.”mabining paliwanag ni Nikolai na ikinapatong nito ng kanang kamay sa ulunan ni Maya at bahagyang dinungaw ang mukha nito na ilang inch ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. “Success is didn’t start at the beginning, it start in the middle. Habang wala patayo sa kalagitnaan, hindi dapat tayo ma discourage.”ngiting ani ni Nikolai na ikinasilay ng ngiti ni Maya sa sinabi nito. “Nakakagaan naman ng loob ang mga sinabi mo, Nik. Salamat.” Napalingon nalang si Maya kay Misha ng alisin nito ang kamay ni Nikolai na nakapatong sa ulunan niya habang nakasimangot ito. “Don’t pat Maya’s head again, Nikolai. Hindi aso ang kaibigan ko, hindi porke’t may maganda kang speech diyan eh feeling smart ka na.”pagsusungit ni Misha na ikinangiti lang ni Nikolai na inalis ang tingin sa kanilang dalawa. “Palagi nalang mainit at asar ka kay Nikolai, lumalala compare noon Misha.”kumento ni Maya. “Sino bang hindi iinit at maiinis sa lalaking ‘yan. Anyway, sa apartment ko ikaw matutulog okay? Hindi ka pwedeng tumanggi.”ani ni Misha. “Pero maaga tayong magbubukas bukas, wala akong dam---“ “Hep! You have clothes in my closet baby girl, kaya hindi ka na pwedeng tumanggi.”putol ni Misha na walang nagawa si Maya kundi pumayag. Nang makarating na sila sa babaan nila ay naunang bumaba sina Misha at Maya, ngiting kummaway si Maya kay Nikolai na sa susunod na train station baba, habang si Misha ay iniirapan lang si Nikolai. Magkahawak kamay na dumaan muna sina Maya sa convenient store para bumili ng kakainin nila bago naglakad na pauwi sa apartment ni Misha. Masayang nagku-kwentuhan silang dalawa, at kahit papaano ay nawawala sa isipan ni Maya ang problema ng restaurant nila at ang inis niya kay YoRi. Nang makarating na sila sa apartment ni Misha ay napansin ni Maya na bahagyang natigilan si Misha ng mapalingon si Misha sa katabing apartment nito. “Bakit Misha?”takang tanong ni Maya sa kaibigan. “Sa pagkaka-alala ko, vacant ang katabing apartment ko. Mukhang may nag occupied na, may kapitbahay na pala ako.”ani ni Misha na lumapit na sa pintuan niya upang buksan iyon habang nakatayo sa likuran niya si Maya, na napalingon sa kalapit apartment ni Misha ng magbukas ‘yun at unti-unting manlaki ang mga mata niya sa taong lumabas mula doon. “Ikaw?!” gulat na bulaslas ni Maya with matching turo pa sa lalaking nakikita ng dalawang mata niya na ikinalingon ni Misha na bahagyang nagulat ng makita ang lalaking pamilyar sa kanilang dalawa ni Maya. “A-anong ginagawa mo dito?”agad na tanong ni Maya sa hindi niya mapaniwalaang bagong kapitbahay ni Misha. “I lived here, you have problem with that?” walang emosyong sagot nito na hindi makapaniwalang ikinatulala ni Maya sa lalaking nasa harapan niya na numero unong kinaiinisan niya at tinuturing niyang rival. “N-no way…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD