Chapter 43- THE 13TH TARGET
SERIES 12: YO RINGFER
“Ba-Bakit parang a-ayaw mo yata na magising ako, Han? Nakakadurog naman kayo ng damdamin…”
Mas nanlaki ang mga mata ni Tad ng mismong marinig niya sa kabilang linya ang boses ni Blue.
“Ynarez?!”
Sabay-sabay na napalingon sina Paxton kay Tad na may bahid ng gulat ng sambitin nito ang epilyido ni Blue, agad naman binalik ni Paxton ang tingin niya sa hawak niyang si Omega na inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito.
“Bakit naman parang gulat na gulat ka Han? Hindi ka ba masaya na gising na ko? Gusto ko ngang magtampo sa inyo dahil ni isa sa Phantoms wala akong nakita pag mulat ng mata ko.”
Dahil sa gulat ay ibinaba ni Tad ay ibinaba niya ang cellphone niya at napagpatayan ng tawag si Blue at hindi makapaniwalang tiningnan sina Demon.
“Gising na si Ynarez.” Pagbibigay alam ni Tad sa lahat na kita niya ang mga gulat sa mukha ng mga ito.
“Tangna? Kahapon fake news ngayon naman gising na ang tangnang Asul na ‘yun, pinaglalaruan ba tayo?” kumentong singhal ni Demon.
“Hindi naman siguro tayo niloloko ni Doc. Prima, prank ba?” ani ni Travis.
“Gago, si Ynarez mismo ang nakausap ko. Hindi ako puwedeng magkamali dahil rinig na rinig ko ang nakakairitang boses ni Ynarez.” Ani ni Tad kina Demon na nilingon si Omega na habang nasa likuran nito sina Sigma at Zero.
“Alam ko iniisip niyo Phantoms, akala niyo ba ako ang kaibigan niyo just because I have the same bracelet he had? I can waste money to create another replica of this wonderful bracelet, or do you want me to show my freaking handsome face to make sure, but knowing my face is like the rules your head founder had in his kingdom.” Pahayag ni Omega ng lingunin ni Paxton si Tad.
“Han, nakausap mo at nakaharap mo ng malapitan ang Omega sa ospital mo hindi ba? Is it really him?” seryosong tanong ni Paxton habang pinakikiramdaman ni Tad at pinakatitigan niya si Omega na nakatingin sa kaniya.
“Yeah, same aura, same presence.”sagot ni Tad.
“Siya din ang Omega na dumalaw sa balwarte ni Valdemor, we saw him and even now, he had the same aura of Valdemor.” Saad ni ToV.
“So can I have my leave? I have important work I need to do Phantoms. Ciao.” Paalam ni Omega bago nagsimula ng maglakad at ikinasunod na nina Sigma at Zero na pinakatitigan ni ToV dahil natatandaan niya ang dalawa iyon.
Walang emosyon naman na nakatingin si YoRi sa papalayong bulto nina Omega hanggang makasakay ang mga ito sa yacht at kumaway pa sa kanila bago tuluyang pumasok sa loob.
“Ignacio, you really thought that he was Ynarez just because of a bracelet?” ani ni Shawn kay Paxton.
“Masisisi niyo ba ako? That Omega has the same one with Ynarez, fvck! Nakalimutan ko na madami palang kayang gawin ang pera, ibig sabihin big time ang Omega na ‘yun.” Pahayag ni Paxton na ikinatapik ni Demon sa balikat nito.
“Ibig sabihin kinakalawang na ang observation haki mo, nahahasa mo ba ‘yan?” pabirong kumento ni Demon na bahagyang ikinatulak ni Paxton dito.
“Gago! Kahit ang katulad kong guwapo nagkakamali ng akala, makapagsalita kang gago ka perfect ka ba Mondragon II?”
“Yvanov, Ringfer, anong tingin niyo sa Omega na ‘yun?” baling na tanong ni ToV sa dalawa na ikinalingon nina Balance at hinayaan ang nag-aasaran na mag brother-in-law.
“He’s familiar yet unfamiliar to me, but I sense the presence of Valdemor to him.” Ani na sagot ni LAY.
“How about you, Ringfer?” baling na tanong ni Balance kay YORi na malamig ang tingin na bumaling sa kaniya.
“An asshole.” Maikling sagot ni YoRi.
“Ikaw Mondragon I, anong tingin mo sa Omega na ‘yun?” tanong naman ni Tad kay Devil na nakatingin sa yate na sinakyan ni Omega na nakaalis na sa daungan.
“I don’t know. He scream uncertainty to me.” Seryosong saad na kumento ni Devil na inalis na ang tingin sa malayo ng yate.
“Teka Phantoms? Anong gagawin natin? Tutuloy ba tayo sa Bangkok ngayong gising na si Ynarez?” tanong ni Travis ng mapalingon sila sa tesla na kulay itim na papalapit sa kanila.
Nang tumigil ito sa harapan nila ay sabay na bumaba si Lu at Taz na deretsong naglakad palapit sa kanila.
“Taz, gising na si Ynarez, and this time siya ang nakausap ni Han.” Pagbibigay agad ng balita ni Ford kay Taz.
“Are you sure Rosales?” tanong ni Lu na tangong ikinalingon ni Ford kay Lu.
“Tumawag si Doc. Prima sa akin and si Ynarez ang nakausap ko, he’s really awaken now.” Saad ni Tad na ikinalapit ni Travis kay Taz.
“Anong plano Taz? Tutuloy ba muna tayo sa Bangkok bago puntahan si Ynarez?”
“Oo nga boss Taz? Tutuloy ba tayo sa Bangkok?” ani na tanong naman ni Sergio kay Taz na seryosong nakatingin sa kanilang lahat.
“You all want to see and punch Ynarez?” tanong ni Taz na ikinangiti ng Phantoms maliban kay YoRi, Devil at Lu.
“Then, let’s re-schedule our plans today. Li Jinshi can wait for us.” Pahayag ni Taz na ikinatuwa nina Sergio.
Kaniya-kaniya na muling sakay na ang ibang Phantoms sa dala nilang mga kotse, napalingon nalang sina Demon kay YoRi ng maglakad ito palapit sa tesla na dala nina Taz.
“Oi Ringfer? Bakit kina boss Taz ka sasakay eh kami kasama mo?” tanong ni Demon na malamig ang tingin na nilingon siya ni YoRi.
“Too noisy.”walang emosyon na sagot ni YoRi na dumaretso na sa paglalakad at sumakay na sa backseat.
“Si Fritz lang naman ang maingay sa biyahe, masyadong judgemental ngayon si Ringfer samantalang pag magkakasama ang Phantoms sa iisang sasakyan hindi naman siya nagrereklamo sa ingay.” Reklamo ni Demon.
“Oi Mondragon II sumakay ka na sa kotse niyo, baka gusto mong bilisan nangangati na mga kamay kong masapak si Ynarez!” bulyaw na sita ni Paxton na pinakitaan lang ng middle finger ni Demon.
“Boss Taz baka sa Tesla mo na din ako suma—tangna Mondragon II! May sinasabi pa ako kay boss Taz!” singhal na reklamo ni Sergio ng hilahin na ni Demon ang likuran ng kuwelyo niya palayo kina Taz.
“Huwag mo ng ipagsiksikan sarili mo, lumipat nga si Ringfer kina boss Taz dahil sa ingay mo tapos doon ka pa sasakay? Anong mali sa kotse kong gago ka?!” ani ni Demon na bahagyang ikinahilot ni Taz sa kaniyang sintido.
“Masakit na ba sa ulo ang Phantoms?” tanong ni Lu kay Taz.
“Phantoms are annoying from the fvcking very start, I’m fvcking used to it Santos.”ani ni Taz na ikinalakad niya na pabalik sa tesla na ikinasunod na rin ni Lu.
Pagkapasok nila sa loob ay si Lu ang magmamaneho at sa katabi niya sa unahan si Taz habang tahimik sa back seat si YoRi.
“You’re used of them being a fvcking noisy and annoying, why not taking Mondragon II and Fritz car?” tanong ni Lu kay YoRi bago niya paandarin ang makina at umalis sa daungan.
“I don’t like how they’re talk nonsense.” Malamig na sagot ni YoRi.
“Talk nonsense? Like what?” tanong muli ni Lu.
“Nothing.” Walang emosyon na sagot ni YoRi na idinako ang tingin sa bintana.
Masasabi ni Lu na kahit iisang dugo ang dumadaloy sa kanila ni YoRi dahil sa magpinsan sila, ay marami pa siyang hindi alam kay YoRi. His own cousin is also mysterious to him, at bilang respeto sa private life ni YoRi ay hindi naman nagtatanong si Lu sa kaniyang ina tungkol dito.
“Westaria, how can you identify the differences between like and love?” malamig na tanong ni YoRi kay Taz pero sa may bintana parin ito nakatingin, na bahagyang ikinsilip ni Lu sa rear mirror upang tingnan ito dahil sa tanong nito na ngayon lang narinig ni Lu.
Bahagyang hindi makapaniwala si Lu na nagtatanong ng ganoong bagay si YoRi, kahit nasabi nito sa kanila sa meeting room nila sa north bound na like nito si Maya na na nakilala nila sa ospital, na nagugustuhan din ni Leroi, ay alam ni Lu na hindi like na naiisip nila ang meron si YoRi para kay May. Pero nagkaroon ng interes si Lu na malaman kung ang malamig ng katulad ng yelo nilang kaibigan ay naapektuhan din ng pana ni kupido.
“Why asking me about that?” seryosong tanong ni Taz kay YoRi.
“So I can avoid it.” deretsong sagot ni YoRi kay Taz.
“Like is something you’re attracted to a certain person, having interest depends on what you see to that person, like is not a stable feelings. Love is a deep affection towards a person, a feeling that you want to own them and keep until forever.” Seryosong sagot ni Taz sa tanong ni YoRi.
“Are you asking that to clear your mind if you like Maya or you’re now in love with her?” saad ni Lu na ikinalingon na ni YoRi sa rear mirror gamit ang malamig nitong mga mata.
“I don’t have romantic feelings towards her, I just like her as a person nothing more, nothing else.” Malamig na sagot ni YoRi na ikinatango ni Lu.
“Then hindi mo dapat pinagbabawalan si Gozon na lapitan si Maya, Gozon loves that woman, it clears to us that he’s just not like her, he had deeper feelings for her. So if you’re just interested to her as a person, then leave her alone.” Seryosong pahayag ni Lu.
“Women are not born to play their feelings, they are born to complete us and love us. Santos was right, don’t own a woman that you’ll just hurt at the fvcking end, Ringfer.” Pahayag ni Taz na walang imik na ikinabalik ng malamig na tingin ni YoRi sa may bintana.
“Then, I’m born to live alone.” Mahinang ani ni YoRi na tanging siya lang ang makakarinig na ikinasandal ni YoRi ng kaniyang ulunan sa sandalan ng inuupuan niya at pumikit.
*FLASHBACK*
Mula sa malayong silid sa pinakatuktok ng tore sa kabilang ibayo ng palasyo ay nakasilip lang si Yo sa may bintana kung saan kahit malayo siya ay nakikita niya ang kaniyang ama na tinuturuan ang nakakatanda niyang kapatid sa pangangabayo. Bata palang si Yo ng hindi na niya makamulatan ang kaniyang ina, lumaki siyang inililihim ng kaniyang ama na siya ay ang bunso nitong anak.
Si Yo at ang kapatid nito na si Damien ay magkapatid lamang sa ama, at dahil ang ina ni Yo ay hindi kasal sa kaniyang amang hari, ay hindi siya kinikilalang prinsipe. Kahit parehas sila ni Damien na pinanganak na panganay, ay dahil sa kanilang kaugalian na tanging panganay na anak ang uupo sa trono at lehitimong tagapagmana, nawalan na ng karapatan si Yo dahil wala sa kaniya ang epiliyido ng kaniyang ama. Pero hinayaan parin siya nito na manatili sa palasyo bilang isang tinatagong prinsipe, isang bastardong prinsipe.
“Kamahalan, bakit hindi niyo ginagalaw ang inyong pagkain?” tanong ng pilipinang tumitingin kay Yo.
“Why can't I play with father?” sambit ni Yo na hindi mawala ang inggit sa nakikita niya kay Damien at sa kaniyang ama.
“Dahil hindi ka pahihintulutan kamahalan, sa mga mata ng tao, isa ka lang alipin ng palasyo.” Malungkot na ani nito kay Yo na kahit may lungkot sa mga mata nito ay hindi nito magawang umiyak.
*END OF FLASHBACK*
Dahan-dahan na iminulat ni YoRi ang kaniyang mga mata ng bigla niyang maalala ang kaniyang nakaraan, ang pinagdaanan niya noong bata siya dahilan kung bakit naging ganito siya. Naalala ni YoRi na lumaki siyang tinatatwa ng sariling ama, lumaki siyang walang ina. At tanging sina Aling Luisita at Mang Kanor ang tangi niyang pinagkatiwalaan at pinapasok sa buhay niya dahil sa pagtanggap nito sa kaniya bilang siya, nakasama din niya ang Phantoms pero hindi niya hinayaan na mas mapalapit siya sa mga ito, at wala na siyang iba pang hahayaan na pumasok sa kaniyang buhay lalo pa at alam niyang nalalapit na ang oras na iiwan niya lahat ng meron siya sa pilipinas.
“Phantoms has its own rule, ang laban ng isa ay laban ng lahat. But in my own battle, I won’t allow Phantoms to intervene.” Malamig na pahayag ni YoRi na sadyang pinarinig niya kina Taz at Lu.
“Huwag mong ipaparinig ‘yan sa ibang Phantoms lalo na kina Ignacio, magre-react sila sa sinabi mo. We know that you’re strong, but you can’t deny that you have weakness, Ringfer, you need us, and you need Phantoms.” Seryosong ani ni Lu, habang si Taz ay tahimik nalang sa kinauupuan nito.
Hindi narin nagsalita pa si YoRi, nang makarating sila sa HIH ay sabay-sabay na silang lumabas at pumasok sa loob at tinahak ang daan papunta sa kuwarto na nilipatan ni Blue na ni-message ni Paxton kay Taz.
Pagkarating nila sa kuwarto ay nadatnan nila si Blue na sinasakal ni Demon at kaniya-kaniyang batok sina Paxton, Sergio, at Travis sa ulunan ni Blue na naririnig nilang umaangal na.
“Tangna! Kakagising ko lang Phantoms, parang gusto niyong bumalik ako sa pagkaka-com—fvck! Stop choking me Ignacio!” angal ni Blue na sina ToV, LAY, Balance at Tad na ang naglayo kina Paxton kay Blue.
“Tama na Ignacio, kakagising lang ni Ynarez.” Ngiting ani ni Balance.
“Kulang pa nga ang binibigay namin sayong hudyo ka dahil sa tagal mo kaming tinulugan na gago ka!” angil ni Paxton.
“Hihintayn ka namin na gumaling Ynarez, sa oras na magaling ka na ibabalik ka namin sa pagkaka coma mo hinayupak ka!” angil naman ni Demon.
“Maawa kayo kay Ynarez, besides, mahiya kayo kay Lolo pops, kakagising lang ng apo niya binabanatan niyo na agad.” Sita ni Shawn na ikinalingon nina Paxton kay Lolo Pops na nakangiting nakatingin sa kanila.
“Don’t mind me, I’m glad that I know that all of you are happy to know and to see that Percy is already awaken now.” Saad ni Lolo Pops.
“Narinig mo Kiosk? Basbas ni lolo pops ‘yun kaya hayaan mong sakalin ko pa ang gago na ‘yan.”ani ni Paxton kay Blue na hawak-hawak ang leeg nito.
“Wala ka bang awa Ignacio? Pasyente ako dito.”angal ni Blue na ikinabatok ni Tad sa ulunan ni Blue na hindi makapaniwalang lumingon si Blue kay Tad.
“Binatukan mo ako Han?!”
“Sorry, kusang gumalaw ang kamay ko. Bad hand.” Ani ni Tad na nilapitan si Paxton at tinapik ito sa balikat nito.
“Let him rest for now, Ignacio, he’s still in recovering stage after he wokes up. Bawi tayo if he’s fully recovered.” Ani ni Tad na ikinaingos lang ni Paxton.
“Sa susunod Ynarez, pag trip mo ulit matulog ng matagalan, sa truck ka naman magpabangga. Doon rest in peace ka talaga.” Ani ni Travis.
“Boss Taz, sinasaktan nila ako. I’m still fragile at this moment.” Nagpapa awa effect na ani ni Blue kay Taz na naglakad palapit sa kuwarto niya.
“Rest fvcking well Ynarez, because my own fvcking fist will punch your fvcking face. Keep that in your fvcking mind.” Ani ni Taz na bahagyang ikinalunok ni Blue sa banta ni Taz.
“Pa-parang ayoko ng gumaling ah.”
“Mabuti at nagdesisyon ka ng gumising Ynarez, sana inagahan mong gago ka.” Singhal ni Ford kay Sergio.
“Muntik na naming I-suggest kay lolo pops na tanggalan ka na ng oxygen eh, buti nalang trip mo ng gumising.” Ani naman ni Demon.
“Grabe naman Phantoms, damang-dama ko ang pagmamahal niyo. Salamat ah.” Sarkastikong ani ni Blue na ikinangiti ni LAY at tinapik ang balikat ni Blue.
“Welcome back, Ynarez.”
“Buti pa si Yvanov, masayang gising na ako.” Pagdadrama ni Blue ng mapalingon siya kay Lu na lumapit sa kama niya.
“I won’t hit you, it can wait. I’m glad gising ka na.” ani ni Lu.
“Hindi man halata pero masaya kaming gumising ka na Ynarez.”ngiting ani ni Balance.
“Parang hindi naman masaya si Devil at Ringfer na gising na ako, wala bang miss you hug diyan baby Devil?” ani ni Blue na sinamaan ng tingin ni Devil.
“Say that fvcking baby again, I myself will take you into coma again.” Banta ni Devil kay Blue.
“Harsh mo naman, parang namiss ko lang na tawagin kang ganun. Sinasaktan ako ng kambal mo bab—“
Hindi natuloy ni Blue ang hampasin ni Demon ng unan ang mukha ni Blue na masamang tingin ang binigay sa kaniya.
“Sa akin pa talaga nagsumbong, tadyakan ka kidney mo eh.”ani ni Demon na ikinaingos lang ni Blue bago nilingon si YoRi at nginitian.
“Ringfer, natutuwa ka naman na gising na ako diba?” ngiting ani ni Blue na malamig na tingin ang binibigay ni YoRi sa kaniya.
“I preferred you in deep fvcking sleep.”walang emosyon na sagot ni YoRi ikinanguso ni Blue.
“Isa ka ding harsh eh, sakit nun ah.” Ani ni Blue.
“Oi Ynarez nasaan ang pinagyayabang mong bracelet sa amin noon?” biglang pagbabagong tanong ni Paxton na ikinalingon nina Demon kay Blue.
“Ito ba ang tinutukoy niyo?”
Agad na napalingon sina Paxton kay Lolo Pops na tumayo sa kinauupuan nito at ipinakita ang bracelet na hinahanap ni Paxton.
“Inalis ito kay Percy, lagi ko itong dala dahil alam kong pag gising ni Percy ay isa ‘to sa hahanapin niya.” Ani ni Lolo Pops na inabot kay Blue ang bracelet nito na pinakatitigan nina Paxton.
“Mabuti naman sayo ‘to lolo pops, mahal ng bili ko dito eh.”
“Ang sabi mo Ynarez nag-iisang bracelet lang ‘yan, walang replica.”ani ni Demon na ikinalingon ni Blue sa kaniya.
“Oo nga, iyayabang ko ba ‘to sa inyo kung hindi?”sagot ni Blue na ikinalingon ni Demon kay Paxton.
“So much for that bracelet, you need a fvcking full recover, Ynarez, hindi biro ang nangyaring pagkakabangga sayo. Na-coma ka, but the fact gising na ibig sabihin kahit papaano lumaban ka. Gusto ka naming saktan dahil pinag-alala mo kami, pero honestly we’re happy that your awake now already.”saad ni Tad na inilihis na ang usapan.
“May mission kami ngayon, pero nang malaman namin na gising ka na inuna ka naming puntahan kaysa gawin ang mission. Tapos lakas ng loob mong sabihin na harsh kami, nakalimutan mo na ba? Pisikal na p*******t ang way natin ng lambingan.” Pahayag ni Sergio na bahagyang ikinabuntong hininga ni Blue.
“Pasensya na kung nakadagdag ako sa problema, imbis na nakatulong ako kay Santos, naging pabigat pa yata ako. I’m sorry Phantoms.” Ani ni Blue na nilingon naman ang kaniyang lolo pops.
“Sorry lolo pops kung pinag-alala ko kayo.”
“Ang mas mahalaga sa akin apo ay makita kang gising na, I’m sure papunta na rin sina Hoax dito.” sagot ni Lolo pops na ikinangiti ni Blue.
“Magpapagaling ako agad para makasama na ulit ako sa mga lakad natin, madami yata akong namiss na lakad.” Saad ni Blue na ikinadamba nina Sergio at Travis kay Blue na nagsimula na naman ang ingay sa loob ng kuwarto ni Blue.
SAMANTALA, sa Phuket Bangkok, Thailand ay kakarating lang ng yate na sinasakyan ni Omega. Pagkababa niya ay nakasunod lang si Sigma at Zero sa kaniya hanggang may tumigil na itim na BMW sa harapan nila na agad nilang sinakyan. Isang oras na biyahe nila ng makarating sila sa isang malaking building kung saan naghihintay si Vachinawit Chanakarn, ang pinuno ng sindikato na nangunguha ng mga babae sa pilipinas upang iangkat at ipadala sa Lithuania.
Dinala sina Omega sa malaking opisina ni Chanakarn na naghihintay sa kanila sa mesa nito na nakadekwatrong nakatingin sa kanila.
“Khn s̄ı̀h̄n̂ākāk khn nī̂ thī̀ xyāk cex c̄hạn khụ̄x khır? (Who is this masked person who wants to meet me?)” bungad na tanong nito kina Omega na deretsong umupo sa harapan nito.
“C̄hạn dị̂yin mā ẁā khuṇ mị̀ dị̂ khæ̀ lạkphā tạwp̄hū̂h̄ỵing nı filippins̄̒ thèānận tæ̀ khuṇ kảlạng kĥnh̄ā pêāh̄māy thī̀ h̄ıỵ̀ kẁā sụ̀ng ca thảh̄ı̂ khuṇ dị̂ rạb p̄hl kảrị māk k̄hụ̂n. (I heard you don't just kidnap women in the Philippines. But you are searching for a bigger goal that will bring you more profits.)” sagot ni Omega na kita niyang ikinakuha ng atensyon ng kausap niya sa kaniya.
“Khuṇ h̄māykhwām ẁā xỳāngrị? (What do you mean?)”interesadong tanong nito na inabot ni Zero ang dala nitong brown envelop kay Omega at inilapag nito sa mesa at pina slide palapit sa harapan ni Chanakarn.
Kinuha naman nito ang envelop ang tiningnan ang loob ng makita nito ang isang litrato ng magandang babae na agad ikinakinang nga mga mata nito dahil agad nakuha ng babaeng nasa litrato ang atensyon ni Chanakarn.
“I heard that you already sent twelve women that brought big profits in your bank account to Lithuania, so I brought you your 13th target.” Ani ni Omega na ikinabalik ng tingin ni Chanakarn sa kaniya.
“Why helping me?”
“I’m not helping you, it’s just I want to see something I need to witness with my own eyes.” Ani ni Omega na ikinatayo na nito sa pagkaka-upo nito.
“I’m leaving, besides, I gave you time until you’ve found. Oh! Maya Dailyn Paraon is her name, a woman that will bring big profit for you.” Pahayag na pahabol ni Omega na ikinalakad na nito palabas ng opisina at naiwan si Chanakarn na naguluhan sa huling sinabi nito.